BINALAK pang sundan ni Zach sina Alex at Triton nung una. But he immediately stopped nang medyo napansin ng mga ito na may nakasunod sa kanila. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo niya. Hindi niya kasi matanggap ang nakita niya. Ewan niya ba. Para kasing may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya nang makita niya ang dalawa at magkasama, nakangiti pa sa isa’t isa.
“Damn! Damn!” sigaw niya habang pinaghahampas ang manibela ng kanyang kotse. He’s stocked here in the middle of the road. Tila wala na siyang lakas pang magmaneho. Iniisip niya na parang niloloko niya lang ang sarili niya sa ginagawa niya.
Umalis siya para makapag-isip isip. Umalis siya para ayusin ang sarili niya. Pero mukhang lalo niya lang binigyan ng dahilan si Triton na umeksena. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya, pero bakit kailangan niyang masaktan ng ganito?
***
“Zach! Nasaan ka ba kanina? Saan ka nagpunta? I kept calling
IT’S been months since the day Alex left the Luthman Mansion. Mula rin ng araw na ‘yon ay hindi na niya nakita pa ni anino ni Zach. Mas lalo siyang nanghina. Somehow, umaasa pa rin kasi siya na may katiting na pag-aalala si Zach para sa kanya at sa anak niya. Pero siguro nga, mali siya ng iniisip. She’s been going to the gym every weekend with Sandra. Palibhasa, hindi niya ito matanggihan sa tuwing nagyayaya ito na mag work-out sa gym dahil pinaninindigan niya ang pangako niya sa sarili na tutulungan niya si Alex. And now she’s making it happen. Sandra took a gulp on her favorite energy drink. Parehas na tagaktak ang pawis nila ni Alex. Katatapos lang kasi nila sa bawat routin na in-execute nila. “Whoo! That was so exhausting!” ani Sandra sabay buga ng hangin. Binagsak nila ang kanilang katawan sa bench sabay punas ng pawis. Hinihingal pa si Alex dahil first time niya yatang ginawa ang ganito sa tanang buhay niya. Hindi pa la biro ang mag work-out? Oh
UMAGA pa lang ay handa na si Alex para pumasok sa trabaho. It took her a week to prepare para sa pagpasok niya sa kumpanya nina Triton. It’s as big as the Luthman’s Construction Corp. Pero, higit na namamayagpag ang mga Luthman although, Triton’s family is still a millionare. He grew up with a silver spoon dahil namulat na agad siya sa pamilya niya na mga business person. Siguro, innate na iyon halos sa mga Chinese. Tila pinanganak na lang sila para maging business individual. The reason why most of them are successful in life. Alex grabbed her bag. Sinsuksok niya doon ang packed lunch na hinanda sa kanya ni Manang Nancy. In fairness kay manang, nanay material din siya. Kaya mabilis lang sila magkasundo ni Alexandra. At one moment, natigilan siya dahil naalala niya ang tiyahin niya. Napakagat siya ng labi dahil sa pag-aalala. Hindi pa pala niya nasasabi sa tiyab niya ang totoo months ago. Kung ano nga ba talaga ang nangyari.
“SO, can you at least tell me something about Triton?” Matamis pa ang naging mga ngiti ni Chena kay Alexandra ngayon na inanyayahan niya ito na kumain sa labas. Paano nga ba naman siya matatanggihan ni Alex? Para siyang may kausap na isang anghel sa katauhan ni Chena. She look so kin and pure. Parang ang sama niya naman kung tatanggi siya sa paanyaya nito. Besides, mukha talaga itong mabait. Tila bumara ang cheese cake sa lalamunan ni Alex nang sabihin iyon ni Chena sa harap niya. So, this girl is really clueless that I am Triton’s ex? Kung sa bagay, baka sa China pa ito galing. Oh my. Paano kapag nalaman niya na ex ako ni Triton? Baka pasabugan ako ng nuclear bomb sa mukha! Wika ni Alex sa kanyang isipan. Hindi niya namamalayan na nawawala na siya sa sarili at kung ano ano na ang iniisip niya. Kung saan-saan na nakakaabot ang imagination niya. “Hey, Um. . .Alex? Are you still with me?” Winagayway pa ni Chena ang k
Biglang nabuhayan ng loob si Alex nang makatanggap siya ng tawag kay Sandra na nasa mall ito kasama ni Manang Nancy. Sinabi rin nito na siya ang nagyaya sa matanda sa mall para bumili ng ilang mga pangangailangan ni Baby Zeph. Mangiyak-ngiyak pa siya nang malaman niya iyon dahil kahit kailan ay hindi talaga nakakalimot si Sandra na tulungan siya kahit na hindi niya naman hinihingi. Papunta na siya sa mall ngayon at ewan niya ba. May iba siyang kutob. Mabigat ang dibdib niya habang papalapit siya sa mall. Sumakay lang siya sa taxi. Pagkababa niya ay halos takbuhin na niya papasok ng mall. Tila mag-slow motion ang paligid niya nang pagpasok niya pa lamang sa entrance ay natanaw niya na agad sa loob ng mall sina Akira at Zach. Parang gusto na lamang niyang pumikit. Parang gusto na lamang niyang umatras. Tinutusok ang puso niya. Hindi siya makahinga. She acted as if she saw nothing. Wala siyang magagawa dahil magkakasalubong sila. Tila
Nanlalamig pa ang mga kamay ni Alex nang pasukin niya ang meeting room. Just this morning, she received a message from Triton telling her to proceed to the meeting dahil ngayong araw ay pormal siyangn ipapakilala ng binata sa mga colleagues nito. Nariyan ang kaba. Napakarami niyang iniisip. Na baka hindi siya magustohan ng mga ito. Na baka, makilala siya ng mga ito na naging involved sa issue ng kumalat na mga litrato online. Nahihiya siya dahil wala syang sapat na lakas ng loob. Paano kung maulit muli ‘yung nangyari sa kanya sa kumpanya ng mga Luthman? Maging suki kaya siya muli ng bullying? Pagkarating niya doon ay halos wala pang tao. Iilan pa lang. Kahit kabado ay pilit niyang nilakasan at tinapangan ang kanyang loob. She was about to utter good morning nang biglang tumayo ang isang bading sa dulo. “Good morning, Madam! Rinig ko, ikaw ang bagong secretary ni Sir? Nice to meet you!” ngiting-ngiti pa ito nang sabihin niy
"DAMN! Damn! Damn that as*hole!" Sigaw ni Zach ang umalingawngaw sa apat na sulok ng condo unit niya. Tiim ang bagang niya habang iniisip ang pakikipagbalikan ni Alex kay Triton. Para siyang tinutusok sa kaibuturan ng puso niya. Nahihirapan siyang huminga.This is not what he wanted. This is not what he planned. He distant himself para subukin ang sarili niya if he can really live without Alex and the baby. He can, but it's so lonely.Ang lungkot mabuhay mag-isa. But he tried. He tried to test himself kung hanggang kailan siya magiging handa na pagbuksan muli ang puso niya. He was almost there! He was about to open his f*cking heart. And this happened. Iyon lang naman, e. Gusto niya lang naman na kumpirmahin ang lahat. At nasaktan pa siya sa nalaman niya. So totoo nga. Totoo nga na nagkabalikan na sila. Hindi niya alam kung saan niya huhugutin ang lakas ng loob para bawiin ang mag-ina niya. Dahil unang-una, inabandona niya ang mga ito dahil sa kaduwagan niya. Duwag
NAG-AALANGAN na bumalik si Alex sa bahay ng mga Luthman sa dahilang naroon pa la ang matanda. Nung nakaraan kasi na bumisita siya ay hindi niya nadatnan ang pamangkin niya kaya bumalik siya ngayon. Ngiting-ngiti pa ito nang papasok sa mansiyon ng mga Luthman. Wala nang harangang nangyari dahil kilala na rin ito ng mga guwardya. Wala nang bungangaan dahil literal na mabunganga talaga ito. “O, ano? Kakaladkarin niyo na naman ba ako?” Taas kilay nitong bungad sa mga guwardya dahil na kulang na lang ay tumirik ang mata nito kaka-roll eyes. Aba, dapat lang na matakot sila sa akin at sa bunganga ko dahil apo ko ang alas nila rito. Wika niya sa isipan. Saka niya napansin na tila nagbubulungan ang ilang mga katiwala sa loob na tila ba may isang bagay na wala siyang nalalaman. Saktong pag-apak niya sa mansiyon ay nakasalubong nito sa muli si Zach na may dalang mga gamit. Agad na nangunot ang noo nito na tila iniisip kung an
“BITAWAN mo ‘ko!” Pagpupumiglas ni Alex nang hawakan ni Zach ang kanyang kamay. Karga nito si Baby Zeph pero ni ayaw niyang mahawakan siya ni Zach. “Alex, ano ba? I’m trying to be nice here!” Tila gustong matawa ni Alex sa mga sinabi nito. Is this being nice? “If you are really a nice person, Zach, hindi mo tatalikuran ang responsibilidad mo.” Pagdidiin niya saka mas lalong inilayo ang sarili kay Zach na siyang nagbuhat ng lahat ng mga bagahe niya. Napatiim-bagang na lang si Zach para manahimik. Sa mga sinabi kasi ni Alex ay tila umatras na ng tuluyan ang dila niya. She’s a hundred percent right. He had been a coward. Pagpasok sa loob ng mansiyon ay agad na napatayo ang tiyahin ni Alex nang makita niya ang pamangkin niya na karga ang anak nito. Kasunod nila sa likod si Zach na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. “Mabuti naman at naniwala ka sa ‘kin bata ka! Ngayon, maupo kayong dalawa!” Mariing utos ni