Share

Chapter 3: The Decisions

Author: SERENYR
last update Last Updated: 2025-06-03 00:11:40

“Anim na taon ang tanda sa’kin ng tiyahin mo, nagkakilala kami nang maging legal adviser siya ng ama ko. Akala ko noon ay isa lamang siyang estudyanteng nakadamit nang maayos, o baka baguhan sa kompanya. Hindi ko akalaing isang mataas na posisyon pala ang hawak niya.” Pagsisimula ni Theodore. “Sa mga panahong iyon, nalaman niyang minamaltrato ako at ang baho ng kompanya ng ama ko. Dahil sa malakas niyang paniniwala sa katarungan ay nagbitiw siya sa trabaho at dinala niya ako sa naipundar niyang maliit na bahay.”

“Pero siya ang nag-alaga sa’kin hanggang sa paglaki ko.” Saad ni Dorothy. “Buong buhay ko’y siya ang naging ina ko dahil sa tingin ng tunay kong ina, isa lamang akong instrumento bilang pagpapalawak ng impluwensiya ng kasal.”

“Sa susunod na natin pag-usapan ‘yan. Ang mahalagang malaman mo ngayon ay kung ano ang panganib na nakaabang sa’yo.” Umupo si Theodore sa upuang katawid niya at tinitigan siya ng seryoso.

“Hindi suicide ang nangyari, kung hindi ay murder. Pinatay ang tiyahin mo.”

“Pero, naaksidente siya. Nakasaad iyon sa mga ulat ng pulisya.”

“’Yan ang gusto nilang paniwalaan mo.” Matibay na sabi niya. “Marahil ay binili na nila ang mga pulis na may hawak sa kaso ng tiyahin mo, kay Agatha.”

“Sino? Bakit kung makapagsalita ka e sigurado ka? Sino ka para malaman ang lahat ng ‘yan?” nanginginig na tanong ni Dorothy.

“Sinabi ko na kanina na binigyan niya ako ng tirahan. Siya ang tumayong magulang ko. Utang ko ang buhay ko sa kanya.”

“Bakit ngayon lang? Dalawang taon na ang lumipas, bakit ngayon pa?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Mahalagang tao sa buhay niya ang Tita Agatha niya. Nang pumanaw ito, wala siyang ibang nagawa kung hindi tanggapin ang pagkawala nito.

“Dalawang taon… may iba ka pa bang naaalala na konektado sa dalawang taon?” tanong ni Theodore, tila may ibang pinapahiwatig.

“Ano?”

“Ang nangyari ngayon. Ang divorce mo. Hindi ba katapusan iyon ng dalawang taong relasyon niyo ni Moreno.”

Biglang natigilan si Dorothy. Pakiramdam niya’y unti-unting napapagtagpi niya ang lahat.

“Marahil ay papunta ka na sa nais kong sabihin…”

“Hindi…”

“…tama ka. Ang mga Moreno ang ugat ng lahat.”

“Sabihin mo sa salitang naiintindihan ko!”

“Hindi mo ba natanong sa sarili mo bakit biglang lumitaw ang isang Moreno sa buhay mo? Isang makapangyarihang pamilya na nakasentro sa kapangyarihan at impluwensiya. Bakit nila bibigyang pansin ang isang Navarro, kung kapangyarihan ang hanap nila, hindi ba dapat ay Lee, Cruz, Reyes, o Ramirez ang kanilang pakay? Bakit hahayaan ng matandang Moreno na ikasal ang panganay niya sa anak ng kaparehong linyada ng kanilang negosyo. Kung pagpapalawak ang pakay ng Moreno, na nangunguna sa lahat ng mga negosyante, ang pinakamainam na pasya ay ang pangatlo sa hirarkiya…”

“Amara…”

“…ang mga Lee.” Dugtong ni Theodore. “At sino ang ipinalit sa’yo ni Moreno?”

Napayuko si Dorothy. Unti-unti na niyang napapagtanto ang lahat.

Mabait si Lucas noong una silang magkakilala. Naging magkaibigan pa sila, at doon nahulog ang loob niya dito. Hindi man ito magaling o mahusay sa larangan ng negosyo, busilak ang kalooban nito. Nagbago iyon nang magkolehiyo sila at naging legal na ang edad ni Lucas. Siya ang inasahang magmamana ng kompanya, at sa pagkakasuri niya, ay naging simula nang pagiging sunod-sunuran nito sa kanyang ama.

Hindi niya ito naisip nang magpakita itong muli at ihayag ang nararamdaman nito sa kanya. Noong mga panahong iyon e matunog na ang pangalan ng tiyahin niya, at ilang buwan nga e nagpakasal sila. Isang buwan pagkatapos nito, natagpuang patay ang tiyahin niya dahil sa isang car accident.

“Kaya nais ko sanang makipag-usap sa’yo, tungkol dito.” Saad ni Theodore na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. “Mahalagang tao sa’kin si Agatha, at nang malaman ko ang katotohanan sa nangyari sa kanya. Gusto kong ipaghiganti siya. At alam kong, iyon rin ang nais mo.”

Hindi nakasagot agad si Dorothy. Nanliliit siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa. Bakit kailangang ibang tao pa ang dapat makatuklas? Kung wala ba si Theodore, malalaman niya rin ba iyon?

“Paano ako makakasiguradong totoo ang sinasabi mo? Paano mo mapapatunayan ang sarili mo?” subok niyang tanong dito.

Alam niyang huli na ang lahat para magduda pa siya kay Theodore, pero gusto niya lang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon.

“Hindi ba sapat na sagot na ramdam mong ligtas ka sa presensya ko?” sagot nito. “Hindi kita pipilitin na maalala mo, pero alam kong alam mo na hindi ako masamang tao.”

Hindi niya alam paano nito nalaman na pakiramdam niya’y ligtas siya sa presensya nito, at kung bakit sinasabi nito na hindi ito ang una nilang pagkikita dahil ang alam niya’y hindi pa nagkrus ang landas nila kailanman.

“Kaya kong ibigay sa’yo ang seguridad at proteksyon na kinakailangan mo… pero sa isang kondisyon.”

“Dorothy Navarro, pakinggan mo ang hihilingin ko.” Bigla itong lumuhod sa isa nitong tuhod at hinawakan ang isa niyang kamay. “Pakasalan mo ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 20: The Catch

    Umaga pa lang, alam na ni Dorothy na magiging mahirap ang araw. Hindi dahil may paparating na bagong banta, kundi dahil naramdaman niyang masyado nang tahimik ang paligid. Isang uri ng katahimikan na parang hinihintay ng mundo na may mangyari.Nakatayo siya sa kitchen island, hawak ang tasa ng kape, nakatingin sa wall clock na tila hindi gumagalaw. Suot niya ang isang loose cotton shirt at pajama pants, wala siyang plano lumabas, walang plano maging formal. Hindi pa man siya nag-aalmusal, at hindi niya rin alam kung gusto ba talaga niya.Sa kabilang sulok ng unit, naroon si Theodore, pinipindot ang mga control buttons ng built-in surveillance system. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon nito, nakayuko lang, tahimik. Gaya ng dati.“Are you ever not calm?” tanong ni Dorothy, mahina ngunit may halong biro.Nag-angat ng tingin si Theodore. “Do you want me to panic?”“Hindi naman,” sagot niya, umiikot ang tasa sa kamay. “Just curious.”Wala itong binigay na sagot. Pero may bahagyang pag-

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 19: The Smile

    Tahimik ang gabi.Pagkatapos ng araw na puno ng impormasyon, pangalan, at mga tanong na walang kasiguraduhan, ngayon lang muling nakaramdam si Dorothy ng katahimikan. Hindi dahil natapos na ang gulo. Sa totoo lang, ngayon pa lang ito nagsisimula. Pero sa mga sandaling ito, sa loob ng apartment na pansamantalang nagsisilbing mundo nila, may pahinga. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon.Nasa sulok si Theodore, nakaupo sa isang lounge chair malapit sa bukas na bintana, hawak ang tablet. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Dorothy ang presensya nito, tulad ng isang tahimik na alon sa baybayin. Hindi kailanman umaabala, pero palaging nariyan.Si Dorothy naman ay nasa sofa, nakabalot sa isang light gray na throw blanket, may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Sa harap niya ay isang tray ng natirang pastry na hindi niya nagalaw buong araw. Ang liwanag mula sa reading lamp sa tabi ay lumilikha ng malambot na tingkad ng liwanag, sapat upang magmukhang buhay ang paligid kahit halos wala naman

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 18: The Threads

    Tahimik ang apartment nang umalis si Mr. Ilustre.Hindi agad nagsalita si Dorothy. Sa loob ng ilang minuto, hawak pa rin niya ang envelope, parang takot siyang buksan ito nang hindi sapat ang kanyang lakas ng loob. Mabigat iyon sa kamay, ngunit mas mabigat ang ideya kung anong laman nito. Hindi niya alam kung anong mas mahirap, ang manatiling walang alam, o ang malaman ang buong katotohanan at mawalan ng kakayahang umiwas.Si Theodore ay naroon pa rin, tahimik sa gilid ng sala, pinapanood siya ngunit hindi nanghihimasok. Ang kilos nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi siya nagtatanong kung kailan bubuksan. Hindi rin ito naghihintay ng pahintulot. Nandoon lang siya, gaya ng nakasanayan, isang presensyang hindi man palagi nagsasalita ngunit laging naroroon.“Gusto mo ba munang magpahinga?” tanong nito, mahinahon.Umiling si Dorothy. “Hindi ko na kayang ipagpaliban 'to. Lahat ng ito, pakiramdam ko parang may pader sa harap ko. At alam ko, ito ang susi na bubuwag sa pader na iyon

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 17: The Visit

    Hindi kasama sa plano ang lumabas.Gustong manatili ni Dorothy sa loob ng unit kung saan kahit papaano ay may seguridad. Ngunit sa kabila ng bagong apartment na may tinted glass, reinforced locks, at layers of surveillance na pinaglaanan ng pera at atensyonni Theodore, ang katahimikan sa loob ay masyadong maingay para sa isip niyang hindi mapakali. Kailangan niya ng hangin, hindi mula sa air purifier, kundi ‘yung totoong hangin. Isa lang siyang simpleng babae ngayong umaga, hindi target, hindi kasosyo sa kontrata, hindi pangalan sa headline.“Maglalakad lang ako saglit,” aniya, habang isinusukbit ang sling bag. “Isang kape lang. Baka magbabawas lang ng iisipin.”“Okay,” sagot ni Theodore. Tahimik itong lumapit at iniabot ang coat niya. Gaya ng inaasahan hindi man lang siya nito pinigilan. “Keep your phone on.”“Of course. I should.”Wala nang ibang salitaan. Ganoon lang palagi sa pagitan nila. Walang pilitan. Walang drama. Isang presensya na may bigat kahit walang salita.Pagkababa ni

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 16: The Memory Box

    Ang langit ay kulay-abo nang magising si Dorothy. Tahimik ang silid, at ang malamig na liwanag mula sa labas ng bintana ay dahan-dahang sumisiksik sa pagitan ng blinds. Hindi pa siya sanay sa bagong apartment masyado itong malinis, masyadong moderno, parang hindi pa rin totoo. Wala pa rin ang amoy ng lumang kahoy, o ang mga ingay na pamilyar sa dating bahay nila ni Agatha.Ngunit ito ang pinili nilang pansamantalang tirhan isang ligtas na lugar, malayo sa mga mata ng publiko at sa aninong sumusubaybay sa kanila.Dahan-dahan siyang bumangon. Sa kabilang sulok ng kwarto, naroon si Theodore, nakaupo sa armchair, tahimik na binabasa ang tablet. Hindi ito natulog sa kama kagabi, pero hindi rin lumabas ng silid. Gaya ng dati, hindi niya kailangang magsalita para malaman mong nandiyan lang siya.Naglakad si Dorothy sa sala, huminto sandali sa may estante kung saan naroon ang ilang kahong dala nila mula sa lumang bahay, iilang pinili lang niyang isama mula sa mga gamit ni Agatha. Hindi niya ak

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 15: The Leak

    Maaga pa lang ay may nagbago na sa atmosphere ng unit.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, may halong tensyon at katahimikan na sa pagitan nila. Hindi ito galit, hindi rin tampo, isa itong antisipasyon. Pareho nilang alam na mula sa sandaling inilathala ni Dorothy ang kanyang pahayag kagabi, may mga mata na ring nakatutok sa kanila ngayon. Tahimik lang si Theodore habang binubuksan ang blinds sa sala, dahan-dahang pinapapasok ang liwanag ng araw. Sa kabila ng pagbabadya ng gulo, ang kilos nito ay palaging kalmado. Predictable. Grounding.Nakahawak si Dorothy sa tasa ng mainit na tsaa, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik na nag-aabang. Wala pang email. Wala pang reply mula sa sinumang media outlet o opisyal. Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng katahimikan. Ang mundo ay hindi laging sumisigaw kapag gumagalaw, madalas, gumagapang ito sa likod ng mga screen, sa pagitan ng mga share at retweet.Pagkatapos ng isang tahimik na almusal, pinili niyang umupo sa t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status