Share

CHAPTER 3

Author: Araxxcles
last update Last Updated: 2025-07-31 12:02:01

Ethan Alexander Reyes Point of View

I woke up earlier than usual. I still had Mira on my mind.

I threw on a plain shirt, dark jeans, and old sneakers. No fancy cologne. No flashy watch. I didn’t want to scare her off again. Didn’t even know what I’d say—just knew I had to try.

I drove to her street, parked secretly two corners away. Leaned against my hood, pretending to scroll my phone.

At exactly 7:48 AM, the gate open.

I saw her. Mira stepped out, same envelope in hand. Simple blouse, black skirt, hair neatly tied back. Her posture was straight and her eyes focused.

She looked like a woman who had no time to waste.

For a second, I saw myself in her back when I was just starting out. Hungry and determined. Building everything from scratch. She’s got something most people don’t have anymore: a fire.

She didn’t see me. And this time I didn’t follow her.

I stayed where I was, leaning quietly against my car two corners away.

I watched her hop on a tricycle, the same route as yesterday. Probably the same routine: walk into stores, hand in resumes, hope for a callback.

I closed my eyes for a moment.

‘Today,’ I whispered, “I’ll find the right moment.”

Not as a stranger.

Not as a shadow.

But as someone who could actually make her life easier. Someone she wouldn’t want to push away.

Mira Dela Cruz’s Point of View

Galing ako sa isang mahabang lakad.

Nagpasa ako ng resume sa isang maliit na dental clinic, wala man akong experience pero baka lang sakali.

Nakakadrain. Ilang oras na akong paikot-ikot kanina sa labas. Mabuti na rin at hindi ko na nakita ang lalaking sumusunod sakin kahapon, sobrang takot at pangamba ang nararamdaman ko, sa grocery tas sa fast food for sure hindi iyon coincidence lang, pag sakaling makita ko pa sya ulit at mangungulit ay irereport ko na sya sa police. 

Mag-a-alas tres na nang makarating ako sa boarding house. Gusto ko na lang mahiga. Pero habang dumadaan ako sa harap ng tindahan ni Aling Nida, tinawag niya ako.

“O, Mira! May bago akong idinikit diyan sa pader, baka gusto mong silipin.”

Nilingon ko ang tinuturo niya. Nasa gilid lang ng pinto ng tindahan, medyo natatakpan ng tarpaulin ng softdrinks.

NOW HIRING – ENTRY-LEVEL POSITIONS

No experience required. Fresh grads welcome.

Email your resume at  –

Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o nagdududa sa binabasa ko.

Mga-ilang araw na ako nakapasa ng resume, puro seen zone lang ang kapalit. Tapos ito, company-looking flyer, pero walang gaanong detalye. Legit ba ‘to? Tapos dito pa talaga dinikit? 

“Saan galing ‘to, Aling Nida?” tanong ko habang binabasa.

“Ewan ko, iha. Pag gising ko kaninang umaga, nakadikit na ‘yan d’yan. Pero mukhang bago. Wala naman ‘yan dyan kahapon.”

Tiningnan ko ulit ang email. May company name: ERX Solutions. Wait, totoo ba ito? ERX Solutions? Sikat ‘to na IT company, talaga bang nag-hi-hire sila? Impossible wala naman silang pinost sa social media. 

“Subukan mo na rin, ‘no. Malay mo, ‘yan pa pala ang para sa’yo,” dagdag pa ni Aling Nida.

Tumango ako, okay this the sign baka nga.. “Sige po.”

Pag-akyat ko sa kwarto, hinubad ko agad ang sapatos. Pinagpapawisan na ako kahit hapon na.

Binuksan ko ang lumang electric fan at saka dali-dali ko kinuha ang laptop at naghahanap ako ng signal kasi minsan, sa bintana lang may data.

Nag-compose agad ako ng email at sinend ito sa address na nakalagay sa flyer. 

Kinabahan ako bago pinindot ang Send.

Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa pag-asang ‘baka ito na nga.’

Hindi ko in-expect na wala pang sampung minuto, may bagong email na dumating.

Subject: Interview Invitation – ERX Solutions

Napatigil ako. Tumibok ang puso ko nang mas mabilis.

‘Yes!’ sigaw ko sa tuwa. 

Ang ERX Solutions—isa sa pinaka-successful na IT companies sa buong bansa.

At legit ang domain ng email. Kumpleto sa detalye at may logo pa ng kompanya.

May address, may contact info at may oras din, nag-research pa nga tungkol dito at totoo talaga. Parang isang hulog na langit ‘to o kaya isang panaginip. 

Bukas na bukas ng 9:30 AM ang interview ko. 

Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo ng sunod-sunod na rejection

parang may liwanag na. Ramdam kong ito na ‘to!

ERX Solutions Main Office

9:12 AM

Nakaupo ako sa waiting area.

Hawak ang bag at ramdam na medyo nanginginig ang mga daliri ko.

Maayos ang suot kong puting blouse, dark slacks, at simpleng closed shoes. Alam kong maayos ang suot ko, wala akong nakalimutang dalhin at syempre naghanda ako para sa mga interview questions. 

Umalis na nga ng tuluyan ang isang guard at ang sabi niya ay dito ako maghintay.

Mula rito ay kita ko ang malinis at tahimik na front desk at may dalawang babaeng nandon. 

Kitang-kita ko rin ang malaking logo ng kumpanya. ERX Solutions na may blue and white lights.

Wala akong makitang ibang aplikante sa paligid kaya mag-isa lang ako, mas kinabahan tuloy ako. ‘Bakit parang ako lang?’

Pero bago pa lumala ang pag-iisip ko, tanaw ko ang isang babae na papalapit sa akin, agad na akong ngumiti habang hinintay na lumapit ito. Sa wakas may makakausap na rin ako.. 

“Mira Dela Cruz?”

Agad akong tumango.

“Yes, po. Good morning,” sagot at pagbati ko sa kanya. 

“Hi, I’m Mae, admin assistant” pakilala niya sabay abot ng kamay. “Sa Room 3 po ang interview n’yo, this way.”

Tumango ako sa kaniya at ngumiti, ang babait naman ng mga tao rito tulad ng dalawang guard din kanina, ang approachable nila. 

Sumunod ako sa kaniya papunta sa interview room ko. Habang naglalakad kami sa hallway, napansin kong ang mga opisina ay may glass walls. Kitang-kita sa loob ang mga empleyadong naka-focus sa kani-kanilang computer. Yung iba, parang may meeting. Yung ibang room naman, walang tao pero sobrang ayos ng pagkaka-set up ng computers at desks.

Ang mga pader naman ng hallway ay may mga company motto nakalagay gaya ng: 

 ‘Where innovation meets identity.’

‘We don’t hire employees. We invest in potential.’

Nice, nice, what a motivation. 

Pagkarating sa Room 3,isang malinis na conference room—may long table, bottled water, pad at ballpen sa harapan. May tatlong upuan sa harap at isa sa dulo na halatang para sa akin.

“You may wait here, ma’am. The panel will be with you shortly.”

Tumango ako at nag-thank you.

Huminga ako nang malalim at ramdam ko ang kaba ko.

Tinignan ko ang paligid— mataas ang ceiling, maayos ang lighting. Napapalibutan ito ng glass wall at kitang-kita ang ibang building sa labas, agad akong lumapit at tiningnan ang labas. ‘Woah ang ganda!’ 

Sobra akong namangha, nasa 35th floor ako ng building na ito at tanaw ko ang nasa baba na sobrang ganda. ‘Siguro pag-gabi ay mas maganda rito, oh lord sana ibigay niyo na ito sakin, ganitong kumpanya ang gusto ko.. promise hindi po ako basta- basta mapapagod at mas gagalingan ko po’ 

Bigla tuloy nawala ang kaba ko  dahil may parte sa pakiramdam ko na makukuha ako rito. 

Agad ko namang napansin ang pagbukas ng pinto sa kabilang side ng room.

Tatlong pares ng sapatos ang sumayad sa sahig.

Hindi ko sila agad tiningnan. Pinilit kong mag-focus, ngumiti at magbigay ng positive energy. 

Paglingon ko ay matamis na ngiti ang binigay ko at mag-greet na sana pero napako ang tingin ko sa huling lalaking pumasok.

Casual lang ang suot. Naka dark blue polo at naka black pants. Iba ang aura niya, seryoso at may ibang dating para may pagka-superior.  At siya nga, hindi ako pwedeng magkamali. 

Siya ang lalaking nambastos sa akin, at sinusundan ako na napaka-creepy at parang manyakis.

“Good morning?” saad ng isang lalaking kasama niya. 

“Ay Good morning po ma’am and sir,” agad na sagot ko at kinalma ang sarili ko. 

Ramdam ko ang titig niya sa akin pero wala pa ring ibang expression, seryoso lang. ‘Wait, baka hindi sya? O, baka hindi niya ako nakilala? Ay ewan kung ganon nga ay mabuti.’

Umupo siya sa gitnang upuan ng panel at walang imik sa mga kasama. 

Sunod-sunod nagpakilala ang dalawa pero hindi ko naisaulo ang mga pangalan nila dahil hinihintay ko ang bibigkasin niyang pangalan, basta ang dalawang kasama niya ay parehong mukhang may edad na, ang isang babae na katabi niya ay HR at Admin naman ang isang lalaki. 

Hanggang sa nagsalita na siya, kalmado, mahinahon pero matalim ang dating,

“Good morning, Mira. We’ve been expecting you.”

Napapikit na lamang ako, siya nga. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 4

    Mira Dela Cruz’s Point of ViewNang magsalita siya ay mas nakilala ko ang pamilyar na boses, siya nga. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumayo, lumabas, sumigaw at magtanong kung anong ginagawa niya rito, pero ang obvious naman na parte siya ng kumpanya na ito dahil nandito sya sa harap ko. Inayos ko ang upo ko at nagpapakakalma, habang ang lalaking pinaghinalaan kong stalker, manyakis at creepy ‘ay biglang naging parte ng panel? Wow, ang small world naman.’ “I am Ethan Alexander Reyes, the Ceo of ERX Solutions.” Napakurap na lang ako sa sinabi niya, okay so CEO pala sya. Halata naman sa kaniyang tindig na may posisyon sya at syempre isa sya sa mga panel sa interview walang duda hindi nga siya isang ordinary stranger lang. Tumango ako bilang sagot sa pagkakilala niya kahit ang utak ko ay parang gumugulong sa bilis ng takbo.Hindi ako sigurado kung ano ‘to—fate ba ‘to? O karma? Kung karma ‘to dahil sa mga nasabi kong hindi maganda sa kaniya ay hindi naman ata pwede, baka siya ang k

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 3

    Ethan Alexander Reyes Point of ViewI woke up earlier than usual. I still had Mira on my mind.I threw on a plain shirt, dark jeans, and old sneakers. No fancy cologne. No flashy watch. I didn’t want to scare her off again. Didn’t even know what I’d say—just knew I had to try.I drove to her street, parked secretly two corners away. Leaned against my hood, pretending to scroll my phone.At exactly 7:48 AM, the gate open.I saw her. Mira stepped out, same envelope in hand. Simple blouse, black skirt, hair neatly tied back. Her posture was straight and her eyes focused.She looked like a woman who had no time to waste.For a second, I saw myself in her back when I was just starting out. Hungry and determined. Building everything from scratch. She’s got something most people don’t have anymore: a fire.She didn’t see me. And this time I didn’t follow her.I stayed where I was, leaning quietly against my car two corners away.I watched her hop on a tricycle, the same route as yesterday. P

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 2

    Ethan Alexander Reyes Point of View"Bro, kung gusto mong ma-reset ang utak mo, mag-tequila ka. Huwag mong pigilan." Mike raised his shot glass at me with that teasing grin of his, then downed the drink like water.I barely touched mine.The bar was dim, bathed in warm golden lights—quiet inside, compared to the busy streets outside. It was already 10 PM when we arrived at one of the most expensive bars in the city. People were laughing, drinking, letting the night take over. But me? My mind was somewhere else.Still stuck on one person.Still stuck on her."You're unusually quiet tonight," Mike said, leaning back in our corner booth. “Hindi ikaw ’to.”I let out a dry laugh and finally drank half the shot.“Mira,” I muttered. “Mira Dela Cruz.”Mike raised an eyebrow. "Who's she? Hindi si Anna? Or that girl from Marketing?"I shook my head. “No. She’s different. I met her – no, actually, I insulted her yesterday. Sa park.”“She has this fire in her eyes, bro,” I said, sipping again.

  • The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)    CHAPTER 1

    Mira Dela Cruz’s Point of ViewMainit. Maingay. At amoy usok ang hangin. Ganito pala sa Manila.Pumasok ako sa isang convenience store para lang maibsan ang init. Isang bottled water lang ang kaya ng budget ko ngayon. Hawak ko pa ang envelope ng mga resume ko at isa na namang rejection ang natanggap ko kanina.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanggihan ngayong linggo. ‘We’re looking for someone with experience.’ Ang palaging dahilan. Pero paano ko nga ba makukuha 'yon kung wala namang nagbibigay ng pagkakataon?‘We’ll call you.’ Mag 1 week na nga at wala man lang akong natanggap na tawag ni isa sa kumpanya, sana man lang ay mag-inform sila na hindi ako qualified or rejected ako, para naman hindi na ako umasa. Kaka-graduate ko lang ng IT at galing sa probinsya. Ganito pala ang paghahanap ng trabaho lalo na at wala akong connection o ibang kakilala man lang dito sa Manila. Kung paulit-ulit na lang ganito ay hindi ko na lang ipagpatuloy itong pagiging IT.Bukas ay ipagsab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status