Leander’s POV
“Nasaan si Gwen, Manang?” tanong ko sa kasambahay namin nang makapasok sa bahay. “Nasa silid niya, Sir. Kakauwi niya lang po galing ng ospital.” Isang nurse si Gwen. Dahil pag-aari namin ang ospital ay flexible ang oras niya, at para asikasuhin din ang iba kong kapatid. Hinahati-hati niya minsan ang schedule niya, basta mabuo lang niya ang required na oras sa isang araw. Walang batas sa kanya dahil pamilya ko mismo ang nagpapatupad. Exempted lang siya. Kasi nasa opisina madalas ang Nanay ko na si Lexxie dahil isa siyang pulis. Ayaw niya talagang iwan ang propesyon niya. Tumango ako sa matanda at dumeretso sa silid ni Gwen. Walang katok-katok ako, basta ko na lang binuksan iyon. Pero natigilan ako nang makita si Gwen na naghuhubad ng damit. Napataas ako ng kilay nang makita ang kabuohan niya. Well, talagang maganda ang pangangatawan ng sampid namin na ’yan. Maraming nanliligaw dyan pero madalas na basted dahil hindi naman daw iyon ang priority niya. Hindi daw, pero kung sino-sinong matanda ang sinasamahan. Kaya wala talaga akong tiwala sa kanya. Ang cheap pa. “Leander naman! Hindi ka man lang kumatok talaga!” biglang sigaw ni Gwen nang makita ako. Binalot niya rin ang sarili ng kumot na basta na lang niya hinila muka sa kama niya. “Bahay ko ito kaya bakit pa ako kakatok?” Sinuyod ko siya nang tingin. May lumitaw na hita niya, kaya kita ko kung gaano kaputi sa malapitan. “‘Wag kang mag-alala wala akong nakita. Okay?” “S-sure?” “Wala nga. Saka bakit naman ako magsisinungaling sa ’yo. Walang-wala ka nga sa nobya ko, at hindi ako interesado sa mga gaya mo. Naiintindihan mo?” “Kapatid mo ako malamang!” Napaikot ako ng mata. “In your dreams.” Naupo ako sa kama at tiningnan siya. “Ano bang kailangan mo?” aniya kapagkuwan. Napaisip ako bigla. Kapag kinuwestyun ko si Gwen, baka makarating sa lalaki nito, e ‘di mabulilyaso ang hawak kong kaso. ‘Wag na lang pala. “Oh, nothing.” Sabay tayo ko. Walang sabi-sabi ring lumabas ako ng silid niya. Pero bago ko sinara iyon ay hinagod ko siya nang tingin, saktong tinanggal niya ang balot sa katawan niya sa pag-aakalang naisara ko na. Dapat magtatrabaho ako noon, pero tumawag ang nobya ko kaya sinundo ko siya sa unibersidad na pinapasukan namin Wala akong pasok ngayon dahil wala akong schedule, bukas pa. Saka ilang linggo na lang ay graduation na namin. Kaya madalas walang pasok ako. Dahil mahilig si Millie sa car racing, dinala ko siya sa circuit na malapit. Pero hindi ko akalaing makikita ko si Gwen doon. Nanonood lang siya mag-isa. Wala siyang katabi. Pero bigla siyang nawala kaya pinahanap ko siya. Nang makita ni Aldrin ay pinasundan ko. Sumakay daw siya nang magarang sasakyan, hindi raw niya nakita ang driver kaya ako na ang sumunod sa sasakyan na iyon. Pinahatid ko na rin si Millie dahil hindi ko siya pwedeng isama sa misyon. Pasado alas diyes na noon ng gabi nang huminto ang sasakyan na kinalulunanan ni Gwen sa isang club. Kaya hindi ko maiwasang magkunot ng noo. Really? Nagpupunta si Gwen sa ganitong lugar? Damn! Marami talaga kaming hindi alam sa kanya. Tanaw ko mula sa malayo ang pagkapit ni Gwen sa lalaking iyon. Walang iba kung hindi ang target namin. Kaya naman agad kong tinawagan at humingi nang tulong para makapasok sa high-end club na iyon. Nang sabihin sa akin ng isang agent namin na naka-register ang club na iyon sa isang Jet Serrano ay tinawagan ko si Kenjie para itanong kung kanila ba iyon. Siya lang naman ang alam kong Serrano na may koneksyon sa underworld pagdating sa Pilipinas. Tama nga ako, pag-aari nila na nakapangalan sa pinsan ng kanyang ama kaya nagawa kong pakiusapan. Papasok pa lang ako nang salubungin ako ng isang bouncer at lalaking nagpakilalang Manager ng club. Marahil na naitawag na ni Kenjie ang pagpasok ko. Binigyan kami ng pwesto katabi ng aming sadya, kaya rinig namin ang pinag-uusapan nila. Mahigit bente minutos din nang dumating ang kaibigan kong si Kenjie para personal akong ipakilalal. At dahil gusto pala siyang makilala ng sadya naming si Mr. Julio Fajardo, na kasama ni Gwen ay sinama niya ako sa kabila. Natigilan si Gwen nang makilala niya ako. Hindi siya makatingin nang maayos mayamaya. Pero hindi naman siya ang sadya ko roon kaya pinalis ko ang tingin sa kanya. “It’s nice to meet you, Mr. Fajardo.” Nakipagkamay si Kenjie dito pagkuwa’y tumingin sa akin. “Anyway, this is Irwin Chavez, my important guest from Italy.” Lumapit ang Manager kay Julio at bumulong. Napaawang siya ng labi sa sinabi ng Manager. Sa utos namin, sinabi niyang member ako ng Sangue Intoccabile. Of course, kilala kami dahil isa ang SI sa pinaka-popular na Mafia sa buong mundo. “Great to meet you, Mr. Irwin Chavez.” Matamis na ngumiti ako sa kanya at nakipagkamay rin. Hindi maalis-alis ang ngiti niya. Nang makaupo kami ay halata ang pabibo niya sa akin. Marami siyang sinabi tungkol sa Sangue kaya talagang mukhang gusto niyang makakilala ng miyembro man lang dito sa Pinas. Big shot para sa gaya niya ang presensya ko. Maraming gang dito sa Pinas ang gustong makuha ang tiwala ng Sangue Intoccabile noon pa man. Isa na ang Markesa, subalit walang nagwagi dahil hindi kasali ang Pinas sa gustong masakop ng SI. Iyon ang isa sa batas ng SI na ginawa ng aking Lolo na si Sebastian. Maraming na-scam nga sa black market. May magbenta doon ng koneksyon kuno sa SI. Hindi nila alam na matagal nang may SI dito sa Pinas, ginagamit lang ang koneksyon na iyon ng Alleanza kapag kinakailangan gaya nito.LEANDER’S Pov“WHERE is she?” agad kong tanong nang makarating sa banyo. “N-nasa loob, boss.” Naka-out of order ang banyo na iyon dahil nasa loob si Gwen.Walang sabi-sabi na tinulak ko ang pintuan ng banyo ng pambabae, nakita ko si Gwen na basang-basa na ng tubig. Medyo madulas na ang sahig dahil halos maligo na siya. Kaya naman walang sabi-sabing pinangko ko siya. Saktong kakarating lang din ni Kenjie, hingal na hingal. “Nakahanda na ang opisina ko. May private room doon, pwede niyong magamit.”“Thanks, dude.”“No worries. Um, about sa request mo, sorry, pero important guest din kasi namin si Fajardo. Hindi kita mapagbibigyan.” Sinasabayan ako ni Kenjie nang hakbang noon.“It’s okay—Gwen!” biglang sigaw ko nang haplusin ni Gwen ang aking dibdib. Nagdulot iyon nang kakaibang init sa akin. I like it, pero ayokong kay Gwen manggagaling iyon.“Make it faster, dude. Nagsisimula nang tumaas,” ani ni Kenjie sa akin. Nagpatiuna na siya sa akin. Alam niya rin ang gamot na iyon dahil normal
Leander’s POV “Oh my God! I can’t believe na makakakilala ako ng mahalagang tao ngayong gabi. Lucky charm ka nga, Gwen!” Baling nito kay Gwen. Muntik pa ngang mahalikan sa sobrang saya. Alanganin ang ngiti sa amin ni Kenjie ni Gwen. Kilala ni Gwen si Kenjie dahil kaibigan ko siya at nakikita niya rin sa mga party. “Nga pala, meet my date tonight, Mr. Chavez. Her name is Gwen. Pero kung gusto mo siya, available siya tonight. Just for you. Right, Gwen?” “Mr. Fajardo, wala ito sa—” “Shut up,” putol ng matanda sa sasabihin ni Gwen. “Just entertain him tonight, makukuha mo ang kailangan mo sa akin. Pangako,” dinig kong bulong ni Fajardo na ikinakunot ko ng noo. ‘Wag sabihin ni Gwen na nakikipag-trade ang sampid na ito? Ng ano naman kaya? Tumaas ang aking kilay at ngumisi. “Is she available, Mr. Fajardo?” “Of course, Mr. Chavez! Of course!” papalatak niya. Binalingan ulit ng matanda si Gwen. Bakas sa mukha niya ang ayaw kaya muli akong nagsalita. “I like her, Mr. Fajardo. Pero p
Leander’s POV “Nasaan si Gwen, Manang?” tanong ko sa kasambahay namin nang makapasok sa bahay. “Nasa silid niya, Sir. Kakauwi niya lang po galing ng ospital.” Isang nurse si Gwen. Dahil pag-aari namin ang ospital ay flexible ang oras niya, at para asikasuhin din ang iba kong kapatid. Hinahati-hati niya minsan ang schedule niya, basta mabuo lang niya ang required na oras sa isang araw. Walang batas sa kanya dahil pamilya ko mismo ang nagpapatupad. Exempted lang siya. Kasi nasa opisina madalas ang Nanay ko na si Lexxie dahil isa siyang pulis. Ayaw niya talagang iwan ang propesyon niya. Tumango ako sa matanda at dumeretso sa silid ni Gwen. Walang katok-katok ako, basta ko na lang binuksan iyon. Pero natigilan ako nang makita si Gwen na naghuhubad ng damit. Napataas ako ng kilay nang makita ang kabuohan niya. Well, talagang maganda ang pangangatawan ng sampid namin na ’yan. Maraming nanliligaw dyan pero madalas na basted dahil hindi naman daw iyon ang priority niya. Hindi daw, pero
Leander’s POVSERYOSONG nag-scroll ako noon sa telepono nang tawagin ako ng aking kaibigang si Kenjie. Nasa mall kami noon dahil nagyaya nga siya kasama ng iba pa naming kaibigan. Dahil wala naman akong klase, sumama naman ako. At heto, hinihintay ko nga ang aking nobya na si Millie. Magkaibang unibersidad kami ni Kenjie pero magkaibigan kami dahil sa grandparents namin.“Ang Ate Gwen mo ’yon, right?” May nginuso siya sa akin na babae.Napataas ako ng kilay nang tingnan nga ang gawi na iyon. Si Gwen nga.“Hindi ko Ate si Gwen,” paalala ko sa kanya nang makilala ang nginuso niya. Yes, Gwen lang ang tawag ko talaga sa kanya dahil hindi ko naman siya kadugo. Kahit na sabihing bilang respeto man lang dahil sa matanda siya sa akin, pero ayokong tawagin siyang Ate. Ayoko! “Sino ang kasama niya?” tanong sa akin ni Kenjie.“Malay ko.” Akma kong ibabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang biglang may umakbay kay Gwen. Hindi ko makita ang mukha niya pero… parang may edad na? Damn! Matanda pa
Alam ko, kapatid lang ang turing ko sa kanya, pero bakit mahal ko siya nang higit pa roon? -Gwen *** Gwen’s POV Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin nang umagang iyon. Wala akong duty ngayon sa ospital pero sa bahay meron. Final exam nngayon ng mga kapatid ko kaya kailangan ko silang gisingin nang maaga. Sabay-sabay ang schedule nila. Mabilis kong hinilamusan ang mukha ko at lumipat sa kabilang silid. Bumungad sa akin ang magulong silid ng kambal na si Artemis at Hera. May mga nakakalat na libro at mga papel sa sahig, sa may tabi ng basurahan. Mukhang puspusan ang pag-aaral nila. Himala nga kay Hera, puro notebook ang nakabulatlat, hindi ang mga makeup kit niya. Sanay akong si Artemis lang ang maraming libro sa mesa. Ginising ko na sila bago lumabas ng silid nila. Si Bastian naman ang sunod kong pinuntahan. Gising na siya at nakaligo. Nagbabasa rin siya ng libro kaya napangiti ako at binigyan ng thumbs up. Walang kalat rin kaya lumabas na ako para puntahan ang pinakamati