Share

Chapter 3: Hidden Agenda

Author: Amaya
last update Last Updated: 2024-09-11 20:55:38

Walang kahit na sino ang pumagitna sa nag iinit na tensyon mula kina Casey at Dylan. Nanatiling nakatayo si Casey habang kumakabog nang malakas ang puso niya na tila ba ay pwede na itong marinig ng lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata kay Dylan na puno ng iritasyon at galit ang mukha at mga mata nito. Ilang sandali pa ay natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na tila gusto pa ulit magsalita ngunit ‘di na magawa.

Kasabay ng ihip ng hangin mula sa labas ay ang biglaang pag tanaw ni Casey sa mga alalaang meron sila ni Dylan noon. Hindi naman puro sakitan ang buong tatlong taon nilang pagsasama. Nagkakaroon din ng pagkakataon na sabay silang tumatawa sa biro ng isa’t-isa, may panahon din na pareho silang nangarap, ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon, nauwi parin sila sa sitwasyon na kamumuhian nila ang isa’t-isa.

Sino nga ba ang mag aakala?

Naramdaman niya ang paghawak ni Ingrid sa kaniyang braso bago ito magsalita, “Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Huwag mong hayaan na diktahan nila ang nararamdaman mo,” ani Ingrid.

Humingi nang malalim si Casey at umayos ng tayo. Pagod na siya maging sunod-sunuran lang sa sarili niyang buhay.

Magsasalita na sana siya ulit nang biglang sumingit si Suzane, “Dy, wag mo na silang patulan. Baka nagkakamali lang ng akala si Casey. Ayoko pa naman masira ang araw na’to,” ani Suzane at lumingon kay Dylan.

Tumaas ang dalawang kilay ni Casey at bahagyang natawa. Tila namangha ito sa ugaling ipinakita ng kaniyang pinsan. Akala niya ay wala ng mas ilalala ito sa larangan ng pagpapanggap.

“Alam mo, Suzane, hindi na ako nagulat nang malaman na may interest ka pala sa dating posisyon ko sa buhay ni Dylan,” saad ni Casey habang nakangisi ito sa dalawa, “Ba’t hindi niyo nalang madaliing magpakasal nang sa ganon ay hindi niyo na ako magugulo pa?”

Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Suzane nang marinig ang mga salitang ‘yon galing kay Casey, “Cas, ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na hindi ko ginustong sirain ang relasyon ninyo!” depensa nito sa sarili, “Gusto lang bumawi ni Dylan sa’kin pero walang namamagitan sa’ming dalawa!”

Biglang namayani ang katahimikan sa buong silid. Nanliit ang mga mata ni Casey habang nararamdaman ang tensyon na namamagitan sa kanilang tatlo.

“Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa kaniya, tara na,” biglang singit ni Dylan at akmang hihilain na si Suzane paalis nang bigla ring magsalita si Casey.

“Ba’t ‘di mo nalang i-finalize ang divorce certificate nang sa ganon ay maging malaya na tayong lahat,” ani Casey, muntik mang manginig ang boses dahil sa sinabi ay pinilit niyang maging kalmado.

Biglang kumuyom ang kamay ni Suzane dahil sa narinig. Hindi nito alam na hindi pa tuluyang divorced ang dalawa, ngunit ito sila ngayon, magkasamang lumalabas.

“Cas, maniwala ka man o hindi, walang namamagitan sa’ming dalawa ni Dylan. Kung gusto mo ay puputulin ko ang lahat ng ugnayan ko sa kaniya,” ani Suzane na nanginginig ang boses, kitang-kita ang luha sa kaniyang mga mata. Lumingon ito kay Dylan at nagsalita, “Pasensya na sa gulo, aalis na ako.”

Ilang sandali pa ay madrama itong naglakad palabas ng coffee shop habang nanginginig ang mga balikat.

Kumunot ang noo ni Ingrid at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin si Suzane na naglalakad palayo sa coffee shop.

Kumurap ng ilang beses si Dylan at binigyan ng masamang tingin si Casey na ngayon ay nakatingin din sa babaeng lumabas mula sa coffee shop, “Huwag ka mag-alala, mamadaliin ko ang lahat. Antayin mo nalang ang text ng secretary ko. Huwag mo na kaming guluhin,” ani Dylan at tinalikuran ang dalawang babae at tuluyan ng lumabas sa coffee shop.

Natawa nang mapait si Casey sa narinig, iniisip na bakit parang siya pa ang nakakagulo e siya nga itong naagrabyado.

“Ang kapal talaga ng mga mukha ng dalawang ‘yon!” gigil na saad ni Ingrid, “Buti nalang at pumayag kang mag divorce na kayo! Napaka-gago!” aniya at inaya si Casey pabalik sa kinauupuan nila.

Napabuga ng hangin si Casey at tuluyang pinakalma ang kaniyang sarili. Hindi nga nagkakamali si Ingrid nang sabihin nito na tama ang desisyon niyang pumayag makipag-divorce.

Ngayon ay malaya na siyang nakakagalaw at nakakapag desisyon para sa sarili niya. At hindi niya na rin kayang makasama ang gano’ng klaseng lalake sa buhay niya. Nagkaroon man sila ng mga masasayang pangyayari ngunit hindi nito maitatanggi na lubos siyang nasaktan ni Dylan na halos ikadurog ng buo niyang pagkatao.

“Pero teka nga, magkano nga ulit ang mawawala kay Dylan kapag natalo siya sa kasong to?” biglang tanong ni Ingrid.

Napakagat ng pang ibabang labi si Casey, “Billions,” maikling sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ni Ingrid na agad namang sumingkit, “Hindi ka naman siguro gaganti kaya gusto

mong kunin ang case na ‘to diba?” pang-uusisa nito.

Napairap naman si Casey, “Kinuha ko na ‘to bago ko pa nalaman na involve si Dylan, ‘di ba?”

Mahinang natawa si Ingrid at napakamot sa kaniyang batok, “Hehe, oo nga pala.”

“At saka, malapit nang ma-finalize ang divorce namin. Kaya kukunin ko ang kasong ‘to,” saad ni Casey.

“Pero sigurado ka na ba ‘dyan? I mean, minahal mo rin dati si Dylan,” tanong naman ni Ingrid.

“Kakasabi mo lang, dati. Maraming binabago ang galit, Ingrid, at isa na ‘ron ang nararamdaman ko para sa kaniya,” madiing sagot ni Casey.

Napabuntong hininga na lamang si Ingrid sa sitwasyon ng kaibigan, “Ewan ko, Cas, ha pero kinakabahan ako sa kasong ‘to para sa’yo. Mag-iingat ka, namamagitan ka sa dalawang ma-impluwensyang tao,” saad ni Ingrid at bakas sa boses ang pag-aalala.

“Hindi ka pa ba nasanay sa mga cases na kinukuha ko? Palaging nasa hukay ang isang paa ko,” dugtong ni Casey.

Tumango naman si Ingrid bilang pag sang-ayon. Totoo ngang gusto lagi ni Casey ay mga kasong mahirap ipanalo, ‘yong pagpapawisan siya. Ito rin ang dahilan kung bakit matunog ang pangalan niya bilang Hera at kinatatakutan siya ng iba pang malalakas na abogado dahil kaya niyang ipanalo ang mga komplikadong kaso. Gan’on siya kagaling.

“Nga pala, gusto kang i-meet ni Mr. Ybañez by name. Pag nalaman niyang Cassandra Almendras ka pa rin ay baka bawiin niya ang kaso sa’yo,” sambit ni Ingrid.

“Ako na ang bahala d’yan, gagawan ko ng paraan,” sagot naman ni Casey.

Tumango naman si Ingrid, “Pamilyar ka naman kay Steven Salazar, ‘di ba?”

“Head of legal department ng Ybañez Group?” pag kokompirma ni Casey.

Tumango ulit si Ingrid, “Oo. Ako na ang kakausap sa kaniya tungkol sa appointment niyo, i-sesend ko nalang sa’yo ang mga detalye.”

Siningkitan naman siya ng mata ni Casey kaya bigla siyang napalunok, “Promise, i-sesend ko na talaga!” itinaas pa nito ang kanang kamay.

Ilang sandali pa ay napag desisyonan nang lumabas ng dalawa sa coffee shop habang nagtatawanan. Habang si Dylan naman ay nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan. Nakakunot ang noo at tila nag iisip.

Nagtataka ito sa mga ikinikilos ni Casey na para bang may pinaplano ang babae.

Nang makabalik na si Casey sa mansyon matapos ang nakakapagod na araw ay akmang papasok na siya sa kaniyang kwarto nang mapansin niyang nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya ang isa sa mga body guard na naiwan sa mansion.

“Kuya? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Casey sa humahangos na body guard.

“Ma’am Cassandra, may kasama ho ba kayo pabalik dito sa mansyon?” tanong ng body guard.

Kumunot ang noo ni Casey at walang naiintindihan sa mga nangyayari.

Nabasa naman agad ng security guard ang ekspresyon mula sa mukha ni Casey.

“Kung mag-isa lang ho kayo ibig sabihin po ‘non ay may naka sunod sainyo pabalik dito sa mansyon,” paliwanag ng security guard.

Mas lalong nag iba ang timpla ng mukha ni Casey sa kaniyang narinig. Biglang bumilis ang kabog ng

puso niya, at halos hindi siya mapakali nang malaman na may naka sunod sa kaniya sa mansyon. Palinga-linga siya sa paligid, nag babaka-sakaling may mahagip ang kaniyang mga mata. Ngunit wala siyang nahagilap kundi ang iilan pa sa mga body guards na naka-duty sa mansyon.

Pilit niyang pinapakalma ang sarili habang nag iisip.

Sino naman kaya ang taong nangahas na sundan siya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Naadat
Bat Kaya my kapariha ung storyng ito sinu sa inyo ang nanggaya ibang name Lang parihas propesyon
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 335

    Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 334

    Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 333

    Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 332

    Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 331

    Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 330

    Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status