Home / Romance / The Casanova CEO want's me / CHAPTER 3 - ACCIDENTALLY SEEN

Share

CHAPTER 3 - ACCIDENTALLY SEEN

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-02-06 17:04:44

Pinakiramdaman ko ang kabilang cubicle nang tumahimik na. Mukhang tapos na rin sila. Hay... Salamat at makakauwi na rin. Sa bahay na lang ako iihi.

Narinig kong bumukas ang pinto, malamang ay lumabas na sila. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at sumilip sa labas. Nang makita kong wala nang tao ay lumabas na rin ako.

Paglabas ko ng restroom ay nakita ko ang babaeng nakabangga ko kanina malapit sa pinto ng restroom. Paglingon niya sa 'kin ay nanlaki ang mga mata niya na para siyang nagulat nang makita ako.

Tumikhim ang babae at bumalik sa dating mukhang matapobre ang ekspresyon nito, pagkatapos ay naglakad na ito palayo habang umiindayog ang balakang niya. Tsk, sexy sana kaso...

Pag uwi ay agad kong tinawagan si mama at sinabi ang magandang balitang natanggap ako sa posisyong inaasam asam ko.

Kinabukasan ay namili ako ng ilang daily necessities dahil ubos na rin ang stock ko.

Habang nag go grocery ay biglang nag ring ang phone ko. Malamang si mama 'to, kaya, Agad ko 'yun sinagot.

Nagulat ako nang si jonas ang marinig ko. "Hi, Marigold. Kumusta? anong ginagawa mo ngayon?"

Kahit awkward ay kinamusta ko na lang din siya, pati ang C.A Incorporated ay kinamusta ko na rin. Wala naman kasi akong malay sabihin sa kanya.

Tumawa siya. "Dahil may concern ka sa company at dahil mukhang napatunayan mo naman na isa kang mabuting empleyado... "

Saglit niyang pinutol ang sasabihin bago niya sabihin ang halos magpalundag sa 'kin sa tuwa."Puwede ka nang pumasok bukas at mag start as a Executive Secretary of the CEO."

Pinigilan ko ang sarili kong maglululundag dahil baka isipin ng mga taong may nababaliw dito. Puro pagpapasalamat ang sinabi ko kay jonas bago namin pinutol ang linya.

*******

Nahampas ko ang alarm clock sa gulat nang bigla itong mag ring. Hindi ko ugaling mag alarm dahil sanay naman akong gumising nang maaga, pero dahil unang araw ko ngayon sa trabaho ay gusto kong makasigurong hindi ako male late.

Binuksan ko ang maliit kong closet na puro: women's polo, polo shirt at mahabang palda lang ang laman. Sa kabila nu'n ay masaya pa rin akong namilì ng susuotin na parang may ka date lang ako.

Pagdating ng C.A ay dumiretso ako sa CHRO office. Nakita ko sa lamesa ang lukot lukot kong requirements na itinapon sa basurahan nu'ng isang araw.

Kinabahan ako nang mapansin na parang masama ang tingin sa 'kin ng CHRO. May ginawa ba akong mali? ngayon pa lang naman ako magta trabaho a.

Tumikhim ako para mapagtakpan ang kabang nararamdaman ko. "Um... Excuse me sir, Im here to report - "

"I know. Follow me."

Inihatid niya ako sa executive assistant office. Pagkatapos ay parang masama ang loob niyang umalis. Ano kayang problem ng taong ito. Pakiramdam ko ay ayaw niya sa 'kin.

"Ms. Marigold Magbanua, right? I'm Jonathan Javier, the executive assistant of the CEO. Ako ang magtuturo sa 'yo ng mga dapat mong malaman: regarding your job, role and task. I hope, we can get along."

Tinuruan ako ni Mr. Javier ng mga dapat kong gawin hanggang mag tanghalian na. Saka lang kami tumigil nang biglang tumunog ang tiyan ko. Bahagya siya tumawa habang nangangamatis na naman ako sa hiya.

"Okay let's stop for now. If you don't mind, puwede ba tayong sabay mag lunch?"

Kahit medyo nahihiya ay pumayag na rin ako. Middle age man si Mr. Javier kaya walang malisya sa 'kin kung magla lunch kami ng sabay. Tingin ko naman ay ganu'n din siya.

Nang magpunta kami sa canteen at umorder ng pagkain ay pinapauna ng mga nakapila si Mr. Javier. Mukhang sikat siya dito a. Kung sabagay tingin ko ay mabait naman si Mr. Javier.

Nang kumakain na kami ay panay ang chismisan ng mga babae sa katabi naming lamesa. Hindi naman sa gusto kong makinig, kaya lang sa naririnig ko e.

"Narinig n'yo na ba? Hindi na daw bakante ang executive secretary position. Kase, may na hire na... may nanalo na!"

"Talaga‽ Saan mo nalaman?"

"Kay tina. Galing siya sa HR office at doon niya nalaman... Tapos alam n'yo ba, parang galit na galit daw si Ms. Vivian. E 'di ba gustong gusto no'n maging Executive secretary?"

"Hmp! gusto niyang maging Executive secretary? Parang hindi naman natin alam ang karakas no'n. May balak kamo 'yon kay papa CEO ko kaya nagpipilit siya sa E.S position."

"Shhh... Ang boses mo, marinig ka. Baka mamaya bigla na lang sumugod si Ms. Vivian dito, bahala ka."

Hindi ko maiwasang ihilig ang ulo't tenga ko sa direksyon nila, lalo't alam kong ako ang pinag uusapan nila bilang newly hired executive secretary. Pero, sino si Vivian?

"Ehem"

Napaayos ako ng upo nang marinig ang pagtikhim ni Mr. Javier. Itinuloy Ko na ang pagkain ngunit alisto pa rin ang mga tenga ko.

Matapos kumain ay bumalik agad kami ni Mr. Javier sa Kani kaniyang puwesto namin. Malapit lang ang puwesto ko sa office ni Mr. Javier at tanaw ko dito ang mga dadaan papunta sa CEO office.

"Ano?"

"Yes, Mr. Villaflores. Mga one week pa bago bumalik si Mr. Atanante. Sorry for the short notice."

Narinig ko ang pinag-uusapan ng paparating na sila Mr. Javier at jonas.

Nagtama ang mga tingin namin ni jonas nang mapatingin siya sa gawi ko. Nagpaalam na siya kay Mr. Javier at lumapit ito sa puwesto ko.

"Akala ko pa naman ay maipapakilala ka na namin kay Mr. no-symphathy as his new executive secretary, hindi pa pala." Nakangusong wika ni Jonas habang nakaupo ito sa mesa ko.

"At bakit ba napaka eager mo na magpakilala sa kanya ng bagong sekretarya? May pustahan na naman ba kayo?"

Si Mr. Delphin Villaflores iyon, ang COO o ang vice president ng C.A. Nakasilip ito sa may pinto.

"Anong ginagawa mo dito sa office ni Ms. Magbanua? D'yan ka pa sa mesa umuupo, Go to your own office, now!"

"We're talking about her boss, okay?... Sabi pala ni Jonathan, mga one week pa raw bago s'ya umuwi galing sa bakasyon niya sa Brazil, kasama ang bagong girlfriend niya."

Girlfriend? Hindi pa pala nag aasawa si Mr. Atanante, siguro dahil sobrang busy niya. Ang sabi'y pagka graduate ng college ay itinayo agad niya itong kumpanya. Sa tingin ko ay genius lang ang nakakagawa no'n. Pero narinig ko rin na may kasungitan 'yon at may pagka istrikto. Siguro kagaya ng nabasa ko sa website ng C.A, baka matandang napapanot na si Mr. Atanante na may malaking tiyan.

Bago umuwi ay nag CR muna ako. Pagpasok ng restroom ay marami akong naabutang mga nakapila at nagme make up. Tumayo ako sa gilid at naghintay.

"Miss, parang ngayon lang kita nakita, bago ka?" Tanong ng isang babae nang mapansin ako.

"O-oo, bago lang ako."

"Saang department ka ba? Hindi kasi kita nakikita sa mga intern e."

"Um..." Alanganin ako kung sasabihin ko ba ang posisyon ko. Pero siguro wala namang masama.

"H-hindi ako intern... Ako 'yung bagong hired na executive secretary."

Nagulat ang mga nandoon sa restroom nang sabihin ko 'yun at taas baba nila akong tiningnan.

"Ikaw?"

"So, ikaw pala 'yun."

"For real?"

Hindi ko maiwasang mailang sa mga tingin nila dahil alam ko na kahit hindi sila magsalita ay pinipintasan nila ako sa loob loob nila.

Bigla na lang nila akong dinedma na parang hindi kami nag uusap kanina. Problema ng mga 'to?

Kinabukasan pagpasok ko ay muli akong tinuruan ni Mr. Javier. Meron pa kasi akong hindi makuha. Pero laban lang. Sabi naman kasi ni Mr. Javier ay sa una lang talaga nakakalito, madali naman daw akong turuan kaya baka within a week ay masanay na rin ako.

Mag isa lang akong kakain sa canteen ngayong araw dahil imi meet daw ni Mr. Javier ang asawa niya sa labas. Kung sabagay, hindi naman obligado si Mr. Javier na samahan ako palaging kumain sa canteen.

Habang naglalakad papunta sa isang bakanteng mesa dala ang pagkain ko ay napansin ko ang kakaibang tingin ng mga babaeng empleyado sa 'kin na para bang may ninakaw ako sa kanila.

Hindi na 'ko nagtataka pa. Malamang ay may kinalaman ito nu'ng sinabi kong ako ang bagong hired na E.S. Ayon na rin kasi kay Mr. Javier ay marami raw ang gustong mag aaply sa posisyong 'yon, hindi nga lang daw sila qualified.

Habang kumakain ay may lumapit sa 'king babae. "Hi, hindi ba malapit sa top floor ang office mo? Baka puwede mo naman itong idaan sa CHRO office, kay Mr. Malibo.... Please?"

Dahil nakita kong buntis ang babae at maayos naman siyang nakiusap sa 'kin ay pumayag na rin ako. kinuha ko ang hawak niyang naka plastic. Ano kaya ang laman nito?

Nang inihatid ko ang kung ano mang bagay na 'yon kay Mr. Malibo ay nakarinig ako na parang may nagagalit na babae sa loob ng office. Hindi ko tuloy alam kung kakatok ako o hindi muna.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para malaman kung nag ceasefire na.

"Anong nangyari‽ Ang sabi mo gagawan mo na paraan, tumit'yempo ka lang. E bakit nalaman ko na lang na may na hired nang executive secretary‽"

Bahagya akong nagulat. Ito 'ata 'yung Ms. Vivian na gustong gusto maging executive secretary, at parang may kakaiba sa kanila ng CHRO.

"Sinasabi Ko na nga sa 'yo, wala akong alam d'yan. Dahil kahit ako nagulat din. Itinapon ko na nga 'yung mga requirements niya e. Hindi ko naman akalain na iha hire pala siya ni Mr. Villaflores."

Napaatras ako sa narinig ko. Wala pala talaga akong balak i hire ng CHRO na 'to nu'ng mga araw na 'yon, dahil inilalaan niya ang E.S position para kay Ms. Vivian?

Dali dali kong inilapag ang dala kong naka plastic sa sahig at mabilis na umalis.

Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, kaya kumubli muna ako.

Pagsilip ko ay nakita kong galit na sinipa ng babaeng lumabas ng office ang plastic na nasa sahig. Pagkatapos ay mabilis itong umalis.

*******

Dumating na ang araw ng pag uwi ni Mr. Atanante sa Pilipinas. Timing pang na late ako ngayon.

"Manong, sa C.A company, paki bilisan po!"

Habang nasa loob ng taxi ay sinusuklay ko ang buhok ko na tumutulo tulo pa. Napasarap kasi ako ng pagbo browse sa online shopping kagabi e. Mag bi birthday kasi si mama kaya naghahanap ako ng magandang ireregalo sa kanya. Kaya heto, tinanghali ako.

Pag baba ng taxi ay patakbo akong pumasok ng C.A. muntik ko pang malimutan ang bayad ko.

Pag dating ko sa office ko ay naroon si Mr. Javier. Mukhang naghihintay siya sa 'kin.

"Marigold, mabuti't nandito ka na. Get ready. Ipakikilala na kita kay Mr. Atanante."

Napatingin ako sa ayos ko. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na tiningnan ang isusuot ko, basta ko na lang ito dinampot sa closet.

Naka-suot ako ng puting long skirt at grey polo-shirt na hindi ko alam kung sa akin ba ito dahil sa sobrang luwang.

Pagtapat namin ni Mr. Javier sa CEO office ay bigla niyang naalala ang importanteng dokumentong naiwan niya sa desk niya, kaya bumalik muna ito.

Habang naghihintay kay Mr. Javier ay may babae na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung galit na babaeng lumabas sa office ng CHRO, si Ms. Vivian.

"Mauna ka na raw sa loob sabi ni Mr. Javier. H'wag ka na raw kumatok dahil kanina ka pa hinihintay ni Mr. Atanante. Baka magalit na 'yun."

"Ay, ganun ba? Sige." Kanina pa pala ako hinihintay? Parang bigla akong kinabahan a.

Hinaguran muna ako ng tingin ni Ms. Vivian bago mabilis na umalis na parang pumuslit lang siya dito. Pero, bakit nakangisi siya sa 'kin? Ipinagkibit balikat ko na lang 'yun at binuksan na ang pinto.

Pagbukas ko ay natulala ako sa bumungad sa 'kin.

Sa office chair ay nakita ko ang isang maganda't mestisang babae na pabukakang nakaupo sa kandungan ng mala Adonis na lalaking nakita ko sa lobby.... Nagtataas baba ang babae sa lalaki habang umuungol ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang tumingin ang lalaki sa 'kin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sinadya siguro ni Vivian para pagalitan SI Marigold
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hala ka!lagot Ka Marigold
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Casanova CEO want's me   EXTRA

    "Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 150 - The End

    Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 149 – Her Longing For Him/Him

    "Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 148 - The Aftermath

    Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 147 - His Crimes

    Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 146 - Arrested

    "Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 145 - Oppression

    Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 144 - The Execution Of A Wicked Plan

    "W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 143 - The Crook And Cruel Ways

    Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status