Sa araw ng kanyang diborsyo, nagsuot si Dorothy Navarro ng isang pulang bestida. Hindi dahil sa gusto niyang magmukhang kaakit-akit. Hindi rin dahil gusto niyang ipakita na okay siya.
Isinuot niya ito bilang paalala.
Paalala na minsan, naging masaya siya. Naging masaya silang dalawa.
Pero ngayon, ang pulang tela na minsang sumisimbolo ng pagmamahal ay isa nang habing binigkis ng sama ng loob, luha, at hindi na maibabalik na tiwala.
Tahimik ang loob ng civil registrar’s office sa Makati. Ang lamig ng air conditioning ay tumatagos hanggang buto, lalo na’t kaharap niya ngayon si Lucas Moreno, ang lalaking minahal niya, pinakasalan, at ngayon ay tinutuldukan na niya.
“Huling pirma na lang po, Ma’am,” sabi ng empleyado sa lamesa, habang iniaabot sa kanya ang dokumento.
Pinirmahan niya ito nang walang alinlangan. Walang tanong. Walang pagdadalawang-isip.
Sa tabi niya, si Lucas ay nakatingin sa kanyang relo.
Hindi man lang tumingin sa kanya.
“Congratulations,” malamig na biro ni Lucas habang tinatanggap ang divorce certificate.
Napangiti si Dorothy, hindi sa saya, kundi sa wakas, tapos na. “Sa wakas,” tugon niya, malamig din ang tinig.
Walang palitan ng “I’m sorry.” Wala ring alok ng closure.
Habang papalabas sila sa gusali, isang tinig ang narinig ni Dorothy, isang boses na kilala niya kahit anong oras ng gabi.
“Lucas!”
Si Amara Lee. Ang babae ng nakaraan at, malinaw ngayon, ang babae ng kasalukuyan.
Nagmamadali itong lumapit, halos hindi alintana ang presensiya ni Dorothy. At sa harap ng civil registrar building, kung saan kaka-divorce lang nila ni Lucas, ay buong kumpiyansang kumapit si Amara sa braso ng lalaki.
“Pasensya ka na, Dorothy,” ani Amara, may ngiting nagpapanggap na mabait. “Hindi ko sinadyang masaktan ka.”
“Wala ka nang kailangang ikasorry,” sagot ni Dorothy, malamig. “Wala na rin namang nasasaktan kapag manhid na.”
Tahimik lang si Lucas. At sa halip na alisin ang kamay ni Amara, mas hinigpitan pa nito ang hawak.
Sa loob ni Dorothy, naramdaman niyang isang yugto ng kanyang buhay ang tuluyang nasara. Tapos na ang mga gabing iniyak niya ang mga sakit, at tapos na rin ang pag-asang dati ay naging sandalan niya. Hindi na siya ngayon bulag sa optimismo.
Sa gilid ng parking area, habang papalayo siya sa eksenang iyon, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap niya.
Bumaba ang isang lalaki, matangkad, maputi, nakasuot ng dark blue coat at may presensiyang agad-agad ay sumisigaw ng mapanganib at makapangyarihan.
Ang lalaki ay walang iba kundi si Theodore Velasco.
Narinig na niya ang pangalan nito mula sa media, isang negosyanteng bihirang lumabas sa publiko, kilala sa pagiging misteryoso, mapanganib kung makipag-negosasyon, at higit sa lahat… walang pakialam sa kahit sino.
At ngayon, eto siya. Nakatingin kay Dorothy, para bang alam niya kung anong klaseng araw ang pinagdaanan niya.
“Ms. Navarro,” sambit nito, mababa at mahinahon ang boses.
Napalingon si Dorothy at nagulat. Anong pagkakataon ang ibinigay ng tadhana para makilala siya nito.
Hindi niya alam kung bakit siya kinausap ng lalaking ito.
“Bagay sa’yo,” sabi ni Theodore habang nakatitig sa kanyang bestida. “Ang pula.”
Naglakad ito paalis, iniwan siyang tulala at naiwan sa sariling tanong: Bakit alam ng isang estranghero kung anong eksaktong kulay ang nararapat sa isang babaeng bagong-divorce? O sadyang maganda lang talaga ako sa bestidang ‘to?
-
Gabi na nang makauwi si Dorothy. Sa shed habang naghihintay ng taxi, kinuwento niya sa kanyang matagal nang kaibigan na si Veronica ang nangyari.
Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kalooban niya.
Binuksan niya ang envelope na hawak niya, ang divorce certificate nila. Walang titulo. Parang isang papel lang na binubura ang dalawang taong pinagdaanan niya.
Tumunog ang telepono niya.
Unknown Number.
Walang pangalan pero sinagot niya parin ang tawag.
“Masyadong maraming alam si Agatha kaya kailangan niyang manahimik. Huwag ka basta-basta magtitiwala sa kung sino.”
Nanigas ang kanyang mga daliri.
Agatha.
Hindi na niya narinig ang pangalang iyon mula nang namatay ang kanyang tiyahin dalawang taon na ang nakakaraan. Nagtapos iyon sa pasyang isang suicide ang nangyari.
Naramdaman niya ang biglang pagtaas ng tibok ng kanyang puso. Bigla niyang naalala ang huling bisita sa burol ni Agatha, isang matandang babae na bumulong sa kanya: “Hindi siya namatay sa pagkakamali. Pinatahimik siya.”
Pinindot ni Dorothy ang delete sa mensahe, pero bago pa niya ito tuluyang mabura, may isang tinig na lumapit mula sa likod.
“Miss Navarro.”
Napalingon siya.
Si Theodore. Nakasuot pa rin ng parehong coat. Ngunit may hawak nang maliit na paper bag at dalawang takeaway coffee.
Ngumiti ito, bahagya lang, parang hindi sanay.
“Kumain ka na ba?”
Tiningnan ni Dorothy si Theodore at iba ang kanyang naramdaman. Hindi panganib mula sa kaaway pero kaligtasan dulot ng isang tirahan. Payapa. Sa hindi niya alam na dahilan, pakiramdam niya’y may dahilan kung bakit sila nagtagpo ngayon.
At ang mas nakakakilabot?
Hindi pa niya sinasabi kahit kanino na namatay si Agatha. Lalong hindi niya binanggit ang pangalan ng tiyahin kanina.
“May gusto akong pag-usapan…” walang emosyon itong tumitig sa kanya. “…tungkol kay Agatha.”
“Mauna na po ako, Ma’am Dorothy,” ani ng guwardiyang naka-assign sa ground floor ng gusali nang iabot niya ang logbook para pirmahan. Tahimik lang na tumango si Dorothy, suot pa rin ang itim na blazer mula sa kanilang pagbisita sa matandaang Velasco. Wala pa ring tulog, wala pa ring kapanatagan.Nang sumakay siya sa elevator, pinilit niyang iwasang manginig ang kanyang mga daliri. Kailangan niyang magpakatatag. Para kay Agatha. Para sa sarili niya. At para sa kasunduang unti-unti na ring binubura ang mga hangganan.Pagkabukas ng pintuan ng kanyang unit, sinalubong siya ng katahimikan. Wala si Theodore. Nag-text itong may biglaang meeting at babalik daw bandang alas-nwebe. Alas-otso pa lang. Isang oras ng katahimikan.Isang oras ng takot.Naupo siya sa sofa, tinanggal ang sapatos, at ipinikit ang mga mata. Ngunit bago pa siya tuluyang makarelaks, tumunog ang cellphone niya, isang mensaheng walang pangalan, walang contact, walang profile.“Kapag hindi ka tumigil, susunod ka sa tiyahin m
Hindi pa man sumasapit ang gabi, ramdam na ni Dorothy ang lamig sa kanyang mga palad. Hindi dahil sa aircon ng sasakyan kundi dahil sa alalang bumabalot sa kanya, ang una nilang pagtatagpo ng lolo ni Theodore.Ayon sa kwento ng asawa niya sa papel, ang matandang Velasco ay isang dating heneral na naging negosyante at ngayo’y tahimik na naninirahan sa isang mala-hacienda nilang ancestral house sa San Juan. Walang ni isang larawan nito online. Wala ring public appearance. Ngunit ang impluwensiya nito sa mundo ng negosyo at pulitika ay lagpas pa sa hangganan ng pamilyang Velasco.“Are you nervous?” tanong ni Theodore habang minamaneho ang kanilang sasakyan.“Hindi ko alam kung kinakabahan ako… o kung dapat ba akong kabahan,” sagot ni Dorothy. “Hindi ko nga alam kung bakit kailangang makipagkita agad sa lolo mo.”“Because he doesn’t like being lied to,” sagot ng lalaki. “Gusto niyang tingnan ka sa mata. Gusto niyang malaman kung may bahid ng kasinungalingan ang kasal natin.”“E… may bahid
Maagang dumating si Theodore kinabukasan, eksaktong alas-diyes ng umaga. Tahimik siyang pumasok sa condo dala ang isang makapal na leather folder at isang bouquet ng puting lilies, hindi rosas, walang pulang bulaklak, walang bulong ng pag-ibig. Malinis. Simple. Katulad niya.Pagbukas ni Dorothy ng pinto, agad niyang napansin ang pagiging alisto ng lalaki. Tumayo ito nang diretso, parang hindi lang negosyante kundi isang sundalong bihasa sa bawat galaw ng paligid."Bulaklak para sa engagement?" biro niya, pilit ang ngiti. “Hindi mo na kailangang magpanggap.”“Hindi ito pagpapanggap. Isa lang itong simbolo,” sagot ni Theodore. “Para sa panibagong kontrata.”Tinanggap niya ang lilies at ipinatong sa isang baso ng tubig. Walang vase, wala siyang planong maging bride muli, kahit pa pansamantala lang.Naglakad si Theodore papunta sa mesa at inilapag ang folder. Binuksan niya ito na parang isang abogado sa courtroom, walang pasakalye, walang lambing. Hinugot niya ang ballpen mula sa coat poc
Nagising si Dorothy sa mabangong amoy ng bacon at kahit ano pang niluluto sa kusina kaya agad naman siyang lumabas ng kwarto kahit hindi pa tuluyang nakadilat ang mata niya. Naabutan niyang nasa kusina si Theodore at patapos na sa niluluto nito.Nabigla siya sa dami ng pagkain. May tuyo, itlog, bacon, luncheon meat, tocino, hotdog, pati pancake.“Kakatayin na ba ako?” tanong niya na hindi naman nakalagpas sa tenga ni Theodore.“Suhol lang ‘to. Baka magbago pa isip mo.” Natawa naman si Dorothy at kumuha ng dalawang pinggan para sa kanila ni Theodore.“Puwede ba akong magtanong? Hindi mo naman ako papatayin ‘di ba?” saad ni Dorothy.“Depende sa tanong.” Seryosong sagot ni Theodore.Agad naman siyang napako sa kinauupuan niya at gusto niyang tumakbo habang mas maaga pa. Napatitig naman sa kanya si Theod
“Ha?” tila lumabas ang mga salitang iyon sa kabilang tenga ni Dorothy. “Ano?”Napangisi naman si Theodore. “Pakasalan mo ako, Dorothy.”“Bakit? Kakagaling ko lang ng divorce. Kasal?” dire-diretsong tanong niya dahil hindi niya lubos maunawaan ang sinasabi nito. “Hindi nga natin mahal ang isa’t isa.”“Hindi emosyon ang magdudugtong sa ating dalawa kung hindi ang pangangailangan ng bawat isa. Kailangan mo ng proteksyon laban sa magtatangka ng buhay mo ngayong nawalay ka na kay Moreno, at kaya kong ibigay iyon. At sa akin naman…”Napatitig sa kanya si Theodore na parang sinusuri ang katawan niya dahilan para hablutin niya ang kamay niya at takpan ang sarili niya.Ngumiti ito. “Hindi katawan mo ang kailangan ko. Gusto kong maging malaya sa kamay ng Lolo ko at nang tuluyan ng matapos ang pagpapa
“Anim na taon ang tanda sa’kin ng tiyahin mo, nagkakilala kami nang maging legal adviser siya ng ama ko. Akala ko noon ay isa lamang siyang estudyanteng nakadamit nang maayos, o baka baguhan sa kompanya. Hindi ko akalaing isang mataas na posisyon pala ang hawak niya.” Pagsisimula ni Theodore. “Sa mga panahong iyon, nalaman niyang minamaltrato ako at ang baho ng kompanya ng ama ko. Dahil sa malakas niyang paniniwala sa katarungan ay nagbitiw siya sa trabaho at dinala niya ako sa naipundar niyang maliit na bahay.”“Pero siya ang nag-alaga sa’kin hanggang sa paglaki ko.” Saad ni Dorothy. “Buong buhay ko’y siya ang naging ina ko dahil sa tingin ng tunay kong ina, isa lamang akong instrumento bilang pagpapalawak ng impluwensiya ng kasal.”“Sa susunod na natin pag-usapan ‘yan. Ang mahalagang malaman mo ngayon ay kung ano ang panganib na nakaabang sa’yo.” Umupo si Theodore sa upuang katawid niya at tinitigan siya ng seryoso.“H