LOGINShanePagkalabas ko ng bahay nila Miranda, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nawala ang pekeng ngiti ko at padabog akong sumakay sa kotse saka malakas na sinara ang pinto. Ramdam ko pa rin ang galit sa dibdib ko habang ini-start ko ang engine.Pag apak ko sa gas, mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Halos wala na akong pakialam sa daan, gusto ko lang makalayo agad doon. Paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Miranda. Yung pag-amin niya… yung parang wala lang sa kanya ang lahat ng ginawa niya.“Damn…” bulong ko habang mahigpit ang hawak ko sa manibela.Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang sarili ko kanina na hindi siya sakalin sa galit. Kung hindi ko lang kailangan ng mas maraming ebidensya, baka doon pa lang… tinapos ko na lahat.Pagdating ko sa mansion, agad akong bumaba at pumasok sa loob. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at diretso akong umakyat sa kwarto kung nasaan si Audrey.Pagbukas ko ng pinto, naroon siya kasama sina Kevin at Andrea. Halata sa mukha nila na naghihint
MirandaMasaya akong umuwi galing sa date namin ni Shane. Habang nasa kotse ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Pakiramdam ko finally, bumabalik na ulit siya sa akin. Lahat ng pagod, lahat ng ginawa ko… parang worth it na ngayon.Pagdating ko sa bahay, agad kong nakita sina Mama at Papa na nakaabang sa sala. Halata sa mga mukha nila na kanina pa sila naghihintay.“Miranda,” bungad ni Mama habang tumatayo. “What happened?”Tumingin ako sa kanila at napangiti nang malaki.“Guess what?” sabi ko habang papasok at inilapag ang bag ko.Napakunot ang noo ni Mama. “Just tell us.”Napatawa ako nang bahagya bago ako umupo sa sofa. Hindi ko na kayang pigilan ang excitement ko.“Shane will finally marry me,” sabi ko habang halos hindi mapigilan ang saya sa boses ko.Biglang nagkatinginan sina Mama at Papa.“And not only that,” dagdag ko habang mas lalo akong ngumiti, “he said na wala na siyang pakialam kay Audrey.”Ramdam ko ang gulat nila, pero hindi pa ako tapos.“At kahit nalaman
SHANETahimik lang ako habang nakatingin kay Miranda. Kita ko sa mukha niya na naguguluhan siya kung magsasabi ba siya ng totoo o hindi. Pero hindi ako puwedeng umatras ngayon. Nandito na ako sa gitna ng plano ko, at kailangan ko ng confirmation mula mismo sa kanya.Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya, parang pinaparamdam ko na kampante siya sa akin.“Miranda,” sabi ko nang mababa ang boses. “Tell me the truth.”Tumingin siya sa akin, halatang kinakabahan.“Are you the one who harmed Audrey?” dagdag ko habang diretso ang tingin ko sa mga mata niya.Ilang segundo siyang walang sinabi. Nakikita ko kung paano siya napalunok at kung paano nag-iiba ang expression ng mukha niya. Para bang may laban sa loob niya kung aamin ba siya o hindi.Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang ang katahimikan na bumigat sa pagitan namin.Hanggang sa bigla siyang napaiyak.“Shane…” sabi niya habang nanginginig ang boses. “Mahal na mahal kita…”Nanatili akong nakatingin sa kanya kahit kumukulo na ang dugo
MIRANDANakatayo kami ni Shane sa deck ng yacht niya habang napapalibutan ng malawak na dagat. Mahangin ang paligid at tahimik ang tubig, parang perpekto ang setting para sa isang romantic moment. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ilang linggo na rin mula nang mawala si Audrey, at akala ko tuluyan nang lalayo si Shane sa akin. Pero ngayon… siya mismo ang nag-aya sa akin sa date.Habang nakatingin siya sa dagat, lumapit ako at niyakap siya mula sa gilid. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya at lalo akong kinilig sa isip na baka bumabalik na ulit ang feelings niya para sa akin.“Shane,” sabi ko habang nakasandal sa balikat niya. “Let’s set the wedding.”Bahagya siyang gumalaw at napatingin sa akin.Ngumiti ako nang malaki. “The sooner, the better.”Sa isip ko, ito na ang chance ko. Matagal ko nang gustong maging asawa niya. Hindi ko papayagang mawala ulit sa akin ang pagkakataon na ito.Hindi agad siya sumagot. Sa halip, tumingin muna siya sa dagat na parang may i
SHANEHindi nagtagal pagkatapos kong tawagan si Kevin ay dumating din siya sa mansion. Tahimik na ang buong bahay dahil wala na ang lahat ng staff, kaya medyo kakaiba ang pakiramdam na wala kang naririnig na ingay ng mga katulong o driver na palakad-lakad.Pagpasok ni Kevin sa living room, mabilis siyang lumapit sa akin.“Mr. Lincoln,” sabi niya habang bahagyang tumango.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Kevin, I need you to find Melody and Janette.”Agad siyang tumango. Kilala niya ang dalawang iyon dahil ilang beses ko na ring nabanggit sa kanya dati ang tungkol kay Audrey at sa pamilya nito.“Understood, sir,” sabi niya. “I’ll start looking for them.”Pagkatapos ay napansin niyang tahimik ang buong bahay. Napalingon siya sa paligid bago muling tumingin sa akin.“Sir… where are the maids?” tanong niya. “Parang walang tao dito.”Bahagya akong ngumiti. “Follow me.”Naglakad ako papunta sa hagdan at umakyat sa second floor. Halata sa mukha ni Kevin na nagtataka siya kung bakit ka
SHANEKinabukasan maaga akong nagising. Hindi ako sanay na may sikreto sa sarili kong bahay, pero iyon ang kailangan naming gawin ngayon. Habang naglalakad ako papunta sa kitchen, paulit-ulit kong iniisip ang plano na nabuo sa isip ko kagabi. Kung gusto naming mahuli si Miranda, kailangan kong gamitin ang kahinaan niya—ang pagmamahal niya sa akin.Naghanda ako ng simple pero masustansyang breakfast. May macaroni soup, french toast, at fresh orange juice. Sabi ng doctor kailangan daw ng bed rest si Audrey dahil mahina pa siya at buntis pa.Ako na mismo ang nagdala ng tray papunta sa kwarto ko kung saan siya nagpapahinga.Tahimik kong binuksan ang pinto para hindi siya magulat. Nasa kama siya, nakasandal sa mga unan habang hawak ang tiyan niya. Mukhang kakagising lang niya.“Good morning,” sabi ko habang papasok sa kwarto.Napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. “Good morning.”Lumapit ako sa kama at inilapag ang tray sa maliit na table sa tabi niya.“Brought you breakfast,” sabi
SHANE Pagkalabas ko ng kwarto ni Miranda, pakiramdam ko nauubos ‘yung oxygen sa hallway. Ang bigat. Ang gulo. Ang ingay ng isip ko.Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Audrey ngayon.Pero kailangan ko. Hindi ko siya pwedeng iwan na walang paliwanag. Kailangan makausap ko siya. Kailangan kong
SHANEHindi ko alam kung gaano na ako katagal nakaupo sa malamig na bench ng emergency room, pero ramdam ko ang malakas na tibok ng dibdib ko. Sa bawat paglabas ng doktor mula sa double doors, napapahawak ako sa ulo ko, umaasang sila yung may dalang sagot tungkol sa kalagayan ni Lolo Gregor.Sa tab
AUDREYPagkababa ng tawag, parang bumagsak yung buong mundo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano hihinga. Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin sarili ko. Ang alam ko lang… nanginginig ako. Sobra ako nabigla. Lahat sumasakit kahit kaliit-liitan ng parte ng katawan ko.“Shane…” bulong ko habang
AudreyAko mismo ang nag-drive. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, para bang doon ako kumakapit para hindi tuluyang bumigay. Tahimik lang si Mama sa passenger seat, nakatingin sa kalsada, pero ramdam ko yung pag-aalala niya. Kahit walang sinasabi, dama ko na gusto niya akong yakapin at pigilan sa p







