LOGINTahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.
Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat. "Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby. "Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak. Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel. Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya. "Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito." Napalingon si Mia. "Hindi ako nag-o-overthink. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan pa nating gawin 'to. Pwede naman akong bumili sa department store. Sayang ang pera." Bumaba ang iPad ni Gabriel. Tumingin ito sa kanya gamit ang seryosong mga mata. "You represent me now. You are Mrs. Altamirano. At sa mundong ginagalawan ko, appearance is everything. Kung hahayaan kitang maglakad na ganyan ang suot, kakainin ka ng buhay ng mga business partners ko at ng media." "Pero—" "No buts. Just let me spoil you. It’s part of the contract," putol ni Gabriel. Huminto ang sasakyan sa harap ng VIP entrance ng isang high-end boutique. La Maison. Ito ang tindahan kung saan pumapasok lang ang mga artista at politiko, at lumalabas na may dalang paper bag na nagkakahalaga ng isang kotse. Pagbaba nila, agad na sumalubong ang manager ng store at tatlong sales assistants. Nakapila sila na parang mga sundalo. "Mr. Altamirano! Welcome back, Sir! It is an honor," bati ng manager na halos yumuko na sa lupa. "Close the store," utos ni Gabriel habang inaayos ang cufflinks niya. "Ayoko ng ibang tao habang namimili ang asawa ko." Nanlaki ang mata ng manager, tapos ay tumingin kay Mia. Saglit na rumehistro ang gulat at paghuhusga sa mata nito nang makita ang simpleng suot ni Mia, pero mabilis itong napalitan ng professional mask. "O-Of course, Sir. Right away. Mrs. Altamirano, this way please." Pagpasok sa loob, parang pumasok si Mia sa ibang dimensyon. Ang sahig ay gawa sa imported marble, ang hangin ay amoy lavender at vanilla, at ang mga damit ay nakasabit nang hiwa-hiwalay na parang mga museum pieces. Walang presyo. Kasi kung magtatanong ka ng presyo dito, ibig sabihin ay hindi mo afford. Umupo si Gabriel sa isang malaking velvet sofa sa gitna. Ipinatong niya ang isang binti sa kabila at sumandal, tila isang hari sa kanyang trono. Binigyan agad siya ng sparkling water ng isang staff. "Gabby, dito ka muna sa tabi ni Papa. Play ka muna dito sa Ipad ko" tawag ni Gabriel sa anak. Tumabi si Gabby sa ama, tuwang-tuwa sa atensyon. "Now," turo ni Gabriel sa mga staff. "Bihisan niyo siya. I want day wear, evening wear, lounge wear, and shoes. Everything. Ilabas niyo ang new collection." Nagsimula ang kalbaryo—o para sa iba, ang paraiso—ni Mia. Dinala siya sa fitting room na kasing laki ng kwarto niya sa apartment. Sunod-sunod na ipinasok ng mga sales lady ang mga hanger ng damit. Ang una niyang sinukat ay isang yellow sundress. Maganda, presko. Lumabas siya para ipakita kay Gabriel. Tinignan siya ni Gabriel mula ulo hanggang paa. Walang emosyon. "Too bright. She looks like a lemon. Next." Bumalik si Mia sa loob. Sunod naman ay isang black corporate attire. Pencil skirt at blazer. Paglabas niya, umiling agad si Gabriel. "Masyadong stiff. She looks like my secretary, not my wife. Next." Pangatlo, isang red velvet cocktail dress na medyo maikli at mababa ang neckline. Ito ang paborito ni Mia dahil sexy tignan. Paglabas niya, napatigil si Gabriel sa pag-inom ng tubig. Dumilim ang tingin nito. Ang mata nito ay bumaba sa hita ni Mia, tapos sa dibdib. "Absolutely not," mariing sabi ni Gabriel. "Bakit? Ang ganda kaya!" katwiran ni Mia. "Masyadong maikli. Kung magsusuot ka ng ganyan, sa loob lang ng kwarto natin. Ayokong pinipistahan ng ibang lalaki ang hita ng asawa ko. Change it." Napairap si Mia. Possessive jerk. Halos isang oras na silang nagsusukat. Pagod na si Mia. Si Gabby naman ay nakatulog na sa sofa katabi ng ama. "Last one," sabi ng manager. "I think this fits Madam perfectly. It represents elegance and timeless beauty." Inabot sa kanya ang isang midnight blue silk dress. Off-shoulder ito, hapit sa bewang, at may slit sa gilid na hindi bastusin pero mapang-akit. Ang tela ay parang tubig na dumadaloy sa balat. Sinuot ito ni Mia. Pagtingin niya sa salamin, napahawak siya sa bibig niya. Ang babaeng nasa salamin... hindi niya kilala. Ang kurba ng katawan niya ay na-emphasize. Ang kulay ng damit ay nagpapaputi lalo sa kanya. Mukha siyang prinsesa. Mukha siyang reyna. "Madam," sabi ng stylist. "Let me fix your hair quickly." Itinaas ng stylist ang buhok ni Mia sa isang messy bun, nag-iwan ng ilang hibla para bumagay sa off-shoulder cut. Nilagyan siya ng light makeup at pulang lipstick. "Ready?" tanong ng manager. Huminga nang malalim si Mia. Binuksan ng staff ang kurtina. Lumabas si Mia. Naka-focus si Gabriel sa cellphone niya, nagbabasa ng email. "Tapos na ba? We need to go—" Nag-angat ng tingin si Gabriel. At natigil ang mundo. Nalaglag ang cellphone ni Gabriel sa sofa, pero hindi niya ito pinansin. Dahan-dahan siyang tumayo, ang mga mata ay nakapako lang kay Mia. Wala na ang cold CEO. Wala na ang arrogant boss. Ang nasa harap ni Mia ay isang lalaking nabighani. Nakita ni Mia ang paggalaw ng Adam’s apple ni Gabriel habang lumulunok ito. Ang mga mata nito ay naglakbay mula sa kanyang leeg, sa kanyang balikat na nakalabas, pababa sa bewang, at sa slit ng palda na nagpapakita ng kanyang binti. "W-Wow," bulong ni Gabriel. Halos hindi marinig. Lumapit si Gabriel sa kanya. Bawat hakbang ay mabigat, puno ng intensyon. Huminto ito sa harap niya, sobrang lapit na naaamoy ni Mia ang pabango nito. "Anong... anong tingin mo?" kabadong tanong ni Mia. "Pangit ba? Masyado bang—" "You look breathtaking," putol ni Gabriel. Ang boses nito ay mababa at husky. Inangat ni Gabriel ang kamay at dahan-dahang hinaplos ang collarbone ni Mia. Napasinghap si Mia sa init ng daliri nito. Ang haplos ay tumuloy sa leeg niya, hanggang sa pisngi. "This dress was made for you," bulong ni Gabriel, ang mga mata ay nag-aapoy sa pagnanasa. "Or maybe... you were made to torment me in this dress." Namula si Mia. "Gabriel..." Tumalikod si Gabriel at humarap sa manager. "We'll take it. And everything else she tried on. Except the red one. The red one stays in the vault. I’ll buy it exclusively so no one else can wear it." "Y-Yes, Sir!" halos himatayin sa tuwa ang manager. "And give me the diamond set inside the glass case," dagdag ni Gabriel. Nanlaki ang mata ng manager. "The... Celestial Collection, Sir? That’s worth 5 million pesos." "Did I ask the price? Get it." Mabilis na kinuha ng manager ang isang velvet box. Sa loob nito ay isang kwintas na puno ng diamonds at pares ng hikaw. Kinuha ni Gabriel ang kwintas. "Turn around, Mia." Tumalikod si Mia. Itinabi ni Mia ang buhok niya. Naramdaman niya ang malamig na metal ng kwintas sa kanyang leeg, kasunod ang mainit na mga daliri ni Gabriel na nag-lock nito. Pagkatapos mailagay, hindi agad umalis si Gabriel. Nanatili siya sa likod ni Mia. Inilapit niya ang bibig sa tenga ng dalaga at tumingin sila pareho sa salamin. Isang makapangyarihang CEO na nakatayo sa likod ng isang napakagandang babae. Bagay na bagay sila. Power couple. "Perfect," bulong ni Gabriel, ang hininga ay tumatama sa leeg ni Mia. Humigpit ang hawak niya sa bewang ni Mia. "Now everyone will know that you belong to me." Kinilabutan si Mia—hindi sa takot, kundi sa excitement. Sa sandaling iyon, nakalimutan niyang contract lang ang lahat. Parang totoo. "Papa? Mama?" Nagising si Gabby sa sofa. Kinusot nito ang mata at tumingin sa kanila. Nanlaki ang mata ng bata nang makita ang ina. "Wow! Mama! You look like a Queen!" sigaw ni Gabby at tumakbo palapit para yakapin ang binti ni Mia. Tumawa si Gabriel at binuhat ang anak. "See? Even the little guy agrees." Hinalikan ni Gabriel ang pisngi ni Gabby, tapos ay tumingin kay Mia nang may ngiti na umaabot sa mata. "Let's go home. My Queen." Habang naglalakad sila palabas ng store, bitbit ang dose-dosenang paper bags na dala ng mga bodyguards, naramdaman ni Mia ang kamay ni Gabriel na humawak sa kamay niya. Mahigpit. Intertwined. Tumingin siya sa kamay nila, tapos sa mukha ni Gabriel na seryoso na ulit habang naglalakad. Bumulong ang puso ni Mia ng isang babala: Huwag kang mahuhulog, Mia. Laro lang ito. Damit lang ito. Pero habang ramdam niya ang init ng palad ni Gabriel, alam niyang huli na ang lahat. Nahuhulog na naman siya sa pangalawang pagkakataonTahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat."Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby."Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak.Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel.Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya."Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito."Napalingon si Mi
Nagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw.May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya.Teka, matigas na dibdib.Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan.Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed.Gwapo. Sobrang gwapo pa r
Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid."Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya."Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hi
"Payag ako."Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina."Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko.""Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na
Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator."Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas h
"Mama, naiihi na po ako!"Napapikit si Mia sa gitna ng mataong lobby ng Altamirano Tower. Hawak niya ang mahigpit na kamay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Gabby."Anak, sandali lang, ha? Tatapusin lang ni Mama i-submit itong files kay Ma'am Tess," bulong ni Mia, pinapahid ang pawis sa noo. "Wag kang malikot."First day niya bilang clerk sa malaking kumpanyang ito. Bawal ang bata, pero walang magbabantay kay Gabby dahil nagkasakit ang kapitbahay nila. Tinago niya si Gabby sa ilalim ng desk kanina, pero break time na at kailangan nilang tumakas palabas."Pero Mama, lalabas na po!" sigaw ni Gabby at biglang bumitaw sa kamay niya."Gabby! Bumalik ka dito!"Tumakbo ang bata papunta sa gitna ng lobby. Sa kamalas-malasan, bumukas ang private elevator—ang elevator na para lang sa mga VIP.Lumabas ang isang grupo ng mga naka-suit na lalaki, at sa gitna nila ay ang isang matangkad, gwapo, ngunit nakakatakot na pigura.Blaag!Bumangga ang maliit na katawan ni Gabby sa mahahabang bi







