Share

CHAPTER 2

last update Huling Na-update: 2025-11-24 14:35:16

Maingat kong inilagay ang aking mga damit sa maleta. Medyo marami-rami rin iyon kaya kinailangan kong gumamit ng mas malaking lalagyan. Bukas ng hapon ang alis ko—hindi para magbakasyon, kundi para magtrabaho. 

Matapos kong ayusin ang aking mga damit ay isinunod ko naman ang aking pera, passport at iba pang kailangang dokumento. 

Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si mama. "Oh, ayan na ang mga ipinabili mo." aniya sabay inilapag ang isang pakete ng biskwit at mga kendi. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at pumasok si Mama. “Oh, ayan na ang mga ipinabili mo,” aniya habang inilalapag ang pakete ng biskwit at mga kendi sa kama. Tahimik ko siyang tinanguan, pero napansin kong mataman siyang nakatitig sa akin—at bago pa man ako makapagsalita, marahan siyang napabuntong-hininga. 

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, anak?" Bakas sa tono niya ang pag-aalala at panghihinayang.

"Ma, eto na naman tayo, eh. Napag-usapan na po natin ito 'di'ba?" pinilit kong ngumiti.

"Pasensya ka na, anak.” malambing niyang tugon. “Hindi ko lang kasi kayang isipin na lalayo ka na sa amin. Alam kong mahirap para sa 'yo na iwan ang trabaho mo dito." Pansin ko ang panggigilid ng kanyang mga luha. Nagta-trabaho ako bilang waitress sa isang coffee shop na malapit lang sa amin. Napagpasyahan kong mag-resign sapagkat hindi na sapat ang sine-sweldo ko para sustentuhan ang mga pangangailangan namin. 

"Ma naman, eh. Huwag ka na pong umiyak diyan. Hindi naman po ako lalayo at hihiwalay sa inyo. I'll take this opportunity to chase my dream na maging guro. This is for us, for me. Magta-trabaho lang naman po ako. Para sa akin at sa pamilya natin. Ayaw nyo ba po ng ganoon, ma?" Nilunok ko ang bigat sa lalamunan habang pinipilit kong panatilihing kalmado ang boses ko.

"Hindi lalayo? Eh, parang ganoon na nga ang ginagawa mo." aniya habang umiiyak.

"Aalis po ako para magtrabaho, huwag po kayong mag-alala. Nandoon naman po sila tita upang bantayan ako."

Luluwas ako nang Maynila upang doon na maghanap ng trabaho. Pansamantala muna akong makikituloy kina tita habang naghahanap ng trabaho. I know a lot of you guys are asking—bakit hindi na lang ako dito maghanap ng trabaho? It is because malayo sa amin ang sentro ng syudad; tatlong oras ang byahe mula sa tinitirhan namin patungo roon. When I say sentro, ibig sabihin ay naroon ang pinakasyudad na parte ng lugar na ito. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang suhestyon ng aking tiyahin na magtrabaho sa Manila at pansamantala munang manirahan doon.

Kahit ano pa ang trabahong papasukan ko, sa tingin ko kaya ko namang gawin. Tatanggapin ko ka agad, huwag lang illegal na trabaho. Mas mabuti na munang pumili ng mas praktikal. Makakapaghintay naman ang pangarap kong maging guro.

Dahan-dahan akong tumayo at niyakap si mama. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni mama sa desisyon ko. Nag-aalala lang siya para sa akin, hindi siya sanay na iniiwan nang mag-isa. Pagkatapos noong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni papa ay mas lalo na siyang naging maalalahanin.

Minsan, pakiramdam ko, puro na lang ako bigay. Pero okay lang… kasi para kay Mama ‘to. Para sa amin.

"Ma, huwag ka na pong umiyak. Lagot ka po kung makita ka ni Lester na ganiyan ang itsura niyo. Paniguradong iiyak din iyon." patawang sabi ko.

"Ay, oo nga pala. Hehe, sige anak, tapusin mo muna iyang ginagawa mo." pabiro niyang sabi at saka dahan-dahang lumabas. Ilang oras pa ang nagdaan ay natapos na rin ako sa pagliligpit ng mga gamit.

Ilang oras pa ang lumipas bago ko tuluyang natapos ang pagliligpit ng mga gamit. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang bigat ng simulaing naghihintay sa akin sa Maynila—isang panibagong kabanata ng buhay na wala akong kasiguruhan, pero puno ng pag-asa.

—----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at saka humikab ng malalim. Napatingin ako sa orasan nang maalalang may gagawin pa pala ako. Alas kwatro na pala at kailangan ko nang umalis. May pupuntahan pa ako sa kalapit na barangay. 

Mabilis akong nag-ayos at saka lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nadatnan ko si Mama at ang dalawa kong kapatid na abala sa pag-aayos ng mga panindang kakanin at packed lunch. Iyon ang tanging pinagkukunan namin ng kabuhayan, ang maliit naming negosyo na dalawang taon na ring bumubuhay sa pamilya.

Dahil sa kita noon, kahit paano ay nairaraos namin ang pang-araw-araw. Hanggang second year lang ang naabot ko sa kursong entrepreneurship hindi dahil sa kakulangan ng pangarap, kundi dahil sa kakulangan ng pera. Si Kuya naman, na dating kumukuha ng engineering, ay hindi na rin nakabalik sa pag-aaral mula nang maghiwalay sina Mama at Papa. Sabi ni Mama, pareho raw kaming madiskarte ni Kuya, pero ako ang mas may tiyaga sa pagnenegosyo.

Ako ang pangalawa sa magkakapatid, at kahit hindi ako ang panganay, ako ang itinuturing na breadwinner ng pamilya. Siguro dahil ako ‘yung tipo ng taong laging may paraan, kahit pa minsan, ako rin ‘yung pinaka-nanghihina.

"Ate Dolly!" masayang bati sa kin ng  nakababatang kong kapatid na si Narie. Agad ko naman siyang niyakap. 

"Ate, aalis ka na ba talaga?" Bakas sa mukha niya ang panghihinayang at lungkot.

Pinilit kong huwag maluha. Alam kong mahirap para sa kanila ang pag-alis ko—lalo na para sa akin. Pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong magbalat-buto para mabigyan sila ng magandang kinabukasan… at para makamit ko rin ang pangarap kong matagal ko nang iniiwasan.. 

Simula noong naghiwalay sina Mama at Papa, ako na ang naghanap ng paraan para maitawid ang araw-araw naming pangangailangan. Nakakalungkot isipin na gano’n kabigat ang naging kapalit ng kabataan ko—pero hindi ako nagsisisi. Basta para kay Mama, hindi ako susuko.

"Pasensya ka na, ah. Aalis si ate upang magtrabaho. Pero pangako, babalik din agad si ate. Huwag ka nang umiyak, kaya ko naman ang sarili ko, eh. Promise mo sa akin na aalagaan niyo si mama, ah?" 

"Opo, ate. Hindi po namin siya papabayaan." nakangiting sagot ni Narie.

Malaki ang tiwala at kumpiyansa ko na hinding-hindi nila papabayaan si mama. Alam kong mapait itong magiging resulta ng desisyon ko ngunit kailangan kong magsakripisyo para sa pamilya ko, lalong-lalo na't wala na si papa.

Bago ako umalis ay inilaan ko muna ang natitira kong oras sa pagtulong sa pag-aayos ng mga paninda. Mahabang kwentuhan ang naganap hanggang sa matapos kami. Nang lumipas ang isang oras ay agad akong nag-ayos sa sarili at naghanda para sa magiging lakad ko. Agad naman akong nagpaalam kay mama na may pupuntahan lang sa kabilang barangay. 

Sa paglalakad ay umagaw sa aking atensyon ang isang magara at malaking bahay na nakatirik sa gilid ng daan. Ang alam ko'y dito nakatira ang dati kong kababata na ngayo'y nasa Estados Unidos na. Ilang taon din itong abandonado ngunit hindi naman ganoon karupok ang itsura nito. Nang dahil siguro'y may caretaker sila at napanatili nilang maganda at maaliwalas ang kalabasan ng bahay.           

Naaalala ko tuloy yung mga panahong ako'y otso anyos pa lang at naglalaro kami dito sa tapat ng bahay na 'to kasama si Noire na siyang anak ng may-ari ng maganda mansyon na ito. I wonder how he's doing right now. I haven't seen him in years. 

Hindi ko alam kung bakit ako napaisip sa childhood bestfriend ko, aaminin kong nami-miss ko siya dahil sa tagal niyang nawala. 

Imbes na magdrama ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makalipas ang tatlo'mpung minuto ay sa wakas at nakarating na ako sa Barangay Estacia kung saan nakatira ang aking bestfriend na si Ellyah. Siya rin ang dahilan ng pagpunta ko sapagkat gusto kong magpaalam ng maayos sa kanya tungkol sa aking magiging pag-alis bukas.

—--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang minutong paglalakad pa ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa mismong bahay nila. Natawa na lang ako dahil hindi pa nga ako kumakatok ay naabutan ko na siya sa balkonahe nila na naghihintay sa aking pagbisita.

"Beshy!" masayang tili niya habang sinasalubong ang mga yakap ko. "Elly! I'm so happy to see you!" masayang bati ko sa kanya habang kami ay nanatiling nakayakap ng ilang segundo.

"Wow, may pa english-english ka pa diyan, ah! Saan ka ba pupunta bukas? Sa Estados Unidos?" bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. "Estados Unidos? Hindi, ah! At isa pa, ang layo kaya noon!" pabiro kong sabi.

"Ah ganoon? Ikaw naman hindi mabiro." patawa niyang sabi. Ilang minuto kaming nakipagkwentuhan sa isa't isa hanggang sa humantong na sa seryosong usapan.

"Oh, anong oras ba ang iyong magiging pag-alis?" bakas sa kanyang mukha ang pagiging seryoso at mausisa. "Ah bukas, alas nuwebe ng umaga." seryoso ko namang sagot.

"Ah ganoon ba. Paano iyan, eh 'di ko na makikita muli ang bestfriend ko." Nagkunwari siyang naiiyak na siya ring naging dahilan ng malakas kong pagtawa.

"Ikaw naman, oh. Tatawag naman ako sa'yo. At isa pa, magta-trabaho ako roon. Gusto kong tulungan si mama na makaahon sa buhay. Isa 'yun sa mga pangarap ko sa buhay." nakangiti kong sabi.

"Ooh! Iba ka talaga, Dolly. You're still that kind, beautiful, brave and the breadwinner of the family. Hindi talaga nawawala sa iyo 'yung pagiging masipag at madiskarte na girl."

"Binobola mo na naman ako. Of course, ba't naman ako magbabago? Kung may magbabago man sa akin ay sana maganda ang magiging epekto noon sa buhay ko." 

"Oh, ikaw talaga! Napaka-seryoso, halika na nga sa loob." yaya niya sa akin. 

Ilang segundo akong natulala at napaisip sa kaniyang sinabi. Bakit naman ako magbabago? Tulad nga ng binanggit ko kanina, kung may magbabago man sa buhay ko o kaya ay sa sarili ko, sana naman ay positibo ang magiging epekto noon sa buhay ko. 

Niyaya niya akong pumasok sa loob ng kanilang bahay at mag meryenda. Napag-usapan rin namin ang tungkol sa aking magiging pag-alis bukas at kung ano ang aking naging dahilan ng aking desisyon. My answer is still the same, it's for my family. I wanted to he the best for them, to make them proud. Ayaw kong maging isang malaking pagkakamali sa pamilya ko. Pinalaki ako ni mama ng maayos, natutunan ko rin kung paano maging independent, maging madiskarte sa buhay, at may takot sa Panginoon.

Hindi naman nagtagal ang naging pagbisita ko kina Ellyah at agad naman akong umuwi. 

Ilang minutong paglalakad ang aking napagdaanan at nakarating na ako sa aming bahay. Naabutan ko si kuya sa labas ng bahay na kinukumpuni ang sirang tubo na siyang daluyan ng aming tubig. 

"Oh, kuya. Anong nangyari diyan?" may bahid na pagkagulat ang aking tanong.

"Ikaw pala, bunso. Ah, eto?..." turo niya sa tumatagas na tubo. "Naabutan kong tumatagas 'yung tubig. Sayang naman kung hindi ko aayusin, eh, mas lalaki ang babayaran natin sa bill ng tubig. Mas mainam kung ako ang mag-aayos nito, kesa naman tumawag ng iba. Wala naman tayong pambayad sa taga-ayos." May point naman si kuya. Mas mainam nga kung kami na mismo ang aayos nito, mas matipid pa.

Mabusisi kami pagdating sa paggastos ng pera, ina-aral namin kung ano ang mas kailangang bilhin kesa sa mga gustong bilhin. Sabi nga ni mama, ang pera ay pinaghihirapan, hindi pinupulot. Kailangan maging matalino sa paggastos ng pera. Isa iyon sa mga natutunan ko. "Baka kailangan mo ng tulong diyan, kuya?" prisinta ko. "Ay, huwag na, bunso. Ako na rito, kaya ko naman. Pumasok ka na at magpahinga. May flight ka pa bukas." paalala ni kuya. Hindi na ako nagpumilit pa dahil nakaramdam rin naman ako ng pagod. 

"Oh, sige. Basta kung kailangan mo ng tulong, ah. Tawagin mo lang ako sa loob." dagdag ko pa. Isang malaking ngisi naman ang kaniyang iginanti. Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Agad naman akong nagbihis at saka humiga sa kama. Mabilis akong dinalaw ng antok at sa hindi inaasahan ay nakatulog ako.

Kinabukasan,

Isang maingay na tunog ang umalingawngaw sa loob ng aking kwarto. Yung alarm clock ko pala ang gumagawa ng ingay. Marahan kong kinapa ang aking cellphone sa gilid ng aking kama. Umaasa akong mahahanap ko kaagad ito ngunit nabigo ako.

Ilang segundo ang tinagal ng aking pangangapa ay sa wakas, nahanap ko rin ang aking cellphone. Medyo inaantok pa ako nung ako'y bumangon upang tingnan ang oras at patayin ang alarm clock na siyang pesteng gumising sa masarap at mahimbing kong tulog. Masisira na sana ang kalooban ko nang maalala ko ang isang bagay. Ngayon pala ang araw ng flight ko papuntang Maynila! 

Nilabanan ko ang antok at dali-daling tiningnan at binuksan ang aking cellphone. Ala-singko pa ng madaling araw at alas tres pa ng hapon ang magiging pag-alis ko. Iyon rin ang oras ng paglipad ng eroplanong sasakyan ko.

Binilisan ko ang aking kilos at agad na dumiretso sa banyo upang maghilamos. Paglabas ko ng banyo ay saktong lumabas rin si mama mula sa kanyang kwarto. Nadatnan niya akong basa ang aking mukha at magulo ang aking buhok.

Bakas sa mukha niya ang pagkalito kahit na siya ay bagong gising pa lamang.

"Oh, anak. Ang aga-aga pa, ah? Anong ginagawa mo rito sa mga oras na ito?" She seems confused. 

Hindi agad ako nakasagot, ilang segundo akong napako sa aking kinalalagyan, nalilito kung ano ang aking isasagot. 

"A-ah, nagising po ako. Naalala ko pala na mali iyong pagkaka-set ko ng alarm." pagkukunwari ko. Damn, I'm still sleepy. 

Ang totoo niyan ay akala ko'y ganitong oras ako aalis ng bahay. Hindi pala, alas tres pa pala ng hapon ang magiging flight ko. "Ah, ganoon ba? Matulog ka na ulit. Maaga pa naman, oh. Gigisingin kita ng alas otso." aniya at saka dahan-dahang naglakad patungo sa banyo.

Isang katahimikan ang bumalot sa aking paligid. I felt a sudden awkwardness for what happened a minute ago. Nakakahiya. Inalimpungatan ba naman. Agad naman akong bumalik sa kwarto at humiga. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga history books na nasa aking kwarto.

Nais kong pahalagahan ang bawat natitirang sandali ko sa bahay na ito bago ako umalis. Masakit man isipin na mami-miss ko ang bawat sulok ng bahay na ito. Ito ang naging sandalan ko nung ako'y mayroong mga problema sa buhay. Mahalaga para sa amin ang tahanang ito dahil dito kami nabuo at lumaki.

Maaga pa naman, umaasa akong dadalawin ako ng antok. Nabanggit ni mama na gigisingin niya ako ng alas otso. 

Habang inaaliw ang sarili, sa 'di ko inaasahang pagkakataon ay mabilis akong dinalaw ng antok at agad na nakatulog.

'Di ko namalayan kung gaano katagal ang aking naging pagtulog. 

"Nak, gising. Alas otso na." Isang malambot na tinig ang nangibabaw sa loob ng aking kwarto. Panigurado akong si mama iyon. Marahan niyang inalis ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Napansin kong hinawi ni mama ang kurtina ng bintana ng aking kwarto.

Hindi ako agad na nakadilat nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.

"Anak, bumangon ka riyan. Hindi mo ba naalala ang 'yung sinabi ko sa iyo kaninang madaling araw?"

Kahit na inaantok pa rin ay pilit kong nilabanan at dahan-dahang tumayo.

"Ayan kase. Ang aga-aga mong nagising. Ano ba ang pumasok sa isip mo't gumising ka ng alas singko ng madaling araw? Siguro inaalimpungatan ka na kaya ka ganyan." bakas sa tono niya ang inis at pagkalito.

Nang maidilat ko na ng maayos ang aking mga mata ay agad akong dumiretso sa banyo upang maghilamos at mag-ayos.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina upang mag-almusal. Nadatnan kong nagluluto ng agahan si kuya kasama ang nakababata kong kapatid na si Narie.

"Oh, ate. Gising ka na pala. Halina't nakahanda na ang almusal." nakangiting anyaya ni Narie.

Maingat kong ipinwesto ang sarili sa harap ng mesa at saka nagsimulang magdasal.

Matapos ang pagdadasal ay agad akong sumandok ng kanin at sunod na inilagay ang ulam na niluto ni Narie.

Isang magandang usapan ang mismong bumalot sa hapagkainan. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga magiging kinabukasan ng aming pamilya. Napuno ng tawanan at mga biro ang naging usapan.

Matapos ang masayang salu-salo ay tinulungan ko sina mama na ayusin ang aming mga ititinda. Sunod ko namang tinulungan si Narie na abala sa paglilinis sa kusina.

Isang nakakapagod ngunit masayang araw na naman ang bumuhay sa aking kalooban. I wish this happiness would last forever.

Nang dahil sa pagkabagot ay mabilis akong dinalaw ng antok kaya napagpasiyahan kong umidlip ng ilang minuto. Sa haba ng aking pag-idlip ay ginising ako ni Narie.

"Ate, ala-una na. Maghanda ka na raw dahil aalis na ka na. Ihahatid ka daw ni kuya sa airport." 

Nagulat ako sa sinabi niya na siyang naging dahilan ng pagmamadali ko. Agad akong naligo ng ilang minuto at inilabas ang mga dadalhin kong mga gamit para sa biyahe. Naabutan ako ni mama na nagmamadali at bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Oh, anak? Anong nangyari sa iyo?" 

"Nagmamadali ako, ma. Ilang oras na lang ay lilipad na iyung eroplano na sasakyan ko papuntang Maynila. Teka, nasaan po ba si kuya?" 

"Eh, yung kuya mo? Teka, tatawagin ko." usal niya at umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw ni mama.

Maya-maya pa ay lumabas siya mula sa kanyang kwarto.

"Bakit po?" takang tanong niya na halatang naguguluhan.

"Ihatid mo na si Dolly sa airport at baka 'di na niya maabutan 'yung eroplanong sasakyan niya. Naku, mahirap na." paalala ni mama.

"Ganoon ba? Sige po. Maghintay ka muna riyan, bunso. Magpapalit muna ako ng damit." aniya kuya.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid. Maya-maya ay nagsalita si Narie.

"Aalis na talaga si ate. Mami-miss kita, ate." usal niya at niyakap ako, ganoon rin si mama.

"Tawagan mo kami kapag nakarating ka na sa bahay ni Tito Herald mo, ah?" Pansin kong nanggigilid ang kanilang mga luha.

"Naku, huwag na kayong umiyak. Hindi ko naman papabayaan ang sarili ko, 'no. Pangako iyan. Mahal ko kayo. Para sa inyo 'to. Para sa kinabukasan ko at kinabukasan nyo." Nakangiting paalala ko habang patuloy na niyayakap sila mama at Narie. Pansin kong kakatapos lang ni kuya mag-ayos at paniguradong ihahatid na niya ako sa paliparan.

"Halika na, bunso. Ihahatid na kita." pambabasag ni kuya sa emosyonal naming usapan. Ito na ang pinakamasakit na sandali ng pag-alis ko. Habang papalayo ako sa kanila ay mas lalong kumirot ang dibdib ko na makita silang luhaan dahil sa magiging pag-alis ko.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay dumudurog sa puso ko. Ang kanilang pagsinghot at mahinang pag-iyak ay lalong tumatatak sa isipan ko.

The moment came when I finally closed the door, leaving my mother and sister in tears, worrying for my safety. Hindi ko napigilang mapaluha kakaisip sa kanila. Pati na rin si kuya na siyang nagbitbit ng maleta ko palabas ay umiiyak. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang mapansin ko ang bawat patak ng kanyang luha patungo sa kanyang damit.

Hanggang sa paglabas ko ng aming gate ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang kanilang mga mukhang luhaan habang ako'y papalayo. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at pumara ng tricycle na siyang sasakyan namin palabas ng baryo.

Nakatingin pa rin ako sa pinto ng amin bahay. Napansin kong sumisilip si mama mula sa bintana, bakas sa kanyang mukha ang mga luha. It hurts me so much seeing my mom crying in the distance. Pinilit kong mag-iwas ng tingin kahit na labag ito sa aking kalooban. Ngunit kailangan kong magpakatatag para kay mama at para sa sarili ko.Ilang segundo pa ay umandar na ang sasakyan at pumaharurot paalis. This is it, the next phase of my life begins.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The CEO's Forbidden Love   CHAPTER 5

    “Is everything settled?” tanong ko sa isa sa mga personal organizers ko. Tumango siya, pero halatang abala pa rin sa final touches.Clean, modern interior. Warm lighting. Neutral palette.Subtle gold accents. Black frames.And—unfortunately—pops of pink everywhere. Ang intended “subtle feminine touch”, parang nauwi sa Barbie world. Not ugly. Just… unexpected.“Why is there so much pink?” tanong ko, trying not to sound irritated.“Sir, ang instruction niyo po ay lagyan ng subtle pink accents.”Napapikit ako sandali.Right. That one’s on me.Pero kahit napasobra ang pink, mukhang maayos naman. Hindi cartoonish — more like soft blush tones against modern walls. Tasteful… enough.I checked my watch.Zeen should be calling any minute.“I want everything finished before she arrives,” sabi ko. “No clutter. No noise.”Tumango ang team. Sila na ang bahala. I had other things to prepare.This is stressing me out to be honest. All for a girl.Habang paakyat ako sa kwarto ko, tumunog cellphone k

  • The CEO's Forbidden Love   CHAPTER 4

    Nakauwi na ako ng bahay pero hanggang ngayon, parang naka-stuck pa rin sa utak ko ang sinabi sa akin ni Mr. Hawkins. Nakahilata ako sa kama, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tanong na ayaw akong tantanan.Why would someone even do that? Offer a woman to marry him?Ganun na ba talaga siya ka-desperado? Or… may iba siyang kailangan?And why me? Of all people… bakit ako?Napabuntong-hininga ako at nagpagulong-gulong sa kama, hawak ang cellphone na halos mabitawan ko sa inis at pagod. 5 PM na pala. But instead of feeling energized, I only feel the familiar heaviness pulling me back to sleep. Pero mas malakas ang kumakalam kong sikmura.Bumangon ako at lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain. Pagdaan ko sa kusina, bigla kong naalala ang letche flan na ginawa ni Tita Ciela. Para akong batang sabik na may naaalala at agad akong tumungo sa balcony kung nasaan siya.Naabutan ko siyang nagbabasa ng dyaryo, mukhang abala pero palaging may presence na nakaka

  • The CEO's Forbidden Love   CHAPTER 3

    Kasalukuyan akong nakatulala sa loob ng kwartong tinutuluyan ko sa bahay ni Tito Herwin. Bagot na bagot na ako at hindi ko alam anong gagawin upang pampalipas ng oras. Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. Hanggang sa maalala ko ang napag-usapan namin ni Tito kanina sa airport. Iyong tungkol sa kompanyang pinapasukan niya. Nabanggit niya ring isa iyon sa mga malalaki at prestihiyosong kompanya sa buong bansa.Nagdalawang isip ako sa magiging desisyon ko. Sigurado akong mataas ang mga standards na kailangan roon upang makapasok. Nag-aalala ako baka magsasayang lang ako ng oras at mapahiya sa gagawin ko. Napabuntong-hininga ako nang dahil sa naisip. "Hays, nag-ooverthink na naman ako." Nasabunot ko ang sariling kong buhok dahil sa inis. Dahan-dahan akong bumangon. Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa akong mukha. "Subukan ko kaya?" Biglang pasok sa isip ko. "Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko." sabay kunot ng aking noo.Dali-dali a

  • The CEO's Forbidden Love   CHAPTER 2

    Maingat kong inilagay ang aking mga damit sa maleta. Medyo marami-rami rin iyon kaya kinailangan kong gumamit ng mas malaking lalagyan. Bukas ng hapon ang alis ko—hindi para magbakasyon, kundi para magtrabaho. Matapos kong ayusin ang aking mga damit ay isinunod ko naman ang aking pera, passport at iba pang kailangang dokumento. Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si mama. "Oh, ayan na ang mga ipinabili mo." aniya sabay inilapag ang isang pakete ng biskwit at mga kendi. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at pumasok si Mama. “Oh, ayan na ang mga ipinabili mo,” aniya habang inilalapag ang pakete ng biskwit at mga kendi sa kama. Tahimik ko siyang tinanguan, pero napansin kong mataman siyang nakatitig sa akin—at bago pa man ako makapagsalita, marahan siyang napabuntong-hininga. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, anak?" Bakas sa tono niya ang pag-aalala at panghihinayang."Ma, eto na naman tayo, eh. Napag-usapan na po natin ito 'di'ba?" pinil

  • The CEO's Forbidden Love   CHAPTER 1

    Maingat kong inilagay ang aking mga damit sa maleta. Medyo marami-rami rin iyon kaya kinailangan kong gumamit ng mas malaking lalagyan. Bukas ng hapon ang alis ko—hindi para magbakasyon, kundi para magtrabaho. Matapos kong ayusin ang aking mga damit ay isinunod ko naman ang aking pera, passport at iba pang kailangang dokumento. Ilang segundo pa ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si mama. "Oh, ayan na ang mga ipinabili mo." aniya sabay inilapag ang isang pakete ng biskwit at mga kendi. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at pumasok si Mama. “Oh, ayan na ang mga ipinabili mo,” aniya habang inilalapag ang pakete ng biskwit at mga kendi sa kama. Tahimik ko siyang tinanguan, pero napansin kong mataman siyang nakatitig sa akin—at bago pa man ako makapagsalita, marahan siyang napabuntong-hininga. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, anak?" Bakas sa tono niya ang pag-aalala at panghihinayang."Ma, eto na naman tayo, eh. Napag-usapan na po natin ito 'di'ba?" pinil

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status