Share

CHAPTER 2

Pagkababa na pagkababa pa lamang nila ni Margo ng sasakyan niya ay halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng musika na nagmula sa loob ng nasabing bar. Tumingala siya sa malaking building. Ewan niya kung bakit parang may mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa bar na 'yon na pagmamay-ari ni Adam Sebastian Castillo. May kung anong damdamin na nasa dibdib niya na hindi niya kayang maipaliwanag. Tensed. Nervous. Scared.

Binasa niya ang nakasulat na pangalan sa malaki at mailaw na signage ng nasabing establisyemento. ADAM'S PARADISE. Iyon ang nakalagay na pangalan doon. Pangalan pa lamang ay iba na ang dating sa kanya. Hindi siya mapanghusga na uri ng tao, pero sa nakikita niya ay parang hindi niya magugustuhan ang nilalaman ng nasabing lugar.

"Are you sure papasok tayo diyan sa lugar na 'yan, Margz?" Nag-aalala niyang tanong kay Margo.

Natigil naman ito sa pagsasara sa pinto ng sasakyan dahil sa sinabi niya. Nalukot ang mukha na tumingin ito sa kanya. "Anong klaseng tanong na naman ba 'yan, Yna? Kaya nga tayo dito nagpunta kasi papasok tayo diyan sa loob." Itinuro nito ang loob ng bar. Mula sa kinatatayuan nila ay dinig na dinig pa niya ang malakas na hiyawan na sumasabay sa malakas na musika na nagmumula sa loob.

"Ayaw ko ng mga inaakto mo na 'yan, Yna, ha. Nahahawa ka na sa kaartehan ng fiance mo kuno na masyadong balat sibuyas!" Nagdadabog nitong isinara ang pinto ng sasakyan nila.

Napabuntong-hininga naman siya. Kapag ganito ay ayaw na niyang sumagot pa at mag-explain kay Margo. Napapagitna kasi siya sa dalawa. Ayaw naman niyang depensahan si Harold dito dahil nag-aalala din naman siya na sumama ang loob nito sa kanya. Kasama na niya ito bago pa dumating sa buhay niya si Harold, kaya hindi din niya maatim na magalit ito sa kanya. Pikit-mata na lamang niyang pinapakinggan ang patutsada nito tungkol sa boyfriend niya.

Nakahalata na din si Harold sa disgustong ito ni Margo sa kanya kaya nakapagbitaw din ito ng mga salita na hindi ganoon ka ganda para kay Margo. Na kesyo daw ay hindi mabuting impluwensiya si Margo sa kanya. Things like that, which she refused to believe. Kilala na niya ang kaibigan from day one. Ayaw niyang gatungan ang iringan ng dalawa kaya tumatahimik na lang din siya kapag na kinakausap siya ng kasintahan tungkol sa kanyang matalik na kaibigan.

Both person has a place in her life, and she doesn't want to lose both. "Alright. Tama na 'yan. tara na at pumasok na tayo sa loob."

Napangiti na rin ito. Kinuha nito ang isang kamay niya at hinawakan iyon. Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob. Sa bungad pa lamang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo pabalik sa sasakyan. Nahihilo kasi siya sa ingay. Idagdag pa ang sari-saring amoy ng alak at usok ng sigarilyo na nalalanghap niya.

"Masasanay ka rin," sabi ni Margo. Malambing nitong hinagod ang kanyang likod nang mapaubo siya dala ng usok ng sigarilyo.

Itinuro sa kanya ni Margo ang bakanteng upuan. Parang hindi siya makakahinga habang lumalakad sila papunta sa bahaging 'yon ng bar.

"Dalawang Classic Mojito, please," tugon ni Margo sa bartender.

Hinawakan niya ang isang braso ni Margo, sabay iling. "No, Margz. Juice na lang ang sa 'kin.

"C'mon, Yna Darling. You can at least try it once bago ka maikasal sa—" natigil ito sa pagsasalita nito at itinirik ang mga mata na parang hindi maatim na banggitin ang pangalan ni Harold. Again, she's trying to understand him even though it's hard for her to do that.

"Alam mong hindi ako umiinom, Margo. Pinagbigyan na kita na sumama ako dito sa 'yo sa gabing ito." Mariin ang ginawa niyang pagtanggi, unnoticed the stare of someone from the dark part of this area.

"Ladies drink lang 'yan, Yna."

"Kahit na ano pa man 'yan, Margo. Basta ayaw ko."

Naguguluhan na nagpalipat-lipat naman sa kanilang dalawa ang paningin ng bartender. Hindi pa kasi nito makuha-kuha ang tamang order nila.

"Give her a glass of juice, Roy."

Pareho pa silang nagulat ni Margo nang magsalita sa likuran niya ang isang buo, mahina pero matalim na boses. Alam mo 'yon? 'Yong boses pa lamang ay parang handa ng manakit sa 'yo. Iyong parang pinipilas ang bawat himay ng balat mo. Si Margo na nakaharap sa bahagi kung saan nagmumula ang boses na 'yon ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito na parang nakakita ng multo na hindi man lang magawang ikurap ang mga mata nito.

Slowly, she turned around from where that dangerous voice came. She can't wait to get to know who is the owner of the said voice.

And just like Margo, her eyes widened as it landed to the man standing near her back. Ang una niyang nakita ay ang malapad na dibdib ng lalaki na nakahantad mula sa nakabukas na butones ng polo shirt nito. She wasn't sure the exact color of his signature shirt, dahil madilim sa bahagi nila. Nakatupi ang manggas niyon kahit na hindi naman mahaba ang tabas niyon. Parang nagpupumiglas ang malaki at matigas nitong braso sa nasabing manggas. Hapit din iyon sa katawan nito. Akala niya ay ang ganoong katawan ay makikita lang niya sa mga edited photos ng mga modelo sa magazines. But no, she was wrong. Dahil nasa harap niya ngayon ang nagmamay-ari ng ganoon kaganda na hubog ng katawan.

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin sa mukha nito. Hindi siya nagmumura pero sa mga oras na 'yon ay napapamura talaga siya ng mahina. The man in front of her is looking almost perfect!

Ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin ay kumikinang sa bawat pagtama ng dancing light sa mukha nito. He's half smiling na as if ba naman ay may pagkadisgusto sa kanya habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. May kahabaan ang buhok na nakapalibot sa mukha nitong kulay bukayo. Hindi ito maputi kaya ganyan niya kung maihambing ang kulay ng balat nito. Bakit parang magulo ang anyo ng lalaking ito?

Thanks God! Mahinang naisambit niya nang  makita ang malinis na gupit ng buhok nito. Tanging 'yon lang ang malinis na nakita niya sa mukha nito. But not totally dahil parang sinadya naman na guluhin 'yon. Parang sinabunutan ng isang babae. Nainis siya sa lalaki dahil sa naisip niyang 'yon.

Did he.... did he just have s-sex?

Parang gusto niyang saktan ang sarili dahil sa naisip niyang 'yon tungkol sa kaharap niya.

And take note, sinabi niyang magulo ang buong anyo nito pero hindi ibig sabihin niyon ay untidy na ito. Dahil ang magulong anyo nitong inihahambing niya ay nagbigay lang iyon sa napaka-hunk at hot nitong dating. Kung mahilig ka sa kaguwapuhan ng mga Turkish men, ganyan na ganyan ang dating nitong si Adam.

Mabilis niyang inalis ang bagay na 'yon sa kanyang utak. How dare her thinking those thought about this super bad guy in front of her.

Ngayon niya lang nakakaharap ng personal itong bagong business icon ng Batangas. She saw her on Magazines, newspapers and other paperbacks. Pero hindi niya alam na mas guwapo, mas macho, at nakakaakit pala ito sa personal!

Hindi ka pa ba titigil sa mga kahibangan mo na 'yan, Yelena Denice Salvatore?

Sita niya sa kanyang sarili. Ang nakangiti lang kanina ng patuya na si Adam ay bigla na lamang niyang narinig na tumawa ito ng malakas. At nakakairita 'yon sa kanyang pandinig.

"Pasado ba ako sa paningin mo, Miss Yelena Denice Salvatore? How lucky am I tonight, the queen of the broadcasting is here standing right in my very own place."

Hindi siya sigurado kung galak ba talaga o sarkasmo ang nahimigan niya sa boses nito.

Ang pag-iinit ng buong mukha niya ay kumalat hanggang sa buong katawan niya dahil sa kahihiyan na nadama niya. Nahuli siya sa akto ni Adam na nag-aasiste siya sa kabuuan nito.

That was so embarrassing, Yna!

"Yna, darling, please lang itulak mo ako papunta sa mga bisig niyang kasing tigas ng mga bakal. Talaga palang paraiso ang masisilayan mo sa lugar na 'to. Puwede mo na akong iwan sa mga kamay na makalyo ni Papi Adam ngayong gabi, Yna," bulong ni Margo sa kanya. Alam niyang parang himatayin ito sa sobrang kilig dahil sa kaharap nila si Adam.

Pero imbes na matawa sa sinabi nitong 'yon ay lalo lang yata siyang nainis sa sinabing 'yon ni Margo.

"Kunin mo ang mga order nila, Roy. At sagot ko na 'yon." Utos nito sa naroong bartender.

"Kaya kong bayaran ang order namin, Mr. Castillo. Salamat na lang." Sinikap niyang maging intimidating ang dating ng boses niya. Ayaw niyang ma-dominate sa presensiya ng lalaking ito.

"Alam kong kaya mong magbayad. Pero may magagawa ka ba kung ayaw kitang pabayarin?"

Nakita niyang may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang sigarilyo ang kinuha nito sa bulsa nito. Oh, how she hates people smoking.

Nasilaw pa siya noong sakto na nagsindi ito ng sigarilyo sa harapan niya mismo, nagkataon din na ang ilaw ay tumama dito at nahagip niyon ang maliit pero makinang na hikaw sa kaliwang tenga nito.

What a gangster! Hindi niya napansin na may piercing ito kanina. Sobrang liit lang naman 'yon. A white gold piercing.

Bumaba ang paningin niya sa paa nito. He's wearing a pair of leather boots. Nakapaloob ang laylayan ng lumang pantalon nito sa loob ng boots. Ang pantalon nito ay hindi niya masabi kung naluma ba ito sa kalalaba sa washing machine o talagang gano'n ang istilo niyon?

Basta ang alam lamang niya ay perpekto ang pagkakayakap niyon sa mga hita nito at binti. Parang sinadya itong ipatahi para sa mahahaba at ma-muscles na mga hita nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
May Flor
Ang pogi ng pagka describe mo ky my Love Adam ahhh. ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status