Madilim na nang magising si Nicole, saglit niyang pinakiradaman ang sarili, wala pa rin namang nag babago sa pakiramdam niya masakit pa rin halos ang buo niyang katawan dahil sa nangyari kagabi, dumagdag pa ngayon ang ulo niyang bahagyang kumikirot, malakas siyang napa buntong hininga saka inilibot ang tingin sa kabuoan ng malaking silid na iyon.
Sandali pa siyang nanibago sa paligid ngunit naka pag adjust din naman kaagad nang maalalang nasa hotel nga pala siya sa Palawan kasama si CEO Alexander Montefalco.Wala sa silid ang kaniyang boss kaya tiningnan niya na rin maging ang malaking sofa na naroon sa pag babaka sakaling naroon ito, napa irap siya sa pag ka dismaya nang wala siyang nakitang Alexander, bahagya ring naka bukas ang pinto ng banyo kaya sigurado siyang wala din doon ang kaniyang boss, agad ang pag ragasa ng kaba sa dibdib ni Nicole nang maisip na baka iniwan na siya doon ng CEO dahil sa sobrang pagka bad trip nito saniya.Kaunting pag iisip nalang tungkol doon ay matataranta na sana siya, mabuti nalang at bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon ang lalaking hinahanap niya.Okay so hindi ito umalis at hindi siya nito iniwan doon, napa buga ng hangin si Nicole nang mapag tantong mali ang iniisip niya, isipin niya palang na ganon nga ang sitwasyon ay mababaliw na siya dahil syemre sa maraming dahilan, una ay kung paano siyang uuwi at pangalawa ay kung anong ibabayad niya sa mamahaling hotel na ito at pangatlo at higit sa lahat ay kung saan siya pupunta?Napa irap sa sarili si Nicole dahil sa hindi pa rin pag tigil ng kaniyang utak sa pag iisip kahit pa nga narito na ang kasama niyang CEO sa harap niya at masama nanaman ang tingin sakaniya.“You’re finally awake.”Sabi nito sa kanya habang naka kunot nanaman ang noo.Nahihiya namang tumango si Nicole para sabihing oo, kung maari niya lamang itong pilosopohin malamang sa malamang ay masagot niya ito ng ‘obvious ba?’“P-pasensya na po naka tulog ako.”Nahihiyang sabi niya rito saka bahagyang napa yuko, mabilis din siyang bumangon mula sa pagkaka higa sa kama at bumaba doon saka madaling inayos at pinagpag ang ginamit niyang unan at kumot.“That’s fine, wala namang gagawin, and you said earlier habang nag di-dinner tayo kanina na masama ang pakiramdam mo, are you feeling better now?”Kaswal lamang ang tanong nito na iyon sa kanya ngunit agad na namula ang mga pisngi niya.Gulay… kinikilig ba siya?Kung oo, pakiramdam ni Nicole ay hindi na tama ang nararamdaman niyang ito, ngayon lamang naman ito eh, nag simula niyang maramdaman ang ganito kanina habang kumakain sila ng dinner sa mamahaling restaurant na iyon.“Nicole?”“Po? O-opo maayos na po ang pakiramdam ko, s-salamat po sa pag tatanong.”Mabilis niyang sagot dito nang tawagin nito ang pangalan niya.Ang pangalan niya, agad na napa ngiti si Nicole saka naramdaman ang pag init ng sa tingin niya ay kanina pa niyang namumulang pisngi, kay sarap lamang kasing pakingan na tawagin ng isang Alexander Montefalco ang pangalan niya at hindi ang naka sanayan nitong itawag sa kanya, ang kanyang apelido, masyadong pormal iyon para sa kanya.‘Kung palaging iyon ang itatawag mo sakin palagi akong ngingiti.’Sabi niya sa sarili, agad naman siyang napa iling ng marahas para sawayin din agad ang kaniyang sarili.Hindi niya na talaga maintindihan kung bakit siya nagkaka ganito ngayon, kung ano man ang dahilan ay alam niyang mali, maling mali na ito.“That’s good to hear. It is still too early and you just woke, I am going out para mag swimming sandali, you can join me if you want.”Kaswal pa rin na sabi nito, agad naman siyang napa tango dito na tila ba na-excite pa sa imbitasyon nito,Agad niya ring kinastigo ang sarili nang mayamaya pa ay maisip na dapat nga pala ay iniiwasan niya ito para hindi na lumalim itong nararamdaman niyang pag hanga sa kaniyang boss.Mag sasalita pa sana ulit si Nicole para tumangi na at sabihing mag papahinga nalang siya sa kwartong iyon ngunit naunahan na siya nito.“Well then you need to change into your swimming clothes, all the things that you need are in the luggage. Mag palit ka nalang I will be waiting for you at the hotel lounge.”Seryoso ang mukha na sabi nito sakaniya saka itinuro ang isang may kaliitang maleta sa may tabi ng malaking cabinet saka walang sabi sabing nag lakad na ito palabas ng pinto at iniwan siyang naka tangang naka tayo doon.Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nakuhang kumilos na at mag palit, nilapitan niya ang maletang itinuro ng kanyang boss at saka iyon binuksan, tumambad sa kanya ang maayos na pag kaka tiklop ng damit sa loob niyon, iyon ang mga damit na binili ni Alexander para sa kanya kahapon.Agad na namula sa hiya ang mukha ni Nicole nang sa pag hahalungkat ay makita niya ang two piece, may mga kasama iyong maninipis na tela na parang roba na sa tantiya ni Nicole ay ginagamit na pansamantalang takip sa two piece kapag hindi pa naman maliligo, hindi niya matukoy kung ano nga ba ang tawag doon ngunit madalas niyang makita iyon sa TV na suot ng mga sexing artista sa pag su-swimming.Napiling kunin ni Nicole ang isang kulay pulang two piece, napangiwi pa siya nang bahagya iyong sipatin na para bang isa iyong maka bagong kagamitan na ngayon niya lamang nakita.Sa itsura pa lang ng damit pang ligo na iyon ay alam na ni Nicole na hindi niya kayang mag suot ng ganon.Saglit pa siyang napa lunok nang maisip kung ano kaya ang magiging itsura niya kapag suot niya iyon, hindi naman kaya siya mag mukhang butong binalot a dalawang maliit na telang kulay pula nito?“Bahala na.”Balewalang sabi niya sa sarili saka agad na kumilos para mag bihis.Pinili niyang patungan nalang muna ng manipis na bulaklaking dress ang suot niyang two piece, nakaka hiya naman kasi masyado kung mag lalakad na siya sa hallway ng hotel na iyon patungong lounge kung saan daw mag hihintay sakaniya si Alexander ng naka two-piece lang, at oo Alexander lang, hindi naman malalaman ng masunging niyang boss kung iyon ang itatawag niya dito at huwag nang gumamit ng sir.Ilang minuto lamang na nag lakad si Nicole at narating niya rin naman ang kinaroroonan ng kaniyang boss, nakita niya agad itong naka upos sa isang mukhang mamahaling sofa, naka halukipkip at sa itsura ng mukha nitong seryosong seryoso ay halatang mayroon itong malalim na iniisip.‘Tungkol saan kaya ang iniisip mo?’Curios na tanong ni Nicole sa kaniyang sarili habang nag lalakad palapit dito, agad na nag bago ang mukha ng CEO ng makita siya nito.Ang kaninang seryosong mukha ay agad napalitan ng pag kunot ng noo, napa isip din tuloy siya kung may mali ba sa itsura niya.“What took you so long? And you can’t swim like that.”Masungit na agad na bungad nito sakaniya, bahagya pa siyang nagulat at napa atras dahil doon.”S-sorry po, di ko po kasi nakita agad itong lounge, tsaka may suot po akong pang ligo, nakaka hiya lang po kasing mag lakad na ganon ang suot.”Pag dadahilan niya rito, napatango naman ito bilang sagot at nabawasan na rin ng bahagya ang pangugunot ng noo nito.“Follow me.”Utos nito sa kanya saka nag pa una nang mag lakad, tahimik namang na sumunod siya dito.Sa isang napaka gandang lawa sila nag punta, mukhang ito iyong lawa na nakita niya mula sa bintana ng kwarto nila sa hotel kanina, may kalayuan ang lawang iyon sa pinaka hotel pero hindi naman masyado, at sa tingin niya ay sulit naman ang kaunting pag lalakad dahil sa ganda ng lugar.Sandaling umikot ang mga mata ni Nicole sa paligid saka wala sa sarili siyang napa ngiti.Sobrang ganda ng tanawin, kahit may kadiliman ay kita niya ang nangingintab na mala crystal na tubig ng lawa, halata ring malinis at malinaw ang tubig niyon, mayroong isang maliit na tulay na gawa sa tabla, maganda rin ang pagkaka pwesto ng mga poste ng ilaw sa may gilid ng lawa, mayroon ding ilang cottages na gawa sa kawayan, gawa naman sa anahaw ang mga bubong niyon.Agad na natanaw ni Nicole ang ilang mga taong sa tingin niya ay silang may okupado sa ilang mga cottages, karamihan ay nasa paligid at masayang na iinuman sa tapat ng bon fire.Tuloy lamang ang ginawang pag sunod ni Nicole kay Alexander na tila walang pakealam at diretso lamang na nag lalakad.Tumigil sila sa tapat ng isang napaka gandang cottage, kakaiba iyon kumapara sa ilang naroon, kung titingnan ay papasa na iyong isang maliit na bahay.Gawa sa semento ang kalahati niyon at pawid naman ang mga pader ang bubong lamang ang naging kapareho sa ibang cottage na gawa rin sa anahaw, ang maganda pa ay malapit lamang ang pwesto niyon sa lawa at pati na rin sa maliit na tulay.“This is my cottage, feel free to do whatever you want.”Seryoso pa rin ang mukha na sabi nito, napa tango nalang naman si Nicole dito kahit pa nga sa totoo lamang ay gusto niya nang mag tanong kung ano ba ang ibig sabihin nito sa ‘this is my cottage’ kung inupahan ba nito iyon o talagang pag aari nito.Agad na nawala sa isip ni Nicole ang tanong na iyon nang buksan ni Alexander ang pinto ng cottage, namilog pa ang mga mata niya dahil sa dami ng masasarap na pagkaing naka hain sa lamesa, sa dami niyon ay mukhang isang buong pamiya na ang makakakain.Iba’t ibang putahe ang naroon ngunit mas napako ang mga mata niya sa paborito niyang lechon kawali, gustong gusto niya iyon ngunit bihirang bihira siyang maka tikim.Agad siyang naka ramdam ng gutom at kulang nalang ay mag laway pa siya dahil sa mga nakikita, kaya lang syempre ay marunong pa rin naman siyang mahiya.Pinigilan ni Nicole ang sarili na kumuha ng kahit isang hati ng karne, pinilit niya ring umiwas ng tingin sa mga pagkain.“Pwede kang kumain kung nagugutom ka.”Agad na namula ang pisngi ni Nicole nang marinig ang seryoso nanamang boses ng kaniyang boss.Mabilis din siyang umiling dito bilang pag tanggi kahit pa nga sa totoo lang ay takam na takam na siya, naiinis din siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay isa siyang patay gutom.“Mauna na akong mag swimming.”Sabi pa nito saka walang lingon likod siyang iniwan.Sumunod naman agad si Nicole sa kanyang boss at tuluyan nang iniwan ang mga pagkain naroon sa lamesa sa loob ng cottage na iyon.Napa ngiti si Nicole nang tuluyan siyang maka lapit sa tulay, hindi niya na rin pinag abalahan pang hanapin ang CEO na agad na nawala sa paningin niya kanina, masyadong maganda ang ugar na ito para piliin niya pang intindihin ang masungit niyang boss.Napag diskithan na lamang muna ni Nicole na maupo sa may bandang dulo ng tulay, mas lalong lumaki ang ngiti niya nang maramdaman ang preskong tubig ng lawa na umabot hangang sa may tuhod niya nang lumubog ang kaniyang mga paa doon.Nagawa niya ring sumandal sa maliit na kahoy na nag silbing hawakan ng tulay na iyon saka nag isip.Kung siya lamang kaya mag isa, magagawa niyang ma puntahan ang mga ganitong kagandang lugar o habang buhay na talaga siyang makukulong sa puder ng malupit niyang pamilya?Wala sa sariling napa hawak si Nicole sa kaniyang pisngi kung nasaan ang pasa na bigay ng ilang ulit na pag sampal sa kanya ng kaniyang tiyang Norma kagabi.Sandali niya ring pinakiramdaman ang sarili, masakit pa rin ang katawan niya hindi niya alam kung hangang kailan niya iindahin ito at lalong hindi niya alam kung bakit niya pa nga ba iniinda ang sakit gayong sanay na sanay naman na siya sa ganoong sistema.Well, mukhang isip niya lamang naman ang nasanay, hindi ang kaniyang katawan at higit ang kaniyang puso.“Ma, pa? Kung hindi niyo kaya ako iniwan ganito pa rin kaya ang buhay ko ngayon?”May kalakasan ang boses na tanong ni Nicole habang naka tingala sa kalangitan, saglit pa siyang natawa kasabay ng pag tulo ng ilang butil ng luha sakaniyang mga mata.“Malamang hindi ma, pa di’ba? Sigurado akong hindi niyo ako hahayaang masaktan kung sana nandito pa kayo, kung sana hindi kayo kinuha ng maaga.”Mapait na sambit ni Nicole saka yumuko at niyakap ang basang mga tuhod.“I don’t know what your problem is, but I know a can of beer can help.”Napa angat ng ulo si Nicole nang biglang may mag salita sa likod niya, agad niya itong tiningnan na sana pala ay hindi niya nalang ginawa dahil ngayon ay sobra nang nag wawala ang puso niya sa lakas ng kabog niyon.Nasa harap niya ang CEO, seryoso ang mga mata nitong matamang naka tingin sa kaniya habang inilalahad sa kanya ang isang lata ng beer na bukas na, ngunit hindi doon naka tuon ang atensyon ni Nicole kundi sa hubad nitong katawan at nababalot lamang ng isang swimming trunks ang pang ibaba nito.Sunod sunod na napa lunok siya ng laway saka pilit na nag iwas ng tingin.Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.“Morning beautiful wife.”Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.“Good morning naughty husband.”Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap na mabilis naman nitong tinangap, agad niya pang iniwas ang mukha nang tangkain siya nitong halikan sa labi, agad namang nangunot ang noo ng kanyang asawa dahil doon.Bago pa man ito mag salita at mag reklamo ay naunahan niya na.“I know this is our honeymoon, alam ko rin na mag asawa na tayo pero hindi pa ako nag to-toothbrush, kaya alis na… mag hihilamos ako.”Sabi niya rito, dahilan ng malakas nitong tawa, pabiro naman itong inirapan ni Nicole saka mahinang itinulak palayo.Muli pang nangunot ang noo niya nang sa halip na lumayo sa kanya si Alexander ay lalo pa itong umusod palapit sa kanya, agad pang napalitan ng mahinang hagikhik ang kunot na kunot niyang
Nasa labas pa lamang ng naka sarang pinto ng simbahang iyon ay rinig na ni Nicole ang malamyos na musika sa loob ng simbahan, hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil sa excitement.Ikakasal na siya sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa nag iisang lalaking minahal niya ng sobra sobra.Sa ama ng pinakamamahal niyang anak na si Alexandrea.Sa kanyang CEO.Naramdaman ni Nicole ang pag higpit ng hawak sa braso niya ng kanyang lola, agad niya naman itong tiningnan.“I know I have said this countless times already iha, but congratulations again. I am very happy for you.”Naka ngiting sabi ng matanda, mariin pa siyang napa pikit nang halikan siya nito sa noo kasabay ng pag ayos nito sa suot niyang belo.Hindi na nakuhang mag pasalamat ni Nicole nang marinig ang hudyat ng wedding organizer na mag uumpisa na ang seremonya.Nahigit niya ang pag hinga kasabay ng pag bukas ng pinto ng simabahang iyon, bumungad sa kanya ang napakagandang ayos sa loob ng simbahan, nag kalat ang mga kulay put
“Ang ganda mo Besh.”Puri sa kanya ng kaibigang si Leah matapos siyang ayusan ng baklang make-up artist na siya ring nag aasikaso ng lahat.Ngayon ang araw ng kasal nila ni Alexander at pakiradam niya ay kulang ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Napa ngiti na lamang si Nicole sa kaibigan saka nag pasamat.“Salamat ng marami Leah, Salamat din at pumayag kang maging maid of honor ko.”Sabi niya sa kaibigan saka iminuwestra ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap.“Wala iyon ano ka ba, sino pa ba naman ang kukunin mong maid of honor eh ako lang naman nag isang bestfriend mo na ubod ng ganda.”Pabirong sabi nito, sabay pa silang natawa dahil doon.Sabay rin sila halos natigilan nang titigan siya ni Leah.Hindi pa man siya nakakapag salita para mag tanong kung bakit ay naunahan na siya nito.“Wala, hindi lang ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga.Masaya ako para sa iyo Nicole, sobrang saya ko para sayo.”Sabi nito saka matamis siyang
Hindi mapigilan ni Nicole ang ngumiti ng ubod ng tamis habang matamang tinititigan ang bagong silang niyang sangol, pakiramam niya ay kaya niyang gugulin ang buo niyang mag hapon sa pag titig sa mahimbig na natutulog na anak.“Hey, you should rest too…”Agad na napalingon si Nicole sa kinaroroonan ng pinto nang bumukas iyon kasabay ng pag sasalita ni Alexander.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang makita ito.“Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan na hindi siya titigan, ang ganda niya Alex, ang ganda ganda ng anak ko.”Masaya niyang sabi, napangiti na rin pabalik si Alexander saka marahang nag lakad palapit sa kanya, ingat na ingat itong huwag maka gawa ng ingay na maaring mag pagising sa bata.“Anak natin, and yes I agree. She’s pretty, I mean what do you expect? Her dad and your soon to be husband is handsome too”Malokong sabi nito, aga naman siyang napa irap dahil doon.“Hindi ka gwapo, at sinong nag sabing papakasalan kita?”Pa biro niya ring sabi na ikinasimangot nama
Ilang sandaling katahimikan, hindi makuhang mag salita ni Nicole dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin iyon sa kanya ni Alexander.Inaaya siya nitong mag pakasal…Ano nga ba ang isasagot niya doon gayong sa pagkaka alam niya ay mayroon na itong asawa, sa paniniwala niya ay mayroon na itong sariling pamilya.“Say something baby…”Masuyong sabi sa kanya ni Alexander, ngunit katulad kanina ay nanatili lamang naman siyang tahimik, nanlalaki sa gulat ang mga matang matamang naka titig sa binata.“Look, I know our relationship before never turned out fine. Alam ko din na sobrang galit ka saakin, dahil sa ginawa ko, but believe me baby everything has a reason, I only did that to protect you.”Halos pabulong lamang na sabi nito, dahil doon ay hindi malaman ni Nicole kung dapat niya bang paniwalaan ang mga pinag sasabi nito, alam niyang gusto niyang malaman ang lahat, gusto niyang maintindihan ang lahat ngunit hindi niya itatanging hindi iyon ang gusto niyang marinig.“Marry me, Nicole
Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya.At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina.Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi niya man lang pinag isipan.Sino pa ba naman ang makakapag isip ng matino sa ganong sitwasyon?Mabuti na lamang at hindi na nag salita pa at nag tanong ang kaibigan niyang si Leah at nanatili na lamang
Pitong buwan, pitong buwan na ang lumipas at malaki na rin ang tiyan ni Nicole, hangang ngayon ay wala pa ring may alam sa dati niyang trabaho tungkol sa kanyang pag bubuntis, iyon naman talaga ang gusto niya at ipinakiusap niya sa lahat. Pumayag naman ang kanyang mga ka-anak lalo pa noong malaman ng mga ito na ang CEO ng kapartner nilang kumpanya ang ama ng barang dinadala niya. Ayaw niya nang malaman pa ni Alexander ang tungkol sa magiging anak nila at naiintindihan naman iyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin nag tanong pa ang mga ito kung bakit nga ba iyon ang gusto niyang mangyari, para sa kanya ay sapat nang alam niya na may sarili nang pamilya si Alexander, pilit niya na lamang sinisiksik sa kanyang sistema na hindi niya kailangan si Alexander at lalong hindi ito kailangan ng magiging anak nila. “Hi, ready ka na?” Agaw sa kanyang pansin ng kaibigang si Leah, mabilis naman niya itong tinanguan saka muli pang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa malaking salamin na
Halos manginig ang mga kamay ni Nicole sa sobrang kaba, hindi niya nga rin makuhang galawin ang mga pagkaing nasa plato niya at tahimik lamang na pinakikiramdman ang kanyang paligid, tahimik na nakikinig sa pag uusap ng kanyang mga ka-anak na pinangungunahan ng kanyang lolo at lola.Kasalukuyan silang nasa dining at mag kakasalong nag aalmusal, nariyan ang mga tawanan at biruan ngunit hindi magawang makisali ni Nicole at alam niya kung bakit.Buong gabi niya ring pinag isipan ang balak niyang sabihin na sa mga ito ang tungkol sa pag bubuntis niya, ano man ang magiging resulta niyon maging ang mga magiging reaksyon ng mga ito ay buong puso niyang tatangapin.Mukha ring alam na ng pinsan niyang si Domenic ang balak niya dahil kanina pa siya nitong pasimpleng tinititigan, sasagutin niya naman iyon ng matalim na irap na alam niyang hindi nito nagugustuhan.“Natalia iha, I am glad that you are feeling better now.”Masuyong ang tinig na agaw sa kanyang pansin ng kanyang butihing lola, ma
Pag pasok pa lamang sa clinic na iyon ay halos manlambot na ang mga tuhod ni Nicole, hindi siya mapalagay sa magiging resulta ng test na gagawin sa kanya.Tila ba siya isang taong sakitin na nag hihintay na sabihin ng doctor kung ilang araw, buwan o taon na lamang ang itatagal niya.Idagdag pang talagang malakas ang kutob niyang magiging positibo ang pregnacy testing na ginagawa ng mga espisyalista sa clinic na iyon ay halos manginig na siya sa kaba.Tahimik siyang naka upo sa waiting area katabi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya. Naiintindihan niya naman ang pinag mumulan ng inis at galit nito, alam kasi nito ang halos lahat ng pasakit na pinagdaanan niya kay Alexander, ito pa ang nanguna sa desisyong huwag na niyang lalapitan ang CEO ng kumpanyang dati niyang pinapasukan tapos bigla ay malalaman nitong buntis siya at tiyak na alam din nitong si Alexander ang ama.Agad ang pag ragasa ng kaba sa kanyang sistema nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nag madali pa siyang mag