Home / Romance / The CEO'S Lethal Obsession / Kabanata 99 Wade's Fiancee

Share

Kabanata 99 Wade's Fiancee

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-10-24 22:08:16
LILY'S POV

Lumapit sa akin ang isa sa mga staff ng babae. May dala silang basket ng pastel-colored macarons. “Ma’am, would you like one?”

Ngumiti ako nang magalang at umiling. “Thank you, pero pass muna ako.”

Narinig iyon ni Nina at agad na nagsalita, medyo malakas para marinig ng iba.

“Ha? Sayang naman, Lily! Imported ‘yan! Galing daw France. Hindi araw-araw may libreng pagkain dito. At hindi araw-araw matitikman mo ‘yan. Anong tingin mo sa sarili mo, kayang magbakasyon sa France para lang bumili niyan? Hindi ka ba tinuturuan na huwag tumanggi sa grasya?”

Patuloy ako sa pagta-type. “Okay lang. Hindi ako mahilig sa matatamis.”

Napangisi si Nina, ‘yong tipong may kasamang pang-aasar.

“O baka naman hindi mo pa natitikman kahit kailan kaya umaayaw ka? ‘Yan ay galing pang France. Mahal ‘yan, girl. Hindi ‘yan katulad ng tinapay sa kanto. Baka nga mas mahal pa ‘yan sa ‘buhay mo, eh. Kaya you should grab the chance, Lily. Ikaw rin, baka magsisisi ka,” puno ng pang-uuyam na sabi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 176 Cornering Her Accomplice (Part 3)

    Wayne's POV Umiling ako. “Malabong mangyari ang sinasabi mo – na ikulong si Lily. Pero ikaw maaari kang makulong kaya kailangan mong tumulong sa plano ko at makinig kang mabuti. Wade Chilton is in love with your best friend. Kaya niyang mamatay para sa kaibigan mo, kahit na may duda na siya na lalasunin siya ng kaibigan mo ay kinain niya pa rin ang mga pagkaing hinanda ni Lily para sa kaniya. Ganoon niya kamahal ang kaibigan mo at handa siyang patawarin ang lahat ng pagkakamali ng kaibigan mo sa isang sorry lang nito ay tatanggapin siya ng boss ko.” Sumeryoso ang mukha ni Alena. “Paano ako makakasiguro na mahal nga ng boss mo si Lily? Na hindi niya ito sasaktan? Masyado nang nasaktan ang kaibigan ko. Ayaw kong masaktan pa siya ng sobra.”“Hindi pa ba sapat iyong kahit kamuntikan ng mamatay si Master Wade ay ang kaibigan mo pa rin ang hanap niya? Kahit galit siya at nasasaktan ay presensiya pa rin niya ang hanap niya?” Bumuntong hininga ako, “Kilalang-kilala ko si Wade. Sa halos ilan

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 175 Cornering Her Accomplice (Part 2)

    Wayne's POV “May option ka,” sabi ko. “P’wede kitang i-turn over, o… puwede kang tumulong sa akin.”Tumigil siya. “Tumulong? Sa ano?”“Pumayag ka muna,” sabi ko. “What? Paano ako papayag kung hindi ko nga alam ang gusto mong mangyari?” inis na sabi niya. Humigpit ang hawak niya sa frying pan – kaya napalunok ako at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Just say yes!” “Baliw ka ba? Paano kung ang gusto mong mangyari ay patayin ko si Lily? Kaya paano ako papayag nang basta na lang? Hindi ako killer. Hacker lang ako, hacker lang!”“Hindi naman kita inuutusang pumatay. Hindi rin ako mamamatay tao. At kung anuman ang iniisip mo kay Master Wade – hindi siya gano’n. Masama lang ang ugali niya pero hindi siya kagaya nang nasa isipan niyo.”“Ano nga ang gusto mong mangyari? Say it directly dahil hindi ako manghuhula. At kailangan ko pang gumawa ng lesson plan. Kung wala ka pang naiisip, puwes! Bukas mo na ako bulabugin.” Masyadong mainitin ang ulo. Siya na nga ang may atraso sa amin, si

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 174 Cornering Her Accomplice (Part 1)

    Wayne's POV A few hours ago…Nakatutok ako sa monitor. Ang mga mata ko ay halos hindi na kumukurap. Ilang oras na akong nagba-backtrack ng system logs ni Master Wade. Sinusuri ko kung bakit biglang may leak sa classified files niya kagabi. Sa una, inakala kong glitch lang pero ngayon ay nakita ko na kung bakit.May cursor na gumagalaw sa folder na dapat ako lang at si Master Wade ang may access.“Anong—” bulong ko, sabay pindot ng ilang command. Lumabas sa screen ang IP trace. “Hindi p’wedeng totoo ‘to…”Kumikirot ang sintido ko habang sinusundan ko ang digital trail. Mabilis. Malinis. Halatang hindi baguhan. Pero may isang pagkakamali. Nag-log in siya gamit ang VPN na nag-reroute sa loob ng parehong network area ng building ni Wade.“Got you,” mahinang sabi ko.Tinuloy ko ang pag trace. Lumabas sa mapa ang area — isang residential tower sa city center. Pagkakita ko sa pangalan ng unit owner, napaatras ako sa upuan.Alena Newford.At kilalang-kilala ko siya. She’s Lilibeth Russell’s

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 173 Caught in the Act

    LILY’S POVNapalingon ako. Nakadilat na siya. Nakatingin siya sa amin na parang naguguluhan.“Anong nangyayari rito?”“Wade!” Mabilis akong lumapit sa kaniya, halos mahulog ang cell phone ko sa sahig. “May lalaking pumasok at may tinurok siya sa IV mo! Akala ko—”Pero bago ko pa matapos, narinig kong napahawak siya sa ulo niya at napakunot ang noo. “Kelvin?” tawag niya, medyo garalgal ang boses. “Bakit ka nasa sahig?”Natigilan ako. “Ano? Kilala mo siya?” Napalingon ako ulit sa lalaki – siya ‘yong tinutukan ko kanina. Nakaupo siya ngayon sa sahig at nag-aayos ng puting coat na gusot-gusot na dahil sa pagkakahila ko sa kaniya kanina.“Teka lang,” sabi ni Wade, pilit umuupo sa kama. “Lily, anong ginawa mo kay Kelvin?”Napakunot ang noo ko. “Kaibigan mo siya?” “Oo!” sagot ni Wade, halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa eksena. “He’s my friend and he's the Vice President of this hospital.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig.“A-Ano?” “VP siya rito,” ulit ni Wade, mas malinaw

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 172 The Strange Man

    LILY'S POV Kakaupo ko pa lang sa tabi ng kama ni mama nang biglang tumunog ang cell phone ko. Pagtingin ko, pangalan ni Alena ang lumabas sa screen.“Hello?” “Lily!” halos sigaw niya sa kabilang linya. Ramdam ko agad ang kaba sa boses niya. “Nasaan ka ngayon?” “Sa hospital. Dito kay mama. Bakit?” “Makinig ka,” mabilis niyang sabi, halatang nagmamadali. “Kumakalat na sa social circle ng mga investors at shareholders ang tungkol kay Wade. Na nalason daw siya. Hindi ko alam kung paano lumabas ang impormasyon pero nag-viral sa mga group chat ng mga may-ari ng kumpanya.”Napahigpit ang hawak ko sa telepono. “Ano? Paano nila nalaman?” “Hindi ko alam. Pero ang mas masama, Lily…” Tumigil siya sandali, parang nag-aalangan. “Maraming nagagalit. Hindi lang sa kaniya bilang CEO, kung hindi pati na rin sa mga desisyon niya sa kumpanya. May mga nagsasabing dapat na siyang palitan. At may mga tao—” “May mga tao na ano?” halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa galit. Ang kapal nilang lahat p

  • The CEO'S Lethal Obsession   Kabanata 171 The Sponsor

    LILY'S POVTumunog ang cell phone ko habang nasa banyo ako. Napatingin ako, at agad kong nakita ang pangalan sa screen."Dr. Ramos (Mama’s Doctor)"Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. May nangyari ba kay mama? Agad kong sinagot ang tawag.“Hello, Doc?” “Lily,” mahinahon pero mabilis ang tono ni Dr. Ramos. “P'wede ka bang makapunta ngayon dito sa facility? May kailangan lang tayong pag-usapan tungkol sa mama mo.”Tumigil ako sa paggalaw. “May nangyari ba sa kaniya?” “Wala namang masama pero kailangan ko ng pahintulot mo. Ililipat na kasi siya sa bagong ward.”Napakunot ang noo ko. “Bagong ward? Bakit po?” “Mas magiging maayos doon ang treatment niya. May bagong program ang hospital para sa mga pasyenteng nangangailangan ng close monitoring. VIP ward na siya.”“VIP?” halos hindi ako makapaniwala. “Doc, baka may pagkakamali. Hindi ko po inaprubahan ‘yon at wala akong binitiwang malaking halaga para maili—” “Mas mabuti kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status