Share

Kabanata 2- Second Hand Goods

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2025-01-19 12:45:20

Makalipas ang tatlong araw na pananatili ni Dianna sa hospital ay umuwi siya sa tinitirhan nila ni Tyler. Nang makarating siya ay nakita niya si Lyka, ang personal na assistant ni Tyler, nagliligpit ito ng mga gamit ni Tyler.

Nakalagay sa madaming maleta ang mga gamit nito, akala ni Dianna ay magbabakasyon lamang si Tyler. Ngunit sobrang dami nito, magtatanong sana siya nang magsalita si Lyka. “Ms. Dianne, inutusan ako ni Mr. President na kunin ang lahat ng binigay niya sa iyo, kasama na doon ang alahas, bag, damit at iba pa.”

Napaawang ang bibig ni Dianne sa gulat at nanlaki ang kaniyang mata. Ngumiti na lang siya at hinayaan na magsalita si Lyka.

“Huwag na. Lahat ng gamit dito ay pag-aari niya, you can take it all, maliban sa mga gamit ko sa pharmacy. Aalis ako kasama no’n.” sabi niya kay Lyka.

Hindi pinagpatuloy ni Dianne ang makapag-aral niya at ang training niya sa kanilang negosyo, three years ago. Nang makapagtapos siyang mag-aral ay naging asawa at full time house wife siya ni Tyler. Wala pa siyang karanasan sa pagtatrabaho outsie the house.

Alam ng assistant ni Tyler na mahina at walang kakayahan si Dianne kaya medyo nag-aalinlangan siya. “Tawagan ko po muna si Sir.”

Ngumiti si Dianne ng may hinanakit. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa research room niya sa loob ng bahay. Nandoon nakalagay ang mga produkto na dinidevelop niya.

“Hayaan mo siya, tingnan natin hanggang saan aabutin ang tigas ng ulo niya.” Sabi ni Tyler mula sa kabilang linya kay Lyka.

Matapos ma-iligpit ni Dianne ang mga gamit niya para sa pharmacy ay iniligay niya ito sa loob ng kotse. Nakasunod naman sa kaniys si Lyka.

“Ms. Dianne, that car was owned by mr. President.” Nahihiyang sabi ni Lyka.

"Oo nga pala," sagot ni Dianne na hindi tinatago ang pagiging matigas ang ulo. "Sorry, nakalimutan ko.” Inalis niya ang mga gamit niya doon at tumingin kay Lyka. “Ang mga sapatos na ito, ang damit na sinuot ko ay binili gamit ang pera niya, kailangan ko din bang hubarin?”

Natahimik si Lyka at nahihiyang magsalita. “Pwede naman po kayong manatili Ms. Dianne.” Ngunit matigas talaga ang ulo ni Dianne. Desidido siyang gawin ang gusto niya.

Umakyat sa 3rd floor si Dianne. Hinanap niya ang ternong damit na suot niya nang dumating siya sa pammahay ni Tyler, 3 years ago. Kasunod niya si Lyka na halatang binabantayan ang galaw niya. “Can I check you Ms. Dianne, baka lang may kinuha ka pang iba.”

“Sige, kapkapan mo ako.” Matigas na sabi ni Dianne.

Nang lumabas siya mansyon ay naupo siya sa isang gilid. Hinihintay ang kaniyang kaibigan na susundo sa kaniya.

Bago siya lumabas ng hospital, sinabi ng doctor na huwag siyang masyadong gumalaw. Ngunit heto siya ngayon, nasal abas at lamig na lamig habang umiiyak. Sa totoo lang walang pakialam si Dianne sa lamig, sanay na ang kaniyang katawan sa yelo. Naalala niya noong 19 years old pa lamang siya, habang nagbabaksyon sila sa Japan. Nagyeyelo ang ilog noon, pero hindi siya nagdalawang isip na iligtas si Tyler pero hindi siya agad na-rescue. Isa din ito sa dahilan kung bakit mahihirapan siyang magbuntis kaya isang himala na may kambal sa kaniyang tyan. Kaya hindi siya papayag na may masamang mangyari dito.

Ilang minuto lang, dumating na ang kaibigan ni Dianne at sumundo sa kanya.

"Anong nangyayari?"

Tumigil si Dexter sa kalsada kung nasaan si Dianne na nakaupo sa bata, nakasuot ng lumang damit at nakatsinelas. Dala ang malaking box ng produkto niya.

“Pinalayas niya ako.” Mapait na ngiti ni Dianne. Napatulala naman si Dexter. “Ano? Tutula ka na lang dyan? Baka gusto mo akong tulungan di ba?”

Napangiti si Dexter na kayang magbiro ni Dianne kahit mahirap na ang sitwasyon.

"Nagdesisyon si Tyler na makipag-hiwalay sa iyo dahil kay Lallainne?"

Nakarating kay Dexter ang mga balita tungkol sa dalawa.

"Oo, parang ganun nga." Sagot ni Dianne ng walang emosyon.

Mabilis na lumapit si Dexter at hinawakan siya upang pigilang buhatin ang box

Dahil mahina si Dianne ay mabilis siyang natabig ni Dexter, dahilan para matumba sila parehong dalawa.

Nagulat si Dexter at agad siyang niyakap.

Maya-maya, dumating ang isang itim na Cullinan. Mula sa likod ng sasakyan, si Tyler ay nakatingin sa bintana at malinaw niyang nakita ang nangyayari.

Ang dati niyang matalim na mukha, na parang hinubog ng kalawakan, ay tila nagyelo, at naging sobrang malamig.

Pinahinto niya ang sasakyan sa dapat ng dalawa. Mabilis na nakatayo si Dianne at napansin niya ang sasakyan sa gilid. Tiningnan niya ito at kalmado siyang humarap;

Dahan-dahang binaba ang rear window ng Cullinan, at lumabas ang malamig at matalim na itsura ni Tyler. Bumaba ng sasakyan si Tyler.

“Bakit Tyler? Nagmamadali ka bang umuwi para tingnan kung may kinuha ako sa mga gamit mo?”

“Bakit? Sa tingin mo papalampasin ko kung may kinuha kang hindi dapat sa iyo?” tanong pabalik ni Tyler kay Dianne.

Tumawa si Dianne. “Kung iyan ang tingin mo sa akin, wala na akong pakialam.”

“Talaga?” nag-smirk si Tyler. “Ipalaglag moa ng bata sa tyan mo sa gano’n tuluyan na tayong walang ugnayan.”

Bata sa tiyan?! Gulat na tanong ni Dexter sa kaniyang isip na naisatinig niya ito.

"Bata sa tiyan?!"

Dahil ang sakit ay matindi. Pinipigilan niya ang mga luha upang magmukhang hindi siya talo.

"Siguradong ginamit ko ang condom tuwing nakipagtalik sa'yo. Akala mo ba magiging tanga ako?" tanong ni Tyler pabalik.

"Mr. Tyler Chavez, kung makikipahiwalay ka na kay Dianne, wala ka ng pakialam kung kaninong anak ang pinagbubuntis niya. Ipinapaabot ko na lang ang aking mga pagbati sa iyo at kay Lallaine."

Napansin ni Dexter at mabilis na itinaas ang kamay, inilagay ang braso sa balikat ni Dianne, niyakap siya at isinusuong sa mga salita ng pagbati, lahat ng ito’y may malasakit.

Pinansin ni Tyler ang matalim na titig ni Dexter at sa kabila ng ngiti niyang hindi matimpi, umikot ang mga labi niya sa isang masakit na ngisi.

"Ha, Mr. Suarez, hindi ba't nakakagulat na gusto mong bumili ng mga gamit na ginagamit ko ng tatlong taon? Hindi ko pa narinig na may habit ka pala ng pagkolekta ng second-hand goods?"

Second-hand goods…

Muling tumama ang matalim na salitang iyon kay Dianne.

Dumugo ang puso niya. Hindi niya akalain na ang taong minahal niya, inalagaan at pinakita ng kabutihan ay isang gamit na bagay lang ang tingin sa kaniya. Masamang tumingin si Dexter mas matalim kaysa kay Tyler.

“Mr. President, para sa akin si Dianne ay isang kayamanan….”

“Dex!” Pinutol ni Dianne ang pagsasalita ni Dexter para sa kanya. “Hayaan mo na siya, umalis na lang tayo. Walang kwenta ang mga sinasabi mo sa kaniya.

“Tama, let’s go.” May lambing sa tono ni Dexter.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 585

    Sa loob ng susunod na dalawang taon, nakatutok si Ashley sa kanyang karera. Halos wala siya sa lugar sa sobrang dami ng ginagawa.Pero tuwing nandoroon siya, lagi namang nasa tabi niya si Ken. Kaya hindi niya kailanman naramdaman ang kalungkutan. Busog na busog ang buhay nila ng kanyang anak sa saya, at dahil doon, ni hindi pumasok sa isip niya ang maghanap ng ibang lalaking mamahalin o pakakasalan pa.Pakiramdam niya, kumpleto na siya.May mga kaibigang sina Dianne at Dexter na higit pa sa kapatid ang turing.Isang matagumpay na karera.Isang anak na gaya ni Ken—masunurin, matalino, at kahanga-hanga.At higit sa lahat, hindi siya kapos sa pera.Ano pa ba ang dapat niyang hanapin? Bakit pa siya mangangailangan ng lalaki?Hindi niya kailangan. Hindi kailanman.Kaya kahit dalawang taon nang walang tigil ang paghabol—o dapat sabihing panggugulo—ni Kent, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang makipagbalikan dito.Oo, hindi kailanman. Kahit isang segundo, wala.At huwag mong sabihing dah

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 584

    Gabi na nang manatili si Ashley sa Condo Apartment.Tumawag si Ken at nagtanong kung kailan siya uuwi.Sandaling nag-isip si Ashley bago nagsabi nang diretsahan sa bata, “Ken, nagpasya na ang tatay mo at ako na maghiwalay at hindi na magsasama. Gusto mo bang sumama sa akin o sa tatay mo?”“Syempre, kung pipiliin mong sumama sa akin, kailangan pa rin natin ang pahintulot ng tatay mo.”Hindi malinaw kung si Ken mismo ang nag-isip o nagtanong muna kay Kent, pero sumagot ito, “Mom, kapag nandito ka sa bahay, gusto kong sumama sa’yo. Kapag nasa business trip ka, kay Dad naman ako. Pwede ba ‘yun?”“Syempre naman,” masayang tinanggap ni Ashley, “Sige, susunduin na kita ngayon.”Kahit walong taong gulang pa lang si Ken, ibinibigay nito kay Ashley ang init at pag-aaruga na hindi kayang ibigay ng iba.Halos dalawang taon na silang magkasama at matagal na niyang itinuring na sariling anak ang bata.Basta kasama niya si Ken, hinding-hindi niya ito pababayaan.“Okay Mom, hihintayin kita,” masayang

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 583

    Sa opisina, halos nailabas na ni Ashley lahat ng bigat at sama ng loob sa puso niya.Habang kukuha sana siya ng tissue para punasan ang luha at sipon, aksidente niyang nasagi ang isang kristal na palamuti sa mesa.Bumagsak iyon at nabasag sa sahig sa isang iglap.Tiningnan ni Ashley ang nagkalat na kristal sa sahig at napailing. Ang malas niya talaga ngayong araw.Pero mabuti na lang, nakapaghain na sila ni Kent ng diborsyo at malapit na siyang tuluyang wala nang kinalaman dito.Habang iniisip niya iyon, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina. Napatingin si Ashley at nakita si Kent sa may pintuan, halatang balisa at nag-aalala.Pagkakita ni Kent kay Ashley na tumutulo ang luha at namumugto ang mga mata na parang kuneho, natigilan siya sa takot.Lumingon si Ashley palayo nang may pagkamuhi, itinulak ang malaking upuan at mabilis na tumayo papunta sa lounge.Nagkamalay si Kent at hinabol siya, hinarang siya bago makapasok sa pinto.“Lumabas ka!” malamig ang tingin ni Ashley a

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 582

    “Kiss.”Bahagyang tumango si Kent at nagpatuloy, “Si Betty ang nagpa-set up para malagyan ako ng gamot sa dinner party. Pagpunta ko sa bahay ng Lin para sunduin si Ken, kumilos na ‘yung gamot. Akala ko ikaw si Betty… kaya nahalikan ko siya.”Tinitigan siya ni Ashley, gulat at walang masabi. Bumuka ang bibig pero walang lumabas na salita.“Pero halik lang ‘yon, wala nang iba. Dumiretso ako sa ospital pagkatapos,” dagdag ni Kent.Nanatiling nakatingin si Ashley sa kanya at saka niya naintindihan kung bakit kagabi, para bang isang beses nang namatay si Kent—mahina at halos hindi makahinga.Pero wala na ‘yong halaga sa kanya ngayon.Itinaas niya ang kilay at malamig na sinabi, “Sinabi ko na sa’yo, maghihiwalay na tayo sa kalahating buwan. Wala ka nang kailangang ipaliwanag.”“May kailangan. Oo, may kailangan pa,” mariing sagot ni Kent.Nakatingin siya kay Ashley, nangingintab ang gilid ng kanyang mga mata. “Ashley, pitong taon na ang nakalipas… natulog ka ba sa isang lalaking hindi mo kil

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 581

    Habang nag-aabang siya nang balisa, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng private box at pumasok sina Kent at ang assistant niya. Pinilit ni Betty na manatiling kalmado, nakangiti kay Kent pero mas pangit pa kaysa umiiyak ang ngiti niya.“… Kuya Kent, nandito ka na,” mahina at nanginginig ang boses niya.Matulis at malamig ang titig ni Kent sa kanya. Dumiretso siya sa sofa sa tapat nito, umupo, ini-cross ang mahahaba niyang binti at sumandal nang may bihirang tapang at bangis sa aura.“Alam mo ba kung bakit ka dinala rito ngayong gabi?”Umiling si Betty na parang rattle, “Hindi… hindi ko alam! Kuya Kent, ano… ano’ng nangyari?”“Kung ayaw mong ikaw ang magsabi, ipapasabi ko sa iba,” malamig na tugon ni Kent.“Ms. Sanchez…”“Kuya Kent!”Bubuka pa lang sana ang bibig ng assistant nang manginig nang todo ang buong katawan ni Betty. Nadulas siya pababa sa sofa at napaluhod sa sahig.“Kuya Kent, wala akong kinalaman dito. Si Darren ang may pakana. Siya ang nagpa-drug sa’yo para may mang

  • The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin   Kabanata 580

    Hindi lang si Kent ang hindi makita, pati si Betty ay wala rin.“Mrs. Sanchez, nasaan ang asawa ko at si Betty?” tanong niya.“Ah, lumabas si Wen Sheng kasama si Betty. Malamang hindi na sila uuwi ngayong gabi,” sagot ni Mrs. Sanchez na parang wala lang.Magkasama silang umalis.Hindi na uuwi ngayong gabi.Napangisi si Ashley nang may halong pang-uuyam at hindi na nag-usisa pa. Inabot na lang niya ang kamay kay Ken. “Halika na, Ken, uwi na tayo.”“Opo.” Agad lumapit si Ken, hinawakan ang kamay niya at handa nang umalis.“Ken, hindi ka ba talaga makikinig?” biglang hawak ni Mrs. Sanchez kay Ken at sigaw pa.“Mrs. Sanchez, sinabi na ni Ken na ayaw na niyang manatili at gusto niyang sumama sa’kin pauwi,” seryoso at matalim ang tingin ni Ashley kay Mrs. Sanchez.“Ms. Ashley, stepmother ka lang ni Ken at ako ang totoong lola niya. Siya lang ang nag-iisang apo ko. Sabihin mo nga, paano ko siya basta ibibigay sa’yo?” balik ni Mrs. Sanchez, halatang may ibig ipahiwatig.Ngumiti lang nang baha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status