Sa mga sumunod na araw, mas inagahan ko na ang pag pasok ko sa trabaho at laking pasasalamat ko na sa dalawang sumunod na araw ay wala sa kompanya si Mr. Navarro dahil may inaasikaso raw.
Pero ngayong araw, narinig ko sa guard na pumasok na ulit ang CEO. Parang pumait na agad ang umaga ko nang marinig yon. "Ms. Cruz!" Lumingon ako sa mahabang pasilyo nitong department at nakita si Ma'am Torre na papalapit. "Good morning, ma'am." I greeted. "You need something?" "The proposal for the campaign? Ayos na ba yon? Kailangan ma-approved na iyon ni Mr. Navarro dahil malapit na ang campaign..." Matamis akong ngumiti. "Ayos na po lahat, ma'am. Wala na pong problema." Tumango siya at nilagpasan ako. "Good. Mamaya pupuntahan kita sa office mo. Kailangan kong i-check yon bago mo dalhin sa CEO." Bumagsak ang balikat ko bago dumiretso sa office ko. Nakalimutan kong kailangan ko talagang makisalamuha ng maayos sa CEO namin. Kailangan niya makita na maganda ang performance ko rito sa kompanya niya. Kaya hinanda ko na agad ang proposal. Sinigurado ko na walang gusot ang bawat papel dahil masyadong perfectionist ang aming CEO. Pagkatapos ay nag check lang muna ako ng mga emails hanggang sa pumasok na nga sa office ko si Ma'am Torre. "Here, Ma'am." agad kong inabot ang folder. She sat down in front of me and seriously opened the folder. She quietly read the proposal content. Hindi naman na ako kinakabahan tuwing nirereview niya ang mga pinapasa naming proposal dahil kilala niya na ako. Alam niya'ng hindi ako gumagawa ng hindi maayos na proposal. "Well, it's pretty good. Sigurado ako na approved agad ito. I heard he's having a free time now so you need to give it to him immediately." Tumayo na siya habang isinasara ang folder kaya tumayo na rin ako. "Uh... are you going with me in his office, ma'am?" I asked awkwardly. Mabilis naman siya'ng umiling. "Hindi, ikaw lang dahil may gagawin pa ako. Kaya mo naman yan at wag mo nang isipin ang sinabi niya noong isang araw. Talagang seryoso lang yon sa lahat ng bagay." Nang makaalis siya ay humigit na ako ng malalim na hininga bago inayos ang suot na blazer at pencil skirt. Kinuha ko ang folder at dire-diretsong lumabas. Hindi ako mapakali kahit nasa loob pa lang ako ng elevator at nang bumukas na ito sa tamang floor ng office ni Mr. Navarro, parang nag karera na ang dibdib ko sa kaba. "You can do it." I whispered to myself. Tuwid akong lumakad sa malinis na pasilyo, halos wala nga akong makitang ibang tao. Huminto ako sa tapat ng office ng CEO at bumuntong hininga muna bago kumatok. "Come in." Halos mangilabot ako sa lamig at lalim ng boses niya. Nai-imagine ko na ngayon ang walang emosyon niya'ng mukha. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at kusang tumaas ang balahibo ko nang mabuksan ko na ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng aircon o sa pabango na bumalot sa buong office. It smells so manly. At syempre, isang tao lang naman ang may ari ng niyon, ang suplado naming CEO. "What is it? Is that even important?" Hindi pa nga ako buong nakakapasok sa office ay iyon na agad ang tanong niya. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay kinalma ko ang sarili. Umayos ako ng tayo bago dahan-dahan nag lakad sa harap ng mesa niya. Umangat ako ng tingin at nakitang abala siya sa binabasang article. Hindi ko alam kung bakit may kung ano akong naramdaman nang makitang nakasuot siya ng simpleng baby blue polo shirt at itim na relo na nasisiguro kong milyon ang halaga. "Uh, ito na po ang proposal para sa upcoming campaign natin this month, sir..." pinilit kong hindi manginig pati ang boses ko. Sobrang lapit ko sa kanya. I could see how pretty his skin is. Makapal at makurba ang kilay niya. Matangos ang ilong, agresibo at malalim ang mga mata. Manipis at pinkish ang labi at halos wala akong makitang pores sa mukha niya. Kutis mayaman talaga. Agad naman akong lumihis ng tingin dahil baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Sampung segundo siguro ang hinintay ko para sa sagot niya ngunit wala akong narinig. Lihim pa akong sumulyap sa kanya at nakitang hindi niya parin ako tinatapunan ng pansin. Ang mata ay naroon parin sa article. Parang gusto kong umiyak sa awkwardness na naramdaman ko ngayon. Kaya humugot na ako ng malalim na hininga bago pukawin ulit ang atensyon niya. "Sir-" "That proposal contains what, Miss?" mabilis niya'ng sabi at nag angat ng tingin. Nag tama ang mata namin. Nanlamig ako dahil pakiramdam ko'y tumatagos sakin ang mga mata niya. Bumaba ang mata ko bago nag salita. "A-About the campaign, sir. Kailangan niyo po kasing ma-approved yan dahil last week of this month na po ang campaign..." Hindi ko na nga alam kung gaano kapangit pakinggan ang boses ko ngayon dahil sa tense. I heard him sigh. "You did this?" Sa tono niya ay parang nagdududa pa siya. Agad akong tumango. "Yes, sir." Naaninag kong binuklat niya ang folder at seryosong binasa. Bawat galaw ng mata niya ay humihiyaw ng kritika. Well, mukha naman talaga siya'ng istrikto. Pero please, i-approved mo na yan dahil ako lang din ang mahihirapan kung delay ang proposal. Pigil ang hininga ko habang hinihintay ang susunod niya'ng sasabihin. "With the past few months, I was able to read and understand all the things happened to this company when I was away." he said in a low voice. "Even those campaigns, commercial and events that your department made." Unti-unti akong nakaramdam ng kaba sa mga sasabihin niya pa kaya iniwasan ko talagang hindi mag tama ang mata namin. "I could say that they're good and catching but... I need more. More of you and your team's efforts." Bahagya akong napalunok sa narinig. Nag simulang mamawis ang kamay ko at tanging nagawa ko na lang ay tumango. "N-Noted, sir." halos pabulong kong sabi. "This proposal, I will approved it now. But next time, make sure to put more efforts and brain into this. Iwan mo na sakin ang proposal na ito. I still need to review it in case I skipped some errors." Bawat salita niya ay may diin, ramdam ko yon. At halos lahat ng yon, patama sa'kin. Sa tatlong taon kong pagiging marketing manager ay wala kaming naging problema sa lahat. Ibig ba niya'ng sabihin na... hindi ako magaling? At ngayon lang ako na kwestyon ng ganito. Dahil kay Mr. Jude naman noon ay hindi. "You can now leave." aniya sa matigas na ingles. Kaya agad akong umayos ng tayo. "Thank you, sir." sabi ko. "Thank you for approving that." Tumalikod na ako kahit labag sa loob ang sinabi kong yon at hindi na siya tinignan pa. Dire-diretso akong lumapit sa pinto at naipihit ko na ang doorknob nang mag salita ulit siya. "Ms. Cruz." Napatigil ako at lumingon. Naalala niya ang pangalan ko? "Sir?" Diretso lang ang tingin niya sakin kaya halos manlambot na naman ang tuhod ko. Uminit ang pisngi ko lalo pa at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mata ko. "Just make sure to prepare yourself for the campaign." Pagkatapos sabihin yon ay bumalik na siya sa pagbabasa. "Okay po, sir." sabi ko bago mabilis na isinara ang pinto at lumabas. Halos mamuo ang pawis ko sa noo kahit na sobrang lamig sa loob. Lumakad na ako papunta sa elevator na parang nag kakarera ang dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero at least... approved niya na ang proposal na iyon.Sa mga sumunod na araw, mas inagahan ko na ang pag pasok ko sa trabaho at laking pasasalamat ko na sa dalawang sumunod na araw ay wala sa kompanya si Mr. Navarro dahil may inaasikaso raw.Pero ngayong araw, narinig ko sa guard na pumasok na ulit ang CEO. Parang pumait na agad ang umaga ko nang marinig yon. "Ms. Cruz!" Lumingon ako sa mahabang pasilyo nitong department at nakita si Ma'am Torre na papalapit. "Good morning, ma'am." I greeted. "You need something?""The proposal for the campaign? Ayos na ba yon? Kailangan ma-approved na iyon ni Mr. Navarro dahil malapit na ang campaign..."Matamis akong ngumiti. "Ayos na po lahat, ma'am. Wala na pong problema." Tumango siya at nilagpasan ako. "Good. Mamaya pupuntahan kita sa office mo. Kailangan kong i-check yon bago mo dalhin sa CEO." Bumagsak ang balikat ko bago dumiretso sa office ko. Nakalimutan kong kailangan ko talagang makisalamuha ng maayos sa CEO namin. Kailangan niya makita na maganda ang performance ko rito sa kompanya ni
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Nanlalamig parin ang buong katawan ko sa mga sinabi ni Mr. Navarro. Hindi ko na tuloy alam kung ano'ng uunahin kong gawin ngayon dahil bumabagabag yon sa'kin. "Huy, wag mo na yun masyado isipin!" bulong ni Shiela habang pinapanood ko ang kasama niya sa cubicle sa ginagawang proposal. Kung pwede ko lang nga na sabunutan itong si Shiela ay nagawa ko na. Biruin mo na sabihin sa mga katabi niya rito sa cubicle na napagalitan ako ng bago naming CEO! Kaya ngayon kita ko ang simpatya sa mga mata nila sakin. "Tignan mo sila napagalitan din! Hindi lang ikaw, di 'ba Cecille?" Lumingon naman sakin si Cecille at tumango. "Opo, ma'am. Pinagalitan din po kami kasi dapat naka-compile raw ng maayos ang mga folders..." Dumapo ang mata ko sa maliit na shelf nila at table, maayos naman ang mga folders ah? Ibig sabihin, sobrang oa pala sa pagiging perfectionist ng lalaking yon? Kung kanina ay nagawa ko siya'ng purihin sa isip ko, ngayon ay hindi na!Panget n
"What time is it, Ms. Cruz? I already informed you to be here earlier." Halos manlumo ako sa lamig ng boses ni Ma'am Torre. Tumigil ako sa harap niya at sinalubong ang nakataas niya'ng kilay. "Uh, G-Good morning, Ma'am." I smiled awkwardly. "Sorry po, may emergency kasi sa bahay tsaka sobrang traffic po kanina..." Ginawa kong kaawa-awa ang boses ko para maawa siya at mukhang gumana nga. "Well..." she let out a sigh. "Ano pa bang magagawa ko? Tapos na ang maikling meeting at ikaw lang sa department na 'to ang hindi nakita ni Mr. Navarro..." Tinalikuran niya ako at diretsong pumasok sa office ko, tahimik naman akong sumunod. "Mamaya ay mag iikot ang CEO sa mga department at dito siya sa department mo unang pupunta." aniya at inilapag ang isang folder. "Narito ang information para sa bagong project natin. Make sure to prepare your team, okay? Also, introduce yourself to him because you didn't show up earlier. Wala dapat siya'ng makikitang mali." Tumango ako bago umupo na sa h
"You need to be here as early as possible. Ngayon ang arrival ni Mr. Bruce Navarro. Don't be late, Miles." Ibinagasak ko sa kama ang cellphone ko pagkatapos basahin ang message ni Ma'am Torre, ang aming head executive. Instead of moving quickly because I need to be in the company as early as I can, I slowly apply and rub the lotion on my legs before wearing a maroon well-tailored suit, it is with a smart blazer that I paired with a crisp blouse inside and I prefer wearing my black polished heels today. It may look simple but at least in a professional way. "Anak, Miles? Akala ko ba aagahan mo ngayon ang pasok?" Tapos na akong mag bihis nang sumilip si mama sa pinto ng kwarto ko. Nang makitang nakabihis na ako ay pumasok siya. "Hindi ba ngayon ang dating nung sinasabi mong bagong CEO niyo? Kailangan mo na mag madali dahil baka kailangan ka roon." tanong niya at inayos ang suot kong blazer. Tumango ako habang inaayos ang gamit ko. "Opo, ngayon nga ang dating pero tingin ko na
Three more days and we're finally got to meet our new CEO or should I say, the comeback of CEO? Kaya ngayong araw ay mas inagahan ko ang pasok sa office dahil sa tambak na trabaho. Pinilit kong wag muna isipin ang personal kong problema dahil maaapektuhan lang nito ang trabaho ko. "Ma'am Miles?" Nanatili ang mata ko sa screen ng laptop nang marinig ang boses ni Kate sa labas. "Come in." I heard the door open. I'm sure ipapatawag na naman ako ni boss Jude para sa bagong meeting. "Ipinapatawag po kayo ni Mr. Jude sa meeting room ngayon." I knew it. "Kumpleto na ba ang mga board members?" Umiling si Kate. "Hindi pa po. Sa katunayan kayo pa lang po ang ipinapatawag niya..." What the hell? Sa ganito kaaga? "Okay, susunod na ako." Hindi ko mapigilang hindi mapairap. Tumayo na rin agad ako at pumunta sa meeting room. "What's the update about the campaign, Miles?" Iyon ang bungad sa'kin ni Mr. Jude pag pasok ko. Tama nga si Kate, kami pa lamang dalawa ang nandito. Umupo
Miles 's POV"Nabalitaan mo na ba? Babalik na raw ang dating CEO. Kaya bababa na sa puwesto si Mr. Jude."Napairap ako sa narinig kong usapan ng dalawang empleyado sa likod ko. Inayos ko ang suot na itim na coat at bahagyang ibinaba ang laylayan ng suot kong skirt. Sopistikada akong nag lakad papunta sa elevator habang yakap ang isang folder. "Good morning po, Ma'am Miles!"Nilingon ko ang kumpulan na mga empleyado na bumati sa'kin. "Morning." malamig kong usal bago naunang pumasok sa elevator. I left my straight face while waiting for the right floor. Ramdam ko ang ilang pag sulyap sa'kin ng mga empleyadong nakasabay ko. They keep glancing at me.I raised a brow and looked at them. "What are you guys looking at?"Mabilis pa sa kidlat silang umiling bago lumihis ng tingin. Umirap ako at diretsong lumabas nang bumukas ang elevator. Iilan pa lang ang nakikita ko rito sa marketing department. Sabagay, maaga pa naman. Nasanay lang talaga ako na maagang pumapasok dahil mas marami akon