“Ano na naman ang problema?” tanong ni Wade na may halong inis sa tono. Tila ba nauubusan na siya ng pasensya sa mga kondisyon ko.Ngunit imbes na sagutin siya ng may galit, pinili kong ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit. Hinayaan kong maramdaman niya ang init ng palad ko.“Let’s date,” mahinahon kong sabi. “Like what normal couples do. Movie date, beach date, or simple dinner—basta magkasama tayo, at nararanasan nating pareho ang mga normal na ginagawa ng magkasintahan.”Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Wade. Parang hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.Nagpatuloy ako, pinipilit kong ipakita ang lambing sa mga mata ko. “Kahit nga ang ipagluto ka ng instant noodles, gusto ko ring maranasan. Alam mong ikaw ang kauna-unahang boyfriend ko, Wade. Kaya gusto kong maramdaman kung paano ba talaga ‘yong mga bagay na sinasabi nila sa pelikula. Iyong simpleng saya, hindi lang puro sigawan at utos.”Tahimik si Wade. Tinitigan niya ako nang matagal. Parang sinusu
Mukhang ito na nga ang hanggangan. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kamay ni Wade at pinisil iyon. Saka ako humarap sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Pilit akong nagsusumiksik sa bisig niya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Wade. This is my final blow. “Wade…” halos pabulong kong sambit. “Inaamin kong may nararamdaman pa rin ako sa iyo…at kailanman ay hindi nawala iyon.” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya upang titigan siya sa mata niya. “Pero hindi porque may nararamdaman ako sa‘yo ay aalipustahin mo na ako–”“Kailan pa kita inalipusta?” putol ni Wade sa akin. Napalunok ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya at bawat pisil ng mga daliri niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko.“We… I think I did,” malamig pero may halong biro ang tono ni Wade. Isang pilyong ngisi ang gumuhit sa labi niya. “Iyon ang araw na may nangyari sa ‘tin, ‘di ba? I overdid it. Sa kama lang kita aalipustahin, Lily. Maliban d
Mariin kong kinagat ang labi ko. Pinipilit kong magmukhang nasasaktan. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking ulo. Pinilit kong pagapangin ang mga luha sa pisngi ko, isang palabas na matagal ko nang pinaghandaan. Ang bawat hikbi ay kontrolado at bawat patak ng luha ay sinasadya ko. Nakita kong bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Wade. Akala niya, wasak na wasak ako. Perfect.Sa ilalim ng luha ko, bahagya kong itinaas ang tingin ko. Hinayaan kong magtagpo ang mga mata namin—mahina, basag, pero puno ng pag-arte.“Habang-buhay ba akong magiging ibang babae mo, Wade? Na kaya mong itapon kapag nagsawa ka? Am I just a toy for you?”Hinawakan ni Wade ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.Ang luha ng isang babae ay kahinaan ng mga lalaki. Kaya kailangan kong ipadama kay Wade na nasaktan niya ako nang husto.“Magaling ka talaga, Lily. Sa tingin mo ba ay madadala ako sa mga luha mo? Hindi ako gano'n ka bóbø, Lily.”Namawis bigla ang nga kamay ko. Nahuli na ba niya ako? Hindi
Nakita kong bahagyang gumalaw ang panga ni Wade, isang senyales ng pagpipigil. Ilang pulgada lang ang pagitan namin at sa pagitan ng katahimikan, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.Bahagyang umatras si Wade at saka sarkastikong tumawa—mababa, pero dumadagundong sa buong silid. Parang bawat hagikgik niya ay may halong pangungutya at sakit. Nang tuluyan nang humupa ang tawa niya, dahan-dahan siyang lumingon pabalik sa akin. Ang mga mata niya’y nanlilisik, puno ng galit.“Pagmamahal?” ulit niya, may bahid ng pandidiri sa tono. “Pinaglololoko mo ba ako? Sa panahon ngayon, Lily, hindi na uso ‘yan. Lahat ng tao may kapalit. Lahat ng bagay may presyo. So tell me…”Lumapit siya, bawat hakbang ay mabigat, nakakapanghina ng loob. Hanggang sa halos magdikit na muli ang mga katawan namin. Pero pareho kaming nagmamatigas at walang nais na magpatalo.“Sa tingin mo, sinong magbibigay ng hinihingi mong pagmamahal’?” Bahagya siyang yumuko. Halos dumampi na ang labi niya sa tenga ko. “Te
Palalim nang palalim ang palitan namin ng mapupusok na halik ni Wade. Ang kamay niya ay gumapang pababa sa aking hita. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pinapaikot niya sa balat ko dahilan upang mapapikit ako. Ang init na dulot ng kaniyang kamay ay mas nagpapaliyo pa sa akin. Bumaba ang halik ni Wade sa aking leeg. Impit akong napaungol nang marahan niyang sipsipin ang balat ko. Ang kamay naman niya ay sinusubukang pumasok sa loob ng damit ko. Teka! Bakit ba ako nagpapadala sa mga halik niya? Hindi ito ang plano ko.Nang matauhan ako ay marahas kong itinulak si Wade. Napaatras siya nang bahagya, ngunit nanatiling kalmado. Nakangisi pa rin siya habang nakatingin sa akin na para bang enjoy na enjoy siya sa reaksyon ko. Ang dalawang kamay niya ay dahan-dahan niyang ipinatong sa magkabilang balikat ko para marahan akong pigilang makalayo.“You’re dumping me because you’re done with me, right?” tanong ni Wade na may halong panunuya.Napalunok ako. Hindi ako makasagot agad. Parang natu
Mariin kong pinakawalan ang hangin sa ilong ko, pinipigilang umiyak o mapikon. Biglang bumalik sa akin ang alala, kung saan nagdusa ako at ang buong pamilya ko dahil sa kaniya.“Tinanggihan ko ‘yon, Wade!” mariin kong sagot. “At pwede ba? Tigilan mo na ako sa mga senti mo? Hindi mo na ako girlfriend! Gets mo ba ‘yon? Wala ka ng karapatang diktahan ako!”Nanigas ang panga ni Wade at ilang segundo lang ay nagdilim na ang mukha niya. “Wala akong karapatang diktahan ka?” mariin niyang ulit, halos pabulong pero puno ng pwersa ang boses.Lumapit siya sa akin hanggang sa halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya at ang lamig ng presensya niya nang sabay.“Lily, kahit anong sabihin mo, hindi mo mabubura ang katotohanan. You are mine. You’ve always been mine.”Napaatras ako, pilit na hinahabaan ang pagitan naming dalawa.“Hindi mo na ako pag-aari, Wade. At kung iyan pa rin ang paniniwala mo, mas lalo mo lang pinapatunayan sa akin ang dahilan kung bakit kita ini