Share

Chapter Fourteen

Hindi ko na talaga kaya. Ayaw akong dalawin ng antok dahil dinidistract ako ng pagtunog ng tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako kaya napilitan na akong bumangon. Balak kong uminom ng gatas para makatulog ako at titingin na rin ako ng pwedeng makain.

Tulog na siguro silang lahat dahil alas dose na ng madaling araw.

Dahan dahan akong bumaba para hindi magising itong kasama ko. Ginawa nito ang sinabi ko kanina. Hindi nga lang unan ang inilagay sa gitna namin kundi iyong mga maliliit na cusion na para sa sofa.

Nang sulyapan ko si Trinity, nakita kong nasa pinaka gilid na siya ng kama at isang galaw na lang, mahuhulog na siya. Nakauklo siya at parang nilalamig. Naka tudo kasi ang aircon kaya malamig talaga dito sa loob ng kwarto.

Iisa lang ang aming kumot at kinuha ko pa kanina dahil ipinulupot ko sa katawan ko sa sobrang inis ko sa kanya.

Mahina kong kinastigo ang aking sarili ng makaramdam ako ng konsensiya sa ayos niya. Kahit labag sa loob ko,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status