Share

The Brother I'm Forbidden To Love
The Brother I'm Forbidden To Love
Author: AVA NAH

TBIFTL — Prologue

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-08-31 12:32:43

Alam ko, kapatid lang ang turing ko sa kanya, pero bakit mahal ko siya nang higit pa roon?

-Gwen

***

Gwen’s POV

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin nang umagang iyon. Wala akong duty ngayon sa ospital pero sa bahay meron. Final exam nngayon ng mga kapatid ko kaya kailangan ko silang gisingin nang maaga. Sabay-sabay ang schedule nila.

Mabilis kong hinilamusan ang mukha ko at lumipat sa kabilang silid.

Bumungad sa akin ang magulong silid ng kambal na si Artemis at Hera. May mga nakakalat na libro at mga papel sa sahig, sa may tabi ng basurahan. Mukhang puspusan ang pag-aaral nila. Himala nga kay Hera, puro notebook ang nakabulatlat, hindi ang mga makeup kit niya. Sanay akong si Artemis lang ang maraming libro sa mesa.

Ginising ko na sila bago lumabas ng silid nila. Si Bastian naman ang sunod kong pinuntahan. Gising na siya at nakaligo. Nagbabasa rin siya ng libro kaya napangiti ako at binigyan ng thumbs up. Walang kalat rin kaya lumabas na ako para puntahan ang pinakamatigas na ulo na si Leander.

“May kasama siya, Manang?” tanong ko kay Manang Dina nang makita siya. Kakalabas niya lang mula sa guestroom para magpalit ng bedsheets.

“Opo. Nandyan si Ma’am MJ.”

Tumango ako bago binuksan iyon. Kailangan ko siyang gisingin talaga ngayon dahil may exam siya ngayong umaga. Graduating student si Leander at Aerospace Engineering ang kinukuha niya.

As usual, hubad ang dalawa nang pumasok ako. Sanay na ako na ganito silang dalawa kaya hindi ko na sila tinapunan ng nang tingin

Alam kong magagalit si Leander sa akin kaya si MJ ang ginising ko.

“Hey, may exam si Leander ngayon. Paglabas ko, pakigising, utos kamo ni Nanay. Okay?”

“Yes, Ate Gwen.” Papungas-pungas pa si MJ noon.

“Good.”

As usual, niligpit ko lang ang mga damit nilang nakakalat kasama na ang condom na basta lang tinapon. May dala na akong gloves para sigurado. Lagi naman kasing may nakakalat kapag pumapasok ako sa silid ni Leander.

Tinanguhan lang ako ni MJ nang lingunin ko. Pero bago ako makalapit sa pintuan ay narinig ko ang boses ni Leander.

“Who are you talking to?” dinig ko sa mahinang boses ni Leander.

“Si Ate Gwen,” sagot naman ni MJ.

“What?!”

Nang marinig ang boses niya ay nagmadali akong lumabas ng silid niya.

“Gwen!” tawag sa akin ni Leander sa pasigaw. Mabuti na lang at naisara ko na ang pintuan.

Ilang beses na niya akong sinabihan na ‘wag nang pumasok. Minsan naman hindi, kaso exm nila ngayon at binilin iyon ni Nanay kagabi bago siya matulog, kaya wala siyang magagawa.

Since tapos ko na ang aking routine ay sa kusina naman ako tumulong para ipaghanda ng almusal ang mga kapatid ko.

By blood, di ko sila kapatid, pero by heart, oo. Ang mga Madrid ang nagbigay sa akin ng second chance para mabuhay uli. Inampon nila at minahal ako at pinag-aral sa magandang eskwelahan. Kaya malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila.

Ah, maliban lang pala sa panganay ng mag-asawang Madrid na si Leander. Sukang-suka sa presensya ko. Naiinis siya kapag nakikita ako.

Pagkatapos kong tumulong ay nauna na akong kumain dahil haharapin ko ang paglalabada ng aking mga damit. Hindi ko sinanay ang mga kasambahay na labhan ang akin dahil hindi naman nga ako totoong Madrid. Ang lamang ko lang sa mga kasambahay, anak ang turing at tawag sa akin ng mag-asawa. Pero kahit na ganoon, alam ko pa rin kung saan ang lugar ko. Hindi ako nagpapabigat.

Dahil konti lang ang nilabhan ko, natapos ko agad na banlawan. Kasalukuyan akong nag-dryer nang biglang lumitaw si Leander. May nasagi siyang balde na ginamit ko kaya tumingin ako.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na bawal ka nang pumasok sa silid ko! Damn it! Hindi mo ba maintindihan talaga o sadyang bobo ka?”

Bigla kong nabitawan ang dryer dahil sa huling sinabi niya. Hindi ako gumamit ng automatic washing machine, sa mismong maliit lang na dryer ako.

“Sumusobra na ang bibig mo, Leander,” ani ko.

“Why? Does it hurt? So, totoong bobo ka? I wonder kung paano ka nakapasa bilang nursing?”

Biglang nanginig ang laman ko sa sinabi ko. Pakiramdam ko, pinipiga ang dibdib ko. Talagang inulit ba naman.

Imbes na magsalita ay walang sabi-sabing sinampal ko siya. Natigilan siya sa ginawa ko na sapo ang pisngi na pinatamaan ko, pero saglit lang iyon.

Akmang hahawakan niya ang dami ko nang may yumakap sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sumubsob na ang mukha niya sa aking balikat. Pero sa amoy ng pabango niya, kilala ko na. Si Bastian.

“You deserved it, Kuya! Sumusobra ka na kay Ate Gwen!” ani ni Bastian nang bumitas sa akin at hinarap ang kapatid.

“Get out of my way, Bastian!” singhal ni Leander sa bunso nila

“No!” Sabay dipa ni Bastian para protektahan ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa akin. May sariling mundo nga rin kasi si Bastian, pero sumusunod siya sa akin na parang Ate. Mas madalas ako ang tawagin niya kay sa kay Leander.

“It’s okay, Bastian. Hindi ako sasaktan ng Kuya mo. Okay?” ani ko.

Bumaling siya sa akin na hindi inaalis ang pagdipa. “Hindi mo ba siya nakita? Gusto ka niyang patulan, Ate.”

“Hindi mangyayari iyon. Ako pa rin ang matanda sa kanya kaya may pagppigil pa rin siya. Sige na, bumalik ka na sa loob. May sasabihin lang ako sa Kuya mo.”

“You sure, Ate?”

“Hmm.” Kasabay niyon ang pagtango ko.

Bumaling si Bastian kay Leander.

“I’ll watch the CCTV, Kuya. If you hurt her, isusumbong kita kay Nanay at Tatay,” pagbabanta ni Bastian, sabay alis.

Sinundan lang nang tingin ni Leander ang kapatid. Nang mawala ito sa paningin niya ay sa akin naman siya bumaling.

“From now on, si Manang na ang bahala sa silid mo. Kakausapin ko si Nanay para hindi na ito maulit. Pero hindi ako hihingi nang paumanhin sa ‘yo kasi hindi ako mali.”

“Mabuti naman at natauhan ka na.” Tumaas ang sulok ng labi ni Leander.

“Please be patient, Leander. I’m working on it. Malapit ko nang mahanap ang Tatay ko. Kapag nangyari iyon, aalis ako kaagad rito. Pangako.”

“Glad to hear that, Gwen.” Tumalikod na rin siya kaagad.

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala si Leander sa aking paningin.

Talagang ayaw niya ako. Kaya ‘wag siyang mag-aalala, mas dodoblehin ko ang paghahanap sa aking ama para makawala na rin dito.

Noon, hindi ko pinapansin ang trato sa akin ni Leander. Sumusunod lang naman ako kay Nanay dahil wala siyang tiwala sa iba na mag-aasikaso sa mga anak niya.

Simula nang araw na iyon, inabala ko ang sarili ko sa paghahanap sa aking Tatay. After ng shift ko sa ospital, uuwi lang ako para magbihis. Since isang dating car racer ang ama ko ay doon ako nagsimula. Marunong ako magmaneho ng sasakyan kaya ginamit ko iyon. Nag-training ako para makapasok sa isang circuit kung saan marami ang car racer na nagpupunta. Sobrang tagal na pero meron pa naman sigurong lead doon pagdating sa aking ama. Talagang Gusto kong umalis na sa bahay ng mga Madrid para magkaroon na ng peace of mind si Leander.

At nakilala ko doon si Mr. Julio Fajardo, isang businessman. At ang business niya? Ang magbenta ng mga impormasyon.

Pero hindi ko akalaing magkukrus ang landas namin ni Leander sa isang club. Kasama ko noon si Mr. Fajardo dahil pumayag ako na maging date niya nang gabing iyon kapalit ng impormasyon ng aking ama. Hindi ko akalaing basta lang niya ako binenta kay Leander. Alam ko na ang business nila sa Alleanza Oscura kaya hindi na ako nagtaka nang magpakilala siyang Irwin Chavez.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Christina
Anong pong story bago to? Tnx Ms. A
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
sisimulan ko na talaga Ms A... ready ng amg notes.. ahahahhaa
goodnovel comment avatar
Che Che
Sa wakas naumpisahan ko na din miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 40

    Gwen’s POVMAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.Siya ba talaga ang ama ko?Medyo hawig ang mata namin pati ang kilay, the rest, sa Mommy ko na, e. Napasandal ako sa headrest ng kama saka muling tinitigan ang litrato. May excitement naman akong nararamdaman kahit na lukso ng dugo, pero parang hindi ako masaya na makita siya.Oras na magkita kami, sigurado akong maraming magbabago sa amin ni Leander. Una sa lahat, baka kunin na ako ng ama ko base sa pagkakasabi ni Fajardo na pinapahanap niya rin ako. Sasama naman talaga ako sa kanya kung sakali. Pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Baka sakaling maging busy ako at makalimutan si Leander. Kaya nga dapat magpasa na ako ng resignation. Saka pwede naman akong pumasok sa iba para tuluyang makaiwas kay Leander.Napatingin ako sa

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 39

    Gwen’s POVNAGPAHINGA ako sa practice dahil sa aksidente na iyon. Saka naka-schedule ang alis namin papuntang Dubai para sa 3-day rehearsal sa mismong circuit na paggaganapan kaya sabi ni Coach, doon na lang daw ako bumawi.Kahit na masama ang pakiramdam, pumasok pa rin ako noong araw na iyon. Hinatid ko pa si Bastian dahil wala siyang driver. Hindi rin siya makapag-drive dahil sa coding siya. Ayaw naman niyang makialam sa sasakyan ni Leander dahil madalas silang nag-aaway pagdating sa bagay na ‘yan, kaya naman hinatid ko na lang siya.Wala rin si Aldrin dahil biglang umalis para sumunod kay Leander. Hindi naman nila nabanggit ang dahilan sa akin.Maaga pa naman kaya saglit akong nag-stay sasakyan ko. Maaga akong gumising talaga para ihatid si Bastian kaya talagang maaga akong makakapasok ngayon.Nag-scroll lang akong video sa social media noon nang may kumatok sa sasakyan ko. Tumingin ako sa labas. Napalunok ako bigla nang makita si Fajardo sa labas. “A-anong kailangan mo?”“Wala ako

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 38

    Gwen’s POVHINANAP ko ang cellphone ko nang maalalang hindi ko na-text si Leander simula nang pumasok ako. Sigurado akong maraming call at text na naman siya. Sa loob ng isang linggo, ganoon siya. Madalas gusto niya akong kausap. Kahit nga na may duty ako, talagang tumatawag. Kaya nag-aalala akong magalit siya. Dalawang text at call lang ang meron si Leander nang buksan ko. Himala. Pero okay na ‘yon kaysa tadtarin niya ang cellphone ko.May practice kami ngayon kaya nagpaalam ako kay Leander na pupunta ng circuit sa pamamagitan ng text. Alam naman niyang tauhan ako ni Blaze.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ni Aldrin sa akin.“Sa circuit,” sagot ko naman.“Ho? Alam po ni Sir?”“Nag-text na ako, hindi pa nag-reply. Baka busy lang o tulog pa.”“Sige po.”Hanggang sa labas lang naman si Aldrin sa circuit maghihintay sa akin. Nawala sa isipan ko na nandoon si Cyrus kaya hindi ko siya napansin nang pumasok ako sa circuit, mabuti na lang at lumapit siya sa akin. “I’m glad nakarating ka ngayo

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 37

    Leander’s POVVerona, Italy…TINANGGAL ko ang suot kong black aviators nang makalabas ng sasakyan. Kita ko agad ang mga tauhan na naghihintay sa akin, maging ang mga kasambahay ng malaking bahay na iyon. Bakas man ang kalumaan pero mas bakas kung gaano iyon katatag gaya na lang samahang nabuo rito sa Italy.“È un onore rivederla, Il Giovane Don,” ani sa akin ng sumalubong na matanda. Ang ibig niyang sabihin ay ikinagagalak niyang makita akong muli. Matagal na siyang naninilbihan si Tirso sa amin. Ang pamilya nila ang isa sa pinaka-loyal sa mga Madrid. Mula pa sa great-grandfather ko, ganyan na sila hanggang sa mamuno si Don Sebastian, ang ama ni Tatay.“L’onore è mio,” sagot ko rin. Kaseryosohan lamang ang makikita sa mukha ko nang sumunod sa kanya. Ini-expect ko nang maraming sasalubong sa akin kaya hindi muna ako nagpahinga sa kwarto ko. Ganoon si Tatay kapag bagong dating noon, lahat kakausapin para sa update. Kapag nandito ako tapos wala si Tatay, sa akin sila pwedeng mag-report.

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 36

    Leander’s POV“ANDAMI naman niyan, Amore,” ani ko nang makita ang pasalubong ni Gwen sa mga katrabaho niya.Right after naming pumunta sa bahay nila dumaan kami sa isang store na nagbebenta ng mga souveneir. Si Gwen lang ang bumaba dahil baka nga may makakita sa amin. Pero hindi ko akalaing marami siyang bibilhin. Lahat ba ng kasamahan niya, bibigyan niya?“Dumami lang dahil sa shirts at mugs.”“I can see that.” May pinasok ang sumundo sa kanya sa kabilang sasakyan na dalawang malaking plastic. “Pero hindi ba sobrang dami?”“Kulang pa nga, e. Pero dahil kailangan na nating bumalik, next time na lang.” Inayos niya ang upo niya sa tabi ko kapagkuwan at tiningnan ang mga pinagbayaran. “Let me cover that for you.” Akmang kukunin ko ang hawak niyang papel na resibo ng pinagbayaran nang itago niya sa kabilang gilid niya.“No! Pasalubong ko ‘to sa mga katrabaho ko kaya pera ko ang gagastusin.”“C’mon. Ako ang lalaki-”“Please, Leander? Kaya ko naman. Saka magkano lang ‘to, o.”Saglit ko siya

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 35

    Gwen’s POV“SAAN ang punta natin?” tanong ko kay Leander pagkasakay namin ng sasakyan.“Out for lunch,” nakangiting sagot niya sa akin.Nanlaki ang mata ko. “B-bakit sa labas pa? Pwede naman dito, a! Paano kung may makakita sa atin?”“Don’t worry, tayo lang ang tao doon.”“Oh. Nag-rent ka naman?”Ngumiti lang siya sa akin bago pinasibad ang sasakyan. Habang nasa biyahe, binuksan ko ang bintana ng sasakyan. Gusto kong maramdaman ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon. Ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking balat pero ayos lang. Nakaka-miss ang ganitong klima.Noong bata ako, hinahanap-hanap ko ang ganitong klima. Isa pala sa dahilan, dito kami naglagi noon ni Mommy. Siyempre, bata pa ako kaya hindi ko matandaan kung nasaan ba kami. Ang alam ko lang, klima.“Hey. Ang seryoso mo, Amore,” untag niya sa akin. “Anong iniisip mo?”“Wala, naalala ko lang ang kabataan ko.” Bahagya ko siyang hinarap. “Alam mo bang sa Baguio kami nag-stay ng matagal ni Mommy bago ako mapunta sa inyo.”“Rea

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status