Miles 's POV
"Nabalitaan mo na ba? Babalik na raw ang dating CEO. Kaya bababa na sa puwesto si Mr. Jude." Napairap ako sa narinig kong usapan ng dalawang empleyado sa likod ko. Inayos ko ang suot na itim na coat at bahagyang ibinaba ang laylayan ng suot kong skirt. Sopistikada akong nag lakad papunta sa elevator habang yakap ang isang folder. "Good morning po, Ma'am Miles!" Nilingon ko ang kumpulan na mga empleyado na bumati sa'kin. "Morning." malamig kong usal bago naunang pumasok sa elevator. I left my straight face while waiting for the right floor. Ramdam ko ang ilang pag sulyap sa'kin ng mga empleyadong nakasabay ko. They keep glancing at me. I raised a brow and looked at them. "What are you guys looking at?" Mabilis pa sa kidlat silang umiling bago lumihis ng tingin. Umirap ako at diretsong lumabas nang bumukas ang elevator. Iilan pa lang ang nakikita ko rito sa marketing department. Sabagay, maaga pa naman. Nasanay lang talaga ako na maagang pumapasok dahil mas marami akong ginagawa sa kanila. As a marketing manager, I am able to manage everything here. "Good morning, beautiful!" Nagulat ako nang may sumigaw at yumakap sa'kin mula sa likuran. Agad akong napairap at pilit inaalis ang braso niya. "Shiela, ano ba! What's with the hug?" Tumawa siya bago kumalas sa yakap. "Sungit mo talaga. Ipapakita ko lang sana kung tama na ba itong proposal na ginawa namin para sa collaboration doon sa isang project..." Kinurot niya pa ang pisngi ko bago ibigay sa akin ang isang folder. She's really crazy. She's that comfortable doing that to me since we've been friends ever since we're in high school. Sabay rin kaming nakapasok sa kompanyang ito at siya lang ang nakakagawa sa'kin niyan dito sa trabaho dahil ang karamihan dito ay takot sa'kin. Dahil na rin siguro medyo suplada ako at masyadong seryoso pagdating sa trabaho. Because I hate disappointment. "Ano, maayos na ba?" Tahimik kong binuklat ang folder at binasa ang proposal habang naglalakad kami papunta sa office ko. Unang bungad pa lang ay napakunot na agad ang noo ko. "Please... we already improve that-" "It's already improved? You call this final output? It looks like trash to me, Shiela." I cut her off and looked at her suspiciously. Alanganin siya'ng ngumiti at napakamot sa ulo. "Eh kasi... nakalimutan ko kahapon tapusin! Ang pangit din gumawa ng team kaya sabi ko ako na ang aayos pero nag bar nga kasi kami kagabi di 'ba-" "So, kasalanan ko pa kung bakit mali itong proposal?" mataray kong sabi bago umupo sa table ko. "Alam mo naman na dapat pulido lahat mag mula sa proposals hanggang sa mga campaigns natin. Dahil kung hindi maayos, ako ang pagagalitan." Kung hindi maayos ang output ng mga teams, ako ang malalagot sa boss dahil ako ang manager. For years of working here of being a marketing manager, I was able to prove to our bosses that I am capable of doing everything in perfect. All employees here calls me a perfectionist. Pero hindi nila alam kung gaano kahirap malagay sa posisyon ko. "S-Sorry naman, Miles." ngumuso siya. "Hindi ko na rin natapos ang huling page niyan kasi nga ngayong araw ang sinabi mong due date. Wag ka na magalit." Ramdam ko ang kaba niya dahil kahit mag kaibigan kami ay pinapagalitan ko pa rin siya kapag palpak ang gawa ng team niya. "Okay." bumuntong hininga ako bago ibinalik sa kanya ang folder. "I will adjust the due date. Sa friday kailangan maayos na 'to, Shiela. Marami akong inaasikaso kaya ayoko na dumagdag pa ang proposal na 'to, naiintindihan mo?" Lumaki ang ngiti niya bago kinuha ang folder. "Omg, yes! Thank you, Miles! Sorry ulit, na pe-pressure rin kasi ako sayo ang suplada mo masyado. Pero anyway, sa friday maayos na talaga 'to, promise lasang kamatis!" She giggled beside me and give me a quick hug. I smiled shortly and mumbled. "Ang oa mo talaga." Binuksan ko na ang laptop at nag simula na mag check ng mga emails. Akala ko ay aalis na si Shiela pero umupo pa siya sa harap ko. "Ang aga pa para mag trabaho, Miles! Mamaya na 'yan! May chika ako sayo." hinampas niya ang table ko. "May gagawin pa ako-" "Masyado kang workaholic!" aniya bago inilapit sa'kin ang mukha at bumulong. "Alam mo na siguro yung balita last week na mapapalitan na ang CEO nitong kompanya di 'ba? Yung anak daw ni Mr. Diego. Na'ko, masungit daw 'yon! Mahilig mamahiya ng empleyado at masama ang ugali!" Lahat na lang talaga ay alam nitong si Shiela. "Where did you get that? Take note, babalik lang siya rito dahil hindi naman siya napalitan. Si Mr. Jude lang ang humalili dahil ilang taon siya nag luksa sa pagkamatay ng ama niya..." The company where I'm working right now is at Navarro Industries. This company is a very well known company in the Philippines and even abroad. Kaya lang, kapag malaki at kilala ang isang kompanya ay asahan mong marami rin tinatago na issue. "Duh, edi nakausap ko yung mga matatagal nang empleyado rito! Naranasan daw nila ang bad side niyang dating CEO! Pero... mabait din naman daw kahit paano kasi malaki raw bigayan ng bonus sa kanya! Ano nga ulit pangalan niya-" "Mr. Bruce Peter Navarro." I said. "We had a short meeting yesterday and he will be here already this week. Kaya kailangan mas maayos ang trabaho." "We stalked him yesterday on F******k! Girl, sobrang yummy niya! Sobrang guwapo! Mukhang amoy baby! Sabi nila perfectionist din daw 'yon! Excited na ako! Nakita mo ba mga pictures niya? Gusto mo ipakita ko sayo?" Umiling ako. "I haven't. At hindi rin ako interesado dahil makikita rin naman natin siya rito, this week na 'yon." Well, based on my research to this company, it is originally owned by Mr. Diego Navarro but years later he was diagnosed of a cancer. Ang anak niya ang CEO rito pero nang lumala ang kondisyon ni Mr. Diego ay napilitan silang dalhin ito sa Amerika hanggang sa bawian na ito ng buhay doon. Kaya ang anak niya'ng CEO ay pansamantalang pinalitan ng iba. I know that it is a big heartbreak losing a father that's why he wasn't able to comeback for three years. Tatlong taon mula nang umalis siya rito at tatlong taon na rin kaming nagtatrabaho rito ni Shiela. Hindi namin siya naabutan at ngayon pa lang namin siya makikilala sa pag balik niya ulit. Narinig ko sa board na sa tatlong taon na wala rito ang dating CEO ay may inasikaso rin itong ibang business nila sa abroad. "Sana naman ay mabait siya, no? Sana hindi kami pahirapan. Eh ikaw siguradong magugustuhan non dahil magaling ka! Wala na siya'ng masasabi." hirit niya bago tumayo. "Basta ikaw na ang bahala samin, ha! Base sa narinig ko kila Mr. Jude ay ayaw din nila sa kanya. Balasubas din daw mag handle-" "You're talking too much, Shiela." putol ko. "Baka may makarinig sayo. You're talking about our boss." Natutop niya ang bibig bago nag lakad palabas. "Eto na nga di 'ba, aalis na ako. Bye!" Umirap ako bago itinuloy ang trabaho. Kahapon ay nagkaroon kami ng meeting tungkol nga sa pagbabalik ng original na CEO at ibig sabihin, magiging part na lang ulit si Mr. Jude ng board dahil tapos na ang hari-harian niya rito kompanya. I also don't like him because he's an angry boss. Mabuti nga 'yon na mapapalitan na siya pero hindi ko sigurado dahil baka mas malala pa sa kanya ang magbabalik na CEO. Inasikaso ko ang pag revise sa mga files na sinend ng ibang team. Paniguradong mapapagalitan ko na naman sila mamaya dahil parang minadali na naman nila ang trabaho nila. My team we're currently working on a special campaign because we will be having a collaboration with other company so it has to be perfectly executed. Ayaw ko na may masasabi pa ang iba sa team ko lalo na sa akin dahil ako ang nag ma-manage sa kanila. Biglang nag ring ang phone at lumitaw agad ang pangalan ni mama. "Hello, ma?" agad kong sagot. "Anak, sorry kung tumawag agad ako sayo kahit kakaalis mo pa lang sa bahay..." nahimigan ko agad ang hiya at lungkot sa boses ni mama. "Nandito kasi kami sa ospital, nag seizure na naman kasi ang kapatid mo..." Kumalabog ang dibdib ko. "H-Ha? Kamusta po siya? Ano sabi ng doktor?" "Hindi na raw pwedeng patagalin pa ang lagay ng kapatid mo. Kailangan na operahan dahil manipis na raw ang ugat sa puso niya. Ngayon nga ay nahihirapan na naman siya huminga..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam ko naman na darating ako sa ganitong punto, na sasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung saan ako kukuha ng pang opera ng kapatid ko. "Sige po, Ma. Hahanap ako agad ng paraan." Agad kong pinatay ang tawag. I closed my eyes and took out a deep breath. My brother is currently suffering from a heart failure. Lahat ng savings ko ay naubos na sa pananatili niya pa lang noon ng halos limang buwan sa ospital at ngayon babalik na naman. Saan naman ako hahanap ng malaking halaga? Ganong sa treatment pa lang niya ay ubos na ang pera ko? "Wag ka umiyak, Miles." bulong ko at tinapik ang pisngi. "Maraming paraan..." Ipinilig ko ang ulo ko upang iwasan ang pag iyak. I shouldn't crying though. I know I can find ways.Sa mga sumunod na araw, mas inagahan ko na ang pag pasok ko sa trabaho at laking pasasalamat ko na sa dalawang sumunod na araw ay wala sa kompanya si Mr. Navarro dahil may inaasikaso raw.Pero ngayong araw, narinig ko sa guard na pumasok na ulit ang CEO. Parang pumait na agad ang umaga ko nang marinig yon. "Ms. Cruz!" Lumingon ako sa mahabang pasilyo nitong department at nakita si Ma'am Torre na papalapit. "Good morning, ma'am." I greeted. "You need something?""The proposal for the campaign? Ayos na ba yon? Kailangan ma-approved na iyon ni Mr. Navarro dahil malapit na ang campaign..."Matamis akong ngumiti. "Ayos na po lahat, ma'am. Wala na pong problema." Tumango siya at nilagpasan ako. "Good. Mamaya pupuntahan kita sa office mo. Kailangan kong i-check yon bago mo dalhin sa CEO." Bumagsak ang balikat ko bago dumiretso sa office ko. Nakalimutan kong kailangan ko talagang makisalamuha ng maayos sa CEO namin. Kailangan niya makita na maganda ang performance ko rito sa kompanya ni
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Nanlalamig parin ang buong katawan ko sa mga sinabi ni Mr. Navarro. Hindi ko na tuloy alam kung ano'ng uunahin kong gawin ngayon dahil bumabagabag yon sa'kin. "Huy, wag mo na yun masyado isipin!" bulong ni Shiela habang pinapanood ko ang kasama niya sa cubicle sa ginagawang proposal. Kung pwede ko lang nga na sabunutan itong si Shiela ay nagawa ko na. Biruin mo na sabihin sa mga katabi niya rito sa cubicle na napagalitan ako ng bago naming CEO! Kaya ngayon kita ko ang simpatya sa mga mata nila sakin. "Tignan mo sila napagalitan din! Hindi lang ikaw, di 'ba Cecille?" Lumingon naman sakin si Cecille at tumango. "Opo, ma'am. Pinagalitan din po kami kasi dapat naka-compile raw ng maayos ang mga folders..." Dumapo ang mata ko sa maliit na shelf nila at table, maayos naman ang mga folders ah? Ibig sabihin, sobrang oa pala sa pagiging perfectionist ng lalaking yon? Kung kanina ay nagawa ko siya'ng purihin sa isip ko, ngayon ay hindi na!Panget n
"What time is it, Ms. Cruz? I already informed you to be here earlier." Halos manlumo ako sa lamig ng boses ni Ma'am Torre. Tumigil ako sa harap niya at sinalubong ang nakataas niya'ng kilay. "Uh, G-Good morning, Ma'am." I smiled awkwardly. "Sorry po, may emergency kasi sa bahay tsaka sobrang traffic po kanina..." Ginawa kong kaawa-awa ang boses ko para maawa siya at mukhang gumana nga. "Well..." she let out a sigh. "Ano pa bang magagawa ko? Tapos na ang maikling meeting at ikaw lang sa department na 'to ang hindi nakita ni Mr. Navarro..." Tinalikuran niya ako at diretsong pumasok sa office ko, tahimik naman akong sumunod. "Mamaya ay mag iikot ang CEO sa mga department at dito siya sa department mo unang pupunta." aniya at inilapag ang isang folder. "Narito ang information para sa bagong project natin. Make sure to prepare your team, okay? Also, introduce yourself to him because you didn't show up earlier. Wala dapat siya'ng makikitang mali." Tumango ako bago umupo na sa h
"You need to be here as early as possible. Ngayon ang arrival ni Mr. Bruce Navarro. Don't be late, Miles." Ibinagasak ko sa kama ang cellphone ko pagkatapos basahin ang message ni Ma'am Torre, ang aming head executive. Instead of moving quickly because I need to be in the company as early as I can, I slowly apply and rub the lotion on my legs before wearing a maroon well-tailored suit, it is with a smart blazer that I paired with a crisp blouse inside and I prefer wearing my black polished heels today. It may look simple but at least in a professional way. "Anak, Miles? Akala ko ba aagahan mo ngayon ang pasok?" Tapos na akong mag bihis nang sumilip si mama sa pinto ng kwarto ko. Nang makitang nakabihis na ako ay pumasok siya. "Hindi ba ngayon ang dating nung sinasabi mong bagong CEO niyo? Kailangan mo na mag madali dahil baka kailangan ka roon." tanong niya at inayos ang suot kong blazer. Tumango ako habang inaayos ang gamit ko. "Opo, ngayon nga ang dating pero tingin ko na
Three more days and we're finally got to meet our new CEO or should I say, the comeback of CEO? Kaya ngayong araw ay mas inagahan ko ang pasok sa office dahil sa tambak na trabaho. Pinilit kong wag muna isipin ang personal kong problema dahil maaapektuhan lang nito ang trabaho ko. "Ma'am Miles?" Nanatili ang mata ko sa screen ng laptop nang marinig ang boses ni Kate sa labas. "Come in." I heard the door open. I'm sure ipapatawag na naman ako ni boss Jude para sa bagong meeting. "Ipinapatawag po kayo ni Mr. Jude sa meeting room ngayon." I knew it. "Kumpleto na ba ang mga board members?" Umiling si Kate. "Hindi pa po. Sa katunayan kayo pa lang po ang ipinapatawag niya..." What the hell? Sa ganito kaaga? "Okay, susunod na ako." Hindi ko mapigilang hindi mapairap. Tumayo na rin agad ako at pumunta sa meeting room. "What's the update about the campaign, Miles?" Iyon ang bungad sa'kin ni Mr. Jude pag pasok ko. Tama nga si Kate, kami pa lamang dalawa ang nandito. Umupo
Miles 's POV"Nabalitaan mo na ba? Babalik na raw ang dating CEO. Kaya bababa na sa puwesto si Mr. Jude."Napairap ako sa narinig kong usapan ng dalawang empleyado sa likod ko. Inayos ko ang suot na itim na coat at bahagyang ibinaba ang laylayan ng suot kong skirt. Sopistikada akong nag lakad papunta sa elevator habang yakap ang isang folder. "Good morning po, Ma'am Miles!"Nilingon ko ang kumpulan na mga empleyado na bumati sa'kin. "Morning." malamig kong usal bago naunang pumasok sa elevator. I left my straight face while waiting for the right floor. Ramdam ko ang ilang pag sulyap sa'kin ng mga empleyadong nakasabay ko. They keep glancing at me.I raised a brow and looked at them. "What are you guys looking at?"Mabilis pa sa kidlat silang umiling bago lumihis ng tingin. Umirap ako at diretsong lumabas nang bumukas ang elevator. Iilan pa lang ang nakikita ko rito sa marketing department. Sabagay, maaga pa naman. Nasanay lang talaga ako na maagang pumapasok dahil mas marami akon