Share

Chapter 9 (18) Sayruz Future In-Laws

Chapter 9 (18) Sayruz Future In-Laws

(Angie POV)

Dahil sa sinabi ni Mr. Choi, natigilan ang aking ama. Seryoso ba talaga siya sa kanyang sinabi? Handa na sana ako na ilihim ang pagkatao ng ama ng aking dinadala dahil halata namang nadadamay na siya. Andito na naman siya, sa kabila na alam ko, napaka-abala niyang tao. At may oras pa ba siya sa kanyang kasintahan? Kagaya ko ba natatakot din siya sabihin dito ang komplikasyon na nangyayari sa pagitan naming dalawa?

“Ikaw?” Tanong ulit ni Papa na napaduro sa kanya. Napatango si Sayruz bilang tugon.

“Papa, hindi po.”

“Angie!” Saway niya sa akin. Naiyuko ko na lamang ang aking paningin. “Wag mong ipagkakaila na ako ang ama ng batang dinadala mo. Yan ba ang balak mo? Itangi na ako ang ama niyan?”

Di ko alam ang isasagot ko. Naninikip ang dibdib ko. Oo siya ang ama ng dinadala ko, ngunit hindi naman siya handang tangap

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status