Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 11 Convincing the Enemy ( Part 1 )

Share

Kabanata 11 Convincing the Enemy ( Part 1 )

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-02 19:59:53

Parang huminto ang tibok ng puso ko sa mga salitang binitiwan niya. Ano nga ba ang kaya kong ibigay? Paulit-ulit na umuukilkil ang tanong na iyon sa isipan ko, para itong echo na ayaw tumigil.

Inabot ko ang mukha ni Wade at masuyong hinawakan iyon. Mainit at makinis ang balat niya, halos parang pelus. Kanina ko pa napapansin na walang ka pores-pores ang mukha niya. Napaka-unfair ng mundo. Ako rito, naghihirap huminga at magpigil ng luha, at siya, nakaupo, tila laging perpekto.

Pinilig ko ang ulo ko. Pilit kong iwinaglit ang mga walang kabuluhang bagay na sumasagi sa isipan ko. Hindi ito ang oras para manghina. Huminga ako nang malalim, at marahan kong sambit, “I am not like you, Mr. Chilton…”

Kumunot ang noo ni Wade. Kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Hindi niya agad naintindihan ang pinupunto ko.

“What do you mean?” he asked, his voice low, urging me to answer.

Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. “Langit ka, lupa ako.”

Biglang napatawa si Wade. Isang mababang tawa na ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 66 Glammed Up (Part 2)

    Ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan sa harap ng isang marangyang boutique—ang isa sa mga pinakasikat at pinakamahal sa lungsod. Mahal ang botique na ‘to, dito bumibili ang mga mayayamang babae sa lungsod namin. Pero kilala rin ang botique na ‘to internationally. Mukha malaking pera ang gagastuhin ni Wade sa akin ngayong araw. Hindi basta-basta lahat ng mga inutos niya kay Wayne eh. Pagbaba namin, agad na binuksan ni Wayne ang pinto para sa akin. “Miss Lily,” magalang niyang sabi. “I’ll be here if you need anything. Pero… sana po ay huwag ninyo nang bigyan ng dahilan si Master Wade para magalit muli.”Tumitig ako sa kaniya, nagtagal ng ilang segundo bago ako ngumiti. “Don’t worry, Wayne. This time, I’ll make sure he gets exactly what he DESERVES.”Pagkatapos ng ilang oras na pag-aayos at pagsukat ng kung anu-anong damit, halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang isang eleganteng beige dress na bumagay sa kutis ko at ang buhok ko ay inayos sa malambot na

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 65 Glammed up (Part 1)

    Bago pa ako makapagsalita, hinawakan na ni Wade ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng library na para bang wala akong choice kung hindi ang sumunod. Nang makababa kami ay naroon na pala si Wayne. Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan habang hawak ang cell phone at may clipboard pa sa kabilang kamay. Ang bilis niyang kumilos! Kausap pa lang siya ni Wade sa cell phone kanina pero heto na agad siya na parang may teleportation powers.“Good afternoon, Master Wade, Miss Lily,” magalang na bati ni Wayne habang bahagyang nakayuko.Tumango lang si Wade at marahang itinulak ako palapit kay Wayne. “She’s all yours for today. Make sure she gets everything she wants and everything I want.”“Yes, Master Wade,” mabilis na sagot ni Wayne pero halata ang kaba sa tono niya.“Wade…” mahinahon kong sambit habang pilit kong pinapalambing ang boses ko. “Hindi mo na kailangang mag-alala. Isa pa, alam kong hindi ako pababayaan ni Wayne. Takot niya na lang sa iyo.”“I know, he will do fine. Gusto ko lang ipa

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 64 His Version of Normal

    “Ano na naman ang problema?” tanong ni Wade na may halong inis sa tono. Tila ba nauubusan na siya ng pasensya sa mga kondisyon ko.Ngunit imbes na sagutin siya ng may galit, pinili kong ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya nang mas mahigpit. Hinayaan kong maramdaman niya ang init ng palad ko.“Let’s date,” mahinahon kong sabi. “Like what normal couples do. Movie date, beach date, or simple dinner—basta magkasama tayo, at nararanasan nating pareho ang mga normal na ginagawa ng magkasintahan.”Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Wade. Parang hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.Nagpatuloy ako, pinipilit kong ipakita ang lambing sa mga mata ko. “Kahit nga ang ipagluto ka ng instant noodles, gusto ko ring maranasan. Alam mong ikaw ang kauna-unahang boyfriend ko, Wade. Kaya gusto kong maramdaman kung paano ba talaga ‘yong mga bagay na sinasabi nila sa pelikula. Iyong simpleng saya, hindi lang puro sigawan at utos.”Tahimik si Wade. Tinitigan niya ako nang matagal. Parang sinusu

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 63 Not Getting Back

    Mukhang ito na nga ang hanggangan. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kamay ni Wade at pinisil iyon. Saka ako humarap sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Pilit akong nagsusumiksik sa bisig niya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Wade. This is my final blow. “Wade…” halos pabulong kong sambit. “Inaamin kong may nararamdaman pa rin ako sa iyo…at kailanman ay hindi nawala iyon.” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kaniya upang titigan siya sa mata niya. “Pero hindi porque may nararamdaman ako sa‘yo ay aalipustahin mo na ako–”“Kailan pa kita inalipusta?” putol ni Wade sa akin. Napalunok ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya at bawat pisil ng mga daliri niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko.“We… I think I did,” malamig pero may halong biro ang tono ni Wade. Isang pilyong ngisi ang gumuhit sa labi niya. “Iyon ang araw na may nangyari sa ‘tin, ‘di ba? I overdid it. Sa kama lang kita aalipustahin, Lily. Maliban d

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 62 Her Drama (Part 3)

    Mariin kong kinagat ang labi ko. Pinipilit kong magmukhang nasasaktan. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking ulo. Pinilit kong pagapangin ang mga luha sa pisngi ko, isang palabas na matagal ko nang pinaghandaan. Ang bawat hikbi ay kontrolado at bawat patak ng luha ay sinasadya ko. Nakita kong bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Wade. Akala niya, wasak na wasak ako. Perfect.Sa ilalim ng luha ko, bahagya kong itinaas ang tingin ko. Hinayaan kong magtagpo ang mga mata namin—mahina, basag, pero puno ng pag-arte.“Habang-buhay ba akong magiging ibang babae mo, Wade? Na kaya mong itapon kapag nagsawa ka? Am I just a toy for you?”Hinawakan ni Wade ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.Ang luha ng isang babae ay kahinaan ng mga lalaki. Kaya kailangan kong ipadama kay Wade na nasaktan niya ako nang husto.“Magaling ka talaga, Lily. Sa tingin mo ba ay madadala ako sa mga luha mo? Hindi ako gano'n ka bóbø, Lily.”Namawis bigla ang nga kamay ko. Nahuli na ba niya ako? Hindi

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 61 Her Drama (Part 2)

    Nakita kong bahagyang gumalaw ang panga ni Wade, isang senyales ng pagpipigil. Ilang pulgada lang ang pagitan namin at sa pagitan ng katahimikan, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.Bahagyang umatras si Wade at saka sarkastikong tumawa—mababa, pero dumadagundong sa buong silid. Parang bawat hagikgik niya ay may halong pangungutya at sakit. Nang tuluyan nang humupa ang tawa niya, dahan-dahan siyang lumingon pabalik sa akin. Ang mga mata niya’y nanlilisik, puno ng galit.“Pagmamahal?” ulit niya, may bahid ng pandidiri sa tono. “Pinaglololoko mo ba ako? Sa panahon ngayon, Lily, hindi na uso ‘yan. Lahat ng tao may kapalit. Lahat ng bagay may presyo. So tell me…”Lumapit siya, bawat hakbang ay mabigat, nakakapanghina ng loob. Hanggang sa halos magdikit na muli ang mga katawan namin. Pero pareho kaming nagmamatigas at walang nais na magpatalo.“Sa tingin mo, sinong magbibigay ng hinihingi mong pagmamahal’?” Bahagya siyang yumuko. Halos dumampi na ang labi niya sa tenga ko. “Te

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status