Share

CHAPTER 49

JEANEIA'S POINT OF VIEW

“Mukha kang Diyosa r’yan.”

Nakagat ko ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Nakatingin kami ngayon sa portrait namin ni Draven noong ikinasal kami. Nasa labas lahat ng pamilya namin at maingay na kumakain, habang kami naman ni Vanessa ay narito sa loob at kung anu-ano ang tinitignan sa bahay. Ngayon lang ulit sila bumisita dahil busy ang mga iyon sa kaniya-kaniyang buhay.

“Hindi naman,” kinikilig na pinitik ko ang braso ni Vanessa dahilan para samaan niya ako ng tingin. “Ang sakit mo mamitik, ah?”

Natawa lang ako.

Apat na buwan na simula noong naisilang ko si Dawn, pangatlong anak namin ni Draven. Limang taon na rin ang lumipas simula noong ikinasal kaming dalawa. Natatawa pa ako noon dahil naalala ko yung nahimatay siya.

Sa loob ng limangg taon na iyon, napuno ng kasiyahan ang puso ko.

Halos mabaliw na si Draven kakaalaga kay Dawn. Madalas ay nakikita ko siyang nahihirapan, kung anong dapat gawin. Nagvo-volunteer naman ako pero ayaw niya akong pagkilusin, gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status