Habang nakahilata sa kaniyang kuwarto ay halos mapabalikwas si Alex nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Napagod yata siya sa gawaing bahay. Siya na lang kasi ang pinagkakatiwalaan sa gawain bahay ng tiyahin niyang sobrang istrika. Bawal kahit na kaunting alikabok o kahit isang maliit na piraso ng balat ng candy ang dapat na nakakalat sa bahay. Wala naman siyang choice kundi sundin ang mga bilin nito. After all, ang tiyahin na lang niya ang nagpalaki sa kanya matapos siyang iwan ng nanay niya para sa ibang lalaki. Kahit na medyo labag sa loob ng tiyahin niya ang pagkupkop sa kanya.
She reached for her phone at tiningnan kung sino ang biglang tumawag. Usually wala namang ibang tumatawag sa kanya bukod sa best friend niyang si Sandra. At hindi nga siya nagkamali. “O, Sandra? Bakit ka napatawag?”
Hagikhik ni Sandra ang narinig niya sa kabilang linya. “Alex! I-prepare mo na ang outfit mo because tonight is going to be the best night of your life!” tila excited na sagot nito mula sa kabilang linya. High pitch talaga kahit kailan si Sandra.
Malas man sa buhay si Alex, swerte naman siya sa kaibigan niyang ‘to dahil napaka-supportive talaga sa kanya ni Sandra ever since. She always got her back. Kasalungat man ang estado ng buhay nilang dalawa, mayaman sina Sandra at mahirap siya, it didn’t make barrier to their friendship. Parehas nilang suportado at mahal ang isa’t isa.
“T-Talaga? Shocks. First time kong maiimbitahan sa party, Sandra! Wait, magpapaalam lang ako sa jowa ko. Alam mo naman ‘yon. Masyado akong mahal, hihi,” sagot ni Alexandra.
“Err. That mama’s boy na boyfriend mo? Baka ipagpaalam pa no’n sa mommy niya bago ka niya payagan. Like, ‘mom, puwede ko bang payagan si Alex na mag-party?’” natatawang ani Sandra.
Totoong mama’s boy si Triton, boyfriend ni Alex. Sa tatlong taon nila ay madalas pa ring magpaalam si Triton sa mommy niya sa lahat ng bagay which is tama naman as a sign of respect. May mga instances lang talaga na dapat desisyon nilang dalawa lang bilang mag-girlfriend and boyfriend pero pumapagitna pa rin ang mommy ni Triton sa desisyon which Alex thinks as unhealthy.
Kaya noon pa man, hindi na bet ni Sandra itong jowa ni Alex. Mabigat ang loob niya dito dahil sa pagiging sunod-sunuran nito sa mommy niya. Kulang na lang kasi ay dalhan siya ng baon ng mommy niya sa trabaho, lagyan ng pulbo sa loob at punasan ng bimpo ang likod.
“Ikaw talaga! Mahal ako no’n ni Triton!”
“Uhuh, pero mas mahal niya ang mommy niya. Bleh!”
Napailing-iling na lang si Alex when she hung up her phone. Ito talagang si Sandra, hindi na lang itikom ang bibig, e. Ang dami pang sinasabi. Aniya sa isipan saka niya ni-dial ang cell phone number ni Triton.
Hindi naman masyadong strict sa kanya si Triton. Hindi naman siya nasasakal sa relasyon nila. Mas strict pa nga ang mommy nito. Masaya silang nagsama ni Alex for three years to the point na gusto na nilang mag-settle sa isa’t isa at hindi iyon mapipigilan ng sino man lalo na ng mommy ni Triton which in the first place ay hindi pabor sa pakikipagrelasyon ni Triton kay Alexandra. Masyado kasing mataas ang pangarap nito para sa anak niyang binata. Samantalang si Alexandra, hindi hamak na unemployed lang. Sa mga pinag-apply-an niya ay wala pang ni isang tumawag sa kanya for interview, pero syempre, hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Nang sagutin ni Triton ang tawag ay malapad na napangiti agad si Alexandra. “Mahal,” malambing niyang wika.
“Hmm. You sound like may kailangan ka ah? Ang lambing mo,” natatawang sagot ni Triton. Kilalang-kilala niya talaga ang girlfriend niya.
“Hehe, you really know me that much, mahal. E, kasi alam mo na, itong si Sandra. Inaya akong um-attend ng isang party. First time ko kasing ma-invite, mahal. Pero syempre, I need to ask for your approval first.”
Narinig niyang bumuntong-hininga si Triton sa kabilang linya. “You sure you’ll be safe there? Alam mo naman si mommy, mapagmatyag ‘yon. Hahanapan ka ng butas kahit saang anggulo. Hays, this is what I hate about being born with a golden spoon, e. Mom is influencial. You know, her, nasa ‘yo ang mga mata no’n. Nagbabantay.”
Napabusangot si Alex. Kung makabantay naman kasi itong mommy ni Triton, akala mo body guard. Dinaig pa ang soco kung makapag-imbestiga.
Napansin ni Triton ang pananahimik ng nobya niya kaya nagsalita siya agad. “Pero if you really want, hindi naman kita pipigilan, Mahal. Just behave at huwag gagawa ng ikagagalit ko. Maliwanag ba? Malaki ang tiwala ko sa ‘yo. I am willing to disobey my mom for you. Lalo pa, isang buwan na lang, magiging misis na kita.”
Napangiti naman si Alex. Iba pa rin talaga kung makapagpakilig si Triton. She can really feel how he loves her. Tipong sila laban sa mundo na ang drama. Triton has always been consistent since day one. Ang mommy lang naman talaga nito ang sumisira sa eksena e. All these years, palagi siyang sunod sunuran sa mommy niya, pero sa pagpapakasal niya kay Alex, wala na itong magagawa pa dahil desidido na si Triton na hingin ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya.
“Thank you so much, Mahal. Huling party ko na ‘to bago ako maging misis mo kaya salamat at pinagbigyan mo ako. I love you so much!” she answered cheerfully. Mas lalo siyang na-excite na mag-party dahil may basbas na siya galing kay Triton.
“Uhuh, pero huwag mong kakalimutan ang usapan natin.”
Namula bigla ang pisngi ni Alex. Naalala na naman niya ang usapan nila. Ang usapan nila na bago sila ikasal ay maibigay niya ang kinaiingat-ingatan niyang pagkababae. Sa three years nila ay never niyang isinuko iyon. Ni hindi nga iyon ginalaw ni Triton kahit pa medyo maraming beses na kamuntik na nilang gawin. Pero this time, desidido na talaga siya na ibigay ito sa kanya.
“How can I forget? Nakita ko naman kung paano ka nagtimpi for the past three years. I can’t wait to see you again, Mahal. I can’t wait to give my everything to you. After ng party na ‘to, matutulungan na kita sa pag-asikaso ng kasal natin. Don’t worry. Kahit emotional support na lang muna ang maiambag ko kasi alam mo na, zero balance talaga ang bulsa ko these days.”
“A kiss will do,” sagot ni Triton.
Kahit na hindi nila kaharap ang isa’t isa ay bakas sa boses nila ang saya. They are both smiling like an idiot while talking to each other. This is just the right energy that Alex needs. Pakiramdam niya, nasa tamang lalaki na siya. Pero hindi nasa tamang soon-to- be mother in law.
Saktong alas otso ng gabi sinundo ni Sandra ang kaibigan. Nakasuot ito ng party-dress at maypa-cleavage pa at slit. Expose na expose ang mahaba, makinis, at maputi nitong legs.
“Wow naman, Alex! Hindi naman halatang pinaghandaan mo ang party ano?” nakangising puna ni Sandra nang makita niya ang awrahan ng kaibigan niya.
Magsasalita na sana si Alex nang biglang lumabas mula sa kusina ang tiyahin niya. “At saan ka pupunta?” kunot noo nitong tanong sa dalaga habang nakataas pa ang kilay.
“Tita, niyaya po ako ni Sandra sa party. Huwag po kayong mag-alala, uuwi po ako ng maaga.”
Sinuyod siya ng tingin ng tiyahin niya mula ulo hanggang paa. “Wala bang mas maiksi pa diyan sa damit mo? Party party. Siguraduhin mo lang na uuwi ka ng maaga. Mamaya malaman ko na lang, natulad ka na sa mama mo.” Pangaral nito sa kanya.
Alex bit her lips and forced a smile. “H-Hindi po ako matutulad kay mama.”
“Sige na, alis na bago pa magbago ang isip ko. At iyang katawan mo, ingatan mo ‘yan. Pa-party-party, akala mo naman kayaman yaman, e halos wala na nga tayong makain, wala ka pang trabaho,” bubulong-bulong nitong sagot habang nakataas ang mga kilay.
As usual, pasok sa isang tenga, labas sa kaliwa ang ginawa ni Alex sa mga pinagsasabi ng tiyahin niya sa kanya. Kahit strikta iyon ay mahal niya iyon. Pero hindi siya puwedeng magpadala sa negative energy ngayong gabi. Kailangan niyang mag-enjoy.
Nang makarating sa party ay halos malula si Alex sa buong venue. Sobrang gara ng dekorasyon. Para siyang nasa palasyo.
“Well, kita ko sa mukha mo ang pagka-amaze. Celebration kasi ngayon ng cousin ko sa pagiging CEO niya. Pinasa na sa kanya ng daddy niya ang responsibility since magfo-focus na lang si Tito sa pagdo-doctor. Kaya kita niyaya dito.”
“Wow, iba talaga ang mga mayayaman ano? Pa-party party na lang.”
Kung anu-anong drinks ang pinag-iinom ni Alex out of her curiosity. Ayaw talaga nitong magpaawat. Makailang beses na siyang pinagsabihan ni Sandra na malalasing siya ng todo sa ginagawa niya pero tuloy pa rin siya at mukhang ngayon lang nakatikim ng alak.
Susuroy-suroy na si Alex at nandidilim na ang paningin niya nang mawala sa paningin niya si Sandra. “S-Saan n-n-na ba ‘yun?” nauutal na aniya sa sarili dahil sa kalasingan. Naniningkit na ang mga mata niya at hindi niya halos maimulat dahil sa bigat na dala ng kanyang talukap.
Sa sakit ng ulo niya, nagpasya siya na humanap ng isang kuwartong pwede niyang mapagbagsakan ng pagod niyang katawan. Pero halos lock ang lahat. Sa dami ng tao ay hindi naman na siguro siya mapapansin nito. Finally, sa huling kuwarto, tagumpay niya itong nabuksan. Halos gumapang na siya ng pumasok sa loob dahil sa sobrang dilim at walang kailaw-ilaw.
“Hmmmmm,” ungol niya nang ibinagsak niya ang katawan niya sa higaan. Bigla niyang naramdaman na hindi siya nag-iisa sa silid na ‘yon. Dala ng alak ay napayakap siya sa lalaki na nasa iisang kama kasama niya. But the guy responded to her with a very aggressive kiss. Nadala na siya ng tuluyan. It was a hot night. She just found herself finally giving in to that stranger at matagumpay niyang naibigay ang sarili niya dito.
Kinabukasan, nagising si Alex sa sobrang pananakit ng ulo at katawan niya. Napabalikwas siya ng bangon at halos nanlalaki ang mga mata nang makita ang h***d niyang katawan. Sinundan iyon ng lalaki na kalalabas lang mula sa banyo.
“I enjoyed your body last night. I can’t believe na maganda ka naman pa la,” tila wala lang na anito. Na para bang normal lang sa kanya ang makipagtalik.
“A-Ano’ng ginawa mo sa ‘kin??! Napakasama mo!!” galit na galit at umiiyak na sigaw niya habang takip-takip ng kumot ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Tila nagulat ang lalaki sa naging reaksyon nito. “What? Ano’ng ginawa ko sa ‘yo? O, baka naman ang ibig mong sabihin ay kung ano’ng ginawa natin? I’m used to that kind of modus, woman. Halata naman sa bawat ungol at indayog ng katawan mo kagabi na nag-enjoy ka,” nakangisi na sagot ng lalaki na nagpataas ng dugo ng dalaga.
Sa galit ni Alex ay isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng lalaki.
Iginalaw ng binata ang panga nito at tila hindi nagustohan ang ginawa niya.
Nag-panic ng todo ang dalaga saka pinagdadampot ang kanyang damit. Gusto niyang magsisigaw pero walang lumalabas sa bibig niya. Naramdaman na lang niya ang tuluyang pag-agos ng kanyang mga luha. Marumi na siya. Napakadumi na niyang babae. Ang pinakaiingat-ingatan niyang pagkababae na hindi niya naibigay kay Triton ay naisuko niya sa isang estranghero na nakasama niya ng isang gabi lang.
Hiyang-hiya si Alex nang umuwi sa kanila. Unang pumasok agad sa isip niya si Triton. Pinagtaksilan niya ito. Namamaga ang kanyang mga mata na dumiretso sa banyo para paliguan ang madumi niyang katawan. Habang umiiyak ay pinagsasabunutan niya ang sarili niya.“Ang tanga-tanga mo, Alex! Ang gaga mo! P-Paano na ngayon? Paano na ang kasal mo kay Triton? Ibinigay mo ang pagkababae mo sa isang lalaking hindi mo kilala! T*ngina. T*ngina talaga!” aniya habang nakasabunot sa kanyang sarili. Garalgal na ang boses niya kaiiyak.“Hoy, Alex! Ano ba? Matagal ka pa ba diyan? Ano’ng dinadrama mo? Ha?! Ihing-ihi na ‘ko rito, bwiset ka.” Boses ng tiyahin niya.Nataranta siyang napahilamos sa kanyang sarili. Gusto na lang niyang magpakalunod.“S-Saglit lang p-po,” nauutal na sagot niya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.Nang makalabas sa banyo a
Nagmamadaling lumabas si Alexandra para humagulgol sa tiyahin niya. She cried so hard. Kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata niya kaiiyak.“T-Tita,” she uttered as she cried on her aunt’s shoulders.Kunot-noo naman na humiwalay sa mga yakap niya ang kanyang tiyahin.“Ano bang problema mo, ha??” asik ng tiyahin niya.Gustong-gusto na talaga niyang sabihin. Ito na nga yata ang oras para masabi niya ang totoo sa tiyahin niya.“K-Kasi p-po-”Pinutol nito ang sasabihin ng dalaga. “Teka, sandali. Tumatawag ang kumare ko,” anito sabay sagot sa tawag. “Hello, mare. Ano’ng balita?” tanong pa nito sa kausap sa kabilang linya.”Naku, kumare! Huwag ka sanang mabibigla ha? E, kasi may kumakalat na larawan ngayon sa internet. Kamukha ni Alexandra. Aba e nakitang lumabas sa isang kuwarto, pagkatapos ay sinundan ng paglabas
Matapos ng isang buwang pananahimik ni Alexandra, ipinasok siya ni Sandra sa construction company ng tito nito. Ang Luthman’s Construction Company. Nagdamit siya ng disente para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Mag-iisang linggo na rin naman siya sa trabaho pero hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin siya ng diskriminasyon. Nang makarating siya sa kumpanya ay ramdam niya agad ang mga mapanghusgang mga titig sa kanya ng ibang mga employee. Akala niya tapos na ang lahat. Hindi pa pa la. Dahil mukhang hanggang dito, maanghang ang magiging trato sa kanya.Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay dinig pa niya ang bulong-bulungan ng mga ito.“Hindi ba’t iyan ang babaeng nag-viral sa facebook? ‘Yung lumabas sa isang kwarto kasama ng ibang lalaki?”“Oo. Alam mo ba, balita ko, ikakasal na dapat iyan ngayong buwan. E, sa lumandi. Ayan. Mabuti nga at natanggap pa dito.”“May pagka-makapal din ang mukha
Nagmamadaling dinala ni Zach ang dalaga sa clinic para ihiga ito doon at ma-monitor ng daddy niya. Lagot na naman siya nito. Inis na napasabunot siya sa kanyang buhok.“This damn woman. Of all the people that could work with me? Siya pa talaga?!” inis nitong sabi sa sarili.“Boss, nandito na po ang daddy niyo.” Ang body guard niya ang nagsalita.Agad na tumabi si Zach. “Dad, she passed out.” Pagpapaliwanag niya.“Oh, isn’t she familiar to you?” Pag-uusisa ng daddy nito na tila sinusubukan siyang hulihin kung ide-deny sa akto ang krimen na ginawa niya. Madalas kasi siya kung pagsabihan ng daddy niya na itigil na ang pambababae para makaiwas na siya sa gulo na dala ng mga ito pero matigas pa rin talaga si Zach. Walang makakapigil sa kanya.“She was the girl at the guest room, Dad,” sagot ni Zach habang hindi nakatingin sa daddy ni
Nang makauwi sa kanila si Alex ay halos mapatulala pa rin ito at hindi makapaniwala. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na nagdadalang tao siya. Nagbunga ang kasalanang nagawa niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na isang kilala at makapangyarihang tao ang nakabuntis sa kanya, o mas lalo lang iyong magbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ni Alexandra. Pero ngayong mukhang matatali na siya sa isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa bansa, hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya na tanggapin ang alok ni Doc. Zacaharias. Iyak pa rin siya nang iyak. Nasasaktan siya. Kung hindi siya gumawa ng mali, 'di sana kasal na sila ngayon ni Triton. 'Di sana, namumuhay na siya kasama ang lalaking pinangarap niya at hindi ang isang babaerong Zachary Luthman ang pakakasalan niya. Napakurap-kurap siya nang maamoy ang pagkain na galing sa maliit niyang kusina. Doon niya lang naisip na baka may iba
Nang makarating sina Alexandra sa mansion ng mga Luthman ay tila nanumbalik na naman lahat ng mapait na nangyari sa buhay niya mahigit isang buwan lang ang nakalilipas. Hindi niya inakala na sa isang simpleng pagkakamali na yon ay mababago ng napakalaki ng buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakakalipas pero para sa kanya ay sobrang dami nang nangyari at sa isang kisap mata, nawala ang lalaking pinakamamahal niya. Naalala niya ang bawat sulok ng mansion na ito kung saan ginanap noon ang party. Naalala niya kung gaano siyang parang tangang nagpakalasing. Naalala niya kung paano niyang pinasok ang kuwarto na sumira ng kasal niya dapat. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Everything is her fault. Hindi niya namamalayan na napaluha na pa la siya. Natigilan si Zach nang mapansin niya na hindi na nakasunod sa likoran niya ang dalaga. Nilingon niya. "Ano? Magda-drama ka na lang ba diyan?" Puna niya rito.
Nakabusangot si Alexandra habang nilalagay sa kanyang malaking walk-in cabinet sa loob ng kwarto ang mga damit niya. Ano'ng sabi niya? Mga basura lang itong dala ko? Bwiset talaga ang lalaking 'yon. Manganganak yata ako sa kanya ng wala sa oras! Inis na inis na aniya sa isipan habang iniisa-isa ang mga damit na dala-dala niya. Masyadong malaki ang kuwarto para lang sa kanya. Masyadong malungkot. Napakalungkot naman talagang mag-isa sa ganito kalaki at kagarang bahay. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa katahimikan nito. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan. "Ma'am, Alexandra. Kakain na raw po. Tara na po sa baba." Yaya ng isa sa mga katulong. Alam na alam agad niya iyon dahil ang mga katulong lang ang natawag ng ma'am sa kanya kahit pakiramdam niya ay hindi naman siya karapat-dapat na tawagin ng gano'n. Para sa kanya, parehas lang silang mga ordinaryong tao na walang mataas na antas sa lipunan. Napatigil siya sa
Kinaumagahan, maagang nag-ayos si Alex para pumasok sa trabaho. Maliit pa man din ang tiyan niya. Kaya pa niyang magtrabaho. Pakiramdam niya kasi ay mas magkakasakit siya lalo kapag namalagi lang siya sa bahay na walang ginagawa. Better go to work nang mapakinabangan naman siya ng mga Luthman. Pagdating doon ay halos suriin na naman siya ng tingin mga kasamahan niya sa trabaho. Mula ulo hanggang paa kung makatingin ito sa kanya. Akala niya ay makakaligtas na siya sa mga mapangmatang mga tingin ng mga ito, pero nagkakamali siya. Hindi na nga yata sila natatapos sa pangungutya sa kanya. Wala bang katapusan ang lahat nang mga ito?"Ang kapal talaga ng mukha niya ano? Pagkatapos niyang duro-duruin ang CEO natin noong nakaraan? Papasok siya dito na taas noo at parang walang nangyari? Oh my gosh, nakakahiya!" sabi ng isa."Oo nga, dai! Makapal talaga. Ewan ko nga rin kung bakit gano'n na lang ang lakas ng loob niyan na pumasok pa pagkatapos nang lahat lah