Share

CHAPTER 7

Author: Apple Cherry
Natigilan si Olive. Ang mga salita ni Matthew ay tumama sa kaniya na parang kidlat. Mabilis na tumataas at bumababa ang kaniyang dibdib, at ang init ay umakyat hanggang sa kaniyang mga tainga.

"Sir..." Ang kaniyang boses ay lumabas na halos pabulong na lang, halos mawala na nang tuluyan. "Hindi po... hindi po hilot 'yun, Sir."

Nanatiling kalmado si Matthew, nakatitig ang mga mata sa kaniyang mukha. Nakaupo ito nang malapit, ang hubad na dibdib nito ay nasa mismong harap niya.

"I know it’s not an ordinary massage," mahinang sagot nito. "Pero 'yan ang gusto ko sa 'yo ngayong gabi."

Paulit-ulit na umiling si Olive, nanginginig ang mga kamay sa kaniyang kandungan. "Hindi po, Sir. Hindi ko po... hindi ko po kaya. Maid lang po ako. Hindi ko pa po nasusubukan ang ganyang bagay. Please po, huwag niyo po akong pilitin."

Nanginig ang kaniyang boses; napuno ng luha ang kaniyang mga mata. Ang magkahalong hiya at takot ay nanigas sa kaniyang dibdib. Gusto niyang bumaba sa kama at tumakbo, pero para bang walang lakas ang mga binti niya.

Hindi naman nagalit si Matthew. Sa halip, inabot nito ang kaniyang baba at dahan-dahan iyong itinaas, dahilan para magtama ang mga mata nila.

"Kailangan mo ng pera, 'di ba?" tanong nito sa mababang boses. "Para sa Mama mo. How much do you need? One million? Two million? I can give you more than that. Para lang sa gabing ‘to."

Pumikit nang mariin si Olive habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga pisngi. Ang mga salita ni Matthew ay napakagandang pakinggan, pero ang pakiramdam niya ay imposible niyang kayanin ang gusto nitong mangyari.

"Nahihiya po ako, Sir..." bulong, umiiyak nang mahina. "Natatakot po ako. Ayoko pong mahawakan ang katawan ko nang ganito. Please po, sana intindihin niyo ako."

Pinunasan ni Matthew ang mga luha niya gamit ang hinlalaki nito. Mabagal ang kaniyang mga galaw; halos banayad, pero ang tingin nito ay nanatiling nag-uutos.

"Hindi kita pipilitin," wika nito. "Pero ayoko rin ng nagpapaligoy-ligoy pa. Gusto kita, Olive. I want you, Olivia. Your innocence. Your kindness. At ang katawan mo. Ang katawan na gusto kong hawakan simula pa nung unang araw na humakbang ka sa mansyon na 'to."

Napalunok si Olive, magulo ang isip niya.

Naisip niya ang may-sakit na ina sa probinsya, na malamang ay nasasaktan ngayon dahil wala silang perang pambayad sa dialysis. Ang perang inaalok ni Matthew ay pwedeng magbago sa lahat, pero ang kapalit ay napakasakit.

"Sir Matthew," basag ang boses ni Olive. "Kailangan ko po talaga ang perang 'yan. Pero... hindi po ako ganoong klaseng babae. Natatakot po ako na baka bumaba ang tingin niyo sa akin pagkatapos nito."

Lalong lumapit si Matthew hanggang sa magkahalo na ang kanilang hininga.

"Hindi bababa ang tingin ko sa 'yo," bulong nito. "In fact, I want you even more. Because you’re different from other women."

Naging nakakalunod na mainit ang hangin sa kwarto. Ang dibdib ni Olive ay tumataas at bumababa dahil sa mabilis na takot; ang tingin ni Matthew ay huminto doon nang ilang beses bago bumalik sa kaniyang mga mata.

"Magdesisyon ka na ngayon," ani Matthew, lalong lumalalim ang boses. "Do you want to take the money on my terms, o lalabas ka sa kuwartong 'to na walang hawak kahit ano?"

Lalong umiyak si Olive, umiling habang ang hiya at kawalan ng pag-asa ay naghalo sa kaniyang dibdib.

"Sir... hindi ko po kaya," bulong niya habang nanginginig. "Nahihiya po ako. Hindi ko pa po nasusubukan ang ganito buong buhay ko. Please po, huwag niyo po akong pilitin."

Nanatiling tahimik si Matthew, walang pinapakitang senyales ng pag-urong.

Sa sandaling iyon, ang phone ni Olive sa bedside table ay gumalaw nang malakas dahil sa vibration, na bumasag ng katahimikan sa kwarto.

Nagulat siya, namumutla ang mukhang tumingin sa screen bago tumingin ulit kay Matthew. "Sir, tumatawag po ang Mama ko. Puwede ko po bang sagutin sandali? Nag-aalala po ako na baka may nangyari sa kaniya."

Tumigil sandali si Matthew, tsaka dahan-dahang tumango.

"Sige, sagutin mo na, Olive."

Inabot ni Olive ang kaniyang phone gamit ang nanginginig na mga kamay.

"Hello, Ma? Ano pong nangyari?" Pumiyok at puno ng luha ang kaniyang boses.

"Olive, si Aling Simang 'to, 'yong kapitbahay niyo sa tapat," sagot ng isang babae, halatang natataranta sa kabilang linya. "Nahimatay ang Mama mo sa harap ng bahay niyo kanina. Nakita ko siyang nakahiga sa lupa. Nasa health center na siya ngayon, at lumalala na raw ang kondisyon niya. Sabi ng doktor kailangan daw siyang ma-dialysis agad, pero humihingi muna sila ng deposit. Makakapagpadala ka ba ng pera ngayon? Baka kapag na-late siya ng dialysis, baka may masamang mangyari sa kaniya."

Pakiramdam ni Olive ay nabuhusan siya ng malamig na tubig, nawalan ng kulay ang buong mukha niya.

"H-Hinimatay po si Mama?" lalong pumiyok ang kaniyang boses. "Aling Simang, please, bantayan niyo po ang Mama ko! S-Susubukan ko pong makakuha ng pera sa lalong madaling panahon. Please po sabihin niyo sa doktor na gamutin na siya!”

"Olive, gawin mo na lang ang makakaya mo para makakuha ng pera, ha? Sabi ng doktor makakapaghintay sila hanggang ngayong gabi."

"S-Sige po, Aling Simang. Salamat po. Please po, ipinagkakatiwala ko po si Mama sa inyo."

Pinatay ni Olive ang tawag gamit ang nanginginig na mga kamay, halos mahulog ang phone mula sa pagkakahawak niya. Ibinaba niya ang kaniyang ulo, nanginginig ang mga balikat habang pinipilit na pigilan ang kaniyang pag-iyak.

Si Matthew, na tahimik na nagmamasid, ay nagsalita sa mababang boses. "What’s wrong with your mother?"

Mahigpit na hinawakan ni Olive ang kaniyang phone, hindi agad makasagot dahil sa kaniyang mga luha.

Ang offer ni Matthew ay para bang isang mahigpit na bitang, nakakatakot oo, pero ito na lang ang tanging natitirang lifeline para mailigtas ang Mama niya…

Inangat niya ang mukha niya na puno ng luha, nakatitig sa lalaki nang may matinding kawalan ng pag-asa.

"Sir Matthew..." Ang kaniyang boses ay paos at mahina. "Ang Mama ko po... malala na po ang kondisyon niya. Nawalan po siya ng malay at kailangan po ng dialysis agad. Humihingi po sila ng deposit..."

Napalunok siya, pinipilit na ilabas ang natitirang mga salita.

"K-Kailangan ko po talaga ang perang 'yan, Sir."

Bumagsak ulit ang katahimikan sa loob ng masters bedroom. Nakatitig sa kaniya si Matthew, mahirap basahin ang mga mata nito.

"Alright," direktang wika ni Matthew, ang offer nito ay mas mabigat kaysa kahit ano. “You just need to decide, Olive. Do you accept my offer?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 50

    Bahagyang nanginig si Olive nang maramdaman niya ang malamig na mga daliri ni Matthew na dumampi sa pisngi niya. Biglaang itinanong nito ang tungkol sa kanyang ina kaya hindi niya maiwasang mabigla.“Maayos naman po ang lagay ni Mama, Sir,” mahina niyang sagot habang nakayuko at nakatitig sa sahig. “Mas naging stable po ang kondisyon niya mula nang ilipat siya sa ibang ospital. Maraming salamat po, Sir Matthew.”Hindi inalis ni Matthew ang kamay niya. Sa halip, hinawakan niya ang mukha ni Olive at iniangat iyon upang mapilitan itong tumingin sa kanya. Walang bahid ng init sa mga mata nito… tanging isang madilim at mahirap basahing ekspresyon.Sa halip na magbigay ng anumang nakaaaliw na salita, mahinang tumawa si Matthew. May nakatagong babala sa kanyang tinig.“Huwag mo akong pasalamatan na para bang ginawa ko ito dahil naaawa ako sa iyo, Olivia,” malamig ngunit matalim niyang sabi.Mas inilapit pa niya ang mukha niya kay Olive at bumulong ng mga salitang nagpapatindig sa balahibo sa

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 49

    Pumasok si Olive sa mansyon gamit ang servant’s entrance, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkabalisa.Para bang bumalik na sa normal ang atmosphere sa mansyon, ngunit may isang bagay na kapansin-pansing nagbago. Pinalitan na ang mga guard sa main gate at mga security personnel na dati ay malupit sa kanya. Ang mga bagong mukha ay mukhang mas alerto at mas mahigpit sa kanilang tungkulin.Napaisip si Olive. Talaga bang sinibak ni Matthew ang lahat ng dating guard dahil lamang sa nangyari kahapon?Pagdaan niya sa kitchen ng mga katulong, busy ang lahat sa kani-kanilang gawain gaya ng dati. Walang bumati sa kanya, pero wala ring nagbigay sa kanya ng mapanghamak na tingin na nakasanayan na niya. Para bang nagkukunwari silang walang anumang malaking gulong nangyari.Diretso siyang nagtungo sa changing room upang isuot ang kanyang maid uniform. Ngunit kasalukuyan pa lamang siyang naghahandang magpalit nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Susan, kasunod si Janice. Agad

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 48

    Napapitlag si Olive sa gulat at agad na itinaas ang kamay upang takpan ang kanyang leeg. Mabilis na kumabog ang kanyang puso, na para bang nahuli siya sa akto. Nakalimutan niyang ang markang iniwan ni Matthew kagabi ay mababakas pa rin sa maputi niyang balat.“I-ito po... kagat lang ng lamok, Ma,” utal-utal na paliwanag ni Olive habang pilit naghahanap ng kapani-paniwalang dahilan, kahit nanginginig ang kanyang tinig. “Medyo mamasa-masa po kasi ang bodega sa mansyonna pinagtatrabahuhan ko. Baka may mga lamok roon.”Inabot ng kanyang ina ang kamay niyang nakatakip sa leeg at marahang ibinaba iyon upang masuri nang mabuti ang marka. Bahagyang sumingkit ang mga mata nitong may edad habang pinagmamasdan ang mapulang bakas na nagsisimula nang magkulay-ube na parang pasa.“Olive?” tawag ng kanyang ina sa mahinang tinig na puno ng pag-aalala. “Bakit ka naman ganyan kagulat? Naging bata rin ako, anak. Alam ko ang pagkakaiba ng kagat ng insekto at... ng ibang bagay.”Natigilan si Olive. Napuno

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 47

    Hindi natinag si Matthew. Binitiwan niya ang doorknob at humakbang palapit kay Lara, dahilan upang sandaling isipin nitong nagtagumpay ang pang-aakit niya. Pero nang ilang sentimetro na lamang ang pagitan nila, huminto si Matthew. Mula ulo hanggang paa, tiningnan niya si Lara nang walang anumang emosyon, na para bang isang basurang sinusuri niya.Napatawa siya nang maikli at mapakla… isang tawang puno ng kawalan ng pakialam at pangmamaliit.“Sleep with you?” ulit niya.Humakbang pa siya palapit, dahilan upang mapaatras si Lara hanggang sa tumama ang baywang nito sa gilid ng mesa.“Ito ba ang paraan mo dahil natatakot kang nagsisimula na akong magbago? Do you think my self-respect is so low that I could be lured in by something as cheap as this?”“Matthew, ginagawa ko ito dahil gusto kong malaman mo na mas magaling ako kaysa sa—”“Mas magaling kaysa kanino? Sa katulong na iyon?” matalim na putol ni Matthew.Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ni Lara at marahas itong hinila, dahila

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 46

    Habang lumalalim ang gabi, bumalot sa kwarto ng ospital ang nakapangingilabot na katahimikan.Walang galaw na nakahiga si Olive, nakatitig nang blangko sa puting kisame na tila naging malungkot sa ilalim ng malamlam na liwanag ng lamp sa tabi ng kama. Sa katahimikan, lalo lamang luminaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Hindi niya namalayang napahawak siya sa kanyang dibdib… sa mismong bahaging hinawakan ni Matthew ilang sandali lang ang nakalipas.Para bang naroon pa rin ang nag-aapoy na pakiramdam ng mga labi at dila nito, na nag-iwan ng matingkad na marka sa kanyang balat. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang bawat haplos, bawat mapusok na paghipo, at ang madilim at matinding titig sa mga mata ni Matthew, na para bang sirang plaka na hindi tumitigil sa pag-ikot.Napigil ni Olive ang kanyang paghinga nang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sinubukan niyang unawain ang kahulugan ng lahat ng ipinakita sa kanya ni Matthew.Ang lahat ba ng ginawa nito… ang pagtatangg

  • The CEO’s Servant, His Secret Love   CHAPTER 45

    Nakatayo si Olive sa loob ng banyo, nanginginig ang mga kamay habang pinupunasan ng malilinis na tissue ang kanyang dibdib na mainit-init pa at mamasa-masa. Matapos muling isara ang mga butones ng kanyang hospital gown at tiyaking maayos na ang kanyang hitsura, lumabas siya nang nakayuko.Nakaupo na si Matthew sa isang single-seater na sofa. Nanatiling perfect ang ayos ng damit nito. Tanging ang mga mata lamang nito ang tila mas kalmado na matapos nitong makuha ang gusto.“Come here,” tawag ni Matthew sa mababang boses.Dahan-dahang lumapit si Olive hanggang sa huminto sa harap niya. Nakatitig siya sa dulo ng kanyang sapatos upang itago ang namumula niyang mga pisngi.“You’ve just proven that your physical condition has indeed improved,” sabi ni Matthew sa relaxed na tono. “At nagawa mo rin akong pahangain ngayong gabi.”Mahigpit na hinawakan ni Olive ang laylayan ng kanyang hospital gown. Nag-ipon siya ng lakas ng loob upang bahagyang tumingala.“A-ano po... gagawin ko ang lahat basta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status