Home / Romance / The CEO I Vowed To Hate (Tagalog) / Chapter 5 - Midnight At The Office

Share

Chapter 5 - Midnight At The Office

Author: Reynang Elena
last update publish date: 2026-07-05 02:52:01

ELISHA POV

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho sa Guevarra Corporation.

At kung may isang bagay man akong natutunan. Iyon ay ang pagtatrabaho sa ilalim ni Caden Guevarra ay malayo sa inaasahan ko.

Lagi siyang nakakahanap ng paraan para bigyan ako ng mas maraming trabaho. Na para bang wala siyang plano na pagpahingain ako. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano nagtagal ang una niyang sekretarya sa kanya.

Pero hindi ako susuko. Alam kung ginagawa niya lang ito para umalis ako. Nalampasan ko nga ang sakit ng pagkawala ng mga magulang ko, ito pa kaya?

Naglalakad ako ngayon pabalik sa table ko na may dalang kape. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako uminom nito para lang hindi makaramdam ng antok.

Napatigil ako sa paglalakad na marinig ko ang usapan ng mga empleyado na nasa accounting department.

“Pagod at antok na ako.”

“Hindi ko alam na mag oovertime pala tayo ngayon."

“Naaawa talaga ako sa bagong secretary ni Sir Caden.”

“Totoo. Ang alam ko ay halos tambakan siya ng trabaho ni Sir. Noong minsan akong pumunta sa opisina ni Sir ay nakita ko na ang daming dokumento ang nasa table niya."

“Hindi siya tatagal ng isang buwan.”

Napangiti ako sa sarili ko. At ipinagpatuloy ang paglalakad.

Pagdating ko sa table ko, agad nawala ang ngiti ko. May nagomg tambak na naman ng folders na na naman.

“Seriously?”

May dilaw na sticky note sa ibabaw ng mga folder.

'Finish these reports tonight. I need them first thing tomorrow morning.'

Matagal ko iyong tinitigan.

“Desidido ka talagang gawing miserable ang buhay ko.”

Napabuntonghininga ako bago hinila ang upuan ko at muling nagtrabaho.

Lumipas ang mga oras. Isa-isang nagsiuwian ang mga empleyado.

Tahimik na naglilinis ang mga janitor sa mga pasilyo.

Abala pa rin ang accounting department.

At ganoon din ako.

Kinusot ko ang pagod kong mga mata bago kumuha ng panibagong folder.

“Konti na lang,” pabulong kong sabi sa sarili ko.

Kung matatapos ko ang lahat ngayong gabi, baka bukas ay tumigil na siyang bigyan ako ng imposibleng dami ng trabaho.

O baka hindi rin.

Kung si Caden ang pag-uusapan, siguradong makakahanap na naman siya ng panibagong dahilan.

Napangiti ako nang bahagya.

Nagpatuloy ako sa pagre-review ng mga invoice, supplier contracts, at payment schedules.

Pagkatapos ay may isang bagay na nakakuha ng pansin ko. Tiningnan ko ang isang invoice.

Pagkatapos ay isa pa.

Dahan dahang nagsalubong ang mga kilay ko.

“Ang weird...”

Magkapareho ang pangalan ng supplier.

Pareho ang halaga.

Pareho ang project.

Magkaiba lang ang invoice numbers.

Baka filing error lang.

Kumuha pa ako ng isang folder mula sa cabinet.

Limang minuto ang lumipas.

Naging dalawampu.

Habang mas lalo kong sinusuri ang mga dokumento, mas lalo kong nararamdamang may mali.

CADEN POV

Sumandal ako sa upuan ko at napatingin sa orasan.

11:42 PM.

Halos wala nang tao sa opisina.

Tumayo ako para silipin ang sekretarya ko kung ano na ang nangyayari sa kanya. Sa loob ng ilang linggo na pagtambak ko sa kanya ng mga gawain ay ni isang beses hindi ko siya narinig na nagreklamo.

Nakita ko siyang nakatutok sa mga papeles.

She's really Interesting.

Nakita ko kung gaano ito ka determinado na tapusin ang trabaho kahit pa abutin siya ng umaga at hindi makapagpahinga ng maayos.

“Finally!”

“What are you talking about?” Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

“S-sir… Kanina ka pa ba diyan?” 

Umiling naman ako. “Kalalabas ko lang para tingnan kung nagtatrabaho ka pa ba o umuwi na.”

“As if naman uuwi ako ng walang paalam.” 

“So?” 

Inabot niya sa akin ang ilang mga papeles na ikinataka ko.

“Tingnan mo ang mga files na ‘yan. Napansin ko kasi kanina na parang may mali kaya inisa isa ko.” Paliwanag nito.

“And?” 

“Iyong finance department natin ay nakapag approved ng isang supplier ng dalawang beses.”

Mabilis kung tiningnan ang mga papeles na ibinigay niya sa akin. 

“This can’t be. Paanong nangyari ‘to?” Saad ko.

“Kapag nagkapirmahan bukas ay malaking pera ang mawawala sa atin. Dalawang beses silang magbabayad.”

Mabilis akong bumalik sa loob ng opisina para ipatawag ang head ng finance.

Paano nangyari ang pagkakamaling ito? Paano na lang kung hindi nakita ni Elisha?

Hindi biro ang fifty million na malalagas sa kompanya ko na wala naman balik.”

“S-sir… pinapatawag niyo daw po ako?”

Napatingin ako sa pumasok at nakita ko ang head ng finance. Agad kung hinagis sa kanya ang mga papeles.

“Ano po ang mga ito?”

“See it for yourself.”

Agad niyang pinasadahan ng tingin ang mga papeles hanggang sa kapasinghap ito.

“S-sir…”

“How can you explain that? One supplier with two invoices?” Kalmadong tanong ko.

“I’m sorry Sir, we overlooked this.”

“Sorry? Alam mo ba kung gaano kalaking pera ang mawawala sa kompanya kung hindi yan nakita ni Elisha? Paano kung napirmahan na ang contract at nakapagbayad na? Maibabalik mo ba ‘yan?”

“P-pasensya na po talaga Sir, ipapaasikaso ko po ito agad ngayon din.” Bakas sa kanyang boses ang kaba.

“Be sure of it. Sa oras na pumalpak ‘yan bukas ay alam mo na ang mangyayari sa’yo.”

“I'll correct everything immediately.”

“Hindi lang iyan ang gagawin mo.”

Diretso ko siyang tiningnan.

“Gusto kong ma review ang bawat invoice na may kaugnayan sa supplier na ito bago magsimula ang business hours bukas. At simula ngayon walang payment ang maaaprubahan nang walang double verification. Understood?”

“Yes, Sir.”

“You may leave.”

“Yes sir,” nagmamadaling lumabas ito.

I really hate when people do stupid things.

Fifty million is not a joke. 

Kahit successful na ang kompanya ko ay ayaw kung nag aaksaya ng pera.

Napatingin ako sa p***o ng magbukas ito at pumasok si Elisha.

"If you want to go home now then go.” Saad ko.

Lumapit ito sa akin at saka inilapag ang dala niyang kape at pagkatapos ay tumalikod na ito at akmang aalis.

“Elisha…” tawag ko sa kanya.

“Yes Sir? May iuutos ba kayo?”

“Thank you and good job.” Seryosong turan ko.

ELISHA POV

Ako ang natatakot para sa head ng finance noong ipinatawag ito ni Sir Caden, akala ko ay matatangg agad siya. Hindi biro ang halaga ng pera na mawawala sa kompanya kung hindi iyon nakita agad.

Tahimik kong inayos ang mga nagkalat na folder sa mesa ko.

“Nandito ka pa pala.”

Napatingin ako kay Caden. Nakatayo siya ilang hakbang ang layo.

“Aayusin ko lang ang lahat bago ako umuwi.”

Napatingin siya sa mga dokumentong hawak ko.

“Bakit hindi ka pa umuwi kanina?”

Napakurap ako. “Kayo po ang nagbigay ng trabaho.”

Bahagya siyang tumingin sa akin. “Pwede mo namang tapusin iyon bukas.”

Napangiti ako nang alanganin.

“Tapos mapagalitan mo ako dahil hindi ko na meet ang deadline?”

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “I suppose that's true.”

Napatawa ako nang mahina.

Kinuha niya ang isa sa mga folder sa mesa ko bago iyon isinantabi. “You know, most people would've ignored that mistake.”

“I almost did.”

Tumaas ang isang kilay niya.

“Akala ko filing error lang. Pero may kung anong pakiramdam na nagsasabing may mali, kaya ipinagpatuloy ko ang pagcheck.”

“Good work, Elisha.”

Hindi iyon malakas.

Hindi rin dramatiko.

Pero ang marinig ang tatlong salitang iyon mula sa isang taong tulad ni Caden Guevarra.Parang naging sulit ang lahat ng gabing hindi ako nakatulog ng maayos.

“Thank you, Sir.”

Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago muling nagsalita. “You should go home. And get some rest.”

Mahina akong natawa. “Boss ko ba talaga ang nagsabi niyan?”

Napakunot-noo siya. “What is that supposed to mean?”

“Akala ko bibigyan niyo pa ako ng panibagong tambak ng documents bago ako pauwiin.”

“I considered it.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Seriously?”

Nag iwas siya ng tingin. “No.”

Napatawa ako. “Muntik ko nang paniwalaan.”

“I know.”

Napailing ako habang dinadampot ang bag ko.

“I'll see you tomorrow, Sir.”

“Drive safely.”

Natigilan ako.

Sinabihan niya ba talaga akong mag ingat sa pagmamaneho?

Napangiti ako sa sarili ko.

“Good night, Sir.”

“Good night.”

CADEN POV

Muling natahimik ang opisina matapos umalis si Elisha. Naglakad ako papunta sa glass wall na nakatanaw ng view sa labas.

Hindi ko inaasahan na may isang taong lumampas sa standards ko.

Hindi dahil nag overtime siya.

Hindi dahil sinunod niya ang mga utos ko.

Kundi dahil napansin niya ang mga detalyeng hindi nakita ng iba.

Mahalaga ang isang competent na empleyado.

Pero ang isang taong tunay na nagmamalasakit sa trabaho niya sy bihira mong matagpuan.

Interesting.

Very interesting.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 27 - Unspoken Feelings

    ELISHA POV"Did you notice Sir Caden smiles more lately?""Miss Gonzales seems to be the only one who can talk to him without getting scolded.""Maybe she's becoming his favorite."Iyan ang bumungad sa akin na usapan nina Ysa at Queen habang nakapila ako sa cafe na katabi ng kompanya. “Ehem!” Pagkuha ko sa atensyon nila.“Elisha.” Nahihiyang sambit ni Queen.“Goodmorning Eli or should I call you future Mrs. Guevarra?” Pang aasar ni Ysa.“Ikaw talaga Ysa, tigilan mo ‘yang pang aasar mo at baka may ibang makarinig sa iyo at maniwala pa. Alam mo naman na mabilis kumalat ang balita at nakakahiya kay Sir Caden kapag umabot pa ito sa kanya.” Suway ko.”“Bagay naman talaga kayo Ma’am Elisha.” segunda naman ni Queen.“Diba? Noong mga nakaraan nga na naging issue hindi naman nagalit si Sir.” Giit pa ni Ysa.“Mga pasaway talaga kayong dalawa.” Saad ko.Matapos nilang makuha ang order ay hinintay na lang nila ako at sabay na kaming pumasok sa kompanya. Silang dalawa ang naging kaibigan ko dito

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 26 - Crossing The Line

    ELISHA POVRamdam ko ang sakit ng batok at likod ko habang busy sa paggawa ng presentation na kailangan sa susunod na araw. Hindi ko na din alintana ang oras dahil madalas naman akong late umuwi dahil nitong mga araw ay mas naging busy sa trabaho dahil sa sunod sunod na projects at meetings na hinaharap ng boss ko. Minsan napapaisip ako kung tao pa ba ito o robot dahil halos wala na itong pahinga. Alam kung hindi madali ang industriyang ito dahil ganito din ang parents ko pero kahit papaano ay may oras sila para sa akin. Pero itong si Caden, halos ginawa ng bahay ang opisina.“Elisha.” Mabilis akong napatingin kay Caden na ngayon ay nasa harapan ko na.“Yes Sir?” Tanong ko.“Come with me.”Agad naman akong sumunod dito papasok sa kanyang opisina.“May kailangan ba kayo Sir?” Tanong ko ulit.Itinuro niya ang isang paper bag na nakapatong sa mesa.“It’s too late already. You need to eat.” Anas nito ng mapansin ang pagkunot ng noo ko habang nakatitig sa mesa.“Mamaya na lang Sir, malap

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 25 - The Choice He Made

    THEO POV“Thank you for the ride!” Nakangiting sambit ni Elisha.“Hindi ako tumatanggap niyan, kailangan ko ng bayad,” saad ko.“Grabe ka! Ang yaman mo na eh.”“I think dinner after work will do,” natatawang anas ko.Saglit itong natahimik na parang nag-iisip. “May pagpipilian ba?”“Yes or yes.”At sabay kaming tumawa.“Hindi ka ba busy?”Umiling naman ako. “Kailan ba ako naging busy pagdating sa’yo?” sabi ko.“Noong mga nakaraang linggo?”“Wow? Parang sarili mo naman tinutukoy mo,” pang-aasar ko sa kanya dahilan para sumimangot ito.“Huwag na mag-dinner.”Natawa naman ako. “Huwag kang sumimangot, hindi bagay sa’yo.”“As if hindi ka gandang-ganda sa’kin.”“Ang yabang na,” saad ko.Inirapan naman ako nito. “Alis na ako at baka ma-late pa ako.”Tumango naman ako. “I’ll fetch you later after work,” anas ko.“Hindi ba masyadong hassle na sa’yo? Pwede naman magkita na lang tayo sa restaurant?”“No need to commute, Elisha. Mas mapapanatag ako kapag sabay na tayo umalis,” seryosong turan ko.

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 24 - The Distance Between Us

    ELISHA POV"I still can't believe President Guevarra danced.""I've worked here for six years and I've never seen that.""Miss Gonzales looked so elegant.""I heard several investors mistook her for his girlfriend."Rining kung pinag uusapan ng mga empleyado. Hindi naman na ako magtataka dahil sa dami ng media noong gala ay hindi malabo na maraming pictures at video ang nakapost.Hinayaan ko na lang sila at naglakad papunta sa elevator. Pagdating ko sa executive floor ay agad akong dumiretso sa opisina ni Caden."Good morning, Sir." Bati ko."Good morning."For a brief moment, our eyes met.Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang nangyari noong gala. The music. The lights. His hand resting against mine while we danced.Agad akong umiwas ng tingin."Ito pala ang mga contracts na kailangan mo para sa board meeting.” Saad ko at inilapag sa ito sa mesa."Thank you."“Babalik na ako sa table ko Sir. Ang dami ko pang kailangan tapusin.” Saad ko at naglakad na palabas. Alam

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 23 - A Night To Remember

    ELISHA POVPaulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong marami ang nagsasabi na maganda ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, lalo na sa event na ito.Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kong si Caden ito.“Sir.”“Are you ready? I’m already outside the building of your condo.”“Yes, Sir.”“Are you sure? You don’t need to hurry. I can wait.”“I’m pretty sure,” natatawang sambit ko at agad na lumabas sa condo.“Alright.”Nang tuluyan na akong makalabas sa entrance ng building ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa magarang kotse nito.He was dressed in a perfectly tailored black tuxedo. He looked every bit the CEO everyone admired.I had seen Caden wearing expensive suits almost every day at the office, but tonight was different. Maybe it was the tuxedo. Maybe it was the way he stood there so casually while waiting for me.“Ilang oras pa akong maghihintay matapos ang pagtitig mo sa akin?”Agad akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang boses nit

  • The CEO I Vowed To Hate (Tagalog)   Chapter 22 - His Accompanying Guest

    ELISHA POVNitong mga nakaraang linggo ay naging busy kami dahil sa dami ng trabaho, puro meeting din si Caden sa mga bagong investors at projects kaya tambak din ang mga gawain ko.Hindi biro ang maging sekretarya ng isang Caden Guevarra kaya naiintindihan ko kung masyado siyang mapili noong mga panahon na hiring sila sa posisyon kung nasaan ako ngayon."Elisha."I immediately looked up from the documents on my desk. “Sir?”“Follow me.”"Yes, Sir." Agad kong kinuha ang notebook at saka sumunod sa kanya sa loob ng opisina.He motioned toward the chair across from his desk. "Sit.""Review tomorrow night's schedule."I opened the folder.Guevarra Corporation Annual Charity GalaVenue: Grand Imperial HotelTime: 7:00 P.M.Guests:Board MembersBusiness PartnersForeign InvestorsMedia RepresentativesMaingat kong binasa lahat ng detalye na nakasulat dito.Everything seems complete except for one blank space.CEO's Accompanying Guest: __________I lifted my head. “Sir, may nakalimutan yat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status