로그인"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin.
Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti." "Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen. "Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes." "E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara, kung sino ang magclaim nitong panyo, siya ang nakakaalam kung nasan siya? Naks! Iba din ang lola mo, pang aksyon ang trip." Sabay nilalaro ang panyo na hawak-hawak niya ngayon. "Hindi ko alam, naguguluhan ako, bes." Napakamot ako sa ulo ko. "Basta ang gusto kong mangyari ngayon ay makausap si Ara." Tumingin si Jen sa akin sabay taas ng kanan niyang kilay. "Bakit pa? Hindi naman si Ara ang solusyon sa problemang pinansyal mo e. Ano namang maiaambag ni Ara sa problema mo, aber?" "Jen, kung walang tinatago si Ara sa akin, bakit siya nagtatago? Bakit kinabusan nong may mangyari sa amin ni Caloy ay naglaho siya na parang bula? Sige nga, sinong hindi mag-ooverthink. Bes, sa apat na taon ni anino ni Ara hindi ko nakita at sapat na dahilan 'yon para isipin kong may tinatago siya sa akin." Agresibong tugon ko. "Masyado ka lang OA, Leya." "Malakas ang kutob kong hindi, Jen." Depensa ko. "Hindi imposibleng tama lahat ng hinala ko at pagnapatunayan kong tama ang mga 'yon, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya." Kailanman hindi ko naisip na pagtratraydoran ako ni Ara. Isa rin siya sa pinakamatalik kong kaibigan na nakilala rito sa Manila bukod kay Jen. Kagaya ni Jen, alam rin lahat ni Ara ang nangyayari sa buhay ko noon. Lahat ng problema ko, detalyado kong sinasabi sa kanya dahil ganoon kalaki ang tiwala ko sa kanya. At hindi lingid sa aking kaalaman na may paghanga siya kay Caloy noon. "Ibig mo bang sabihin, baka alam niya ang dahilan kung bakit iniwan ka ni Caloy?" "Mismo, kaya kinakailangan natin siyang mahanap." "Hindi ganon kadali ang gusto mo, Leya. Mawalak ang mundo at alalahanin mo, maski si Aling Garet hindi alam kung nasaan si Ara." Doon ako natigilan, tama siya. Maski sariling ina ni Ara ay pinagtataguan niya. Lahat kami ay parang mga mangmang na walang kaide-ideya kung bakit bigla lang siyang naglaho. Wala naman akong naaalala na may pinag-awayan kami o di kaya naman may nagawa akong mali sa kanya. Napatingin ako sa panyong hawak ko, hinaplos ko iyon at pilit iniisip kung ano ang maitutulong noon sa akin kagaya ng bilin ni Aling Garet. Kulay puti ito at walang kadise-disenyo. Inabot ako kakaisip ng paraan kung paano hahanapin si Ara bandang alas dose ng hatinggabi. Tanging tunog ng orasan ang maririnig sa kuwadradong silid na kinaroroonan namin ng anak ko. Nakahawak pa rin ako roon sa panyo at may konting liwanag ng lampshade ang tumatama doon na sapat lamang para makita ko ito. "Ano bang meron sa'yo?" Para akong tanga na nakikipag-usap sa panyong hawak ko. Kahit napakaimposibleng masagot nito ang mga tanong ko. Lahat ng katanungan ko, sinasabi ko sa panyo at kung may makakakita man sa akin tiyak pagtatawanan ako. Malaking katanungan sa akin ang biglaang pagkawala ni Ara. Ang huling naaalala ko na pag-uusap namin ay iyong nagpaalam siya sa akin na kakausapin niya si Caloy para nga maisakatuparan noon ang plano ko. Maayos ang pag-uusap namin kung ilalarawan ko, hindi kami nagsigawan o nagpalitan ng masasakit na salita. Kaya sa biglaan niyang pagkawala, pakiramdam ko, kapiraso ng pagkatao ni Kesleigh ay alam niya. * * * "Leya, tumawag na ba 'yong kompanya namin sa'yo? Tanggap ka na ba sa trabaho?" Tanong ni Jen, narito kami sa hapag kumakain ng hapunan . Napasimangot ako at napailing. "Hindi pa e. Siguro huwag na akong umasa dahil sabi nga nong babae wala sa akin 'yong qualified na empleyadong hinahanap nila." "Ang nega mo naman." "Totoo naman e, edukado ang gusto nila, bes." Saad ko saka sumubo ng kanin gamit ang hawak kong tinidor. "Nagkataon pa na nagkakaproblema sa hardware, jusko." Napasapo ako sa aking sentido. "Bakit, anong problema don?" "Nalulugi na e kasi may bagong tayong restaurant don sa tapat namin. Kung dati marami kaming benta ngayon matumal na." Problemadong tugon ko. "Hilingin mong makuha ka sa kompanya para may aasahan ka once magsasara 'yong karinderya." "Sana nga." Iyon ang kinakatakot ko, baka biglang magsara 'yong karinderya na pinapasukan ko. Doon pa naman ako umaasa sa lahat ng gastusin namin ni Kesleigh. Hindi ko na alam ang gagawin once magsara iyon at mawalan ako ng trabaho. Alam ko naman na imposibleng makuha ako sa kompanya na pinag-aplayan ko dahil tiyak maraming edukado ang sumubok doon. * * * "Mukhang mawawalan na tayo ng trabaho, Leya." Pagbabalita ni Marie sa akin, ang katrabaho ko dito sa karinderya. Narito kami sa kusina at abalang inaayos iyong mga kubyertos na ginamit namin sa pagluluto. Kaninang umaga pa kami nag-aabang ng kostumer pero ni isa walang kumain sa amin. Magtatanghali na pero wala pa kaming kita kaya nakikita namin kung bakit namomoblema ang mga amo namin. "Ha? Paano mo naman nasabi?" "Narinig ko sina Maam kanina, binabalak na nilang ibenta 'tong lupa dahil naghahanap daw ng parking lot 'yong bagong restaurant dyan sa tapat. E sa sitwasyon ng kainan natin, lugi na e." Pagbabalita nito. "Huwag naman sana, pahirapan pa naman maghanap ng trabaho ngayon dahil edukado ang gusto nila." "Kaya nga e." Bumalik kami sa pagtratrabaho nang mapansin na papasok dito sa may kusina ang mag-asawa naming amo. Umakto kaming busy sa pagsasaayos ng mga gamit sa lababo. "Marie, Leya, pwede ba namin kayo makausap?" Natigilan kami ni Marie, nagkatinginan pa kami saglit bago kami umayos ng tayo paharap sa kanilang mag-asawa. "Ano po 'yon, Maam?" Magalang na wika ko kahit sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako sa sasabihin nila. Nagkatinginan pa silang mag-asawa bago magsalita 'yong babae naming amo. "Alam namin na mahihirapan kayo sa magiging desisyon naming mag-asawa pero kinakailangan e. Alam namin na napamahal na kayo sa kainan na ito. Alam namin na ito ang nagpapakain sa mga pamilya niyo. Hindi kami pumayag sa alok nila dahil malaki 'yong offer pero nakikita namin na wala ng laban itong kainan natin e. Kaya napag-isipan naming mag-asawa na ibenta nalang 'to't gawin nilang parking lot." "Maam, paano naman po kami? May mga pamilya po kaming umaasa sa amin lalong-lalo na po ako, may anak ako. Ako lang ang bukod tanging bumubuhay sa anak ko ng mag-isa kaya pakiusap, huwag niyo naman po 'tong ibenta." Pagmamakaawa ko't maiiyak na ako. "Leya, naiintindihan kita pero sana maintindihan mo rin kami." "Maam, oo hindi natin sila kayang tapatan pero hindi naman 'yon importante diba? Hindi naman lahat ng tao afford kumain dyan sa kabila. Marami pa rin naman 'yong mas mahilig kumain sa mga karinderya e. Mga mayayaman lang 'yong afford na pumunta dyan kaya huwag naman po kayong mawalan ng pag-asa." Umiling siya." Nakapagdesisyon na kami, Leya. Pasensya na pero huling araw niyo na dito." Doon na ako napaluha dahil mawawalan ako ng trabaho. Kasunod noon ay may iniabot siyang sobre sa amin ni Marie at nagdalawang-isip ako kung kukunin ko ba iyon o hindi. "Maam, may anak po ako, please naman oh." Umiiyak na pagmamakaawa ko't napaluhod na sa harapan ng amo kong babae. Halos yakapin ko pa ang mga tuhod nito pero hindi manlang sila naawa. Naiwan ako na puno ng pagmamakaawa. Kung kinakailangan na humalik ako sa sahig para mapapayag sila ay gagawin ko alang-ala kay Kesleigh. * * * "Mama, umiiyak ka ba?" Nataranta akong hawiin 'yong butil ng luha sa pisngi ko nang mapansin na nabisto ako ni Kesleigh. Kakauwi ko at narito ako sa may sofa. Hindi ko pa rin matanggap na wala na akong trabaho. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko ngayon. "Hindi, bat naman iiyak si Mama?" Idinaan ko sa tawa ang sakit na nararamdaman ko. Ayokong mamoblema pati ang anak ko kaya hangga't kaya kong magpanggap ay gagawin ko. "I love you, Ma." Ginawaran ako ni Kesleigh ng sobrang higpit na yakap dahilan para mapaluha ulit ako ng tuluyan. Kung alam niya lang na sobra akong nahihirapan sa sitwasyon naming mag-ina ngayon. Kung alam niya lang kung paano sinira ng kanyang ama ang pangarap kong buhay para sa kanya. Wala akong alam na sisihin ngayon kundi si Caloy. Hindi namin mararanasan magdildil ng asin kung hinarap niya ang responsibilidad niya sa amin. Dumaan ang mga araw na palaboy-laboy lang ako sa daan, naghahanap ng pwedeng aplayan ng trabaho pero palagi akong bigo. Nauubos na rin 'yong pera ko kakabili ng gamot sa hika ni Kesleigh. Kung dati nakakaya ko siyang bilhan ng pasalubong na gusto niya, ngayon hindi na. Naiiyak na lang ako sa kadahilanang hindi ko kayang iparanas kay Kesleigh ang napakagandang buhay. "Bes, pasensya na ha? Walang-wala talaga ako ngayon e. Huwag kang mag-alala, babayaran kita kapag nagkaroon ulit ako ng trabaho." "Leya, ano ka ba? Ako lang 'to, hindi naman kayo iba ni Kesleigh sa akin. Magsabi ka lang kung kinakailangan mo ng tulong, nakahanda ako lagi." Usal niya. Napaluha ako sa sinabi niya. "E nakakahiya na kasi sayo e." "Hoy! Bakla ka, pasasaan pa't naging kaibigan mo'ko." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Di ba nga sabi ko sa'yo, hangga't kaya ko, tutulungan kita. Alam ko naman na walang ibang tutulong sa'yo kundi ako lang." Dahil sa kawalan ko ng trabaho, nanatili muna ako sa bahay para alagaan si Kesleigh. Nag-aantay rin ako ng tawag mula sa Guererro Company kung ano ang resulta ng interview ko. Sa kawalan ko ng trabaho, nagbabakasakali akong makuha ako. Nakakahiya kasi na iaasa ko lahat kay Jen lalo na't nagiging sakitin na naman si Kesleigh dahil uso ang trangkaso. Kahit papaano nagkaroon ako ng oras para makasama ang anak ko ng ilang araw. Wala na rin akong mapag-iiwan sa kanya dahil wala na si Anti Garet kaya mahihirapan ako kapag nagkaroon na ako ng trabaho. Panigurado, hindi ako papayagan ng amo ko kung sakaling matanggap ako doon sa Guererro Company. "Omg! Bes, may goodnews ako sa'yo." Masiglang bungad ni Jen pagpasok sa may pintuan. Abala ako sa pagluluto ng hapunan namin at kakauwi niya lang galing trabaho. "Ano 'yon at mukhang hindi maipinta ang tuwa dyan sa mukha mo." Ani ko. "Cattleya, natanggap ka sa Guererro Company." Halos huminto ang mundo ko sa ibinalita nito sa akin. Laglag ang panga ko't hindi alam ang unang gagawin kung iiyak ba ako o matutuwa. Nakita ko sa mga mata ng kaibigan ko na mas masaya siya kaysa sa akin. "Talaga? Natanggap ako? Paano?" Sunod-sunod na tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Sa ingay namin ni Jen ay napatingin si Kesleigh sa pwesto namin. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. "Bes, naantig si Maam Wena sa'yo kasi alam niya ang hirap mo dahil single mom rin 'yon kagaya mo. Talagang ipinaglaban ka niya sa CEO para tanggapin ka lang." "Jusko!" Napaiyak na ako't napayakap kay Jen. "Congrats, bes." Sa sobrang tuwa ay nagcelebrate kami. Saktuhan rin na gumawa ako ng pancake kanina dahil iyon ang ipinameryenda ko kay Kesleigh. Ginawa kong cake iyon dahil tinirikan ni Jen iyon ng kandila sa ibabaw. Noong akma kong hihipan ang kandila ay nakipag-unahan ang anak ko sa akin kaya tawang-tawa kami ni Jen. Masaya kaming nagsalo-salo sa simpleng hapunan namin at syempre hindi mawawala iyong pagpapasalamat ko kay Jen. Nagbigay siya ng mensahe sa akin at konting paalala sa akin sa mga dapat at hindi dapat gawin sa kompanya. Blessing in disguise rin siguro na nawalan ako ng trabaho dahil may darating na mas malaking blessing sa buhay ko. Sa dami ng negatibong lumamon sa utak ko, hindi ko inasahan na positibo pa rin ang magiging bunga nito. Sobrang sarap sa pakiramdam at feeling ko ito na rin ang bagong simula ng buhay naming mag-ina. * * * "Bes, talaga bang hindi natin magagawan ng paraan para maisama doon si Kesleigh? Wala kasi akong mapag-iiwanan sa kanya e." Abala kami sa paghahanda papasok ngayon, maaga nga kami para hindi kami mahirapan sumakay ng jeep. Sobrang hirap pa naman sumakay kapag rush hour. At kagaya ng nakagawian, maagang nagising si Kesleigh, mas maaga pa siyang bumangon kaysa sa amin ni Jen. Siya pa nga itong gumising sa amin at mukhang may balak siyang sumama. "Leya, kompanya 'yon at ipinagbabawal ang bata." Sagot nito, nakaharap siya sa salamin dahil naglalagay siya ng kolorete sa kanyang mukha. Nasa dulo naman ng kama si Kesleigh, pinapakialaman niya 'yong mga makeup ni Jen. Sinisita ko nga kapag ganoon na napapansin kong naglalagay siya ng makeup sa mukha niya. "Paano na ngayon 'to?" Namomoblemang wika ko habang nakatingin sa anak ko. "Makiusap muna kaya tayo dyan sa baba na alagaan 'yang anak mo. Papayag naman siguro 'yong guard, 'di naman mahirap alagaan si Kesleigh basta may marshmallow na maiiwan sa kanya." Suhestiyon ni Jen at humarap sa akin, tapos na siyang maglagay ng kolorete sa kanyang mukha. "Hindi ko kayang ipagkatiwala ang anak ko sa kung sino-sino lang dyan, Jen." Sagot ko. "E anong balak mo ngayon?" Tanong nito. "Isasama ko na lang siya, makikiusap na lang ako sa mga staff don. Maiintindihan naman siguro nila ako." At ganoon nga ang nangyari, wala akong choice kundi isama si Kesleigh sa trabaho. Bukod sa wala akong mapag-iiwanan, natatakot rin ako sa kalagayan niya. Kagabi kasi ay nilagnat siya kaya nagdadalawang-isip ako kagabi kung papasok ako ngayon o hindi. Nagdala ako ng maliit na bag para doon ilagay ang mga gamit ni Kesleigh katulad ng damit, pagkain at iba pang gamit na kailangan incase of emergency. Sinuutan ko siya ng simple lang at tinirintas ang medyo mahaba niyang buhok. Pagkarapos ay gumayak na kami paluwas ng trabaho. Sa byahe pa lang ay excited na ang anak ko dahil ngayon lang ulit siya makakalabas ng bahay. Saka ko lang siya naipapasyal kapag may sweldo ako o 'di kaya naman ay birthday niya. "Wow! Mama ang laki ng building." Namamanghang usal ni Kesleigh nang makarating kami sa tapat ng building ng Guererro Company. Namangha rin ako sa ganda noon kahit nasilayan ko na iyon ng ilang beses. "Anak, behave ka lang dito ha? Huwag magiging pasaway para makapagwork ng maayos si Mama, okay?" Pakiusap ko sa anak ko at sinuklay ang buhok niya. "Sige, Mama." Pumasok na kami at pinapasok naman kami ng guard. Nagpumilit pa akong isama ang anak ko sa loob, sa kakyutan rin siguro ni Kesleigh ay napapayag ko ito. Dumiretso na si Jen sa floor kung saan siya nakadestino habang ako dumiretso sa opisina ni Maam Wena dahil iyon ang instruction niya kagabi nong tinawagan niya ako. Marami ng tao ang naroon non dumating kami at halos mapatingin silang lahat nang pumasok ako sa naturang opisina. Dahil na rin siguro may kasama akong bata ay napunta ang tingin nilang lahat sa akin. Nakita ko kung paano sila nagulat sa awra ko. "Miss Cattleya, bakit may dala kang bata?" Tanong ni Maam Wena saka nakaturo kay Kesleigh na sinusuri ang paligid. Bumati pa siya sa mga taong naroon kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi nila. "Ahm, Maam, pasensya na po kung dinala ko ang anak ko dito, wala kasi akong mapag-iiwanan e. Humihingi po ako ng permisyo sa inyo na payagan akong dalhin siya dito. Maam, hindi po siya makulit na bata at hindi po pasaway, mag-iingay lang 'to kapag gutom." Linapitan ako ng ginang at ngitian. "Bilib na ako sa'yo, Miss Cattleya. Sige, pinapayagan kita basta gawin mo ng maayos ang trabaho mo." "Opo Maam." Nagbigay ng konting paalala si Maam Wena bago niya kami inilibot sa buong floor na pagtratrabahuan namin. Mabuti na lamang at tahimik lang si Kesleigh na nakahawak sa kamay ko habang kumakain ng paborito niyang marshmallow. At noong mapagod ay nagpakarga na ito sa akin at naawa naman ako kaya pinagbigyan ko na siya. Ang iba kong kasama ay nawiwili sa kanya. Matapos ang orientation namin ay nagtungo na kami sa kanya-kanya naming pwesto. Humingi ako ng isa pang upuan para kay Kesleigh para mabantayan ko siya habang nagtratrabaho. Nagsimula na kaming magtrabaho at masasabi kong nakakasabay naman ako since madali lang ang unang task na ibinigay ni Maam Wena sa amin. "Mama, mallow." Kinuha ko 'yong bag ni Kesleigh at kinuha roon 'yong dala kong isang supot ng marshmallow. Kahit inuubo na siya ay binigyan ko pa rin para di siyq mag-ingay lalo na't baka maingayan 'yong mga kasama ko. Nakaupo lang siya sa tabi ko at minsan ay bumaba't naglalaro sa dala niyang laruan na barbie. Hinahayaan ko lang siya dahil marami naman kami dito na makakakita sa kanya. Hindi naman siguro siya mawawala. Dalawang oras ang nakalipad na babad sa computer at papel ang buong atensyon ko. Hindi ko na halos napansin pa si Kesleigh kaya nong icheck ko ay wala na siya sa tabi ko. Naiwan na lamang 'yong laruan niyang barbie sa sahig. Sa sobrang kaba ay napatayo ako sa aking kinauupuan at doon na tinawag ang anak ko. Naabala ko pati 'yong mga kasamahan ko at maski sila ay nagpanic na rin. "Kesleigh, anak, nasan ka?" Sinubukan ko siyang hanapin at pinagtanungan 'yong mga kasama ko kung nakita nila si Kesleigh pero lahat sila ay hindi napansin ang anak ko. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon at hindi ko kailanman mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko."Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan. "Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na
CATTLEYA'S POV"Maam Wena, ayoko po."Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat
LUHAN'S POV"Ano na ang balita?"Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Boss, natakasan kami ni Bella." "Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis. "Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami.""Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saan
"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpu
"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin. Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti.""Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen."Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes.""E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara
"Mama.."Masiglang sumalubong si Kesleigh sa akin nang matanaw niya akong papasok ng bakuran nina Aling Garet. Nakagawian na niyang tumakbo para salubungin ako kapag ganitong susunduin ko na siya. Lumuhod ako at pumantay sa kanya. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka siya binuhat. Hinalikan pa niya ako dahil namiss niya raw ako. At bago kami umuwi ay pumasok kami sa bahay ni Aling Garet. "Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito sa Kesleigh ko, Anti." Wika ko sa sinserong tinig. Sumagot si Aling Garet. "Wala iyon, para ko na rin siyang apo e. Saka, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aalaga sa mga apo ko. Isa pa, mainam na dito mo iniiwan 'yang si Kesleigh para naman may makalaro 'tong mga apo ko kahit papaano." Nginitian ko siya dahil sa totoo lang nakakataba ng puso itong pag-aalaga niya kay Kesleigh. "Ay heto po pala para sa inyo." Iniabot ko sa kanya iyong binili kong prutas. "Sana po magustuhan niyo, 'yan lang kaya kong ipalit sa pag-aalaga niyo rito sa a







