Share

The Casanova CEO want's me
The Casanova CEO want's me

CHAPTER 1 - DEPARTURE

Antique Province

Maaga pa lang ay nag impake na ako ng mga damit at gamit ko kasama ang ilang mahahalagang mga dokumento, habang ang mama ko naman ay nakatayo sa may pinto at humihikbi. Namumula ang mga mata niya dahil kagabi pa s'ya umiiyak.

Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko siya't saka pinunasan ng damit ko ang mga luha niya. oops, aalis nga pala ako (Don't make the shirt dirty)

"P-pwede bang huwag ka na lang umalis?" Sabi niya habang nag i sniff pa. Natatawa na lang ako sa ayos niya. ang cute talaga ng mama ko, mana sa 'kin.

"Ginagawa ko 'to para sa 'ting dalawa. Isa pa, alam mo namang pangarap ko 'to, naiintindihan mo naman ako 'di ba?" Sabi ko habang hinahagod ang buhok n'ya.

Ako si Marigold Magbanua 22 years old, magtu twenty three na this year. BS graduate ako at introvert and nerdy type. Hindi ako mahilig makihalubilo at maingat ako sa mga taong mukhang hindi mapagkakatiwalaan. 'Yun bang mga mukhang manloloko't bolero.

Mula pitong taon ay nakasalamin na 'ko dahil sa astigmatism. Sabi ng mama ko namana ko raw ito sa side ng papa ko.

Para makamit ang pangarap kong magandang buhay para sa 'min ni mama, ay kailangan ko siyang iwan at makipagsapalaran sa maynila.

Naging mahirap ang buhay namin buhat nang iwan kami ni papa nu'ng apat na taong gulang pa lang ako. Bago siya umalis ay masagana ang pamumuhay namin.

Musmos pa lang ako no'n, pero sa naaalala ko ay pabalik balik si papa sa maynila at sa antique. Ang sabi ni mama, may business daw sila papa sa maynila at si papa ang magmamana n'yon.

Laging nagdadala si papa noon ng masasarap na pagkain galing sa kinalakihan niya.

Naalala ko rin na lumipat kami sa isang malaking bahay na may malawak na bakuran, na kung saan ay lagi akong naglalaro ng mga manika ko.

Pero isang araw, hindi na umuwi sa 'min si papa. Matiyaga'ng naghintay si mama sa kanya sa malaking bahay. Pero, ni hindi niya kami tinawagan at malapit nang magkatupusan noon.

Hinuhulugan pa lang ang bahay, at dahil wala si papa ay wala kaming panghulog.

Dahil hindi namin afford ang monthly lease, walang nagawa si mama kundi ibalik na lang ang susi ng bahay, at nang araw na 'yon ay nag impake kami at umalis.

Ayaw kong umalis. Gusto kong hintayin pa si papa sa lugar na 'yon. Kaya naman, kinarga na ako ni mama habang pumapalahaw ako ng iyak. Habang naglalakad kami palayo, ay nakatanaw ako sa malaking bakuran.

Nang bumalik kami sa dati naming tinitirhan ay kinutya kami ng ilang kapitbahay.

Ang kamag anak naman namin na nakatira lang sa malapit ay pumupunta pa para pagtawanan lang Kami. Lagi nilang sinasabi na may ibang pamilya na raw si papa sa maynila at ayaw na niya sa amin.

Dahil dito, lagi kong naririnig si mama na umiiyak sa gabi. Mabait at mabuting tao ang mama ko. Hindi niya deserve ang ganitong pagtrato. Hindi nagtagal, nagkaroon ng depression si mama.

Hindi ko gustong magtanim ng galit sa papa ko pero, siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi niya kami iniwan, hindi magkakaroon ng depression si mama at hindi kami kukutyain ng mga tao.

Mula noon, sa murang edad ay nangako ako sa sarili ko na kapag lumaki ako ay magsisikap ako at aalis kami sa lugar na ito. Patutunayan ko sa mga taong iyon na hindi namin kailangan ang taong 'yun para umasenso.

"Kung buo na ang desisyon mo, isipin mo na lang na wala akong sinabi." Sabi ni mama habang nakayuko, obviously making me feel guilty.

Inalo alo ko si mama ng halos isang oras Bago ko siya napapayag nang tuluyan. Binilinan ko muna siya ng sangkatutak bago makaalis.

Habang umaandar ang barko ay tinatanaw ko ang bayang kinalakihan ko. Bagaman, alam kong maho home sick ako't malulungkot, kailangan ko itong tiisin. At sa susunod na aalis ako sa lugar na ito; kasama ko na si mama.

Halos isang araw ang biyahe nang makasampa ang barko sa maynila. Nahilo ako at parang maduduwal. Nalimutan ko kasi'ng bumili ng bonamine sa antique bago umalis.

Bumili ako ng gamot at tumambay muna sa convenience store at nagpahinga muna hanggang sa mawala ang hilo ko.

Nang nawala na ang hilo ko ay umalis ako agad at naghanap ng murang hotel. Dahil isang malaking bagpack na nasa likod ko at maliit na handbag lang ang dala ko, madali akong nakakakilos.

Nang maka check in na ay naligo agad ako at natulog. Ni hindi ako nakaramdam ng gutom. Bukod sa pagod ay hindi rin ako halos nakatulog sa barko.

Sikât na ang araw ng magising ako. Siguro mga siyam na oras ang itinulog ko. Nag sabi ako ng almusal sa room service.

Pagkatapos ay nagsimula akong maghanap ng trabaho sa cellphone ko. Hindi ko na kinailangan pang mag browse dahil, nahanap ko kaagad ang isang top job posting website.

Binasa ko ang information na nakalagay doon: 'C.A Inc. the largest and prominent company in the capital and was located in Makati city. They're owned many branches around the country, and can earned a millions in a day. Their ceo is a grumpy old man.'

Hindi ko napigilang matawa nang mabasa ang huling pangungusap. Hindi naman nila siguro gustong takutin ang mga mag a apply sa kanila, hindi ba?

Ang magandang balita, ayon sa nabasa ko ay bakante pa ang position na gusto ko! para akong naka jackpot.

Hindi ko mapigilang ma excite. Kaagad kong ipinadala ang resumé ko sa kanila.

Dahil good mood ako ngayon, nagdesisyon akong mag ikot muna sa labas at aralin ang lugar habang nagha hum.

Gusto ko rin kasi tumingin ng murang paupahan. Dahil kung patuloy akong mag i stay sa hotel bago ako magkaroon ng trabaho, tiyak na mauubusan ako ng pera at malamang sa kalye ako matulog.

Sa awa ng Diyos, nakakita naman ako ng isang murang paupahan. Ito ay may laki lang ng 30 square meter pero may itaas ito.

Naghintay ako ng dalawang linggo pero, walang sagot mula sa C.A. Hinanap ko ang contact information nila na nasa website at inilista iyon

Nag dalawang isip pa 'ko kung tatawag ba ako o hindi, lalo't naiisip kong malaking kumpanya ang C.A Inc. at baka busy lang sila? Baka hindi lang nila ma accomodate ang mga aplikante nila.

Nagdadalawang isip man ay tumawag na rin ako. Maraming beses itong nag ring bago ko narinig ang boses ng isang babae. "Hello, this is C.A Incorporated, how can I help you?" maarteng niyang wika.

"Um.. hello, nagpadala ako ng resumé sa inyo pero, dalawang linggo na wala pa rin kayong sagot."

Narinig kong nag snort ang babae sa kabilang linya. "It's that so? You know that our C.A Incorporated is the top and the busiest company in the capital compared to others So, it's normal if we don't respond to you right away. But if you are qualified, we will surely get back on you but if not, it means your resumé was failed and rejected." Pagkatapos ay naputol na.

Teka, Anong ibig sabihin nu'n? Hindi man lang niya sinabi kung maghihintay pa ako o hindi na.

Minamaliit ba nila ako kaya hindi nila pinansin ang resumé ko? dahil ba nakita nila na sa probinsiya lang ako nag graduate? Siguro kailangan ko nang pumunta ng personal doon at personal na ring mag apply. Ipapakita ko sa kanila na hindi nila ako dapat maliitin.

Kinabukasan, maaga akong bumangon at nag asikaso para puntahan ang C.A Inc.

Habang nasa waiting shed ay iniisip ko kung magji jeep ba 'ko o magta taxi. Sa huli ay naisip kong mag taxi na lang dahil hindi ko pa naman kabisado ang ruta at baka mahuli ako.

Habang nasa loob ng taxi ay pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas. Ang linis ng siyudas na 'to at mukhang strikto ang batas trapiko.

Ang dami ring nagtataasang mga gusali at mga establisyemento dito. Sana marami ring ganito sa Antique.

Sa peripheral vision ko ay napansin ko ang mga sulyap ng taxi driver sa 'kin. Bigla akong ninerbiyos. Mukhang mamalasin pa ata ako ngayong araw, hindi kaya holdaper 'to?

Okay lang maholdap, pero h'wag muna ngayon. Wala pa akong trabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial ng random number na naka save sa phonebook ko para makahingi ng tulong nang biglang magsalita ang driver.

"Bago ka dito?"

Kahit ninenerbyos ay sumagot ako. "O-oo"

Mukhang nasa 40 o mahigit lang ang taxi driver. Nakasuot din siya ng salamin na walang rim at kahit mukhang may edad na ay makikita pa ring makisig ito. Sana lang hindi siya masamang tao.

"Probinsyana ka?" Nakangiting niya'ng tanong.

Marami pa'ng tinanong ang taxi driver sa 'kin, at kahit nag aalangan ay tinugon ko na lang ang lahat niyang katanungan, baka kasi mairita pa ito at kung ano pa ang gawin sa 'kin

Maya maya ay nagsimula na siyang magkuwento. Tahimik ko lang siya'ng pinakinggan .

"Alam mo, lahat sa probinsya puro sariwa: yung hangin, yung mga seafoods, prutas, mga gulay... saka mura lang ang gastusin dun, hindi gaya dito sa maynila." Habang nagkuk'wento ay nangingiti siya na parang may naaalalang nakaraan.

"Malalambing din ang mga babae doon. Kapag may asawa ka na laging nag aabang sa pag uwi mo, nagpupunas ng pawis mo, at nag aasikaso sa 'yo; yung pagod mo parang biglang nawawala."

Habang nakikinig sa kanya ay nawala na rin ang nerbiyos na nararamdaman ko. Mukha namang mabait ito'ng si manong at mukha na mang hindi ito holdaper.

Dahil palagay na ang loob ko ay naglakas loob akong magtanong. "Manong, may asawa ka bang naghihintay sa probinsya?"

Parang nagulat ang reaksyon n'ya na'ng tinanong ko 'yun.

"Hindi, wala." malamig niya'ng sagot.

nagtaka ako sa bigalaan niyang pagbabago. Kanina lang masaya siyang ngkuk'wento, ngayon ganito na. Hindi kaya, nagmemenopause lang siya ?

"Nandito na tayo." Naputol ang iniisip ko nang magsalita siya .

Bumaba ako at tinanaw ang papalayong taxi.

Mahaba ang nilakad ko bago ko marating ang building ng C.A. Hindi ko akalain na bawal pala ang mga pampublikong sasakyan dito. Pero okay lang, sa Antique, malayo pa dito ang nilalakad ko.

Nasa entrance ako ngayon ng C.A, at napanganga sa ganda ng exterior ng building. kahit labas lang ay mukhang ginastusan ito.

Nalula din ako sa taas nito. Ito ba 'yung sinasabing 'skycraper'? ang hirap talaga ng ignorante.

"Cough" Napalingon ako nang may marinig akong tumikhim.

Paglingon ay nakita ko ang ilang empleyado na nakatayo sa likuran ko. Nakakahiya! Siguro iniisip nila na taga bundok ako na bumaba sa siyudad. Tumabi ako at nagbigay daan sa kanila. Hinintay ko muna silang makapasok bago ako sumunod.

Ang ganda ganda pala dito sa loob. Mula sa haligi hanggang sa sahig ay mukhang mga mamahalin. Makikita mo rin nang malinaw ang repleksyon mo sa makinang na sahig... Marmol ba 'to?

Hindi na 'ko nagtataka kung bakit ganu'n ganu'n na lang kung umasta yung HR na nakausap ko kahapon, dahil talagang magmamalaki ka kung dito ka sa C.A nagtatrabaho.

Nagtago muna ako saglit sa isang sulok para i check ang sarili ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa front desk para magtanong.

Nakarinig ako ng mga bulungan at mahinang pag uusap sa gilid. Pagtingin ko ay nakita ko ang ilang babae na sa tingin ko ay mga aplikante rin dahil pare pareho kaming may dalang envelope.

Mukha silang mga excited na parang mga teenagers na hinihintay na dumaan ang crush nila.

Tumikhim ang receptionist at sinaway sila. "Excuse me, kung maaari lamang po ay panatilihin natin ang katahimikan dahil kayo po ay nasa C.A company at wala po sa palengke, salamat po."

Parang napahiya naman ang mga babae at biglang umayos ang mga ito at nanahimik.

"Itong mga babaeng ito, akala ba nila nasa divisoria sila? at ang iiksi pa ng mga suot, parang magka club lang." wika ng receptionist.

Tiningnan ko ang mga babae at nakitang maiiksi nga ang mga suot nila. Medyo makakapal din ang make up nila at parang hindi naparito para mag apply ng trabaho. Hindi kaya nandito sila para maghanap ng mayamang boyfriend?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juliet Ortil
ganda ng umpisa ng kwento..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status