Yelena Denice Salvatore is a well-known TV personality. Isa siyang magaling na Newscaster sa buong Pilipinas. Isa din siyang napakagandang tagapaghatid ng balita sa balat ng telebisyon na pagmamay-ari mismo ng namayapa niyang ama. But when her Father died, everything seems not the best at what she had hoped to happen. Dahil natuklasan niya na nanganganib na pala ang kompanya. she followed what her boyfriend advice to her; and that is to sell another share of the company. She's so thankful for her boyfriend's support to the lowest part of her life. Adam Sebastian Castillo. Tagged as bad boy, heartless, play boy, and dominant. Wala din siyang pakialam kung sino man ang kanyang masagasaan. He's always hungry when it comes to business. Gusto niyang mapatunayan na magaling siya sa lahat ng bagay. Gusto niyang patunayan 'yon sa kanyang ama na ang tingin sa kanya ay hindi anak kundi isang kompetensya pagdating sa negosyo. Nang marinig niya na binebenta ang halos kalahating shares ng isang sikat na TV station sa bansa ay kaagad siyang nagkainteres na bilhin ang nasabing shares. Just as he thought it is easy for him to have it ay doon siya nagkakamali dahil ayaw sa kanya ibenta ni Yelena ang shares ng kompanya nito. But whatever it takes he would be willing step on of all that hinders him. He made an impressive proposal to Denice, but she still turned down his proposal. And he has no other option but to kidnap her. He is heartless, right? And Yelena Denice found herself married to Adam Sebastian Castillo, exactly the day she supposed to marry her boyfriend. And what's worse was, on the day of her honeymoon to supposed to be her husband; she was surrendering everything to Adam. Her body, soul, and her heart.
View More"WHAT'S that all about, Nicholas?" Kunot-noo niyang tanong kay Nicholas. Nicholas is his friend, Lawyer, and his protector. Though, how many times did he told Nicholas that he didn't need his service, but Nicholas never listened to him.
Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanya na masiyadong masama ang ugali niya kaya nangangailangan siya ng isang bantay na magtatanggol daw sa kanya sa lahat ng oras.
Hindi siya natatakot. At wala siyang kinakatakutan, pero kapag na i-discuss niya ito kay Nicholas ay baka aabutin lang sila nito ng isang taon sa discussion. Matigas din ang ulo ng Nicholas na ito. Idagdag pa na susuportahan ito ng mga kasamahan nito sa Underground Armored. Kaya kahit na masyadong labag sa isip niya ang gawin 'yon ay wala din naman siyang nagawa pa.
Siya si Adam Sebastian Castillo. Binansagan ng karamihan na isang walang puso. Walang awa. Walang pakialam. At siya ang tinagurian sa kanilang angkan na bad boy.
"Ayaw ni Miss Salvatore na bigyan ka ng kahit konting share sa TV station na pagmamay-ari ng namayapang ama niya," paliwanag ni Nicholas. Ibinalik nito sa kanya ang folder na naglalaman ng business proposal na ginawa niya para kay Yelena Denice Salvatore.
"But I already included the letter na ibinigay ng ama niya sa 'kin noong buhay pa ito. Na kahit anong oras ko man gustuhin na bumili ng share sa TV station niya ay puwedeng-puwede," hindi makapaniwalang tugon niya. Hindi niya inabot ang folder na binigay sa kanya ni Nicholas. Ayaw niya dahil biglang uminit ang ulo niya sa balitang dala ni Nicholas sa kanya.
"Naipaliwanag ko na ang lahat nang 'yan sa kanya, Adam, pero mariin ang kanyang pagtanggi."
Ibinagsak niya sa kanyang mesa ang hawak niyang ballpen. Wala pang kahit isa ang tumanggi sa kanya, tanging si Yelena pa lamang. Biglang Lumitaw sa kanyang balitataw ang maamong mukha nito. Hindi niya alam na sa likod pala ng maamong mukha na 'yon ay isa din pala itong alaga ni Satanas na may mahahabang sungay.
Biglang sumilay ang mga ngiti sa labi niya nang maisipan niya ang bagay na 'yon. Kung ito ay alaga ni Satanas ay sisiguruhin niyang luluhod ito sa kanya balang araw. Dahil siya, si Adam Sebastian Castillo ay mas masama pa kay Satanas.
"Kung ayaw niya sa magandang usapan, ako na ang bahala sa kanya, Nicholas." Kinuha niya ang folder na bigay nito kanina at isinilid 'yon sa drawer ng kanyang mesa.
Kumuha din siya ng sigarilyo na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa at nagsindi.
Gusto mo pala ng isang laro, Miss Salvatore. Don't worry ibibigay ko sa 'yo ang larong gusto mo.
"Anong plano mo?" Nagdududang tanong sa kanya ni Nicholas. Kumuha din ito ng kopita at nagsalin ng wine na nakapatong mismo sa mesa niya.
"Forget about that proposal, Nicholas."
"I don't get it, why she doesn't want to sell the stocks to you. Alam ng halos lahat na papalubog na ang TV station niya, Adam. She'll be lucky kung pinayagan niyang ibenta sa 'yo ang nasabing stocks. You'll be the biggest asset in her company, hindi ba niya alam 'yan? You're the best when it comes to business, alam ng buong mundo 'yan," puno ng pagtataka ang boses na sabi ni Nicholas.
Natawa naman siya ng payak. "Hindi na natin pag-uusapan pa ang bagay na 'yan, Nicholas."
"Nagtataka lang ako kung bakit nalulugi ang kompanya na iniwan ni Mr. Salvatore. Lahat ng programa sa kanilang telebisyon ay matataas ang ratings."
"It's either maluho ang anak ni Mr. Salvatore or talagang hindi lang talaga ito marunong humawak ng negosyo." Ang buong atensiyon niya ay nasa yosi na ipinatong niya sa ashtray.
"But that's still confusing to me." Parang Hindi pa rin makapaniwala si Nicholas.
"What's on your mind?" Alam na niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Nicholas, but he still wanted to hear it from him.
"I think there's something-" Hindi muna nito itinuloy ang sinasabi. Uminom muna ito sa hawak nitong kopita. Matapos 'yon ay tiningnan siya straight sa kanyang mga mata, bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Or someone behind this scheme. Baka may sumasabotahe kay Miss Salvatore."
"That's something for me to discover, Nicholas. Pero kung tutuusin ay labas naman ako diyan. Ang mahalaga lang naman sa 'kin ngayon ay makabili ng share sa kompanya nila. Ito ang bagay na napag-usapan namin ni Mr. Salvatore noong nabubuhay pa siya." Tukoy niya sa ama ni Yelena Denice.
Sumariwa din sa isipan niya ang usapan nilang 'yon ng matanda. Biglang nakadama ng kunting lambong ang kanyang puso. Kaagad niyang binura ang damdamin na 'yon. He is Adam Sebastian Castillo. A ruthless, heartless, careless, and whatever bad examples ang palaging nakakabit sa pangalan niya. He gets too used to it. Noong una ay talagang nasasaktan siya na maririnig ang ganoong sinasabi ng mga tao sa kanya, pero kalaunan ay tinanggap niya 'yon. Later on ay nasanay na rin siya at inisip na ganoon nga siyang uri ng tao.
Ano ang magagawa niya kung talagang ganoon siya? Pinatibay lang naman ng mga karanasan niya ang ganoong damdamin niya. Siya mismo ay hindi alam kung may pag-ibig pa bang nakatago sa kaibuturan ng kanyang puso.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong sa kanya ni Nicholas, bagay na nagpabalik sa kasalukuyan ng kanyang isip.
"Whatever it takes mapapasaakin ang share na 'yon sa kompanya ni Mr. Salvatore, Nicholas. Kung ang anak niya ang hahadlang sa mga plano ko ay willing akong masasagasaan siya." He's determined and aiming his goal. May sarili siyang rason kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'to.
"Sh*t, Adam! You're so unbelievable!" Bulalas ni Nicholas. Kasabay no'n ang malakas na tawa nito.
"Sa sampung taon natin na pagkakaibigan, Nicholas, you're ridiculous if you don't know, yet, the real Adam Sebastian." Muli niyang dinampot ang may sindi pa na sigarilyo sa ashtray saka humithit doon.
"Pero maganda ang anak ni Norbert Salvatore, Adam," may himig panunukso na sinabi ni Nicholas.
"Hindi ko siya type, Nicholas. The like of her is too elegant for my taste. Ayaw ko ng ganyang mga babae."
"Thanks then. She's too beautiful. I like her."
"Go to hell, Nicholas Elliot! Huwag mong isabay ang sarili mong kaligayahan sa trabaho mo. Lalo na kapag ang tinatrabaho mo ay ang pinapatrabaho ko sa 'yo. Baka diyan tayo magkakaproblema. I don't care if you're a founder of that Under Armored Agency, Nicholas. Hindi mo pa natitikman kung paano magalit ang isang Adam Sebastian Castillo!" Hindi niya alam kung paanong biglang kumulo ang kanyang dugo dahil sa sinabi na 'yon ng kaibigan niya.
"Easy. kailan ko ba pinagsabay ang pleasure ko sa 'king trabaho? Saka, Adam, wala akong sinabi na dapat mong ikakagalit." Pumuno sa buong opisina niya ang malakas na tawa na 'yon ni Nicholas, na mas lalo pa yata niyang ikinainis.
"Get out of my sight, Nicholas! Right now! Saka na lang tayo mag-usap kapag malamig na ang ulo ko!" Itinuro niya dito ang nakasarang pinto ng opisina niya. Ayaw niya muna ng makakausap sa ngayon.
Tumayo naman ito habang nakatawa pa rin ng malakas. "Lalamig ba ang ulo mo kapag may ipapakilala akong magandang chika babes sa 'yo?
"Get lost, Nicholas!"
"Yes, master." Lumakad na ito palabas ng pinto.
Gusto niyang mapag-isa at isipin kung paano mapapasakanya ang hinahangad niyang share sa TV station ng mga Salvatore. Dahil kapag nagawa niya ang bagay na 'yon, that's the another thing for him to use to despise his Dad.
Hindi siya pamilyar kung saan sila sumusuot ni Adam hanggang sa marating nila ang likod ng building niya. Walang kahit na anong establishment pa sa bahaging iyon kaya walang tao ang nagagawi roon. At nagpapasalamat siya nang makita niya ang maliit na back door ng building. Nag-aalala silang sinalubong ng guard na nakapuwesto roon. "Kanina pa ba ang mga 'yan?" tukoy niya sa mga taong nasa labas. "Oo, ma'am. Hindi namin alam kung bakit bigla silang napasugod," sumbong nito. Palihim din itong napatingin kay Adam at nagtataka kung bakit niya kasama ngayon ang binata. Maagap namang pumagitna si Adam. Mabilis nitong nabasa ang may malisya na titig ng guwardiya rito. "Miss Salvator was having a meeting with me when someone called her to rush over here. So, I decided to drop her here." Pagkatapos nitong magsalita ay balewala itong kumuha ng yosi sa gold plated cigarette case nito at sinindihan nito ng gold ding lighter nito. Binuga nito ang usok, like he doesn't care if it will disgust othe
"Sorry po sa inasal ko kanina, ma'am. Maniwala po kayo at sa hindi ay kahinaan ko po talaga ang komunikasyon. Alam po ng lahat 'yan." Sinalubong siya ni Joey nang makita siya nitong lumalakad pabalik doon. Gusto niyang ismiran ito pero ayaw niyang gawin dahil marami ang nakatingin sa kanila at baka kumalat pa ang fake news na masama ang kanyang ugali. Natilihan pa siya nang makita niyang aktong luluhod ang lalaki. Patakbo niyang linapitan ito. "Oh, no! Please, don't do that." pigil niya sa lalaki. She held his other arm. Huminga siya nang malalim at nginitian nang pilit ang lalaki. "Okay na 'yon. I maybe misunderstood you. Get up and let's eat so I can go home too." Tuwid na tumayo ang lalaki at tuwang-tuwa na tumingin sa kanya. "Talaga, ma'am? Pinapatawad mo na ako?" Tumango lang siya. And based on what she saw in his reaction, she concluded that he's really a good person. Baka totoo lang na may kahinaan lang ito sa komunikasyon. "Salamat talaga, ma'am! Salamat! Alam mo, isa ito
"I'll go now," naiiling niyang sabi. Hindi niya alam na hindi rin pala maganda ang dulot ng pagpunta niya rito, sana pala ay pinalampas na lang muna niya ang nangyaring 'yon kay Margo. Ang dating kasi ay panalo nanaman si Adam sa pagkikita nilang ito. She was just wasting her precious time talking to him. "Wait! Paakyat na ang in-order na pagkain ni Adam, wait for it and try my specialties," pigil sa kanya ni Dawson. Tiningnan niya ito pero hindi niya alam kung bakit natuon ang paningin niya kay Adam na nakatayo sa likuran ni Dawson. May emosyon siyang nababasa sa malamlam na mga mata ni Adam, if it was longing, she wasn't sure. She instantly turned her eyes away from him. Pinilit niyang ngumiti kay Dawson. "I'm glad to, but I have to go now. Don't worry, I will try to visit your place one of these days to see how delicious your foods are." Hindi niya hinintay na magsalita isa man kay Dawson o kay Adam. Mabilis niyang tinalikuran ang dalawa at tinungo ang pinto para lumabas na. Sa
Napatingin siya sa nakalahad na mga kamay ni Adam sa ere. Gusto niyang matawa dahil sa inis niya sa lalaki. Ni hindi pa nga nito inalam ang pakay niya, tapos ay bigla na lamang itong mag-declare ng pa-cater nito... at ngayon ay gusto nitong magsayaw silang dalawa? Is he insane? Is he freaking out of his head? Umatras siya, but every time she's moving backward, Adam follows her. Kinakabahan naman niyang nilingon ang pintong pinasukan niya kanina, sarado na iyon at alam niya na kahit maglupasay pa siya sa pagsigaw ay walang makakarinig sa kanya sa labas dahil obvious naman na sound proof ang malaking opisina na iyon ni Adam. Marami na rin siyang naririnig na mga bad reputation ng lalaking ito. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpunta rito ngayon. "Mr. Castillo." Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at bahagya niyang itinulak palayo sa kanya ang lalaki. Masyado na itong malapit sa kanya at konting galaw na lamang nito ay didikit na ang katawan nito sa katatawan
Matapos nilang bilhin ang mga gamot ni Margo ay pinayagan na rin naman silang umuwi ni Nathan. Nagbilin na rin ito ng mga bawal at hindi para kay Margo. Mag-uumaga na nang marating nila ang bahay niya. Dahil sa pagod ay kaagad na rin naman siyang nakatulog pagkatapos siyang maglinis ng kanyang katawan at makapagbihis. Bukas na lamang niya aayusin ang lahat nang gusto niyang ayusin tungkol sa nangyaring ito kay Margo. Nakaplano na rin sa utak niya ang kanyang gagawin bukas. And it would be another tiring day tomorrow, so she should prepare now. Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising dahil nga mag-uumaga na silang nakauwi. Nagdesisyon na siya kagabi pa na hindi na talaga siya papasok ngayon, ipinaalam na rin niya 'yon sa kanyang sekretarya kanina kaya wala na siyang ibang iisipin ngayon kundi ang plano niyang gawin. Tiningnan niya ang alarm clock niya na nasa bed side table niya, mag-aalas onse na ng umaga. Tamang-tama lang ang oras para sa nakaplano niyang gawin. Bumangon na siy
Sa hospital ni Nathaniel Contreras niya dinala si Margo kahit na ayaw na ayaw niya sana dahil alam niyang magkaibigan si Nathaniel at si Adam. Saksi ang tawanan ng mga iyon kanina sa bar ni Adam. 'Yon nga lang ay wala naman siyang ibang choice dahil ang hospital lang na 'yon ang pinakamalapit na hospital sa kanila. Ang susunod na hospital ay mahigit isang oras pa ang kanilang ibabiyahe. Pagdating sa parking ng hospital ay naitirik pa niya pataas ang kanyang mga mata dahil nakikita rin niya ang pagbaba ni Nathaniel sa sasakyan nito. The devil is a multi-tasker! Kanina lang kasi ay nakita niya itong masayang kasama ang mga pinsan nito at ang Castillo sa bar na pinuntahan nila ni Margo. She is just hoping he will not see her here now, para hindi lalong masira ang kanyang buhay. Pero dahil hindi ito ang tamang oras para sa galit niya kay Adam at sa mga kaibigan nito ay minabuti niyang bumaba na dahil kailangan niyang malaman kaagad ang kalagayan ni margo. Saktong bumababa siya nang mari
Pagkaalis na pagkaalis ni Harold ay umakyat na rin si Yelena para pumasok na sa kanyang silid. Magpapahinga na rin siya dahil na-stress nga siya sa night out nila ni Margo. Pagpasok niya sa kanyang silid ay kaagad niyang hinubad ang kanyang mga damit at pumasok na sa kanyang banyo. Pagkaligo niya ay nag-blower na rin siya ng buhok niya. Nakabihis na siya ng pantulog niya at tipong pahiga na sana siya nang maisipan niya si Margo. Nag-alala siya sa kalagayan nito, alam niyang hindi sanay sa hard drinks si Margo. Wine lang ang iniinom nito at ang pinaka-hard na ay ang flavored beer. Tumayo siya at muling binuksan ang ilaw sa kanyang silid. Hindi niya maatim na matulog na hindi niya alam ang kalagayan ni Margo. Alam niyang kung siya rin ang nasa sitwasyon na hindi maayos ay hindi rin siya matitiis ni Margo. Kinuha niya ang kanyang roba na nasa kama niya at isinuot iyon. She decided to go and see Margo before she went to sleep. Dalawang silid ang pagitan ng silid niya at ni Margo. Nang m
"Yelena love, are you there?" Muling tawag sa kanya ni Harold. Tumayo siya nang tuwid at humakbang para salubungin ang kanyang nobyo. Kung natutulog lang siya ngayong gabi ay itinuturing niyang isang bangungot ang nangyari sa kanya kanina kasama si Adam Sebastian Castillo. "Yes, I'm here," kalmadong sagot niya nang tuluyan na siyang makalapit sa binata. "You look so upset, are you okay? May hindi ba magandang nangyari sa hangout n'yo ni Margarico?" Nag-alala nitong sinisipat ang kabuuan niya. Alam niyang sumang-ayon lamang siya sa tanong nito ay may hindi na naman magandang sasabihin si Harold kay Margo, kaya kahit na naba-bad trip siyang isipin ang lahat lalo na ang mapanuksong mukha ni Adam na pilit sumisiksik sa kanyang isipan ay pinili na lamang niyang ngumiti nang pilit at umiling. Ayaw niyang komprontahin pa ni Harold si Margo at alam niyang mauuwi lamang sa away ang usapan na iyon ng dalawang lalaki. She knew Margo better, he will defend himself against Harold. "Nothing had
"Tatayo ka na lang ba riyan?" Malakas ang boses na tawag sa kanya ni Adam. Nakapuwesto na ito sa driver's seat. Si Margo naman ay maayos na rin ang pagkakahiga sa likurang bahagi ng sasakyan. Siya ay hindi pa alam kung saan siya mauupo, ayaw niyang maupo sa passenger's seat dahil makakatabi niya si Adam. She doesn't like the idea to get near to him. Kung sa tabi naman siya ni Margo mauupo ay hindi niya alam kung maging komportable ba siya dahil sinakop na ng kaibigan niya ang buong upuan. "Ayaw mong pumasok sa sasakyan? Hinihintay mo ba na kakargahin pa kita papasok sa loob? O baka natatakot kang makakatabi ako?" Lumingon ito sa mahimbing na natutulog na si Margo, ngumisi pa ito nang muling tumingin sa kanya. "Pangako, hindi ako nangangagat ng mga babaeng ayaw pakagat sa 'kin, Miss Salvatore. Isa pa, you're too beautiful for my taste." Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan. Nangngingitngit ang kalooban niyang pumasok sa loob ng sasakyan. She has no choice, but to sit beside him.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments