LOGINELISHA POV
Lumuhod ako sa harap ng puntod ng mga magulang ko, at dahan dahan kung pinalandas ang kamay ko sa pangalan nila na nakaukit sa lapida.
Ilang araw pa lang ang lumipas pero sobrang miss ko na sila. Para bang ang tagal na simula ng mawala sila.
“Mom... Dad...” mahina kong sambit, pilit na ngumiti kahit puno ng luha ang mga mata ko. “Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit.”
“Palagi ko kayong kasama. Sa mga plano at pangarap ko. At ngayon ay mag isa na lang ako na tutuparin 'yon."
Marahang humaplos ang hangin sa mukha ko, na para bang sumasagot sa akin.
“Hindi pa ako handa.” Napatawa ako nang mahina sa gitna ng pagluha. “Hindi niyo man lang ako tinuruan kung paano mabuhay nang wala kayo.”
Katahimikan ang sumagot sa akin. “
“Pero kakayanin ko. Kaya huwag na kayong mag alala sa akin. Iiyak ako ngayon, iiyak ako bukas, hanggang sa mga susunod na araw. Pero pangako ko sa inyo na hindi ako susuko. “Poprotektahan ko ang lahat ng pinaghirapan niyong itayo. Hindi ko hahayaang masayang ang mga sakripisyo niyo."
"Alam kung hindi magiging madali sa akin ang mga araw pero kakayanin ko dahil alam kung 'yon din ang gusto niyong mangyari. At sana bantayan niyo ako, kung makagawa man ako ng maling desisyon bigyan niyo ako ng sign, kahit sa panaginigip ay pwede niuo akong pagalitan."
“M-mahal ko kayo. Mahal na mahal."
Nakarinig ako ng mga yabag na nanggaling sa likuran ko.
“Eli...”
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Uncle Lucas iyon.
“Sobrang proud sila sa'yo.”
Yumuko ako.
“Hindi ko ko alam kung paano magiging matatag sa nangyayari,” pag amin ko.
“Hindi mo kailangan maging matapang sa harap ng lahat. Pwede kang umiyak, masaktan at magluksa."
Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ko. “Hindi porke't umiiyak ka ngayon ay mahina kana. Minsan kailangan 'yon para mailabas mo ang sakit na nararamdaman mo. Karapatan mong magluksa hanggang kailan mo gusto kasi nawalan ka ng importanteng tao sa buhay mo."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Paano kung hindi ko kaya?”
“Naniniwala akos sayo. Alam kong kaya mo dahil sila ang nagpalaki sayo.”
Muling pumatak ang mga luha ko. “Paulit-ulit kong naiisip... paano kung mas maaga akong umuwi? Paano kung tinawagan ko sila? Paano kung naroon ako? Paano kung buhay pa sila ngayon?”
Nakita ko ang pag iling nito.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na wala kang kontrol. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Kapag oras na nilang mawala ay wala kang magagawa para pigilan 'yon."
"Pero-"
“Makinig ka sakin Eli. Walang may gusto sa nangyari at kung nandito ang mga magulang mo ay hindi nila magugustuhan na sisihin mo ang sarili mo."
Tuluyan na akong bumigay.
Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap.
“Umiyak ka. Hindi mo kailangang maging matapang ngayong araw.”
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtagal habang ako ay iyak lang ng iyak.
"Kailangan na natin umalis. Kailangan mo ng sapat na pahinga."
Tumango ako at sabay kami na tumayo. Bago ako tuluyang maglakad paalis ay lumingon ako sa kanila. “Aalis na ako Mom, Dad. Pero babalik ako."
Sa loob ng kotse, napakabigat ng katahimikan.
Ipinikit ko ang mga mata ko pero naaalala ko lang ang mga pinagsamahan namin.
Si Mom na tumatawa sa passenger seat.
Si Dad na sintunadong kumakanta habang nagmamaneho.
Napaiyak na naman ako.
YANA POV
Tahimik kong pinagmamasdan si Eli mula sa passenger seat.
Nakapikit ito pero patuloy pa din sa pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Hindi siya umiimik.
At mas lalo iyong masakit tingnan.
Simula nang mawala sina Tita at Tito ay marami ang naging pagbabago sa kanya.
Hindi ko lang best friend si Elisha. Para ko na siyang tunay na kapatid. Kaya masakit sa akin na makita siyang nalulugmok ng ganito.
Inabot ko ang kamay niya.
“Eli.”
Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya.
“Hmm?”
“Kapag pakiramdam mo ay sobrang bigat na, tandaan mong nandito lang ako. Pwede mo akong kausapin kahit anong oras. Huwag mong isipin na nag iisa ka lang kasi hindi kita iiwan."
Tahimik lang ito.
“Nandito pa ako. May pamilya ka pa. At kahit ilang beses ka pang madapa ay nandito ako para tulungan kang tumayo."
Mahagya itong ngumiti.
“Salamat."
Marahan kong pinisil ang kamay niya. "Araw araw kung ipapaalala sayo 'yan."
Sa unang pagkakataon mula nang ilibing ang mga magulang niya ay nakita ko ulit ang totoong ngiti niya.
Hindi ako mapapagod na magdasal na dumating ang araw na maging maayos siya. Kahit matagalan man 'yon basta mabuhay siyang payapa at masaya.
Ayoko siyang makita ng nasasaktan. Siya na lang ang natitira sa akin. At hindi ko hahayaan na masira din ang buhay niya.
ELISHA POV"Did you notice Sir Caden smiles more lately?""Miss Gonzales seems to be the only one who can talk to him without getting scolded.""Maybe she's becoming his favorite."Iyan ang bumungad sa akin na usapan nina Ysa at Queen habang nakapila ako sa cafe na katabi ng kompanya. “Ehem!” Pagkuha ko sa atensyon nila.“Elisha.” Nahihiyang sambit ni Queen.“Goodmorning Eli or should I call you future Mrs. Guevarra?” Pang aasar ni Ysa.“Ikaw talaga Ysa, tigilan mo ‘yang pang aasar mo at baka may ibang makarinig sa iyo at maniwala pa. Alam mo naman na mabilis kumalat ang balita at nakakahiya kay Sir Caden kapag umabot pa ito sa kanya.” Suway ko.”“Bagay naman talaga kayo Ma’am Elisha.” segunda naman ni Queen.“Diba? Noong mga nakaraan nga na naging issue hindi naman nagalit si Sir.” Giit pa ni Ysa.“Mga pasaway talaga kayong dalawa.” Saad ko.Matapos nilang makuha ang order ay hinintay na lang nila ako at sabay na kaming pumasok sa kompanya. Silang dalawa ang naging kaibigan ko dito
ELISHA POVRamdam ko ang sakit ng batok at likod ko habang busy sa paggawa ng presentation na kailangan sa susunod na araw. Hindi ko na din alintana ang oras dahil madalas naman akong late umuwi dahil nitong mga araw ay mas naging busy sa trabaho dahil sa sunod sunod na projects at meetings na hinaharap ng boss ko. Minsan napapaisip ako kung tao pa ba ito o robot dahil halos wala na itong pahinga. Alam kung hindi madali ang industriyang ito dahil ganito din ang parents ko pero kahit papaano ay may oras sila para sa akin. Pero itong si Caden, halos ginawa ng bahay ang opisina.“Elisha.” Mabilis akong napatingin kay Caden na ngayon ay nasa harapan ko na.“Yes Sir?” Tanong ko.“Come with me.”Agad naman akong sumunod dito papasok sa kanyang opisina.“May kailangan ba kayo Sir?” Tanong ko ulit.Itinuro niya ang isang paper bag na nakapatong sa mesa.“It’s too late already. You need to eat.” Anas nito ng mapansin ang pagkunot ng noo ko habang nakatitig sa mesa.“Mamaya na lang Sir, malap
THEO POV“Thank you for the ride!” Nakangiting sambit ni Elisha.“Hindi ako tumatanggap niyan, kailangan ko ng bayad,” saad ko.“Grabe ka! Ang yaman mo na eh.”“I think dinner after work will do,” natatawang anas ko.Saglit itong natahimik na parang nag-iisip. “May pagpipilian ba?”“Yes or yes.”At sabay kaming tumawa.“Hindi ka ba busy?”Umiling naman ako. “Kailan ba ako naging busy pagdating sa’yo?” sabi ko.“Noong mga nakaraang linggo?”“Wow? Parang sarili mo naman tinutukoy mo,” pang-aasar ko sa kanya dahilan para sumimangot ito.“Huwag na mag-dinner.”Natawa naman ako. “Huwag kang sumimangot, hindi bagay sa’yo.”“As if hindi ka gandang-ganda sa’kin.”“Ang yabang na,” saad ko.Inirapan naman ako nito. “Alis na ako at baka ma-late pa ako.”Tumango naman ako. “I’ll fetch you later after work,” anas ko.“Hindi ba masyadong hassle na sa’yo? Pwede naman magkita na lang tayo sa restaurant?”“No need to commute, Elisha. Mas mapapanatag ako kapag sabay na tayo umalis,” seryosong turan ko.
ELISHA POV"I still can't believe President Guevarra danced.""I've worked here for six years and I've never seen that.""Miss Gonzales looked so elegant.""I heard several investors mistook her for his girlfriend."Rining kung pinag uusapan ng mga empleyado. Hindi naman na ako magtataka dahil sa dami ng media noong gala ay hindi malabo na maraming pictures at video ang nakapost.Hinayaan ko na lang sila at naglakad papunta sa elevator. Pagdating ko sa executive floor ay agad akong dumiretso sa opisina ni Caden."Good morning, Sir." Bati ko."Good morning."For a brief moment, our eyes met.Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang nangyari noong gala. The music. The lights. His hand resting against mine while we danced.Agad akong umiwas ng tingin."Ito pala ang mga contracts na kailangan mo para sa board meeting.” Saad ko at inilapag sa ito sa mesa."Thank you."“Babalik na ako sa table ko Sir. Ang dami ko pang kailangan tapusin.” Saad ko at naglakad na palabas. Alam
ELISHA POVPaulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong marami ang nagsasabi na maganda ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, lalo na sa event na ito.Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kong si Caden ito.“Sir.”“Are you ready? I’m already outside the building of your condo.”“Yes, Sir.”“Are you sure? You don’t need to hurry. I can wait.”“I’m pretty sure,” natatawang sambit ko at agad na lumabas sa condo.“Alright.”Nang tuluyan na akong makalabas sa entrance ng building ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa magarang kotse nito.He was dressed in a perfectly tailored black tuxedo. He looked every bit the CEO everyone admired.I had seen Caden wearing expensive suits almost every day at the office, but tonight was different. Maybe it was the tuxedo. Maybe it was the way he stood there so casually while waiting for me.“Ilang oras pa akong maghihintay matapos ang pagtitig mo sa akin?”Agad akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang boses nit
ELISHA POVNitong mga nakaraang linggo ay naging busy kami dahil sa dami ng trabaho, puro meeting din si Caden sa mga bagong investors at projects kaya tambak din ang mga gawain ko.Hindi biro ang maging sekretarya ng isang Caden Guevarra kaya naiintindihan ko kung masyado siyang mapili noong mga panahon na hiring sila sa posisyon kung nasaan ako ngayon."Elisha."I immediately looked up from the documents on my desk. “Sir?”“Follow me.”"Yes, Sir." Agad kong kinuha ang notebook at saka sumunod sa kanya sa loob ng opisina.He motioned toward the chair across from his desk. "Sit.""Review tomorrow night's schedule."I opened the folder.Guevarra Corporation Annual Charity GalaVenue: Grand Imperial HotelTime: 7:00 P.M.Guests:Board MembersBusiness PartnersForeign InvestorsMedia RepresentativesMaingat kong binasa lahat ng detalye na nakasulat dito.Everything seems complete except for one blank space.CEO's Accompanying Guest: __________I lifted my head. “Sir, may nakalimutan yat







