Compartir

Chapter 7

Autor: Eckolohiya23
last update Última actualización: 2026-01-16 18:32:30

Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay nakabibingi habang pauwi sila sa Penthouse.

Kung kanina ay parang nasa alapaap si Mia dahil sa shopping spree at sa mga matatamis na salita ni Gabriel, ngayon ay bumabagsak na siya pabalik sa lupa.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Gabriel.

Naramdaman niya ang pagtigil ni Gabriel sa pag-scroll sa iPad nito. Tumingin ito sa kanya, nakataas ang isang kilay.

"Problem?" tanong nito, ang boses ay cool at walang bahid ng emosyon.

Bumuntong-hininga si Mia. Tinignan niya si Gabby na mahimbing na natutulog sa kandungan niya, yakap-yakap ang paper bag ng bagong laruan. Kailangan niyang protektahan ang puso niya. Para sa sarili niya, at para sa anak niya.

"Kailangan nating mag-usap, Gabriel," panimula ni Mia. Pilit niyang pinapatatag ang boses niya. "Tungkol sa set-up na 'to."

Ibinalaba ni Gabriel ang iPad at humalukipkip. "I’m listening."

"Malinaw sa kontrata na marriage for convenience lang ito. Para sa image mo, at para sa custody ni Gabby. Walang... walang feelings," paliwanag ni Mia. "Pero 'yung ginawa mo kanina sa mall... 'yung paghawak mo sa akin, 'yung mga sinabi mo... sumosobra ka na."

Ngumisi si Gabriel. "Sumosobra? I was being a good husband. Unless you want the media to think we hate each other?"

"Wala naman media kanina!" giit ni Mia. "Tayo lang at ang mga staff ng store. Kaya gusto ko sanang maglatag ng Ground Rules habang nasa iisang bahay tayo."

Tumaas ang sulok ng labi ni Gabriel, tila naaaliw sa sinasabi niya. "Rules? Interesting. Go on, Mrs. Altamirano. Entertain me."

Nainis si Mia sa tono nito, pero tinuloy pa rin niya. Itinaas niya ang isang daliri.

"Rule Number 1: Physical Boundaries. Bawal ang holding hands, akbay, o halik kapag wala naman tayong audience. Sa loob ng bahay, partners lang tayo. Hindi mag-asawa."

Itinaas niya ang pangalawang daliri.

"Rule Number 2: Privacy. Respetuhin mo ang personal space ko. Huwag kang basta-basta pumapasok sa banyo kapag naliligo ako o nagbibihis. At matutulog ako sa sofa sa loob ng kwarto, hindi sa kama katabi mo."

"At Rule Number 3..." Tumingin si Mia nang diretso sa mata ni Gabriel. "...Huwag mo akong paasahin. Huwag kang umarte na parang gusto mo ako, o mahalaga ako sa'yo. Alam nating dalawa na ginagawa mo lang ito para kay Gabby. So let’s stop the act when the curtains are closed."

Tumahimik ang sasakyan. Hinintay ni Mia na magalit si Gabriel o sigawan siya.

Pero tumawa lang ito nang mahina. Isang tawa na mababa, sexy, at mapanganib.

Lumapit si Gabriel sa kanya. Umatras si Mia hanggang sa sumandal siya sa pinto ng kotse, pero kinulong siya ni Gabriel gamit ang isang braso.

"Are you done?" bulong ni Gabriel, ang mukha ay ilang pulgada lang ang layo sa kanya.

"O-Oo," kabadong sagot ni Mia.

"Okay. Here is my response," sabi ni Gabriel. "Rule Number 1: I touch what is mine. And legally, you are mine. Wala akong pakialam kung may audience o wala. Kung gusto kitang hawakan, hahawakan kita."

Nanlaki ang mata ni Mia.

"Rule Number 2," patuloy ni Gabriel, ang mga mata ay bumaba sa labi ni Mia. "You sleep on the bed. My bed. Ayokong magka-sakit ang ina ng anak ko dahil natutulog sa sofa. And about privacy? I’ve seen every inch of you five years ago, Mia. Wala ka nang maitatago sa akin."

"At Rule Number 3..."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Gabriel. Nawala ang ngisi. Pinalitan ito ng isang intensity na nagpatigil sa paghinga ni Mia. Hinawakan ni Gabriel ang baba niya at inangat ito.

"I don't act, Mia. I do what I want. Kung tratuhin kitang reyna, iyon ay dahil gusto ko. Kung gusto kitang angkinin, gagawin ko. Huwag mo akong diktahan sa nararamdaman ko."

Bago pa makasagot si Mia, huminto na ang sasakyan.

"We're here," sabi ni Gabriel at mabilis na lumayo, inaayos ang suit na parang walang nangyari.

Bumukas ang pinto at sinalubong sila ng driver.

"Welcome home, Sir, Ma'am."

Bumaba si Gabriel at binuhat ang natutulog na si Gabby. Pagkatapos, inalok niya ang kamay niya kay Mia para tulungan itong bumaba.

Tinignan ni Mia ang kamay ni Gabriel. Physical boundaries.

Pero nakatingin ang driver. Nakatingin ang mga guard sa lobby.

Bumuntong-hininga si Mia at inabot ang kamay ni Gabriel. Agad na hinigpitan ni Gabriel ang hawak at hinila siya palapit, inaakbayan siya sa bewang habang naglalakad sila papasok sa elevator.

"Rule Number 1 broken," bulong ni Gabriel sa tenga niya habang papasok sila sa Penthouse. "Only 5 minutes after you made it. Poor Mia."

Ang gabing iyon ay naging tahimik pero tense.

Matapos nilang ihatid si Gabby sa Blue Room—ang bagong kwarto ng bata na puno ng glow-in-the-dark stars sa kisame at mamahaling laruan—dumiretso na si Mia sa Master's Bedroom para mag-ayos ng mga pinamili.

Sinadya niyang magtagal sa walk-in closet. Inayos niya ang bawat hanger, tinupi ang bawat damit, kahit maayos na ang mga ito. Ayaw niyang lumabas. Ayaw niyang makita si Gabriel.

"Are you planning to sleep inside the closet?"

Napatalon si Mia. Nakasandal si Gabriel sa doorframe ng closet. Nakabihis na ito pantulog—naka-grey sweatpants lang at walang pang-itaas (tulad ng nakasanayan na yata nito). Hawak nito ang isang baso ng whiskey.

"H-Hindi. Patapos na ako," sagot ni Mia, hindi makatingin sa abs ng asawa.

"Good. Because I'm thirsty," sabi ni Gabriel sabay inom ng alak. "And I'm not talking about the drink."

Namula si Mia at mabilis na dumaan sa gilid ni Gabriel para tumakas. "Matutulog na ako. Goodnight."

Pero bago pa siya makalabas, hinawakan ni Gabriel ang braso niya.

"Wait."

"Ano nanaman?" inis na tanong ni Mia.

May inabot si Gabriel na isang maliit na black velvet box.

"Nakalimutan mo ito sa sasakyan. Isinuot ko sa'yo kanina, tinanggal mo agad pagpasok sa kotse," sabi ni Gabriel.

Binuksan ni Mia ang kahon. Ang Celestial Diamond Necklace. Kumikinang ito kahit sa dim light ng kwarto.

"Masyadong mahal 'to, Gabriel. Natatakot akong mawala o manakaw. Itago mo na lang sa safe."

Kinuha ni Gabriel ang kwintas at muling lumapit kay Mia.

"Turn around," utos nito.

"Gabriel, matutulog na ako—"

"I said turn around, wife."

Walang nagawa si Mia kundi tumalikod. Hinawi niya ang buhok niya. Muli niyang naramdaman ang malamig na metal sa leeg niya, at ang mainit na hininga ni Gabriel sa batok niya.

"Wear it. Always," bulong ni Gabriel habang nilo-lock ang kwintas. "Kahit natutulog. Kahit naliligo. I want to see my mark on you."

Humarap si Mia. "Mark? Hindi ako baka na pwedeng heruhan, Gabriel."

Ngumisi si Gabriel at hinaplos ang diamonds na nakapatong sa collarbone ni Mia. "No. You are much more valuable than livestock. You are an Altamirano now. At ang mga Altamirano... hindi nagpapakawala ng pag-aari nila."

Umatras si Mia. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Delikado ito. Nahuhulog na naman siya sa mga titig nito.

"Nauuhaw ako. Iinom lang ako ng tubig sa kitchen," palusot ni Mia.

Tumakbo siya palabas ng kwarto, iiwan si Gabriel na nakangisi habang umiinom ng whiskey.

Pagbaba sa kitchen, uminom ng dalawang basong malamig na tubig si Mia. Huminga ka, Mia. Huminga ka.

Ang akala niya ay makakahinga siya nang maluwag kapag wala si Gabriel. Pero mali siya. Dahil kahit saan siya tumingin sa bahay na ito, nararamdaman niya ang presensya ng lalaki.

Umupo siya sa island counter sa gitna ng madilim na kusina. Tanging ang ilaw mula sa refrigerator at ang moonlight mula sa malaking bintana ang ilaw.

Biglang may narinig siyang yabag.

"Can't sleep?"

Halos mabitawan ni Mia ang baso. Nasa likod niya si Gabriel. Sumunod pala ito.

"Akala ko ba matutulog ka na?" tanong ni Mia.

"Hindi ako makatulog kung wala ka sa tabi ko," sagot ni Gabriel nang walang pag-aalinlangan. Lumapit ito at tumayo sa harap niya, sa kabilang side ng island counter.

Ipinatong ni Gabriel ang dalawang kamay sa mesa at yumuko palapit kay Mia.

"Tungkol sa Rules mo..." simula ni Gabriel.

"Akala ko ba tapos na tayo dun?"

"Rule Number 1: Physical Boundaries," ulit ni Gabriel. "Sabi mo bawal humawak kapag walang audience."

Tumingin si Gabriel sa paligid ng madilim na kusina. "Walang tao dito, Mia. Tulog na si Manang Fe. Tulog na si Gabby. Tayong dalawa lang."

Napalunok si Mia. "So?"

"So..." Dahan-dahang umikot si Gabriel sa counter at lumapit kay Mia. "Does the rule apply if I do... this?"

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Mia na nakapatong sa mesa. Pinagsiklop niya ang mga daliri nila.

Gustong bumitaw ni Mia, pero traydor ang katawan niya. Nanatili lang siya doon, nakatitig sa kamay nilang magkahawak.

"Or this?" bulong ni Gabriel.

Gamit ang malayang kamay, hinaplos niya ang pisngi ni Mia. Ang hinlalaki niya ay dumaan sa ibabang labi ng dalaga.

"Gabriel..." mahinang suway ni Mia. "Bawal 'to."

"Why?" tanong ni Gabriel. "Dahil nasa kontrata? O dahil natatakot ka na baka magustuhan mo?"

Inilapit ni Gabriel ang mukha niya. Sobrang lapit na halos magdikit ang mga ilong nila.

"Aminin mo, Mia," bulong niya sa labi ng asawa. "Namimiss mo rin ako. Namimiss mo ang hawak ko. Ang halik ko."

"Hindi," pagsisinungaling ni Mia, kahit na ang puso niya ay sumisigaw ng oo.

"Liar," nakangiting bulong ni Gabriel.

Akmang hahalikan na siya ni Gabriel nang biglang tumunog ang intercom sa dingding.

Beeep!

"Sir Gabriel? Sorry to disturb po," boses ng head of security. "May tawag po mula sa Gate. Si Don Alfonso po. Papunta daw po siya dyan ngayon."

Natigilan si Gabriel. Umatras siya at napamura.

"Shit. Lolo is coming."

Napahawak si Mia sa dibdib niya, habol ang hininga. Ligtas siya... sa ngayon.

Tumingin si Gabriel sa kanya, ang mga mata ay seryoso na ulit.

"Forget the rules, Mia. My grandfather is the sharpest man I know. Kung makikita niyang nag-aalinlangan ka, kakainin ka niya ng buhay. At kukunin niya si Gabby."

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Mia at hinila siya patayo.

"Act like you love me," utos ni Gabriel. "Dahil nakasalalay dito ang anak natin."

Tumango si Mia.

Sa gabing iyon, natutunan ni Mia na ang mga patakaran ay walang silbi kapag ang kalaban mo ay ang puso mo... at ang lolo ng asawa mo.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku Mia kaya pa bang rendahan ang puso...
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 101

    Ang unang gabi matapos ang kanilang pagsasanib sa lagoon ay tila isang panaginip. Pagbalik nila sa Altamirano Resthouse, wala nang nagtataasang pader sa pagitan nina Lucas at Sierra. Ang hangin ay napuno ng halik, tawanan, at mababagal na pag-angkin na tila nagpapatunay na ang bilyonaryo ay tuluyan nang isinuko ang kanyang malamig na mundo para sa island girl.Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ni Sierra. Nakasuot lamang siya ng isa sa mga malalaking puting polo ni Lucas, na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang hita. Amoy mint at panlalaking pabango ang buong pagkatao niya. Nagtitimpla siya ng kape sa kusina habang nakangiti, pinapanood ang kalmadong dagat ng San Lorenzo mula sa bintana.Sa loob ng opisina, nakaupo si Lucas sa harap ng kanyang desk. Nakabukas ang laptop niya, ngunit imbes na mga numero at kontrata, ang nasa isip niya ay ang babaeng nasa kusina. Wala na siyang pakialam sa merger. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, pakiramdam niya ay buo siya. Gusto niyan

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 100

    Ang hapon sa Isla ng San Lorenzo ay tila isang buhay na sining. Ang sikat ng araw, na nasa kulay ng tinunaw na ginto, ay marahang humahalik sa ibabaw ng esmeraldang tubig ng tagong lagoon. Ang katahimikan ng paligid ay binabasag lamang ng malambing na bulong ng maliit na talon na dumadaloy mula sa makinis na batong-buhay. Sa ilalim ng mayabong na canopy ng mga punong-gubat, tumigil ang mundo nina Lucas at Sierra.Nakatayo sila sa pampang, ang mga paa ay nakabaon sa malambot at basang lupa. Ang tensyon sa pagitan nila, na kanina pa nagbabaga sa loob ng villa, ay tila naging isang pisikal na pwersa na humihila sa kanila palapit sa isa’t isa. Walang nagsasalita; ang bawat salitang kailangan nilang sabihin ay nakaukit na sa kanilang mga mata.Dahan-dahang lumapit si Lucas kay Sierra. Ang bilyonaryong kilala sa kanyang pagkalkula at pagiging matigas ay tila nawalan ng lahat ng kanyang depensa. Inabot niya ang mga balikat ng dalaga. Ang kanyang mga kamay, na bihasa sa pagpirma ng mga kontra

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 99

    Ang hapon sa San Lorenzo ay karaniwang tamad at tahimik, ngunit sa loob ng isip ni Sierra, tila may nagwawalang bagyo.Matapos ang nagbabagang eksena nila ni Lucas sa ibabaw ng kitchen island, nakaramdam ng matinding pagod ang dalaga. Nagpahinga siya sa isa sa mga duyan sa likod-bahay, malayo sa malamig na opisina kung saan muling nagkulong ang bilyonaryo para tapusin ang kanyang mga virtual meetings.Habang nakapikit si Sierra at dinadama ang simoy ng hangin, hindi niya maiwasang makonsensya. Gumana ang plano niya. Baliw na baliw na sa kanya ang Ice Prince. Ang mga halik nito, ang pagiging territorial, at ang nag-aapoy na pagnanasa nito sa tuwing magdidikit ang kanilang mga balat—lahat ng ito ay patunay na hawak na niya sa leeg si Lucas Altamirano.Ngunit bakit parang siya ang natatalo?Sa tuwing tinititigan siya ni Lucas nang may pagmamahal at matinding pag-angkin, nakakaramdam si Sierra ng kaba na hindi dahil sa pananabik, kundi dahil sa konsensya. Nagsisimula na siyang mahulog nan

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 98

    Alas-onse ng tanghali. Ang sikat ng araw ay tumatagos sa malalaking salamin ng kusina ng Altamirano Resthouse, nagbibigay ng maaliwalas na liwanag sa buong paligid.Nakatayo si Sierra sa harap ng marmol na kitchen island, abala sa paghihiwa ng mga sariwang kamatis at sibuyas. Nakasuot siya ng isang simpleng dilaw na spaghetti-strap top at maikling denim shorts. Sa unang tingin, mukha siyang ordinaryong caretaker na ginagawa ang kanyang trabaho, ngunit sa bawat paggalaw niya, bahagya siyang napapaigkas. Ang matinding pananakit ng kanyang mga hita at ang pamamaga ng kanyang gitna ay isang malinaw at nakakapasong paalala ng walang-awang pag-angkin ni Lucas sa kanya kagabi at kaninang umaga.Ngumiti si Sierra nang palihim, kinakagat ang kanyang ibabang labi. Sino ang mag-aakalang ang isang malamig na bilyonaryo ay may tinatagong ganitong kabangis na hayop sa loob niya? Nakuha na niya ang lalaki. Nasa palad na niya ang puso ng Altamirano Empire.Sa kabilang dulo ng hall, nakabukas ang pint

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 97

    Tumigil na ang ulan. Ang malakas na bagyo kagabi ay napalitan ng tahimik at mainit na sinag ng araw na sumisilip mula sa malalaking salamin ng Altamirano Resthouse. Naririnig ang banayad na paghampas ng alon sa dalampasigan ng San Lorenzo, ngunit sa loob ng master bedroom, ang tanging naririnig ay ang malalim at payapang paghinga ni Sierra.Kanina pa gising si Lucas. Nakasandal siya sa headboard ng kama, ang isang braso ay nakapatong sa kanyang nakataas na tuhod habang ang madilim niyang mga mata ay nakatutok sa babaeng natutulog sa tabi niya. Wala na silang saplot. Ang magulong puting kumot ay bahagyang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ni Sierra, inilalantad ang kanyang makinis at kayumangging likod na may mga maliliit na pulang marka—mga bakas ng halik at kagat ni Lucas kagabi.Tiningnan ni Lucas ang puting bedsheet. May maliit na mantsa ng dugo roon. Isang patunay ng inialay ng dalaga sa kanya kagabi. Virgin. Ang kaisipang iyon ay muling nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.M

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 96

    Gabi na sa Isla ng San Lorenzo. Pinalilibutan ng matinding kadiliman ang Altamirano Resthouse, sinasabayan ng malakas na pagbuhos ng ulan at ang marahas na paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang malamig na simoy ng hangin ay pilit na pumapasok sa mga siwang ng bintana, ngunit sa loob ng master bedroom ni Lucas, ang temperatura ay tila umaakyat sa kumukulong antas. Nakaupo si Lucas sa gilid ng kanyang malaking king-sized bed, nakayuko at mariing pinipisil ang sariling batok. Ang maghapong pagpigil sa kanyang sarili mula sa mga mapanuksong laro ni Sierra ay nagdulot ng matinding paninigas sa kanyang mga kalamnan. Ang kanyang likod ay tila binibiyak sa sakit. Kasalukuyan siyang nakasuot ng itim na silk pajamas sa ibaba, habang ang pang-itaas niya ay isang simpleng puting t-shirt na medyo basa na ng pawis. Tok. Tok. Bumukas ang pinto at pumasok si Sierra, may dalang isang maliit na tray. Nakasuot ang dalaga ng isang manipis na silk slip dress na kulay perlas—isang damit na halatan

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status