Home / Romance / The Casanova CEO want's me / CHAPTER 2 - ENCOUNTER

Share

CHAPTER 2 - ENCOUNTER

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-02-06 16:52:07

Hindi ko na pinansin pa ang mga babae. Isuot nila kung anong gusto nilang suutin, bahala sila. Bumaling ako sa receptionist at nagtanong na ng direksyon ng HR at nagpakilalang aplikante.

Maya maya ay muli na namang nagkaroon ng ingay. inis na tumayo ang receptionist para manaway uli. Ngunit, nakita ko na parang biglang natulala ito.

Sinundan ko kung saan siya nakatingin at dumako ang tingin ko sa isang grupong paparating na sa tingin ko ay mga executives.

Ngunit ang talagang napansin ko ay ang matangkad na lalaki sa gitna na parang bunabakuran nila.

Dios mio marimar! Ke guwapo guwapo naman ng lalaking ito! Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito kaguwapo sa buong buhay ko sa personal! Angat ang hitsura niya at imposibleng hindi mapansin. Artista ba siya o isang sikat na celebrity?

Para lang akong nanaginip habang tinititigan ang lalaki na sa tingin ko ay hindi lang guwapo, mukhang ang bango bango rin n'ya at mukhang masarap singhot singhutin.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako at katabi pa ang mga maiingay na mga babaeng 'to. Para silang maiihi na sa sobrang kilig. Kung ako ang nanay n'yo, kinurot ko na nang pino iyang mga singit n'yo, hmp!

Dahil nandito na rin lang ako sa harap, e 'di sulitin ko na ang sight seeing at tant'yahin ang mala adonis na nilalang na nasa harapan ko.

Habang nakatayo at nalilibang ay bigla na lang may tumulak sa 'kin sa likuran. Agad akong natumba at sumubsob nang mawalan ako ng balanse.

Pagbagsak ko ay bigla na lang natahimik ang paligid ngunit nakarinig ako ng mga pagsinghap at paghagikhik ng mga babae. Napansin ko ring huminto ang grupo at sa tapat ko pa mismo!

Nakakahiya!! Parang gusto kong iuntog untog ang ulo ko sa mamahaling sahig na ito o Kaya ay maghukay at ibaon ang sarili ko dito. Marigold, bakit kasi ang lampa mo‽

Dahil hiyang-hiya ako, hindi ko magawang mag angat ng ulo habang tumatayo. Naramdaman ko na lang na may umaalalay sa 'kin. "Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit. Pero imbes na doon ako lumingon sa lalaking tumulong at umalalay sa 'kin, ay duon pa ako napalingon sa mala adonis na lalaki.

Nagtama ang mga paningin namin at napansin ko ang malamig niyang mga tingin, ngunit nakangisi siya sa 'kin.

Naramdaman ko ang biglang pag init ng mukha ko at sa tingin ko ay kung titingin ako sa salamin baka nangangamatis na 'ko. Kailangan ko nang umiskapo!

Mabilis akong nagpasalamat sa lalaking umalalay sa 'kin at mabilis ring umalis. Hindi na 'ko nag abala na tingnan pa ang hitsura niya. Ang gusto ko lang ay makatakas na. Babu!

Hinanap ko ang restroom at nang makumpirmang ako lang ang nandito ay ini lock ko ang pinto.

Sinasabi ko na nga ba! Nangangamatis at namumula ang mukha ko pag tingin ko sa salamin.

Nakakahiya!! Para akong baliw na sumisigaw dito sa restroom. Hindi pa 'ko nakuntento, tinampal tampal ko pa ang magkabilang pisngi ko.

Biglang lumitaw sa isipan ko ang guwapong mukha nu'ng lalaki'ng nakita ko sa lobby habang nakangisi ito sa 'kin.

Marigold, Nakakahiya ka talaga!

Ano na lang kaya ang iisipin ng lalaking iyon sa 'kin? baka isipin niya na nagpapapansin ako sa kanya katulad nu'ng mga babaeng nandoon.

Teka, teka. E ano naman kung napahiya ako sa harapan niya? hindi ko naman sinasadya ang bumagsak sa harapan nila a. Bakit ko ba 'yun iniisip? tsk, tsk. Marigold, marigold. Ano bang nangyayari sa'yo? hindi ka naman dating ganito.

Naghilamos ako at kinalimutan na ang nangyari kanina. May importanteng bagay kang ipinunta dito, marigold. Kailangan mong mag focus. Pagkatapos kong i check ang sarili ko ay lumabas na rin ako.

Bumalik ako sa lobby dahil hindi pa 'ko tapos magtanong ng direksyon sa receptionist.

Wala na roon ang guwapong lalaki pati 'yung mga jologs na mga babae. Para akong nakahinga nang maluwag. Pero, sino kaya ang lalaki'ng 'yun? Malamang executive din.

Habang naglalakad papuntang HR ay may nakabangga akong babae. Ako na ang nag sorry kasi mukha itong maarte at matapobre, at mukhang wala itong balak mag apologize.

Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa at lumakad na papuntang HR habang umiindayog ang balakang nito.

Sinundan ko ang babae dahil iisang direksyon kang naman kami.

Pagpasok ng HR ay pinagtitinginan ako ng mga babaeng nakaupo. Oo na baduy akong tingnan kumpara sa inyo, alam ko naman 'yun, no!

Hindi ako mahilig makiuso at bukod sa introvert ay may pagka conservative din ako. Nakasuot ako ng simpleng plain na white polo at mahabang cream na palda na abot hanggang binti ko. Para sa 'kin, kahit baduy akong tingnan ay mas disente ang hitsura ko kumpara sa kanila na parang magka club lang.

Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin nila sa 'kin. Humanap ako ng bakanteng upuan at naupo.

Dalawang oras din akong naghintay bago ako tinawag. Ang babaeng nakabangga ko kanina ang tumawag sa 'kin.

This is it!

Kinakabahan ako.

Hinga munang malalim.

Marigold, kaya mo 'yan!

Lumapit ako sa interviewer at iniabot ang mga dokumentong dala dala ko. Agad niyang binasa iyon.

"You are applying for a executive secretarial position?"

Napa angat ako ng ulo nang marinig ang tila nagtatakang tanong niya.

"O-oo." Nauutal kong sagot.

"Sandali lang, ha. Ino notify ko muna ang head ko." Dinampot niya ang telepono sa mesa at tumawag.

Matapos ang ilang minuto; "Miss, please go to the CHRO office. Merong mag ga guide sa 'yo papunta doon."

Pagpasok ko ng CHRO office: "I'm Reynaldo Malibo, the CHRO and the person responsible for the applicants who apply for higher positions."

Iniabot ko ang mga requirements ko sa kanya.

Habang nagbabasa ay tumawag ang CHRO at nag request ng kape.

Maya maya ay pumasok ang babaeng nakabangga ko kanina na may dalang tasa ng kape.

Paglapag ng kape sa mesa ay nakita kong kumindat ang babae sa CHRO. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang pagpisil ng CHRO sa puwit ng babae bago ito umalis. Hmmm. There's something's fishy here.

Matapos basahin ng CHRO ang requirements ko: "Okay ang mga requirements, pero bagsak ang mga qualifications... Kung gusto mo, puwede ka naman mag apply for another position."

Bigla akong nawalan ng gana at malungkot na lumabas ng office na 'yon. Hindi ko na rin kinuha pa ang mga dokumento ko. Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay nakita kong itinapon na ng CHRO ang mga documents ko sa basurahan. Hayyy... Napabuntong hininga na lang ako.

"Miss, wait!"

Nagulat ako nang tawagin bigla ng lalaking nakasalubong ko.

"Can you wait for a moment?"

Nagtataka man ay tumango pa rin ako at naghintay sa lalaki.

Pumasok ang lalaki sa office ng CHRO. pagkalipas ng 2 minuto ay lumabas na ito.

"Do you remember me?" nakangiting tanong ng lalaki sa 'kin.

Inisip kong mabuti kung saan ko siya nakita, pero kahit pigain ko na ang utak ko ay hindi ko talaga siya maalala. "P-pasensiya na, ha. Hindi kita maalala, e."

Tumawa nang mahina ang lalaki.

Napansin ko ang biloy ng lalaki malapit sa mata na nagpaguwapo dito. Nagbigay din ito sa 'kin ng pakiramdam na mapagkakatiwalaan ito.

"Nakakatawa ka naman. kanina mo lang ako nakita, hindi mo na ako maalala? mukhang bumababà na ang karisma ko, a. tsk tsk tsk." wika ng lalaki habang hinihimas ang kanyang babà. "Sige na nga, hindi na kita pahihirapan... Isa ako du'n sa mga executives sa lobby kanina, 'yung tumulong sa 'yo 'nung natumba ka "

Bigla akong nanliit nang maalala ang kahiya hiyang sinapit ko kanina. "Ga- anun ba? ikaw pala 'yon... salamat, ha."

"You're welcome... anyway, ano nga pala ang ginawa mo sa CHRO office? nandun sa kabila ang HR department, a?"

"Dito daw kasi mag aapply para sa mataas na posisyon."

"Oh,.. so you're applying for a higher position, ano naman ang ina applyan mo?"

"Um... executive secretary."

"Really‽" Nagulat ako sa reaksyon ng lalaki.

Hinaguran niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Oo nga no. Pasók ka nga!" Wika niya habang sinisipat sipat ako

Biglang kinuha ng lalaki ang kamay ko. "Halika! I will make your application more easier."

Hindi ko na nagawa pang tumanggi. Nagpatianod na lang ako nang hilahin niya ako.

"Um... y-'yung requirements ko..."

"Ako na lang ang kukuha ng requirements mo kay MM... By the way, ano nga pala ang pangalan mo?"

"M-Marigold Magbanua."

"I'm Jonas Villaflores... nice to meet you "

"N-nice to meet you, rin."

Dinala ako ni jonas sa isang opisina na halos malapit na sa top floor, at walang katok katok kaming pumasok.

"Uncle, look! I have a new recommendation for executive secretary." Exited na bulalas ni Jonas sa may edad na lalaki sa mesa.

"Mr. Villaflores, how many times I've told you, don't call me uncle in working hours." wika nito habang patuloy sa ginagawa na hindi man lang nag angat ng kanyang ulo.

"Fine... pero uncle, siguradong may maha hire na tayong executive secretary ni Mr. no-symphathy."

Huminto ito sa kanyang ginagawa at napamasahe sa kanyang sentido. "Stop calling him Mr. no-symphathy at baka may makarinig sa iyo'ng kapwa mo executives at isumbong ka, hindi ka ba marunong makinig?"

Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa 'min. "Who's this? girlfriend mo? bakit mo siya dinala dito sa office ko?"

Hindi ako maka imik sa hiya. Magpapaliwanag ba 'ko?

Natawa si jonas at ipinakilala ako. Sinabi niyang nag aaply ako bilang executive secretary.

"Her requirements is in the CHRO office."

"Okay, but we need to see if she is qualified."

Agad akong isinalang sa evaluation, at matapos ang ilang sandali; "Congratulations, you are passed."

Halos gusto ko nang mag tatalon sa tuwa. Kanina lang ay sinabi ng CHRO na bagsak ako. Tapos ngayon... Parang hindi ako makapaniwala.

"Jonas, saan mo s'ya nakilala?"

"Na meet ko lang siya ngayon... actually siya 'yung...."

Tumikhim ako. Mabuti ay madali iyon naintindihan ni Jonas. Ang nakakahiyang pangyayari ay hindi na dapat binabanggit pa.

"Isa siya sa mga aplikante kanina na napasama sa mga mag a apply for internship." Sabi na lang ni Jonas.

"Then, Ms. Magbanua, tatawagan ka na lang namin para sabihin kung kailan ka mag i start."

"Maraming maraming salamat po. pagbubutihan ko po ang trabaho." Halos mag bow ako nang paulit ulit sa tuwa.

Para akong nakalutang habang naglalakad sa lobby. Pakiramdam ko ay ito na ang simula ng mga pangarap ko.

Dahil ilang oras din ang inilagi ko sa mga malalamig na offices, naramdaman kong naiihi ako. Magbabanyo muna ako bago umalis.

Nang makaupo na 'ko sa napili kong cubicle ay bigla akong nakarinig ng kalabog sa katabing cubicle.

Hindi ko sana papansinin 'yon ngunit, may kumalabog na naman. Hindi tuloy makalabas ang dapat kong ilabas.

Magtatanong na sana ako kung ayos lang siya, nang bigla siyang magsalita.

"D-dahan dahan naman... baka biglang may pumasok, e... mabisto pa tayo~"

Mukhang may kausap ang babae sa telepono at mukhang ayos naman siya. Mamaya Ko na lang siya tatanungin.

Nang ilalabas ko na ang naudlot na dapat kong ilabas kanina pa ay ibang boses naman ang narinig ko.

"E 'di maganda... mas exciting. 'Yun ang gustong gusto mo 'di ba?... ummm~"

Parang boses ng lalaki 'yun a! Nakapagtataka naman. Restroom ito ng babae bakit may lalaki dito?

"Ahh... ahhh... d-dahan dahan naman... w-'wag mong... masyadong.... bilisahhnn~"

Boses uli iyon ng babae! Bakit may lalaki't babae sa kabilang cubicle? At parang may mali... Bakit parang hinihingal sila at para silang nahihirapan?

Sandali... Wahhh!!... Tingin ko ay alam ko na ang kaganapang nangyayari sa kabila! Mga imoral! Dito n'yo pa talaga ginagawa 'yan!

Halos hindi ko magawang huminga nang maayos sa takot na baka madiskubre nilang may ibang tao dito.

"Y-yuhhng... pangako... moohhh... s-sabi mohh... gagawan mo ng... ng paraan... para... malagay akohhh... sa... sa executive sec...secretary." Tila nahihirapan ang babae.

"Ahhh... Akong... bahalahh...t- tumit'yempoh... lahhng akohhh, ohhh~"

Hindi ko na nagawa pang umihi kasi ayaw na rin namang lumabas. Tinakpan ko na ang mga tenga ko dahil kinikilabutan na 'ko sa mga naririnig ko... Pero teka, anong sabi niya? Gusto nu'ng babae maging Executive secretary?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Kaya siguro sinabi ng CHRO na bagsak SI Marigold
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka Ang babaing iyun Ang nakabangga.ni Marigold
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Casanova CEO want's me   EXTRA

    "Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 150 - The End

    Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 149 – Her Longing For Him/Him

    "Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 148 - The Aftermath

    Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 147 - His Crimes

    Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 146 - Arrested

    "Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status