Share

Chapter 2: The Façade  

Penulis: SERENYR
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-02 00:10:58

Agatha Navarro. Isang kilalang abogado at CEO ng pinakamalaking law firm sa kanyang panahon. Malakas na mandirigma ng katarungan at isang hinahangaang tao ng karamihan, mayaman o mahirap. Natural ang kanyang kapangyarihan at dahil din dito, ang kanyang mga kaaway ay hindi imposible.

Hindi alam ni Dorothy kung dahil ba iyon sa unang tanong ni Theodore o dahil ba sa pangalawa.

Mababaw man kung iisipin pero matagal na nang nadinig niya ang tanong na iyon. Ang simpleng katanungan kung kumain na ba siya ay naging imposible nang isaad niya kay Lucas ang kanyang pangarap na maging CEO ng sarili niyang design firm at ipagpaliban muna ang kanilang pagsisiping. Pinalampas niya muna ito bilang isang pagtatampo, hanggang ang mga araw ay tumagal nang buwan, hanggang sa umabot ng dalawang taon.

Hindi siya agad nakasagot. Nakatingin lang siya sa paper bag at sa dalawang cup ng kape na hawak ni Theodore. Maayos ang pagkakatayo nito, tuwid, kalmado, at walang bakas ng pag-aalinlangan. Sa likod ng kanyang maamong mukha, alam niyang may pagtatantya. Tulad ng isang taong sanay sa negosasyon, binabasa siya nito mula ulo hanggang paa.

Sa wakas, tumango siya. “Wala pa.”

Tumalikod si Theodore matapos ilagay sa tabi niya ang dalang pagkain at naglakad palayo. Walang paanyaya. Walang paliwanag.

Pero sa kakaibang paraan, naiintindihan ni Dorothy: Sumunod ka kung gusto mo.

At sumunod nga siya.

Ang restaurant ay isa sa mga hindi niya inaasahan, hindi engrande, hindi pangmayaman. Isang tahimik na ramen bar sa likod ng isang gasolinahan, walang pila, walang customers, at may mahina lang na tugtog ng jazz sa background. Isang lugar na tila sadyang pinili para sa mga gustong makalimot.

“May kilala akong masarap dito,” sambit ni Theodore nang makaupo sila sa booth sa sulok. “Mamaya na tayo mag-uusap tungkol sa ikalawa kong tanong.”

“Hindi ko akalaing kumakain ka sa mga mumurahing kainan,” sabi ni Dorothy nang may mapang-uyam ang tono. Sabik siyang malaman kung ano ang nais nitong sabihin tungkol sa tiyahin niya pero naisip niyang baka may iba itong pakay at ginagawa lang iyon na pain para makuha ang interes niya.

“Hindi rin ako nag-aalok ng dinner sa mga babae,” sagot ni Theodore, sabay tingin sa menu. “Pero pareho tayong may masamang araw ngayon, hindi ba?”

Tahimik lang si Dorothy. Tinanggap niya ang menu pero hindi siya nagbasa. Tiningnan lang niya ang lalaki sa harap niya.

Si Theodore Velasco, ang lalaking sinasabi ng media na walang emosyon, walang partner, at walang kahinaan. Ngunit ngayon, heto siya, humahawak ng chopsticks na parang sanay sa mumurahing kainan at nakatingin sa kanya na parang… interesado.

“Bakit mo ako inalok ng dinner?” tanong niya.

“Gusto kong makita kung anong hitsura ng isang babaeng bagong diborsyo,” sagot nito nang diretso.

“Curiosity?”

“Observation,” tugon ni Theodore. “Nakakatulong sa mga negosasyon ang pagbasa ng emosyon. Wala pa akong nakakausap na hiwalay sa asawa. Ah, hindi naman kasi ako nakikipag-usap kahit kanino.”

Malamig na ngumiti si Dorothy. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang sinabing iyon ng kaharap.

“Sa negosasyon mo, Mr. Velasco, sino ang nananalo?”

“Wala pa tayong kontrata, Miss Navarro.”

Hindi agad naintindihan ni Dorothy ang ibig sabihin ng lalaking kaharap niya. Pero bago siya makapagtanong, dumating ang kanilang order. Tahimik silang kumain. Ilang minuto ng katahimikan na tila mas nakakabingi pa sa kahit anong pagtatalo.

Sa bawat higop niya ng ramen, parang unti-unting bumabalik ang lakas sa kanyang kalamnan. Hindi niya alam kung ito’y dahil sa sabaw o dahil may isang taong, kahit estranghero, ang umupo sa harap niya, hindi para husgahan, kundi para samahan siya sa katahimikan.

Dapat ba akong magpasalamat na may business trip si Ver kaya nagkaroon kami ng moment ni Mr. Velasco? Isip niya.

Matapos ang pagkain, muling tumunog ang cellphone ni Dorothy. Isa na namang anonymous na mensahe.

“Wala kang ideya kung sino ang binangga mo.”

Muli siyang nanginig. Kakagaling niya lang sa hiwalayan, ano na naman ang nagawi sa landas niya? Hindi niya namalayang nakatitig na pala sa cellphone niya si Theodore.

“Patawad, Ms. Navarro. Pero, alam mo ba ang ibig sabihin nito?” seryosong tanong nito.

Kinuha ni Theodore ang cellphone, tiningnan, at pagkatapos ay ibinalik ito sa kanya.

“May ideya ako kung sino ang posibleng nagpadala. Pero hindi ako sigurado… pa.”

“Pa?” ulit ni Dorothy. “Ibig mong sabihin, may alam ka?”

Tumango si Theodore. “Kung totoo ang hinala ko, may kinalaman ito sa pagkamatay ng tiyahin mo. At ‘yun ang gusto kong pag-usapan natin, mamaya.”

“M-mamaya?” Nagpatigas ng katawan ni Dorothy sa pangalan.

Hindi niya ito binanggit. Hindi niya ito naikuwento.

“Paano mo nalaman?” tanong niya, halos pabulong.

“Bago ka pa pumasok sa opisina ng registrar kanina, minamanmanan ka na,” tugon ni Theodore. “At ako ang unang nakakita sa mga taong iyon. Marahil ay naghinala sila na may nalaman ka dahil nakipaghiwalay ka kay Moreno.”

Hindi lubos maalala ni Dorothy kung paano niya naitawid ang gabing iyon. Pag-uwi nila, huminto ang sasakyan ni Theodore sa tapat ng isang modernong condominium.

“Wala akong ibang balak ngayong gabi,” ani Theodore, habang binubuksan ang pinto. “Pero kung gusto mong malaman kung sino ang dapat mong pag-ingatan… mas mabuti nang magtulungan tayo.”

Hindi gumalaw si Dorothy.

“Bakit mo ginagawa ito?” tanong niya.

“Dahil minsan, ang mga walang emosyon ang may dahilan para mag-ingat,” sagot ni Theodore. “At kung tama ang kutob ko…”

Tumingin ito sa kanya, diretso sa mga mata.

“…ikaw ang susunod.”

Hindi na nag-alangan si Dorothy at binuo niya ang pasya niyang makipagtulungan kay Theodore. Wala siyang ibang maisip na puwedeng gawin at nagpadala nalang sa kanyang emosyon at sa kanyang nararamdamang kaligtasan sa presensya nito.

Nang makapasok siya sa kanyang unit, binuksan niya ang isang envelope na inabot sa kanya ni Theodore.

Nandoon ang isang lumang larawan.

Si Agatha. Nakangiti.

At sa kanyang tabi…

…si Theodore. Bata pa. At yakap ang tiyahin niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 20: The Catch

    Umaga pa lang, alam na ni Dorothy na magiging mahirap ang araw. Hindi dahil may paparating na bagong banta, kundi dahil naramdaman niyang masyado nang tahimik ang paligid. Isang uri ng katahimikan na parang hinihintay ng mundo na may mangyari.Nakatayo siya sa kitchen island, hawak ang tasa ng kape, nakatingin sa wall clock na tila hindi gumagalaw. Suot niya ang isang loose cotton shirt at pajama pants, wala siyang plano lumabas, walang plano maging formal. Hindi pa man siya nag-aalmusal, at hindi niya rin alam kung gusto ba talaga niya.Sa kabilang sulok ng unit, naroon si Theodore, pinipindot ang mga control buttons ng built-in surveillance system. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon nito, nakayuko lang, tahimik. Gaya ng dati.“Are you ever not calm?” tanong ni Dorothy, mahina ngunit may halong biro.Nag-angat ng tingin si Theodore. “Do you want me to panic?”“Hindi naman,” sagot niya, umiikot ang tasa sa kamay. “Just curious.”Wala itong binigay na sagot. Pero may bahagyang pag-

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 19: The Smile

    Tahimik ang gabi.Pagkatapos ng araw na puno ng impormasyon, pangalan, at mga tanong na walang kasiguraduhan, ngayon lang muling nakaramdam si Dorothy ng katahimikan. Hindi dahil natapos na ang gulo. Sa totoo lang, ngayon pa lang ito nagsisimula. Pero sa mga sandaling ito, sa loob ng apartment na pansamantalang nagsisilbing mundo nila, may pahinga. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon.Nasa sulok si Theodore, nakaupo sa isang lounge chair malapit sa bukas na bintana, hawak ang tablet. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Dorothy ang presensya nito, tulad ng isang tahimik na alon sa baybayin. Hindi kailanman umaabala, pero palaging nariyan.Si Dorothy naman ay nasa sofa, nakabalot sa isang light gray na throw blanket, may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Sa harap niya ay isang tray ng natirang pastry na hindi niya nagalaw buong araw. Ang liwanag mula sa reading lamp sa tabi ay lumilikha ng malambot na tingkad ng liwanag, sapat upang magmukhang buhay ang paligid kahit halos wala naman

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 18: The Threads

    Tahimik ang apartment nang umalis si Mr. Ilustre.Hindi agad nagsalita si Dorothy. Sa loob ng ilang minuto, hawak pa rin niya ang envelope, parang takot siyang buksan ito nang hindi sapat ang kanyang lakas ng loob. Mabigat iyon sa kamay, ngunit mas mabigat ang ideya kung anong laman nito. Hindi niya alam kung anong mas mahirap, ang manatiling walang alam, o ang malaman ang buong katotohanan at mawalan ng kakayahang umiwas.Si Theodore ay naroon pa rin, tahimik sa gilid ng sala, pinapanood siya ngunit hindi nanghihimasok. Ang kilos nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi siya nagtatanong kung kailan bubuksan. Hindi rin ito naghihintay ng pahintulot. Nandoon lang siya, gaya ng nakasanayan, isang presensyang hindi man palagi nagsasalita ngunit laging naroroon.“Gusto mo ba munang magpahinga?” tanong nito, mahinahon.Umiling si Dorothy. “Hindi ko na kayang ipagpaliban 'to. Lahat ng ito, pakiramdam ko parang may pader sa harap ko. At alam ko, ito ang susi na bubuwag sa pader na iyon

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 17: The Visit

    Hindi kasama sa plano ang lumabas.Gustong manatili ni Dorothy sa loob ng unit kung saan kahit papaano ay may seguridad. Ngunit sa kabila ng bagong apartment na may tinted glass, reinforced locks, at layers of surveillance na pinaglaanan ng pera at atensyonni Theodore, ang katahimikan sa loob ay masyadong maingay para sa isip niyang hindi mapakali. Kailangan niya ng hangin, hindi mula sa air purifier, kundi ‘yung totoong hangin. Isa lang siyang simpleng babae ngayong umaga, hindi target, hindi kasosyo sa kontrata, hindi pangalan sa headline.“Maglalakad lang ako saglit,” aniya, habang isinusukbit ang sling bag. “Isang kape lang. Baka magbabawas lang ng iisipin.”“Okay,” sagot ni Theodore. Tahimik itong lumapit at iniabot ang coat niya. Gaya ng inaasahan hindi man lang siya nito pinigilan. “Keep your phone on.”“Of course. I should.”Wala nang ibang salitaan. Ganoon lang palagi sa pagitan nila. Walang pilitan. Walang drama. Isang presensya na may bigat kahit walang salita.Pagkababa ni

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 16: The Memory Box

    Ang langit ay kulay-abo nang magising si Dorothy. Tahimik ang silid, at ang malamig na liwanag mula sa labas ng bintana ay dahan-dahang sumisiksik sa pagitan ng blinds. Hindi pa siya sanay sa bagong apartment masyado itong malinis, masyadong moderno, parang hindi pa rin totoo. Wala pa rin ang amoy ng lumang kahoy, o ang mga ingay na pamilyar sa dating bahay nila ni Agatha.Ngunit ito ang pinili nilang pansamantalang tirhan isang ligtas na lugar, malayo sa mga mata ng publiko at sa aninong sumusubaybay sa kanila.Dahan-dahan siyang bumangon. Sa kabilang sulok ng kwarto, naroon si Theodore, nakaupo sa armchair, tahimik na binabasa ang tablet. Hindi ito natulog sa kama kagabi, pero hindi rin lumabas ng silid. Gaya ng dati, hindi niya kailangang magsalita para malaman mong nandiyan lang siya.Naglakad si Dorothy sa sala, huminto sandali sa may estante kung saan naroon ang ilang kahong dala nila mula sa lumang bahay, iilang pinili lang niyang isama mula sa mga gamit ni Agatha. Hindi niya ak

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 15: The Leak

    Maaga pa lang ay may nagbago na sa atmosphere ng unit.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, may halong tensyon at katahimikan na sa pagitan nila. Hindi ito galit, hindi rin tampo, isa itong antisipasyon. Pareho nilang alam na mula sa sandaling inilathala ni Dorothy ang kanyang pahayag kagabi, may mga mata na ring nakatutok sa kanila ngayon. Tahimik lang si Theodore habang binubuksan ang blinds sa sala, dahan-dahang pinapapasok ang liwanag ng araw. Sa kabila ng pagbabadya ng gulo, ang kilos nito ay palaging kalmado. Predictable. Grounding.Nakahawak si Dorothy sa tasa ng mainit na tsaa, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik na nag-aabang. Wala pang email. Wala pang reply mula sa sinumang media outlet o opisyal. Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng katahimikan. Ang mundo ay hindi laging sumisigaw kapag gumagalaw, madalas, gumagapang ito sa likod ng mga screen, sa pagitan ng mga share at retweet.Pagkatapos ng isang tahimik na almusal, pinili niyang umupo sa t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status