LOGINChapter 3
The Second Encounter Hindi niya inaasahan. Hindi talaga. Sa dami ng kompanya sa bansa, sa dami ng kliyenteng hinahawakan ng Monteverde Group, bakit kailangang ang unang malaking kaso na haharapin niya matapos ang blind date ay may koneksyon mismo sa lalaking nakasama niya kagabi? Chase Monteverde. Nakatitig si Ariana sa folder na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. "Problem?" Napatingin siya kay Mia na nakatayo sa tabi ng kanyang desk. "Wala." "Sure?" "Yes." Pero alam ni Mia na may kakaiba. "May nakita ka bang multo sa file?" "Mas malala." "Ano?" "CEO." Napakunot-noo si Mia. "CEO?" "Never mind." Kinuha ni Ariana ang folder at tumayo. "May meeting ako." "With the CEO?" Hindi siya sumagot. Sapat na iyon para ngumiti si Mia. "Good luck, Attorney." "Don't start." --- Sa Monteverde Group... Hindi rin makapaniwala si Chase nang makita ang pangalan sa schedule niya. Meeting with Villanueva Law Office. Ariana Villanueva. Muli niyang naalala ang kanilang dinner. Ang paraan ng pagsagot nito. Ang pagtaas ng kilay nito kapag naiinis. At ang paraan ng pagtawa nito nang hindi niya napigilan. Hindi niya alam kung bakit ganoon kadaling maalala ang isang tao na isang beses pa lang niya nakikita. "Sir." Napatingin siya kay Ethan. "The lawyers are here." Agad siyang bumalik sa professional expression. "Let them in." --- Bumukas ang p***o ng conference room. At doon siya nakita. Si Ariana. Naka-black blazer, hawak ang documents, at may parehong seryosong ekspresyon na nakita niya kagabi. Ngunit ngayon... Hindi siya ang babaeng kausap niya habang kumakain. Isa siyang abogado. Confident. Professional. At hindi nagpapadala sa presensya niya. "Good morning, Mr. Monteverde." Tumayo si Chase. "Good morning, Attorney Villanueva." Nagkamay sila. Sandali lang. Pero sapat para mapansin niyang pareho silang nagulat sa pagkakataong ito. "Didn't expect to see you here." Diretsong sinabi ni Ariana. Bahagyang ngumiti si Chase. "Neither did I." "Let's keep this professional." "I agree." Napataas ang kilay niya. "Mabuti." Umupo sila. Nagsimula ang meeting. At doon muling nakita ni Chase ang dahilan kung bakit siya humanga rito. Hindi lang ito maganda. Matalino ito. Bawat argumento ay may basehan. Bawat salita ay pinag-isipan. Hindi ito basta nakikipagtalo. Lumalaban ito gamit ang kaalaman. Samantala, napansin din ni Ariana ang pagbabago kay Chase. Sa labas, isa itong malamig na CEO. Pero sa loob ng meeting... Nakikinig ito. Hindi ito basta gumagamit ng posisyon para manalo. Tinitimbang nito ang bawat desisyon. Nakakainis aminin. Pero may respeto siya rito. Pagkatapos ng halos dalawang oras na diskusyon, natapos din ang meeting. "I think we have a solution," sabi ni Ariana habang inaayos ang papers. Tumango si Chase. "Your proposal is reasonable." "Of course." Napangiti siya nang bahagya. "And confident." "That's part of being a lawyer." "Or part of being Ariana Villanueva?" Natigil siya. Hindi niya inaasahan na gagamitin nito ang pangalan niya nang ganoon kadali. "You're too familiar." "Am I?" "Yes." Tahimik siyang tinitigan ni Chase. Pero bago pa ito makasagot, tumunog ang telepono ni Ariana. Agad niyang sinagot. "Hello?" Habang nakikipag-usap siya, napatingin si Chase sa mesa. At doon niya nakita ang isang maliit na keychain na nakalagay sa kanyang notebook. Isang pusa. Napangiti siya. Pareho pa rin. Cats. --- Pagkatapos ng tawag, tumayo si Ariana. "I have to go." "Already?" "Work." Tumango si Chase. "Of course." Naglakad na siya papunta sa p***o. Ngunit bago siya tuluyang lumabas... "Ariana." Napahinto siya. First name. Muli. "What?" Sandaling natahimik si Chase. Marami siyang gustong sabihin. Gusto niyang itanong kung kumusta siya. Kung nakapagpahinga ba siya. Kung gusto ba nitong magkape pagkatapos ng meeting. Pero hindi iyon ang lumabas. "Nothing." Napatingin siya rito na parang hindi naniniwala. "Nothing?" "Just making sure you heard me." Napailing si Ariana. "You're strange, Mr. Monteverde." Ngumiti siya. "I've been called worse." At tuluyan na siyang umalis. --- Pagkasara ng p***o... Napaupo si Chase sa kanyang upuan. Hindi niya nakuha ang pagkakataong itanong ang gusto niya. Pero hindi siya nabigo. Dahil ngayon... May dahilan na siya para muling makita si Ariana. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon... May isang bagay na hindi niya kayang kontrolin. Ang curiosity niya tungkol sa isang babaeng hindi niya kayang hulaan. Samantala, habang naglalakad papunta sa elevator... Napangiti nang bahagya si Ariana. Hindi niya alam kung bakit. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi na pala ganoon ka-irritating si Chase Monteverde gaya ng unang tingin niya. At iyon ang mas nakakainis. Dahil unti-unti niyang nakikita ang lalaking nasa likod ng malamig na pangalan. At baka iyon ang bagay na dapat niyang iwasan. Dahil ang isang CEO na tulad ni Chase Monteverde... Ay hindi dapat maging interesado sa isang simpleng abogado tulad niya. Pero pareho nilang hindi alam... Na ang simpleng pagkikita na iyon ang magiging simula ng isang komplikadong relasyon. Hindi maalis sa isip ni Ariana ang nangyari sa meeting. Hindi dahil sa kaso. Hindi dahil sa proposal. Kundi dahil sa isang tao. Chase Monteverde. "Annoying." Iyon ang unang salita na pumasok sa isip niya. Pero bakit hindi niya maiwasang maalala ang paraan ng pakikinig nito? Hindi tulad ng ibang CEO na nakilala niya, hindi ito nang-insulto o minamaliit ang opinyon niya dahil babae siya. Sa halip, pinag-aralan nito ang bawat argumento niya. At iyon ang nakakainis. Dahil mas madali sanang hindi niya ito magustuhan kung puro yabang lang ang ipinakita nito. --- "You're smiling." Agad napatingin si Ariana kay Mia na nasa kabilang mesa. "Hindi." "Yes, you are." "Wala akong iniisip." "About the CEO?" Napatigil siya. "Mia." "Okay, okay." Itinaas ng kaibigan niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Pero aminado ka naman na hindi siya kasing sama ng inaasahan mo." Hindi agad sumagot si Ariana. Dahil tama iyon. Hindi siya masama. Nakakainis lang. "He's just my client." "Sure." "Mia." "Fine. Client." Ngumiti si Mia bago bumalik sa trabaho. Pero hindi niya napansin na napatingin muli si Ariana sa folder ng Monteverde Group. --- Samantala... Hindi rin mapakali si Chase. Nasa harap niya ang mga dokumentong dapat niyang pirmahan, pero ilang minuto na siyang nakatitig lamang dito. "Sir?" Napatingin siya kay Ethan. "Yes?" "You're holding the same document for five minutes." Binitawan ni Chase ang papel. "I was thinking." "About the contract?" Tahimik. Sapat na sagot iyon. Napangiti si Ethan. "About Attorney Villanueva?" Malamig siyang tumingin dito. "Do you enjoy risking your job?" "Sometimes." Napailing si Chase. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang interesado sa opinyon ng assistant niya. Siguro dahil si Ethan ang isa sa iilang taong hindi natatakot magsabi ng totoo. "She is different." Iyon ang unang pagkakataong siya mismo ang nagbanggit. Nawala ang biro sa mukha ni Ethan. "Different how?" "She doesn't care that I'm Chase Monteverde." "Most people do." "Exactly." Tahimik siya sandali. "She argues with me." "That's a first." "She challenges my decisions." "Also a first." At hindi niya namalayang napangiti siya. "She likes cats." Napakunot-noo si Ethan. "Sir?" "Nothing." --- Kinahapunan, nakatanggap si Ariana ng email mula sa Monteverde Group. Subject: Case Discussion Follow-up Normal. Professional. Walang kakaiba. Binuksan niya ito. Pero sa huling bahagi ng email... May nakalagay na note. The CEO requested a follow-up discussion regarding several points. Available schedule: tomorrow, 3 PM. Napatingin siya sa screen. "Seriously?" Alam niyang trabaho iyon. Alam niya. Pero bakit parang may kakaibang pakiramdam? --- Kinabukasan. Dumating si Ariana sa Monteverde Tower nang eksaktong 2:55 PM. Hindi dahil gusto niyang mauna. Kundi dahil ayaw niyang bigyan ng dahilan ang CEO na punahin ang oras niya. Paglabas ng elevator, sinalubong siya ng assistant ni Chase. "Attorney Villanueva?" "Yes." "I'm Ethan. Mr. Monteverde is expecting you." Tumango siya. Pagpasok niya sa opisina... Nakita niya si Chase na nakatayo malapit sa coffee machine. Hindi naka-suit jacket. Nakasuot lamang ng white polo at dark trousers. Mas relaxed. Mas tao. "Coffee?" Napatingin siya rito. "Excuse me?" "Coffee. You look like someone who needs one." "Are you saying I look tired?" "No." Lumapit siya at iniabot ang isang tasa. "You look like someone who works too much." Natigilan siya. Dahil iyon mismo ang madalas sabihin ng mga magulang niya. "That's not an insult." "I didn't say it was." Bahagyang ngumiti si Chase. At sa unang pagkakataon... Hindi siya nairita. Tinanggap niya ang kape. "Thank you." "You're welcome." Sandaling natahimik ang dalawa. Hindi awkward. Hindi rin pilit. Tahimik lang. Hanggang sa magsalita si Chase. "By the way..." Tumingin siya rito. "Yes?" "I realized something." "Ano?" "After our dinner." Huminto siya. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "What?" Napatingin si Chase sa kanya. "I forgot to ask for your number." Napatigil si Ariana. At sa unang pagkakataon... Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Dahil ang isang CEO tulad ni Chase Monteverde... Ay umamin ng isang simpleng pagkakamali. Dahil sa kanya.Chapter 14The Man Behind the ShadowsDalawang araw matapos ang iskandalo...Unti-unti nang humuhupa ang ingay ng media.Ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala.Paminsan-minsan ay may reporters pa ring nag-aabang sa labas ng law firm ni Ariana.May mga artikulo pa ring lumalabas.May mga taong nag-iimbento ng kuwento.At may mga taong masyadong interesado sa buhay nilang dalawa ni Chase.Nakakainis.Pero kinakaya niya.Kailangan."Attorney Villanueva."Napatingala si Ariana mula sa mga dokumentong binabasa niya.Nakatayo sa pintuan ang secretary ng senior partner."Yes?""May client na gustong makipagkita sa'yo.""Scheduled?""Personally requested."Napakunot-noo siya."Sino?"Nag-abot ito ng business card.Pagkabasa niya sa pangalan...Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata.
Chapter 13The First Scandal"Panahon na para gumamit ng mas mabigat na paraan."Tahimik na nakaupo si Victoria sa loob ng kanyang sasakyan habang nakatitig sa mga litrato nina Chase at Ariana.May litrato sa charity gala.May litrato sa harap ng law firm.May litrato sa ospital.Magkakahiwalay na pangyayari.Ngunit kapag pinagsama...Mukhang isang relasyon.At iyon mismo ang gusto niyang palabasin.Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone.May tinawagan siya."Is it ready?"Saglit siyang nakinig.Pagkatapos ay ngumiti."Good.""Release it."Kinabukasan.6:30 AM.Nasa kusina si Ariana habang naghahanda ng almusal para sa kanyang ama na nakauwi na mula sa ospital.Tahimik ang umaga.Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.Mia CallingNapakunot-noo siya."Mia?""Ariana!"Agad niyang inilayo ang cellphone sa tenga."Good morning to you too.""THIS IS NOT A GOOD MORNING!"Tuluyan na siyang nagising."Anong nangyari?""Open your phone."Nanlamig ang sikmura niya.Bihira mag-panic si Mia.At
Chapter 12The Line Between Concern and Something MoreLumipas ang tatlong araw.Nanatili sa ospital ang ama ni Ariana para sa observation.Bagama't stable na ang kondisyon nito, inirekomenda ng doktor na magpahinga muna ito nang ilang linggo.At sa loob ng tatlong araw na iyon...Halos araw-araw na nasa pagitan ng ospital, bahay, at opisina si Ariana.Pagod.Puyat.At halos walang oras para sa sarili.---"Anak."Napalingon si Ariana sa kanyang ina habang nagbabalat ito ng mansanas sa loob ng hospital room."Kumain ka na ba?""Later, Mom.""Yan din ang sinabi mo kaninang umaga.""I'm fine."Pareho silang napatingin sa kama ng kanyang ama.Mahimbing na itong natutulog."You're not fine."Mahinang sabi ng kanyang ina.Tahimik si Ariana.Sanay siyang maging matatag.Sanay siyang siya ang tumutulong.Pero ngayong siya ang kailangang alagaan...Hindi niya alam kung paano.---Nang gabing iyon...Katatapos lamang niyang bumili ng kape sa hospital cafeteria nang mag-vibrate ang cellphone ni
Chapter 11Stay With Me"Please come to the hospital immediately."Nanginig ang kamay ni Ariana.Halos mahulog ang cellphone niya habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang narinig.He collapsed at work."D-Dad..."Hindi na niya namalayang tumulo ang unang luha.Mabilis siyang tumakbo palabas ng law firm at agad pumara ng taxi."St. Gabriel Medical Center, please! Bilisan n'yo po!"Hindi na niya alintana ang trapiko.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang ina niya.Ngunit walang sumasagot.Mas lalo siyang kinabahan.Samantala...Kakasakay pa lamang ni Chase sa sasakyan nang mapansin niyang hindi pa rin umaandar ang taxi ni Ariana.Napatingin siya sa labas.Nakita niyang nagmamadaling tumakbo si Ariana habang umiiyak.Hindi niya ito kailanman nakitang ganoon."Stop the car."Agad huminto ang driver.
Chapter 10The Boundaries Between UsTahimik ang paligid sa harap ng Villanueva Law Office.Nakatingin lang si Chase kay Ariana.Samantalang si Ariana naman ay hindi alam kung bakit tila may bigat ang katahimikang namamagitan sa kanila."She warned me."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Chase ang sinabi nito.Huminga siya nang malalim."I'm sorry."Napakunot-noo si Ariana."Bakit ka humihingi ng sorry?""Because Victoria had no right to bother you.""She came because of me.""Hindi."Diretsong sagot ni Chase."She came because of me."Napansin ni Ariana ang seryosong ekspresyon nito.Hindi ito ang Chase na mahilig mang-asar.Hindi rin ang CEO na laging kalmado.Mukha itong... nag-aalala."Mr. Monteverde.""Chase."Napatingin siya rito."Hm?""You can call me Chase.
Chapter 9An Unwanted VisitorMahigpit na hawak ni Ariana ang maliit na ceramic cat habang nakaupo sa loob ng sasakyan.Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito maibalik kay Chase.Hindi naman siya mahilig tumanggap ng regalo.Lalo na mula sa isang lalaking hindi pa niya lubos na kilala."I don't know what to say."Tahimik na sabi niya."You don't have to."Simple ang sagot ni Chase."I just thought you'd like it."Napatingin siya sa figurine.Maliit lang iyon.Pero tama si Chase.Nagustuhan niya.Hindi dahil sa halaga.Kundi dahil naalala siya nito."Thank you."Mahina ngunit taos-pusong sabi niya.Bahagyang ngumiti si Chase."I'll consider that a successful gift."Napairap si Ariana."Huwag kang masanay.""I'm willing to take that risk."Napailing siya."You'







