Share

The Cassanova's Regret:  The Runaway Wife with their Twin
The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin
Author: Shea.anne

Kabanata 1- Contract Marriage

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2025-01-19 12:44:36

Third Person’s Point of View

Palabas pa lamang si Dianne nang marinig niya ang balitang nag-flash sa screen ng TV.

“Dumating ang Presidente ng Chavez Group sa Airport bandang alas-tres ng hapon. Bumababa siya mula sa bagong bili niyang sasakyan na Gulfstream G700, sabi ng iba binili ito ng presidente para lang sa babaeng babalik pa lang ng bansa. Walang iba kundi si Lallainne Anne Santos, personal na sinundo ito ni President Tyler dala ang magagara at sobrang pulang rosas para sa nag-iisang reyna.” Ika ng reporter.

Nang makita ni Tyler si Dianne ay agad niya itong hinawakan sa magkabilang tagiliran ng bewang. Nasasaktan si Dianne sa ginagawa ni Tyler pero nanatili ang kaniyang mata sa telebisyon hanggang sa bumagsak siya sa kama. Patuloy siyang hinahalikan ng lalaki, ginagawa nito ang gusto niya sa katawan ni Dianne. Wala namang pakialam si Dianne dahil mas nakuha ng atensyon niya ang balita.

“Ano ba? Mag-focus ka nga sa akin!” inis na sabi ni Tyler.

Hinarap naman ni Dianne si Tyler. Nang masatisfy siya ay inalis niya ang condom sa kaniyang sarili.

Nanatili pa din ang atensyon ni Dianne sa Tv. Makikita doon ang masaya at malawak na ngiti ni Tyler para kay Lallaine. Kung makikita ito ng iba, iisipin nilang sobrang pagmamahal ni Tyler para sa napakagandang dalaga sa kaniyang harapan.

Nang hindi pinansin ni Dianne ang pag-aamok ni Tyler ay pinatay ito ng binata. Tumayo at humakbang papunta sa banyo. Makikita ang pagkainis nito sa naging aksyon ni Dianne.

Ngunit hindi maalis sa isip ni Dianne ang nakita niya sa Tv. Madaming reporter ang pumalibot kay Tyler at Lallaine at tinanong sila nang isang bagay. “Mr. Chavez, ngayong nakabalik na si Ms. Lallaine sa bansa. Magpapakasal na ba agad kayo o may iba pang plano?” inabangan ni Dianne ang sagot ngunit pinatay na nga ito ng binata kanina.

Huminga na lang ng malalim si Dianne.

...

Nakita ni Dianne ang cellphone ni Tyler. Umiilaw ito nang silipin niya ay nakarehistro ang pangalan ni Lallaine sa screen. Hindi niya na lang ito pinansin. Inalis niya ang suot niyang bathrob at nagpalit ng night gown.

Nang Lumabas siya mula sa walk in closet ay nadatnan niya si Tyler na nakatihaya sa kama at hawak ang cellphone sa mukha nito. Nakatali lang ang tuwalya sa pang-ibabang bahagi nito, may pumapatak pang tubig mula sa kaniyang buhok, maging ang kaniyang collarbone ay may mamuo-muong tubig hanggang sa kaniyang tyan. Kinuha ni Dianne ang tuwalya sa sofa at susubukan sanang punasan si Tyler. Ngunit umiwas ito at pinatay ang kaniyang Cellphone. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at may kinuhang papeles, inabot naman ito kay Dianne.

“Annulment paper?” nakakunot ang tanong ni Dianne habang binabasa ang front page.

“I need your signed in two days. Agad kong ipapadala ang perang napagkasunduan sa iyong accont, walang labis, walang kulang!” Malamig na sabi ni Tyler.

Ilang sandaling natahimik si Dianne bago nagsalita. “Hindi ba masyado pang maaga ito? Ayon sa ating napagkasunduan, may tatlong buwan pa bago magtatlong taon.”

Napa-smirk si Tyler dahil dito. Tumingin siya ng malamig at matalim kay Dianne. “Huwag mong sabihin na nasasanay ka na sa pagiging babaero ko kaya hindi mo na ako kayang bitawan pa?”

“Haha Hindi ko akalain na gano’n kahalaga sa iyo si Lallaine para labagin moa ng ating kasunduan.” Agad na sagot ni Dianne nang makabawi siya sa pagkagulat na sagot ng binata kanina.

“Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Wala ka ding karapatan na alamin kung ano ang namamagitan sa amin ni Anne.” Naging mas matalim ang tingin ni Tyler kay Dianne. “Huwag kang mag-alala, ibibigay ko ang bawat penalty sa tatlong buwan na paglabag.”

“Okay.” Kinuha ni Dianne ang annulment paper. “Settle the penalty as soon as possible.”

Tiningnan lang siya ni Tyler ng malamig bago tuluyang lumabas.

Wala pang tatlong taong kasal si Dianne at Tyler. Dalawang taon at siyam na buwan sa makatuwid. Sa loob ng mga panahong ‘yon kahit kailan ay hindi sila natutulog magkasama sa iisang kama. Natutulog si Tyler sa master Bedroom at sa guest room naman si Dianne. May nangyayari sa kanila madalas ngunit pagkatapos gamitin ay aalis na ang lalaki. Walang kaibihan ang nangyari ngayon sa mga nakaraan, ito ang nasa isip ni Dianne nang makalayo na si Tyler.

Makalipas ang halos dalawang linggo. Napapansin ni Dianne na napapadalas ang pagsakit ng kaniyang tyan. Sumasama na lamang bigla ang kaniyang pakiramdam. Sa kaniyang pag-iisip, naalala niya ang huling araw na nagkita sila ni Tyler, iyon ang araw na hiningi nito na pirmahan niya ang annulment paper. Ang nangyari sa kanila ng gabing iyon ay hindi kaaya-aya at hindi magandang pangyayari kaya naman lalong sumama ang pakiramdam niya.

Kinabukasan, napagpasyahan niyang pumunta sa hospital upang malaman ang kaniyang dahilan ng kaniyang nararamdaman.

“Congratulations Mrs. Chavez. Buntis ka po sa tatlong buwang kambal sa inyong tyan. Ngunit hindi maganda ang kaniyang lagay kaya naman rerekomendahan ko kayo ng gamot pampakapit sa bata.” Natigilan si Dianne. Gusto niya sanang bawiin ang sinabi nitong Mrs. Chavez ngunit naiwan sa ere ang kaniyang mga salita.

Sigurado si Dianne na simula nang ikasal sila ni Tyler ay gumagamit ito ng proteksyon. Lalo pa at ayaw ni Tyler na si Dianne ang maging ina ng anak nito. Ikinasal lamang silang dalawa ni Tyler para protektahan ang posisyon ni Lallaine sa kaniyang pamilya. Kahit deal lang ang kasal nila, sigurado si Dianne na minahal niya si Tyler. Ngunit akala ni Tyler ay pumayag lang siya sa kasunduan ng tatlong taong kasal para lang sa tatlongpong million pesos.

Inalagaan ni Dianne si Tyler, naging mabuti siyang asawa. Umaasa siyang isang araw makita ito ni Tyler at mahulog sa kaniya. Ngunit sa huli, tinanong na lang ni Dianne ang dyos kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng ito.

Naguguluhan na si Dianne, napirmahan na niya ang annulment paper at nasa account na din niya ang pera tapos ngayon malalaman niyang buntis siya at si Axl Tyler Chavez ang ama. Ang Presidente ng multimillionaire company na Chavez Group of company.

“Mrs. Chavez, gusto mo bang matingnan sa VIP ward para sa kalagayan mo?” Hindi sumagot si Dianne. Narinig niyang nag-ring ang kaniyang Cellphone sa loob ng kaniyang bag. Si Tyler ang tumatawag sa kaniya. Nag-aatabuli pa siyang sagutin ito.

“Paano ka nabuntis? Bakit?!” galit na tanong ni Tyler nang sagutin niya ang tawag. Bago pa magsalita si Dianne ay agad na nagbigay ng utos si Tyler.

“Ipalalag mo ang bata! Hayaan mong gawin ng doctor ang makakaya niya para mawala ‘yan sa sinapupunan mo bago tayo tuluyang maghiwalay!”

Parang patalim na sinasaksak si Diannae sa sinabi ni Tyler. Nasasaktan siyang gusto ipalaglag ng binata ang bata sa kaniyang sinapupunan. Nanginginig siya sa sakit dahil dito

Binabayaran siya ni Tyler para sumunod sa lahat ng kagustuhan ng binata. Ngunit ngayon, iba na ang sitwasyon. Napaiyak si Dianne bago siya nagtanong. “Tyler… paano kung ayaw ko? Paano kung gusto ko siyang buhayin?”

“Wala kang karapatang hindi sumunod sa akin sa akin Dianna!” Pagkatapos ay ibinababa nito ang tawag.

Ngumiti si Dianne sa doctor. Sumang-ayon siya na ayusin nito ang konsultasyon para protektahan ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Bukod sa mahal niya si Tyler kaya niya ito sinusunod. Kundi mataas ang posisyon ng binata sa bansa. SIya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng malaking kompanya at presidente. Ito lang ang nasasandalan niya sa loob ng tatlong taon.

Na-bankrupt ang kaniyang pamilya. Ang mga ito ay tumakas para makaiwas sa malaking utang. Walang tahanan o inang matatakbuhan si Dianne. Kaya naman hindi siya handa sa pagnyayari.

Habang nakahiga siya at inaayos ng doctor ang nilalagay na IV Protection para sa kaniyang pagbubuntis. Ilang sandali lang siy pumasok si Tyler sa loob na puno ng galit ang kaniyang mukha. Tiningnan lang ni Dianne si Tyler ng kalmado at walang emosyon.

"Naglalaro ka ba sa akin?"

Matalim at malamig ang tingin sa kaniya ni Tyler. Puno ng galit ang mga salita nito. “Tyler… Hindi ka dapat maging irresponsableng tao.” Umarko ang kilay ni Tyler at lumalim ang boses nito lalo.

"Sabihin mo nga, paano ka nabuntis?"

Ngumiti lang ng mapait si Dianne. “Don’t worry Tyler, this child is 100% percent yours.”

“Ow” natatawa na mag pang-iinsulto si Tyler. “Ang talino mo din noh? Para hindi tayo maghiwalay at hindi matuloy ang annulment nagpabuntis ka.. Paano? IVF? Test tube baby? Ano?! Sabihin mo?”

"What?! ako ba ang tinatanong mo o sarili mo mismo?" sagot ni Dianne na may matalim na ngiti. “Magkasama tayo sa bahay. Kung gagawin ko ang mga sinasabi mo, malamang sa malamang mapapansin mo. Ito ngang pagpunta ko ngayon ay agad mong nalaman, iyan pa kayang mga proseso na komplikado.”

"Diannaaa!" lalong nag-init ang ulo ni Tyler, at ang mga ugat sa kanyang noo ay tumubo.

Sa loob ng tatlong taon, alam ni Dianna na babaero si Tyler pero hindi niya akalain na ganito ito kasama.

“Pumunta ka sa doctor, sabihin mong ipapalaglag ang bata, kung kailangang operahan kahit magkano.” Utos ni Tyler sa kaniyang assistant.

“Tyler!! Hayaan mong mabuhay ang bata. Bubuhayin ko siya.” Malumanay at may diterminasyong sabi ni Dianna. Nakatingin siyangmatalim sa mata ni Tyler.

Napa-smirk si Tyler. “Sa tingin mo ba, ikakansela ko ang annulment kung may mabubuhay na bata?”

Hindi nakapagsalita si Dianna. Sandali siyang nanahimik at nag-isip ng mabuti.

“Sige! Buhayin mo na lang ang bata. Since hindi kayang magbuntis ni Lallaine, wala naman sigurong masama kung hiramin niya ang eggs at sinapupunan mo. Sa gano’n paraan maiiwasan din siyang dumanas na siyam na buwang pagbubuntis.”

"Ano? Anong sinasabi mo Tyler, anong ibig mong sabihin?" tanong ni Dianna, tinitigan siya ni Tyler ng may malamig na tingin at nagsalita ng malinaw, "Ang ibig kong sabihin, pwedeng manatili ang bata, si Lallaine ang magiging mabuting ina ng mga anak ko, ngunit ikaw, kailangan mong umalis."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Shea.anne
alam ko po paano tapusin ang story. pero hindi po kasi lahat kaya kong gawin, ipaprio ko kung ano iyong dapat. sensya na po.
goodnovel comment avatar
Shea.anne
Kasi on going pa po ito. 3 weeks pa lang po kasi
goodnovel comment avatar
Shea.anne
hindi po madaling maging writer
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 585

    Sa loob ng susunod na dalawang taon, nakatutok si Ashley sa kanyang karera. Halos wala siya sa lugar sa sobrang dami ng ginagawa.Pero tuwing nandoroon siya, lagi namang nasa tabi niya si Ken. Kaya hindi niya kailanman naramdaman ang kalungkutan. Busog na busog ang buhay nila ng kanyang anak sa saya, at dahil doon, ni hindi pumasok sa isip niya ang maghanap ng ibang lalaking mamahalin o pakakasalan pa.Pakiramdam niya, kumpleto na siya.May mga kaibigang sina Dianne at Dexter na higit pa sa kapatid ang turing.Isang matagumpay na karera.Isang anak na gaya ni Ken—masunurin, matalino, at kahanga-hanga.At higit sa lahat, hindi siya kapos sa pera.Ano pa ba ang dapat niyang hanapin? Bakit pa siya mangangailangan ng lalaki?Hindi niya kailangan. Hindi kailanman.Kaya kahit dalawang taon nang walang tigil ang paghabol—o dapat sabihing panggugulo—ni Kent, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang makipagbalikan dito.Oo, hindi kailanman. Kahit isang segundo, wala.At huwag mong sabihing dah

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 584

    Gabi na nang manatili si Ashley sa Condo Apartment.Tumawag si Ken at nagtanong kung kailan siya uuwi.Sandaling nag-isip si Ashley bago nagsabi nang diretsahan sa bata, “Ken, nagpasya na ang tatay mo at ako na maghiwalay at hindi na magsasama. Gusto mo bang sumama sa akin o sa tatay mo?”“Syempre, kung pipiliin mong sumama sa akin, kailangan pa rin natin ang pahintulot ng tatay mo.”Hindi malinaw kung si Ken mismo ang nag-isip o nagtanong muna kay Kent, pero sumagot ito, “Mom, kapag nandito ka sa bahay, gusto kong sumama sa’yo. Kapag nasa business trip ka, kay Dad naman ako. Pwede ba ‘yun?”“Syempre naman,” masayang tinanggap ni Ashley, “Sige, susunduin na kita ngayon.”Kahit walong taong gulang pa lang si Ken, ibinibigay nito kay Ashley ang init at pag-aaruga na hindi kayang ibigay ng iba.Halos dalawang taon na silang magkasama at matagal na niyang itinuring na sariling anak ang bata.Basta kasama niya si Ken, hinding-hindi niya ito pababayaan.“Okay Mom, hihintayin kita,” masayang

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 583

    Sa opisina, halos nailabas na ni Ashley lahat ng bigat at sama ng loob sa puso niya.Habang kukuha sana siya ng tissue para punasan ang luha at sipon, aksidente niyang nasagi ang isang kristal na palamuti sa mesa.Bumagsak iyon at nabasag sa sahig sa isang iglap.Tiningnan ni Ashley ang nagkalat na kristal sa sahig at napailing. Ang malas niya talaga ngayong araw.Pero mabuti na lang, nakapaghain na sila ni Kent ng diborsyo at malapit na siyang tuluyang wala nang kinalaman dito.Habang iniisip niya iyon, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina. Napatingin si Ashley at nakita si Kent sa may pintuan, halatang balisa at nag-aalala.Pagkakita ni Kent kay Ashley na tumutulo ang luha at namumugto ang mga mata na parang kuneho, natigilan siya sa takot.Lumingon si Ashley palayo nang may pagkamuhi, itinulak ang malaking upuan at mabilis na tumayo papunta sa lounge.Nagkamalay si Kent at hinabol siya, hinarang siya bago makapasok sa pinto.“Lumabas ka!” malamig ang tingin ni Ashley a

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 582

    “Kiss.”Bahagyang tumango si Kent at nagpatuloy, “Si Betty ang nagpa-set up para malagyan ako ng gamot sa dinner party. Pagpunta ko sa bahay ng Lin para sunduin si Ken, kumilos na ‘yung gamot. Akala ko ikaw si Betty… kaya nahalikan ko siya.”Tinitigan siya ni Ashley, gulat at walang masabi. Bumuka ang bibig pero walang lumabas na salita.“Pero halik lang ‘yon, wala nang iba. Dumiretso ako sa ospital pagkatapos,” dagdag ni Kent.Nanatiling nakatingin si Ashley sa kanya at saka niya naintindihan kung bakit kagabi, para bang isang beses nang namatay si Kent—mahina at halos hindi makahinga.Pero wala na ‘yong halaga sa kanya ngayon.Itinaas niya ang kilay at malamig na sinabi, “Sinabi ko na sa’yo, maghihiwalay na tayo sa kalahating buwan. Wala ka nang kailangang ipaliwanag.”“May kailangan. Oo, may kailangan pa,” mariing sagot ni Kent.Nakatingin siya kay Ashley, nangingintab ang gilid ng kanyang mga mata. “Ashley, pitong taon na ang nakalipas… natulog ka ba sa isang lalaking hindi mo kil

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 581

    Habang nag-aabang siya nang balisa, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng private box at pumasok sina Kent at ang assistant niya. Pinilit ni Betty na manatiling kalmado, nakangiti kay Kent pero mas pangit pa kaysa umiiyak ang ngiti niya.“… Kuya Kent, nandito ka na,” mahina at nanginginig ang boses niya.Matulis at malamig ang titig ni Kent sa kanya. Dumiretso siya sa sofa sa tapat nito, umupo, ini-cross ang mahahaba niyang binti at sumandal nang may bihirang tapang at bangis sa aura.“Alam mo ba kung bakit ka dinala rito ngayong gabi?”Umiling si Betty na parang rattle, “Hindi… hindi ko alam! Kuya Kent, ano… ano’ng nangyari?”“Kung ayaw mong ikaw ang magsabi, ipapasabi ko sa iba,” malamig na tugon ni Kent.“Ms. Sanchez…”“Kuya Kent!”Bubuka pa lang sana ang bibig ng assistant nang manginig nang todo ang buong katawan ni Betty. Nadulas siya pababa sa sofa at napaluhod sa sahig.“Kuya Kent, wala akong kinalaman dito. Si Darren ang may pakana. Siya ang nagpa-drug sa’yo para may mang

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 580

    Hindi lang si Kent ang hindi makita, pati si Betty ay wala rin.“Mrs. Sanchez, nasaan ang asawa ko at si Betty?” tanong niya.“Ah, lumabas si Wen Sheng kasama si Betty. Malamang hindi na sila uuwi ngayong gabi,” sagot ni Mrs. Sanchez na parang wala lang.Magkasama silang umalis.Hindi na uuwi ngayong gabi.Napangisi si Ashley nang may halong pang-uuyam at hindi na nag-usisa pa. Inabot na lang niya ang kamay kay Ken. “Halika na, Ken, uwi na tayo.”“Opo.” Agad lumapit si Ken, hinawakan ang kamay niya at handa nang umalis.“Ken, hindi ka ba talaga makikinig?” biglang hawak ni Mrs. Sanchez kay Ken at sigaw pa.“Mrs. Sanchez, sinabi na ni Ken na ayaw na niyang manatili at gusto niyang sumama sa’kin pauwi,” seryoso at matalim ang tingin ni Ashley kay Mrs. Sanchez.“Ms. Ashley, stepmother ka lang ni Ken at ako ang totoong lola niya. Siya lang ang nag-iisang apo ko. Sabihin mo nga, paano ko siya basta ibibigay sa’yo?” balik ni Mrs. Sanchez, halatang may ibig ipahiwatig.Ngumiti lang nang baha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status