Habang papalapit sila sa kotse ni Luther ay natanaw niya ang dalawang lalaki na naka-black suit sa hindi kalayuan. Malalaki ang katawan at isang tingin lang ay alam mong sanay sa bakbakan ang mga ito. Pinagbuksan siya agad ni Luther ng pinto at inalalayan siyang pinasakay sa kotse. Hindi na siya nag-inarte pa at sumakay nalang din. Pinagbuksan din ito ng mga tauhan at pagkatapos ay sumakay ang mga ito sa unahan habang nasa backseat silang dalawa ni Luther, magkatabi. "You look beautiful earlier, lalo na nang sabuyan mo yung dalawa. You look really gorgeous," biglang papuri nito sa kanya na nakapagpatigil kay Amelia. Kinalibutan naman ang dalawang tauhan ni Luther. Hindi sila makapaniwala na maririnig nila na ganoon magsalita ang kanilang boss. Para tuloy silang nakakita ng multo.Hindi sila pinansin ni Luther at nanatili lang ang tingin nito kay Amelia. "Magtigil ka nga Luther, kung ano nalang pinagsasabi mo. Gutom ka na ba talaga't kung ano ang nakikita mo," saway naman ni Amelia
"Why are you laughing?" Nakasimangot na tanong ni Grace, hindi na maipinta ang mukha. Sa katunayan ay alam ni Amelia na walang gano'ng kalaking pera ang mga Del Fuego. Kahit mayaman ang mga ito ay hindi pa rin aabot ng ganoon kalaki. At saka balita niya ay may kinakaharap na problema ang mga ito ngayon kaya impossible na makabigay ng ganito kalaking halaga si Grace. Nasapo ni Amelia ang kanyang bibig at nanatili ang tingin sa ATM card na nasa mesa. "Grace, it's my card. Hindi ko inakala na ibinigay talaga sa'yo iyan ni Dalton? 'Di mo ba alam na Lolo Henry was the one who gave that card to me. Binigay ko iyan kay Dalton 'cause I didn't marry him for money. Saakin ang account na iyan" Mapaglarong turan ni Amelia. Ano? Nanlaki ang mga mata ni Grace. "Sinungaling! Hindi ako maniniwala sa'yo. Bakit? Hindi pa ba sapat ang 50 million sa'yo, Amelia? Ano pa bang kailangan mo? Dalton is right, gahaman ka nga talaga sa pera." Napaingos si Amelia. "Talaga lang ha, kung ako gahaman an
Subalit, sino ba si Dalton? Syempre hindi niya hahayaan na makuha ni Amelia ang para sa kanya. Isang hamak na dukha lamang ito, umaasa sa iba at walang kaide-ideya kung paano magpatakbo ng negosyo. Malakas na nahampas ni Dalton ang kamay sa mesa dahil sa galit, nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa kaharap. "This is outrageous! Hindi ko ito matatanggap!" Singhal niya at walang pasabing pinatay ang video call. Hindi talaga inaasahan ni Dalton na nagawa ni Amelia na paikutin at lokohin ang matanda, binilog ang ulo nito para ibigay sa kanya ang mga ari-arian ni Henry. Humalakhak si Dalton, nagpipigil ng galit. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Hindi ba nag-iisip ang kanyang lolo at talagang hinayaan niya na mapunta sa ganung klaseng babae ang negosyong pinaghirapan nitong buuin?Mapan-linlang si Amelia at kayang gawin nito ang kahit ano para lang sa pera. Siya ang tagapagmana ng pamilyang Williams, ngunit ang kapangyarihang kumokontrol sa Williams Corp ay wala sa
Naghihintay si Amelia na magpaliwanag ito ngunit nanatili lang tikom ang bibig ni Luther. Kumuha ito ng baso, nagsalin ng tubig at ininom iyon. Napakamot nalang sa noo si Amelia. "Hindi magandang biro ito, Luther."Tumaas ang makapal na kilay nito. "Who said this is a joke? I've built that company for you, it's time for you to take it. Remember what I've told you to work for me? That's just a pretense, katunayan ay ibibigay ko talaga sa'yo ang kompanya," wika nito at prenteng umupo sa silya. "Hindi ko ito matatanggap, Luther! This is too much, bakit mo naman ako bibigyan ng ganito? You are the one who founded this business tapos ako ang hahawak? Nahihibang ka ba? I don't have any part noong tinayo mo itong negosyo kaya anong lugar ko doon?" Mariin na pagtanggi ni Amelia. Nagkibit balikat lang si Luther na parang wala lang ito sa kanya. "I've built that company thinking of you, I know this is your dream Amelia. You like anything that's related to jewelries so I suppose you like to h
Ang akala ni Grace ay magiging buhay reyna na siya pagkatapos niyang pakasalan si Dalton, ngunit hindi niya inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay. Nakaramdam si Grace ng takot sa kanyang puso. Kung alam lang niya na wala sa kamay ni Dalton ang Williams Corp, mas mabuti palang si Amelia nalang ang kanyang inakit.Ngayon, pagkatapos ng lahat ng pagsisikap, ang makukuha niya ay isang walang kwenta lang pala?Itinaas ni Dalton ang kanyang mga kilay at tumingin kay Grace. "What’s wrong? May masakit ba sa’yo?"Ang kanyang boses ay mahinahon, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng katanungan.Bagaman marami siyang iniisip, ipinagpatuloy ni Grace ang kanyang pag-arte. Agad niyang inayos ang sarili, maamong tumingin kay Dalton at bumulong, "Ayos lang ako, sweetheart. Huwag ka nang makipagtalo kay Amelia. I don’t want you to lose too much because of me.” Pagkarinig nito, biglang lumambot ang ekspresyon ni Dalton. Tumingin sa maamo at mahinhin na babae sa harap niya, nakaramdam siya ng kag
Dahil sa matinding emosyon ay bigla nalang nanigas at nangisay si Grace. Lubos ang pagkataranta ni Dalton kaya agad niyang isinugod ito sa hospital. Pagkarating sa hospital ay agad niyang pinatawag ang pinakamagaling na doctor doon. Agad din namang inasikaso si Grace ng mga ito. "She had developed physical symptoms, I fear kapag nagpatuloy ang pagiging emotionally unstabled niya there are higher cases that her depression and anxiety will about to relapse. I encourage Mr. Williams to always be careful and ipalayo niyo siya sa mga bagay na nakaka-istress sa kan'ya mentally and emotionally. As soon as possible you need to think a way to stabilize her mood and condition," mahabang litanya ng doctor. Nang marinig iyon ay nagbago ang ekpresyon sa mukha ni Dalton. Isa lang naman ang pumasok sa isip niya, kasalanan ito ni Amelia. Nang dahil sa babaeng iyon kaya nanganganib na naman ang kalagayan ni Grace. Iniwan niya ang doctor at agad na tinawagan si Ronald. Sinabihan niya itong da