LOGIN
LOGAN
"Fuck..." inis na mura ko sa aking isipan. Nahihirapan akong mag-focus sa trabahong nasa harap ko. Alam kong bawal titigan ang kahit sino sa empleyado ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
Huminga ako nang malalim habang dahan-dahang pinagmamasdan ang katawan ng aking secretary habang nag-aayos ng gagamitin para sa conference mamaya.
Sakto lang ang kurba—hindi kulang, hindi sobra. Matangos ang ilong, litaw ang cheekbones, at ang haba ng bagsak ng dark brown niyang buhok na bahagyang sumasayaw sa balikat niya kapag gumagalaw siya. Sobrang ganda niya. At siya ang eksaktong depinisyon ng babaeng gusto kong maging ina ng anak ko.
Ng tagapag-mana ko.
Siguradong-sigurado na ako sa kanya. Pagkatapos kong paimbestigahan ang background niya, nalaman kong kailang-kailangan niya ng pera. Palaging nasasangkot sa gulo ang nakababatang kapatid niya, at kahit wala rin siyang gaanong pera, siya pa rin ang palaging tumatakbo para iligtas ito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya, kaya alam kong hindi niya matatanggihan ang alok ko.
Isang taon at kalahati na ring secretary ko si Irina Madrid. Hindi ko pa siya nakakausap nang masinsinan dahil sa personal assistant kong si Cesar lang siya kumuha ng utos. Pero alam kong napakasipag niya. Natatapos niya ang lahat ng trabaho nang on-time, at kailanman ay hindi kami nagkaroon ng dahilan para sigawan o pagalitan siya. Palagi ring maaga pumasok, at gustong-gusto ko sa tao 'yung maagap at dedicated.
Kailanman ay hindi ko siya nakitang nagkasakit o lumiban sa trabaho.
Laging nakatutok lang siya sa trabaho niya at hindi nakikisali sa tsismisan ng ibang empleyado na halos gawin nang career ang pakikialam sa buhay ko. Ayon sa report ng private investigator, malinis ang record niya at nagbo-volunteer pa sa community service paminsan-minsan. Isang babaeng katulad niya ang kailangan ko. Kapag nag-umpisa nang mag-usap-usap ang mga tao, wala silang maibabatong dumi laban sa kanya maliban sa kapatid niya—na mabilis ko namang magagawan ng paraan. Madali ko lang itong maipapadala sa abroad para doon magpakatino.
Namatay ang mga magulang nila ni Irina sa isang car accident. Sixteen pa lang si Irina noon habang ten years old naman ang kapatid niya, pareho pang bata. Nalaman ko rin na may naiwang malaking mana ang mga magulang nila, kaya lang nakuha ng makasarili nilang tiyo at ipinasa sa kompanyang nalugi rin agad.
Nagsikap si Irina na makabangon mula sa ibaba. Buong college life niya, scholar siya at patunay na talagang matalino siya. Kailangan ng anak ko ang talinong iyon. Ang tagapag-mana ko ay kailangang may ambisyon at may determinasyong magsumikap, kaya naman si Irina ang pinili ko.
Madami na siyang pinagdaanan at may mga problema pa rin sa kapatid niya, pero hindi siya sumusuko. Iyon ang hinahangaan ko sa kanya. Pinili ko siya dahil hindi babagay ang ibang babaeng dine-date ko. Puro pera lang ang habol ng mga 'yun, gold digger, at karamihan pa ay walang laman ang utak. Ayaw kong lumaking walang kuwenta ang anak ko tulad nila.
"Thank you, Irina" wika ng assistant kong si Cesar. Lumingon si Irina at lumabas na ng silid.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya habang naglalakad siya palayo. Sa totoo lang, hindi naman ako butt person, mas paborito ko ang dibdib ng babae. Gusto ko 'yung maganda ang hubog, kahit hindi masyadong malaki, sakto lang na parang laki ng dalandan.
"Cesar will take over from here," nakangiting sabi ko bago tumayo para simulan ang presentation.
Ang Dantez Pharmaceutical Group ay gustong makipag-partner sa akin. Kapag nag-invest sila sa kompanya ko, malaking kita ang babalik sa kanila. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit gusto nilang makipag-deal sa akin.
Kilala ang Buenavista Group of Companies sa buong mundo. Maraming gustong makipag-trade sa amin dahil maganda ang serbisyo namin, bukod pa sa madalas kaming tumulong sa mga charity at nagbibigay ng donasyon sa mga nangangailangan. Siyempre, madadala talaga ang mga tao sa amin. Ang layunin namin ay magbigay ng magandang serbisyo at bumuo ng magandang relasyon sa negosyo.
Pagkatapos ng meeting, naisip kong oras na para ilatag ang deal ko kay Irina.
Habang hinihintay ko si Cesar na tawagin si Irina, nag-search muna ako sa internet ng mga libro tungkol sa kung paano maging mabuting ama. Kahit na kasunduan lang ang pagkakaroon namin ng anak ni Irina, plano kong maging hands-on na ama.
Napaangat ang tingin ko mula sa computer nang bumukas ang p***o ng opisina ko.
"Sir Logan... I heard you have requested to see me." Bukod sa halatang kinakabahan siya sa mukha niya, halata rin ito sa boses niya. Hindi ko rin naman siya masisisi, kung ako rin naman ang ipatawag ng boss na hindi ko man lang nakakausap kailanman, mamamatay rin ako sa kaba. Baka iniisip niyang tatanggalin ko siya sa trabaho.
"Yes, Ms. Madrid, please come and have a seat." Pinilit kong ngumiti para maibsan ang tensyon sa silid.
Nung makaupo na siya, nagdesisyon akong direktahin na agad siya. "You must be wondering why you're here talking to me and what you have done." Tumango siya. "But let me tell you this, it's not what you have done. It's what your brother has done and keeps doing."
"Iñigo?" gulat niyang tanong, pero agad ding napabuntong-hininga na parang sanay na sanay na sa ganitong balita. "Anong ginawa niya sayo, Sir? May atraso ba siya?"
"Oh no, your brother hasn't done anything to me. Napansin ko lang na palaging nasasangkot sa gulo ang kapatid mong si Iñigo—pakikipag-away, pagkasira ng sasakyan ng iba, at lahat 'yun dahil sa babae. Nandito ako para tulungan ka. Para matapos na ang lahat ng pinagdadaanan mo. Babayaran ko ang lahat ng pinsalang ginawa ng kapatid mo," alok ko.
Nakatitig lang siya sa akin sa gulat. "B-Bakit niyo po gagawin iyon?" buong pagdududa niyang tanong.
Napangiti ako. Alam kong tamang tao ang pinili ko. Matalino siya, sino nga naman ang mag-aalok na magbayad ng lahat ng utang mo nang walang hinihinging kapalit? Alam niya ang takbo ng buhay.
Walang libre sa mundo.
"You'll have to conceive my baby."
Napaangat ang mga kilay niya at natahimik siya nang ilang sandali. "Ano?!"
"You'll have to conceive my baby, Irina."
"I heard you the first time, Sir Logan. I'm just shocked. Nagulat lang ako. Nalilito." Umiling siya at tinitigan ako nang maigi. "Seryoso ka ba?" sabi niya nung mapag-isipang hindi ako nagbibiro.
"Dead serious. I need an heir, and you're perfect for the job." Bahagyang namula ang pisngi niya nung purihin ko siya.
"So you'll remove all my debts?" tanong niya.
"Yes, and I'll even give you two million extra para makapagsimula ka ng mas magandang buhay, para magawa mo kung ano talagang gusto mo. Pwede kang magbukas ng sarili mong restaurant o coffee shop, kahit ano. Kakayanin kong tuparin ang mga pangarap mo."
"Just by having a baby with you? Anak lang talaga?" tanong niya na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Yes."
Umiling siya. "Sorry, sir. Pero... nababaliw na ba kayo?"
"Nasabihan na ako ng baliw ng maraming tao noon, pero hindi ko iniisip na baliw ako... wais lang." Wais para malaman na ito ang pinakaperpektong solusyon sa mga problema naming dalawa. Kailangan ko ng anak, kailangan niya ng pera.
Isang napakagandang palitan.
"Oh, yeah. Well, those two words have different meanings," nakatungong sabi niya. "Gusto mo akong bayaran para magkaanak sa 'yo. Tingin ko talaga baliw ka, sir." Itinaas niya ang dalawang kamay niya at pwestong parang nagse-sign language ng baliw.
"Why is it crazy?"
"Well, for one, napakaraming magagandang babae diyan na magkakadarapa magdalang-tao para sa 'yo. For God's sake, you're Logan Buenavista, a billionaire, at ako si Irina Madrid, isang walang-wala, ordinaryong tao lang. At ako pa talaga ang pipiliin mo?" Natatawa siyang umiling. "Gusto mo ba pagtawanan ka ng mga tao?"
"You're right. Libo-libong babae ang gustong magkaanak sa akin, at maniwala ka, marami nang nagtangkang linlangin ako. May mga babaeng hindi ko man lang kilala ang biglang lalapit sa akin at sasabihing buntis sila sa akin. 'Yung mga nakasama ko naman sa kama, sinusubukang idaan ako sa condom trick. Kaya tama ka, napakaraming babae ang gumagawa ng kung anu-anong kabaliwan para lang magkaanak sa akin, pero kailanman hindi sila nagtagumpay. Ayoko ng gold-digger para maging ina ng anak ko."
"How do you know I'm not a gold-digger?"
"Are you?"
"Hindi!"
"Then what more do I need to know?"
Umiling uli siya. "You don't know anything about me, Sir Logan. Hindi ako kasing buti ng iniiisip mo."
"I know enough, Irina," I shot back.
"Katulad ng ano?"
"Kailangan mo ng pera para makalabas sa lahat ng utang ninyo ng kapatid mo."
Tumango siya. "Well, alam mo 'yun, pero hindi mo ako kilala bilang tao. Paano kung masamang babae pala ako?"
"Ang masamang babae, hindi tatawagin ang sarili niyang masama o magtatanong ng ganyan. Ang masamang babae, kanina pa ako pinormahan at nilalandi nung nag-umpisa siyang magtrabaho rito."
Natawa siya. "Talagang nababaliw ka na."
"Yeah, you've said that before," medyo inis kong sabi sa paulit-ulit niyang pagsasabi iyon. Hindi naman 'yun kabaliwan, isa 'yung napakahusay na ideya kung saan pareho kaming makikinabang.
Natahimik kami nang ilang sandali bago siya muling nagtanong. "May... parte ba ako sa buhay ng magiging anak mo... ng anak ako?"
"No. You'll be set free, Irina. Ang kailangan ko lang ay surrogate, isang taong magbibigay ng itlog at magdadala ng sanggol sa tiyan niya."
"Then no. Kung hindi ko rin lang makakasama ang anak ko, hindi ko matatanggap ang alok mo," deretsahan niyang pahayag.
Napakunot ang noo ko.
Ibang-iba talaga siya sa ibang mga babae. Gusto niya talagang maging bahagi ng buhay ng bata kahit na makahadlang pa 'yun sa pagtupad ng sarili niyang mga pangarap.
"Okay. You'll be a part of his life."
"His?"
"Yes. Gusto ko, lalaki ang magiging anak natin."
"You can't determine that."
"You're right, I can't. Pero mas maganda kung lalaki ang makuha natin."
Natahimik siya uli. "Okay. Pumapayag na ako sa deal mo. Gusto ko nang mailabas ang kapatid ko sa mga gulo niya."
Alam kong 'yun at 'yun ang pangunahing dahilan niya kung bakit siya papayag. Gusto niyang protektahan ang nakababatang kapatid niya. Mahal na mahal niya ito, kaya lang palagi itong nabibiktima ng maling babae. Kailangan ko talagang turuan ang kapatid niya tungkol sa mga babae.
"Great. We'll need to start working then," nakatagilid ang ngiting sabi ko.
"Working? Akala ko ba artificial insemination ang gagawin natin?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Nope," sagot ko habang pinatutunog ang labi sa dulo. "Ang anak ko, gagawin sa natural na paraan."
IRINA"Iñigo, pumunta ka nga rito ngayon din!" sigaw ko.Ilang segundo pa lang ang nakalilipas nang makatanggap ako ng text mula sa landlord namin.Narinig ko pa ang pagmumura ni Iñigo bago siya sa wakas lumitaw sa pinto ng kwarto ko na halatang bwisit na bwisit. "Ano na naman bang ginawa ko, Ate Irina?"Taas-kilay ko siyang tinitigan. Seryoso ba siya? Nagtatanong pa talaga siya kung anong ginawa niya?Hindi ko na sinagot ang tanong niya at basta ko na lang isinalpak ang phone ko sa kamay niya. Inilapit niya 'yun sa mukha niya para mabasa nang maayos. Pagkabasa niya ng text, biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya."Ahm... sorry..." panimula niya."Sorry? Anong nangyari? Bakit hindi mo binayaran ang renta, Iñigo? Gusto kong malaman ang totoo!""May nakasuntukan kasi ako sa isang fast-food restaurant at kailangan kong bayaran 'yung ari-arian ng may-ari na nasira. Gagamitin ko sana 'yung pera mula sa bago kong painting para pambayad, kaso wala pa akong mahanap na buyer hanggang ngayo
IRINABumagsak ang likod ko sa malambot na kama habang nakatutok si Logan sa ibabaw ko.Muli niyang kinubkob ang mga labi ko. Naramdaman ko ang pagapang ng mga kamay niya sa ilalim ng blouse ko. Napasinghap ako nang kaunti, hindi kasi ako sanay na hinahawakan ng lalaki. Nahanap ng mga kamay niya ang hinahanap nito nang maramdaman niya ang bra ko. Nagsimula siyang halikan ako habang pinaglalaruan ang dibdib ko. Napadaing ako sa gitna ng halik.Dahan-dahan kong ipinatong ang mga kamay ko sa dibdib niya, ramdam na ramdam ang matitigas niyang muscles. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa ilalim ng damit niya para ramdamin ang hubog ng katawan niya.Wow, sobrang sarap sa pakiramdam sa ilalim ng mga daliri ko.Hinila ko paitaas ang T-shirt niya. Napatawa siya nang mahina. "Whoa, take it slow, Irina. Magdamag mo namang mahahawakan 'yan."Napa-buntong hininga ako at binitawan ang damit niya. Ipinagpatuloy namin ang paghahalikan habang hinahawakan pa rin niya ang dibdib ko. Medyo masikip at hindi n
IRINAAlas-sais ng hapon ang usapan naming darating si Sir Logan sa apartment ko, at limang minuto na lang bago mag-alas-sais. Sinabihan niya akong magsuot ng kumportable, kahit na wala naman kaming masyadong isusuot mamaya.Oo, ngayong gabi ko na isusuko ang bataan sa boss ko. Ang boss kong nag-isip na ako ang pinakabagay na maging ina ng anak niya... ng tagapag-mana niya.Sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halong kaba, hiya, at excitement ang nararamdaman ko. Kabado dahil first time ko, nahihiya dahil makikita niya akong walang kasu-kasuot, at excited dahil sa wakas... mahahawakan ko na rin ang matitigas niyang abs.Yup, 'yung abs na pinapangarap ko lang dati pa nung makita ko sa magazine sa mesa ni Sir Cesar.Ang sarap niyang tingnan, 'yun talaga 'yun. At akin siya ngayong gabi.Masaya naman ako na sa isang guwapong lalaki mapupunta ang kauna-unahang karanasan ko. Ang medyo nakalulungkot lang, hindi sa taong mahal ko... pero hindi ko rin naman siguro pagsisisiha
LOGAN"Fuck..." inis na mura ko sa aking isipan. Nahihirapan akong mag-focus sa trabahong nasa harap ko. Alam kong bawal titigan ang kahit sino sa empleyado ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.Huminga ako nang malalim habang dahan-dahang pinagmamasdan ang katawan ng aking secretary habang nag-aayos ng gagamitin para sa conference mamaya.Sakto lang ang kurba—hindi kulang, hindi sobra. Matangos ang ilong, litaw ang cheekbones, at ang haba ng bagsak ng dark brown niyang buhok na bahagyang sumasayaw sa balikat niya kapag gumagalaw siya. Sobrang ganda niya. At siya ang eksaktong depinisyon ng babaeng gusto kong maging ina ng anak ko.Ng tagapag-mana ko.Siguradong-sigurado na ako sa kanya. Pagkatapos kong paimbestigahan ang background niya, nalaman kong kailang-kailangan niya ng pera. Palaging nasasangkot sa gulo ang nakababatang kapatid niya, at kahit wala rin siyang gaanong pera, siya pa rin ang palaging tumatakbo para iligtas ito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya, kay







