Share

CHAPTER 14 - Clueless

Naalimpungatan ako nang may tumamang mainit-init na liwanag sa mukha ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang pinagmumulan ng liwanag. Nang makita ang sikat ng araw sa labas ng bintana ay napabalikwas ako ng upo. tanghali na! Male-late na naman ako!

Biglang sumakit ang ulo ko na may kasamang hilo. Para itong pinupukpok o binabarena. May sumalbahe ba sa 'kin kagabi at pinalo ako sa ulo?

Hindi puwede 'to, male-late ako sa trabaho, kailangan ko ng gamot.

Nang paalis na sa kama ay saka ko lang namalayan na parang may mali. Nang iginala ko ang paningin ko ay nakita ko na lang na nasa ibang kuwarto ako!

Anong nangyayari? Hindi ito ang kuwarto ko, bakit ako nandito?

Ang naaalala ko lang bago ako makatulog ay umaten kami sa birthday ng kaibigan ni Jonas tapos ay nagkaayos kami ni Chesca at uminom kami. Tapos n'un.... Wala na akong maalala.

Mamaya ko na lang iisipin ang sitwasyon ko. Tumatakbo ang oras, kailangan ko nang umalis dito.

Napatingin ako sa sarili ko. Ngayon ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
yes Meron Chard
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status