공유

Chapter 2: Faces from the past

작가: Amaya
last update 최신 업데이트: 2024-09-11 20:49:45

Hindi mapakali si Casey na kanina pa patingin-tingin sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa niya. Dalawang araw na ang lumipas at wala paring email na pinapasa sa kaniya si Ingrid.

Nagdududa na siya at baka desidido rin talaga ito na huwag ipahawak sa kaniya ang kaso.

Naging interesado si Casey sa kaso dahil bukod sa divorce case ito, nabanggit din ni Ingrid na may dalawang malaking tao ang involve rito. Ganitong mga kaso ang gusto ni Casey, ‘yong pagpapawisan siya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Casey dahilan upang mapabalikwas siya sa pagkakaupo. Inabot niya ‘yon at umaasa na pangalan ni Ingrid ang bubungad sa kaniya. Ngunit hindi email ni Ingrid ang natanggap niya kundi ang text nito.

“Sa coffee shop mo nalang kunin ang mga detalye na hinahanap mo. Parang masarap mag kape ngayon, lalo na kapag libre.”

Napatampal sa noo si Casey at wala ng nagawa kundi mag ayos para tumungo sa coffee shop.

Nang makarating si Casey sa coffee shop ay bumungad agad sa kaniya ang tahimik na kapaligiran sa loob, ang magaan na ambiance at ang mabangong amoy ng mga kape na hinahanda para sa mga iba pang customer.

Agad na hinanap ng mga mata niya si Ingrid at nakita niya ito sa isang mesa sa dulo ng silid malapit sa bintana. Tumungo agad si Casey rito at agad na umupo sa harap ni Ingrid. Napatalon naman ito sa gulat ngunit tinignan lamang ito ni Casey na parang nag aantay ng importanteng impormasyon.

“Anong tingin naman ‘yan? Pa kape ka muna kaya,” ani Ingrid pero nahahalata sa boses nito ang kaba.

Tila nagtataka rin si Casey sa inaakto nito, “Hindi ako nakikipag biruan, Ingrid. Ibigay mo sakin ang kaso,” saad nito na halos hindi kumukurap ang mga mata.

Napakamot si Ingrid sa gilid ng tenga niya at sumagot, “Ibibigay ko naman sa’yo e –“

“Alam mo bang napipikon na ako?” pananakot ni Casey sa kaniya.

“Oo na! Teka,” saad ni Ingrid at nagpakawala ng isang buntong hininga bago muling magsalita, “Dalawang high-profile na tao ang focus ng kasong ’to. Parehong matunog ang mga pangalan nila sa industriya.”

Tumango-tango si Casey habang nakikinig.

“Naging komplikado na ang sitwasyon sa magkabilang panig kaya umabot na sa puntong nagkainitan na silang dalawa at mahirap nang pigilan. Kailangan ni Mr. Ybañez ng isang abogado na hahawak sa kaso na’to, at ang kakalabanin niya ay si…”

Tinaas ni Casey ang kaliwang kilay na tila nag aantay na ituloy ni Ingrid ang sinasabi nito.

Bumuntong hininga ulit si Ingrid, “Dylan, ‘yong asawa mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Casey at halos tumigil siya sa pag hinga nang marinig niya ‘yon. Ang tahimik na kapaligiran ay mas tumahimik pa na para bang nabibingi siya kahit paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Ingrid. Ilang segundong pinroseso ng utak ni Casey ang impormasyon na ‘yon bago kumurap-kurap at tinignan ulit si Ingrid.

“Sigurado ka ba?” tanong nito kay Ingrid, kinokompirma na tama ang impormasyong inihain nito.

Dahan-dahang tumango si Ingrid at pilit na ngumiti,

“Malaking pera ang gustong ioffer ni Mr. Ybañez,

sa laki nga ‘non parang malabong makuha natin e.” Hindi ulit kumikibo si Casey. Hindi parin ito makapaniwala.

Napansin naman agad ni Ingrid ang ekspresyon nito kaya agad na naman siyang nagsalita, “Sabi ko sa’yo e, hindi mo naman kailangang kunin ‘to. Sa laki ng reputasyon mo at sa ingay ng pangalan mo, maraming kaso ang hahabol sayo, Hera. At saka, talaga bang naka move on ka na sa divorce niyo?”

Bumalik sa huwisyo si Casey at inabot ang isang basong tubig sa harap niya. Dire-diretso niyang tinungga ‘yon at walang iniwan kahit isang butil ng tubig. Napalunok rin si Ingrid sa nakita.

“Wala na akong pakealam sa kaniya, Ingrid,” ani Casey na walang pinapakitang ekspresyon, “Ako na ang bahala sa buhay ko, labas na siya rito.”

Lumiwanag naman ang mukha ni Ingrid at napapalakpak pa ito sa tuwa nang marinig ang sagot ni Casey, “Ganyan nga! Buti natauhan ka na, ano! Marami ka ring pinalagpas para sa lalakeng ‘yon. Tama na rin at nag hiwalay na kayo, malaya ka na!”

Habang patuloy na nag uusap ang dalawang ay biglang may dalawang taong pumasok sa coffee shop. Nang lumingon si Casey sa mga ito ay agad niyang nakilala ang dalawa, dahilan upang mandilim ang paningin niya.

Ang lalake ay naka suot ng black suit na may silver highlights dito. Ang babae namang kasama niya ay naka suot ng flowing apricot dress, at ang mahabang itim buhok nito ay naka lugay sa kaniyang likuran. Si Suzane Sison, ang pinsan niya.

Nakaramdam ng inis si Casey. Ilang araw palang matapos silang mag usap tungkol sa kanilang divorce ay nandito na agad ang lalake para ipangalandakan ang bagong relasyon nito.

Sinundan ng tingin ni Ingrid kung saan nakatutok ang mga mata ni Casey, at napatakip siya nang bunganga nang matuklasan ito.

“Anong ginagawa ng dalawang ‘yan dito?” tanong ni Ingrid na hindi makapaniwala, “Magkape sana sila para naman kabahan sila sa mga pinaggagagawa nila,” pahabol nito at inabot ang isa pang baso ng tubig at tinungga rin ito.

Luminga-linga si Dylan sa paligid at nahagip ng kaniyang mga mata sina Casey dahilan upang mag iba ang timpla ng mukha niya. Napansin naman agad ito ni Suzane kaya napatingin din siya sa direksyon kung saan nakatingin si Dylan.

“Cas, ikaw ba ‘yan?” lumapit si Suzane sa mga ito. Gumawad siya ng isang malaki at matamis na ngiti sa dalawang babaeng nasa mesa.

Kung ilalarawan ng iba ay napaka-inosenteng tignan ni Suzane, ‘yong tipong hindi maka-basag pinggan. Ngunit alam na alam ni Casey ang ikot ng bituka nito at bawat sulok ng kaniyang pagkatao. Sino ba namang mag aakala na ang napaka-inosenteng si Suzane Andrada ang nagpapadala ng mga intimate photos kasama si Dylan.

Tumayo si Casey at tuluyan silang hinarap, “Sa tatlong taong nakaratay ka sa hospital, sa wakas ay nakalabas ka na,” nakangiti at sarkastikong saad ni Casey.

Dumaan sa mukha ni Suzane ang pagkahiya ngunit agad niya itong ipinagsawalang bahala at lumingon kay Dylan na nakangiti, “Sabi nga ng doctor ay malaking tulong ang pag alaga sa’kin ni Dylan kaya gumaling ako agad.”

Tumaas ang kilay ni Casey at bahagyang natawa, “Gan’on ba? Sinong mag aakala na ang ex-husband ko ay pwede na rin maging doctor? At sa paanong paraan ka niya ginamot, hm?”

Biglang dumami ang mga tao sa paligid nila at naki-usisa sa nangyayari. Unti-unting nabubuhay ang mga bulungan sa ibang mesa.

“Ex-husband? E sino ‘yang babaeng kasama niya?”

“Hindi pa ba obvious? Edi ‘yong kabit.”

“Exciting to ah.”

“Lakas naman ng loob at pinangalandakan talaga rito.”

Hindi nagugustuhan ni Dylan ang kaniyang mga naririnig, nandilim ang kaniyang paningin at umigting ang kaniyang panga, “Ilang taon ko ring tiniis ang pakisamahan ka, Casey. Sa susunod ay baka ‘di ko na mapigilan ang sarili ko,” saad nito.

Umangat ang dulong labi ni Casey at sumagot, “At ano? Anong gagawin mo? Sa tingin mo talaga

natatakot ako sa’yo?” tila isang matalim na tingin ang ginawad niya sa lalakeng nasa harapan. Kung nakakamatay lang ang isang tingin ay baka pinag-lalamayan na ito.

Nakakapaso ang mga titig na binabato nilang dalawa sa isat-isa na kung man ang umawat ay matutunaw. Walang mapag-lagyan ang pagkamuhi na nararamdaman ni Casey kay Dylan na kahit marinig lamang ang pangalan nito ay ikakasira na ng mundo niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 335

    Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 334

    Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 333

    Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 332

    Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 331

    Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 330

    Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status