Share

KABANATA 37

Author: marimonyika
last update Huling Na-update: 2025-07-25 21:15:59

Habang papalapit sila sa kotse ni Luther ay natanaw niya ang dalawang lalaki na naka-black suit sa hindi kalayuan. Malalaki ang katawan at isang tingin lang ay alam mong sanay sa bakbakan ang mga ito.

Pinagbuksan siya agad ni Luther ng pinto at inalalayan siyang pinasakay sa kotse. Hindi na siya nag-inarte pa at sumakay nalang din. Pinagbuksan din ito ng mga tauhan at pagkatapos ay sumakay ang mga ito sa unahan habang nasa backseat silang dalawa ni Luther, magkatabi.

"You look beautiful earlier, lalo na nang sabuyan mo yung dalawa. You look really gorgeous," biglang papuri nito sa kanya na nakapagpatigil kay Amelia.

Kinalibutan naman ang dalawang tauhan ni Luther. Hindi sila makapaniwala na maririnig nila na ganoon magsalita ang kanilang boss. Para tuloy silang nakakita ng multo.

Hindi sila pinansin ni Luther at nanatili lang ang tingin nito kay Amelia.

"Magtigil ka nga Luther, kung ano nalang pinagsasabi mo. Gutom ka na ba talaga't kung ano ang nakikita mo," saway naman ni Amelia
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
marimonyika
salamat po sa pagbabasa (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
goodnovel comment avatar
Fe Gillesania
thanks for the update author
goodnovel comment avatar
Hannah
simula palang iyan Dalton at Grace hmp! sana magdusa pa kayo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 91 - Bakit parang may mali?

    Mabigat ang tensyon sa loob ng conference room, sobrang bigat na halos hindi na makahinga ang mga tao roon. Maingat na kinuha ni Amelia ang nakalatag na mga papeles sa mesa at binasa iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nakita. "This is not the documents I prepared for you Mr. Santiago. It seems na mali po itong natanggap niyo."Humalukipkip si Amelia at nahagip niya ang nakayuko na si Grace sa may gilid. "Honestly, hindi ko alam kung bakit nagbago ang dokumentong ito but trust me Mr. Santiago na hindi ito ang ginawa ko. I didn't even know na nandito na kayo for contract signing. Walang nakapagsabi saakin, especially kung bakit na forge ang documents na ginawa ko. I'm sorry for the incomvenience that this might have caused to you but if you let me, I'll get the real documents ready for you right now," kalmadong ani ni Amelia sa matanda.Huminahon naman si Mr. Santiago sa narinig at tumango. "Okay please, hija. I don't know what happened but I demand an explanation about this Ms

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 90 - Contract signing gone wrong.

    "Dalton, gusto kong ako ang humarap kay Mr. Santiago sa contract signing ng deal for the company," agarang bungad ni Grace isang umaga pagkapasok palang niya sa opisina nito. Kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya at napatingala upang tumingin sakan'ya. Lumambot ang mukha ni Grace at napayuko, nahihiya ngunit may determinasyon na makikita sa mga mata. "Gusto kong bumawi. Alam ko namang hindi naging maayos ang huling paghaharap natin sakanila. And I'm sure na hindi rin naging maganda ang first impression nila sa'kin at sa'yo dahil kay Amelia. Kaya I want to make up for the past mistake and prove myself.""I want to show them that I'm capable, that you made the right choice to make me your personal assistant," aniya at bahagyang ngumiti. "Alam ko but this is a very important contract signing Grace. Nakasalalay ang pag-angat muli ng kompanya sa deal na ito. Everything should be under control and no mistakes should be made," pagmamatigas ni Dalton. Nakita niya ang pagpawi ng ngiti n

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 89 - Try me, Grace.

    "Hindi ako mahilig sa matatamis," malamig na turan niya sa babae habang nanatiling nakatitig sa screen ng kan'yang laptop. Ngunit mas inilapit pa nito ang cupcake sakan'ya. "Come on, h'wag ka nang mag-inarte. Alam ko namang naiingit ka everytime na binibigyan ako ni Dalton nang mga sweets kasi hindi ka niya binilhan nito ever. Kaya this time I want to share it with you para naman maranasan mong mabigyan ng galing kay Dalton."Napataas ang kilay ni Amelia sa sinabi nito. Napatingala tuloy siya at nakita niyang may nakapaskil na ngisi sa mukha nito. "Wala ka bang ibang magawa sa buhay kundi sirain ang araw ako? Pasensiya nalang dahil hindi gagana saakin ang gan'yan. Pake ko ba kung galing iyan kay Dalton.""Atsaka kung maraming kang oras at enerhiya sa katawan h'wag ako ang kulitin mo, doon ka kay Dalton at magmakaawa ka para maisalba ang kapatid mo sa kulungan. Hindi ba doon ka naman magaling? Ang magpa-awa at magpa-ikot?"Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Grace nang marinig iyon. M

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 88 - I'll stay with you tonight baby.

    Nanatiling walang imik si Amelia buong byahe. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana, mabigat ang puso at magulo ang isip. Panaka-nakang sumusulyap si Luther kay Amelia at alam niyang umiiyak ito dahil kita niya sa repleksyon ng salamin ng bintana ang pangingislap ng mata nito dahil sa nanunubig nitong mga mata. Marahan na kinuha ni Luther ang kamay ni Amelia at pinagsalikop iyon. Napatingin naman sakanya si Amelia na ngayon ay tumulo na ang luha sa mga mata. Sumikip ang puso ni Luther nang makita ang kasintahan na ganun at agad itong hinila para sa isang mainit na yakap. Mahinang humikbi si Amelia at tuluyan nang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Luther. Mahina siyang umiyak doon at muling nilukob ng pighati ang kanyang sistema. Akala niya ay okay na siya, ngunit hindi pa rin pala. Nakatago lang ang hinanakit niya sa puso at kailanman ay hindi iyon mawawala. Naghihintay lang na kumawala ulit. Hindi siya iniwan ni Luther, hanggang sa makarating sila sa bahay ay hindi ito umalis a

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 87- Dapat sa'yo ay mamatay!

    Napukaw sa pagkakatulala si Amelia nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may natanggap siyang mensahe. Napaayos siya ng upo sa kanyang swivel chair nang makita kung sino ang nag-message sakanya, syempre si Luther. [I'm here. Outside.] Tinignan niya kung anong oras na at nakita niyang lagpas alas 5 na pala ng hapon. Nag-reply naman agad siya sa nobyo bago bumaba."I thought nakaaalis kana sa italy. Hindi ba ngayon ang flight mo?" Agad na tanong niya kay Luther nang makaupo na siya katabi nito sa backseat. "Mamayang madaling araw pa ang flight ko baby," sagot ni Luther. Siguro ay napansin nitong may bumabagabag sa isip niya kaya ito nagtanong. "May problema ka ba? Why do you look so bothered?" Usisa ni Luther sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon. Humugot siya ng malalim na hininga. "Pwede bang samahan mo akong makipagkita kay Kevin?""Why?""Gusto ko siyang makausap.""He's dangerous. Mas mabuting hindi mo na siya makita o makausap. Hindi ko p

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 86 - Hindi ka ba naaawa sakanya?

    Natumba ang isang baso na may lamang tubig kaya nasabuyan ito nun. Agad din naman nakaatras si Grace kaya hindi tuluyang nabasa ang suot nitong palda ngunit nabasa naman ang pang-itaas nitoHalos bumakat ang suot nitong brassiere kaya dali-daling hinubad ni Dalton ang suit jacket nito at nilagay iyon sa balikat ni Grace upang takpan ang basa nitong parte. "I'm sorry, hindi ko sinasadyang istorbuhin ang pag-uusap niyo. I-I was just startled," mangiyak-ngiyak at nauutal nitong saad. Napasimangot nalang si Amelia sa kanyang sinabi, kinuha iyon na pagkakataon ni Grace upang umarte na naaapi. "Alam kong hindi mo gusto ang naiistorbo especially kung dahil saakin, I'm really sorry. S-sana h'wag kang magalit sa akin, hindi ko naman sinasadya na matumba ang baso at natapon sa akin ang tubig I mean—""Grace, stop" madiin na pagputol ni Dalton kay Grace at malamig na tinignan si Amelia. "No! Alam mo namang hindi ako gusto ni Amelia, baka...baka mas lalo lang siyang magalit sa akin dahil napa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status