Share

Chapter 7

"Masarap ba?" Tanong ko kay Ivan kahit na kitang-kita ko naman sa kaniyang reaksyon na nasarapan siya sa luto kong ulam.

Ngumiti siya at tumango. Linunok niya ang pagkain at muling ngumanga.

Ganado siyang kumain kaya hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking mga labi.

"Bakit pala hindi ka kumakain?" Tanong niya.

"Mauna ka nang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom." Alas-sais pa lang kasi ng hapon. Kailangan niyang uminom ng gamot kaya pinakain ko na siya.

"Nag-da-diet ka ba?" Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to.

"Hindi naman," sagot ko.

"Ang payat mo na kaya."

"Anong payat. Sexy kaya ako." Ngumuso ako at pinigil ang mapairap. Ang payat si Maureen, gusto kong sabihin kaso pinigilan ko. Ayaw kong isingit ang pangalan ng kaniyang kabit.

Ngumuso siya. "Bakit, hindi ba ako sexy?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumiti lang naman siya. Ewan ko sa'yo.

"Last na," sabi ko sa kaniya. Naubos na ng baby damulag ang pagkain na hinanda at niluto ko para sa kaniya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Evez Labonite
sobrang excited sa episode na to
goodnovel comment avatar
Evez Labonite
more chapters please l
goodnovel comment avatar
Bimbie
Ay, kinilig ako hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status