Share

Triple Lock

Author: Robbie
last update publish date: 2026-04-01 08:49:57

Shane

Nagkatinginan kami ni Kevin sa loob ng courtroom, parehong iniisip na this is not normal. Hindi ito simpleng hearing. Hindi ito basta emergency trial lang. Kilala ko si Miranda, at kung may isang bagay na sigurado ako, hindi siya gagalaw nang walang plano.

Kanina lang, tinawagan ako ng abogado ko, “Sir Shane, may emergency hearing po tungkol kay Miranda. There’s a motion to reassess her mental condition.” Hindi na ako nagdalawang-isip, agad akong umalis at pumunta dito, kahit alam kong ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO Has Fallen For Me   RAT BAIT

    LEANang mabalitaan ni Marian na inilipat na si Miranda sa isang mental hospital, parang wala lang sa kanya noong una pero kilala ko siya. Malamang ay may iniisip na naman siyang plano.Nasa loob kami ng kotse niya at naka parked sa gilid ng kalsada, medyo madilim dahil palubog na ang araw. Tahimik lang ako habang siya, parang may sariling mundo. Hanggang sa hindi ko na napigilan.Napailing ako at napabuntong-hininga.“Alam mo, Marian, kapag pumasok ka diyan… aakalain na ikaw si Audrey. What if someone recognizes you? What if tawagan nila si Mr. Lincoln? Mabubuking agad yang pang gagaya mo kay Audrey.”Hindi siya agad sumagot. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, tapos… ngumisi.Yung ngising ‘yon? Hindi ko gusto.“Hindi ba, Lea, sabi mo ay gusto mo makabawi sa lahat ng utang mo sa akin?”Parang may kumurot sa sikmura ko. Napakagat ako sa labi ko, hindi agad nakasagot.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta ‘to.“Simple lang,” sagot niya. “Ikaw ang pap

  • The CEO Has Fallen For Me   Patient 610

    MIRANDADinala na nga nila ako sa mental asylum parang bangkay na walang kalaban-laban, tahimik na tinutulak sa isang lugar na hindi ko alam kung bilanggo ba ako o pasyente. Wala akong nagawa kundi sumunod habang pinapalitan nila ang damit ko.From my own clothes… to this. Isang puting patients uniform. Malinis, oo. Pero para sa akin, parang may kahulugan iyon na hindi ko matanggap parang tinatanggalan nila ako ng pagkatao.Napalunok ako habang tinitigan ko ang sarili ko. May maliit na tatak sa dibdib ng damit.“Patient 610…” bulong ko.Pagkatapos nila akong bihisan, iniwan nila ako sa isang kwarto. Doon ko napansin na sobrang tahimik.Hindi ito yung inaasahan kong lugar.Sa isip ko, dapat maingay. May sumisigaw, may tumatawa ng baliw, may umiiyak. Pero wala. As in wala. Parang ang buong lugar ay sinadyang lunukin ang lahat ng tunog. Nakakabingi ang katahimikan.“Bakit ganito…?” mahina kong sabi habang dahan-dahan akong pumasok sa loob.Sinara nila ang pinto sa likod ko. Narinig ko yu

  • The CEO Has Fallen For Me   Triple Lock

    ShaneNagkatinginan kami ni Kevin sa loob ng courtroom, parehong iniisip na this is not normal. Hindi ito simpleng hearing. Hindi ito basta emergency trial lang. Kilala ko si Miranda, at kung may isang bagay na sigurado ako, hindi siya gagalaw nang walang plano.Kanina lang, tinawagan ako ng abogado ko, “Sir Shane, may emergency hearing po tungkol kay Miranda. There’s a motion to reassess her mental condition.” Hindi na ako nagdalawang-isip, agad akong umalis at pumunta dito, kahit alam kong may posibilidad na isa na naman itong pakulo.At habang pinapanood ko siya ngayon—yung pag-iyak, yung pagturo sa akin, yung biglang pagtawa—lalo lang tumitibay ang hinala ko.Hindi siya baliw.Hindi siya nawawala sa sarili.She’s performing.“Sir,” bulong ni Kevin sa tabi ko, bahagyang yumuko para hindi marinig ng iba, “siguro kung ililipat man siya sa mental facility, pwede naman natin siguraduhin na hindi siya makakatakas. We can hire our own security 24/7.”Napabuntong-hininga ako, hindi ko aga

  • The CEO Has Fallen For Me   Insane or Not

    MIRANDANakatulala lang ako habang nakaupo sa gitna ng courtroom, parang wala akong pakialam sa kahit anong nangyayari sa paligid ko, pero sa totoo lang, bawat salita na binibitawan nila ay malinaw kong naririnig at iniipon sa loob ng isip ko.Dinala ako rito dahil sa natakot ang mga pulis ng makita akong kinakain ang dala ni Marian na pasalubong.Ang mga abogado, mga doktor, pati ang judge—lahat sila abala sa pagdedebate kung baliw na ba talaga ako o nagkukunwari lang.“Your Honor,” sabi ng isang abogado habang tumatayo, “the behavior of the accused clearly shows signs of severe mental instability. Hindi normal na kumain ng daga at ipis ang isang tao, lalo na sa harap ng mga awtoridad. This is beyond manipulation—it’s psychological deterioration.”Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. Instead, pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko, nakatitig lang sa sahig na parang wala akong naiintindihan.Ngunit bago pa man tuluyang mapunta sa side nila ang simpatya ng korte, tumayo naman ang

  • The CEO Has Fallen For Me   Never Give Up

    MIRANDAHindi ako pwedeng magkamali.Nakatingin ako sa direksyon ng hallway kung saan siya lumabas, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Yung babaeng naka-disguise bilang Audrey… hindi lang basta kahawig. Hindi lang simpleng impersonation. May something sa boses niya, sa tindig niya, sa paraan ng paggalaw niya na parang sinadya niyang kontrolin lahat para hindi mabuko.Pero ang tumama sa akin nang tuluyan…yung boses niya.Hindi iyon si Audrey.At hindi rin ito basta ibang tao.“Marian…” bulong ko, biglang nanlamig ang buong katawan ko.Ibig sabihin… tama ang hinala ko. Ginaya niya si Audrey. Kinuha niya ang mukha nito. Ginawa niyang sandata.Napakuyom ako ng kamao ko habang nakaupo pa rin sa visitation chair, pilit pinipigilan ang sarili ko na mag-panic. Pero sa loob ko, gumugulo na ang lahat. Hindi ito simpleng plan. Hindi ito simpleng revenge. Mas malalim ito.Mas delikado.Mas personal.“Hindi…” bulong ko sa sarili ko, nanginginig ang panga ko. “Hindi pwedeng mangyari ‘to…

  • The CEO Has Fallen For Me   New Face

    MARIANNatawa ako nang mahina habang nakaupo sa harap ng malaking TV sa sala. Paulit-ulit na pinapakita sa news ang footage ng pag-aresto kay Miranda Chase. Yung babaeng akala niya siya ang pinakamalakas, pinakamatalino, pinaka-hindi kayang ibagsak. Ngayon, nakakulong. Nakaposas. Wala nang kapangyarihan.“Pathetic…” bulong ko habang nakangisi.Pinanood ko kung paano siya hinila ng mga pulis, kung paano siya tinutukan ng camera, kung paano nagbago ang buong mundo niya sa loob lang ng ilang segundo. Ang dating mayabang na tingin, ngayon puro galit at pagkabigo na lang.Pero hindi ako tumawa dahil kay Miranda.Tumawa ako dahil alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat.Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa malaking salamin sa gitna ng kwarto. Malinis. Makintab. Halos parang hindi lang salamin, kundi isang bagong mundo na naghihintay sa akin.Nang makita ko ang sarili ko, napangiti ako.Hindi dahil sa kung ano ako noon.Kundi dahil sa kung ano na ako ngayon.Hinaplos ko ang mukha ko, d

  • The CEO Has Fallen For Me   Pay time

    MirandaNakangisi akong naupo sa maliit na coffee shop, tinitingnan ang tatlong executive sa harap ko—sina Mr. Ronio, Ms. Lopez, at Mr. Tan. Halata sa mukha nila ang kaba at takot, halos hindi makapaniwala sa nangyayari. Hawak ko ang malaking sobre sa bag ko habang tahimik silang nakatingin sa pali

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • The CEO Has Fallen For Me   Act Like Innocent

    MirandaPag-uwi ko ng bahay, halos malakas ang pagsara ko ng pinto ng kotse. Gigil pa rin ako sa nangyari sa mansion nila Shane. Hanggang ngayon naririnig ko pa sa tenga ko yung mga paratang nila sa amin.Pagpasok ko sa sala, nakita ko sina Mama at Papa na nag-uusap. May mga papel sa mesa at mukhan

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • The CEO Has Fallen For Me   Innocent or Not

    ShaneBusy ako ngayon habang nag me-meeting sa Lincoln Corporation. Nasa conference room kami. Mahaba ang mesa, puno ng papel, laptop, at reports tungkol sa nawawalang pera. Lahat ng boss sa iba’t ibang department nandito. Lahat ay ramdam ang bigat ng problema.Ako ang nasa dulo ng mesa. Nakatingin

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • The CEO Has Fallen For Me   Nothing Change

    MirandaGalit na galit ako habang nagmamaneho palabas ng mansion ni Shane. Halos manginig ang kamay ko sa manibela. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa inis at hiya. Hindi ko matanggap ang nangyari.Hindi niya ako pinaniwalaan.Hindi rin ako pinaniwalaan ng pamilya niya.Parang kriminal na ang t

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status