로그인"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"
Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpulan nila at patakbo na linapitan ang anak ko na noon ay naluluha na sa takot. "Shh! Huwag ng iiyak, nandito na si Mama." Pagpapatahan ko kay Kesleigh. Nakaluhod ako at pumantay ako sa kanya upang patahanin, siguro ay natakot siya sa pagtataas ng boses ng lalaki sa kanya. Tumayo ako at hinarap ang lalaki. "Hoy! Wala kang karapatan na sigawan at murahin ng ganon ang anak ko. Kalalaki mong tao, pumapatol ka sa bata. Hindi mo ba nakikita, bata 'tong kaharap mo!" Dinuro ko siya gamit ang isang daliri ko. Nakataas ang kilay nito na parang walang pakialam sa pagluha ng anak ko. Ni hindi ko mabasa sa mukha niya ang guilt sa ginawa niyang pagtataas ng boses sa anak ko. Hindi siya marunong makiramdam lalo na't bata ang kaharap niya. At hindi nakaiwas sa teinga ko ang iba't ibang bulungan pero ni isa sa mga 'yon ay hindi ko pinansin dahil gusto kong ipagtanggol ang anak ko. "And who the hell are you, huh?" Maangas na wika niya na lalong nagpakulo sa dugo ko. "Huwag mo nga 'kong maenglish-english diyan. Walang patutunguhan 'yang pagiging magaling mo sa English kung wala kang respeto. At sino ka sa tingin mo? Kung umasta ka para mo ng dinaig ang Diyos ah. Psh." Agresibong tugon ko dahil hindi ko kayang magtimpi pa ng galit. "Miss Cattleya, kumalma ka." Narinig ko ang boses Maam Wena at hinaplos ang likod ko, nagpapahiwatig noon na kumalma ako. "Pasensya na po, Maam, pero hindi ko kayang palampasin 'tong pagtataas niya ng boses sa anak ko. Bata 'tong anak ko at kung may nagawa man siya, obligasyon ng walang modong lalaki na ito na magpakumbaba dahil bata ang kaharap niya." Matalim akong nakatingin sa lalaking nakapamulsa na diretsong nakatitig sa akin. "Pakiusap, Miss Leya, kumalma ka." Pakiusap ng ginang sa akin. "At bakit ako kakalma? Sino ba 'tong taong 'to?" Dinuro ko ang lalaki. Napayuko si Maam Wena at hindi sinagot ang tanong ko dahil tinapik ng lalaki ang daliri ko na nakaduro sa kanya. Nakita ko kung paano magsalubong ang mga kilay niyang tumingin sa akin. "Wena, mukhang may bagong salta dito ah." Baritonong usal ng lalaki, nakatitig ito ng makahulugan sa akin dahilan para kabahan ako't mapawi ang tapang ko. "Can you introduce me to the person in front of me para makilala niya kung sino ang binabangga niya." "Hmm, Cattleya, this is Mr. Lucas Hanzen Guererro, the newly CEO of this company and our boss." Pagpapakilala ni Maam Wena sa lalaki na nasa harapan ko. Halos gumuho ang mundo ko pagkarinig kung sino ang lalaking nakasagutan ko. Nanlaki ang mga mata ko't hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko may sariling mga utak ang mga tuhod ko't ayaw nilang magsigalaw. Napalunok rin ako ng ilang beses at namuo ang pawis sa noo ko. Kaya ba nagbubulungan sila nong sinagot-sagot ko ito? Kaya ba wala ni isang nagligtas sa anak ko dahil ang lalaking ito ay siya pa lang boss namin? "Is it part of our rule to bring a child to the office? I don't remember that I agreed to bring a child here. And I really hate people who don't follow my rules." Madidiin niyang wika at ramdam ko sa boses niya ang galit. Sumagot si Maam Wena at ipinagtanggol ako tutal hindi na ako makapagsalita sa gulat. "Sir, nakiusap kasi siya na dalhin ang anak niya since wala po siyang mapag-iiwanan e kaya hinayaan ko na lang po." "I don't care. Kung ano ang patakaran, iyon ang masusunod. At wala ni isa sa mga tao rito ang pwedeng sumaway sa akin, lalong-lalo ka na." Tinuro niya ako gamit ang kanyang daliri. Humakbang ito palapit sa akin dahilan para kabahan ako lalo. "Opisina dito at hindi playground or eskwelahan ng mga bata para dalhin mo ang anak mo rito." Napayuko ako at pilit pinipigilan ang mga luha ko. Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Kesleigh. "Tutal nakilala mo na kung sino ako, sana nextime huwag ng maulit 'to dahil una sa lahat, ako ang magpapasweldo sa'yo." Prangka niya sa agresibong tinig. "Ito na sana ang una at huling beses na makikita ko 'yang anak mo dito. Kung hindi mo kayang sumunod sa patakaran ko, the door is open, you may leave and find another job." Usal niya sa mapagbantang tinig saka ito naglakad paalis pero bago iyon ay sinadya niyang banggain ang balikat ko. Aaminin ko, nasasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Simple lang naman 'yong pakiusap ko na dalhin ko ang anak ko rito dahil wala akong mapag-iiwanan pero hindi niya maintindihan. Wala ba siyang anak kaya ganon niya imaltrato ang anak ko? "Cattleya, sumunod ka na lang kung ayaw mong mawalan ng trabaho, please." Pakiusap ni Maam Wena sa akin. "Sige na, bumalik ka na sa pwesto mo't magtrabaho na." * * * "Mama, ba't sinigawan tayo nong lalaki kanina? Bad ba tayo?" Tanong ni Kesleigh sa akin nang nakabalik na kami sa pwesto ko. "Anak, siya 'yong bad, hindi tayo, okay? Tsaka, Kesleigh, huwag mo ng uulitin, pag may pupuntahan ka hindi ba turo ko sa'yo magpaalam ka sa'kin para 'di ako nag-aalala." Sermon ko sa anak ko. "Sorry, Mama." Niyakap niya ako. Walang kaalam-alam si Kesleigh sa mga nangyayari kaya inintindi ko siya. At sa mga sumunod na oras ay nakatulog siya sa bisig ko habang abala ako sa pag-eencode. Nangawitang braso ko dahil sa bigat niya pero tiniis ko dahil naramdaman kong sinisipon ang anak ko. Sinuutan ko siya ng jacket saka naghanap ng ointment sa bag ko kaso wala akong nahanap. "Excuse me, tatanong ko lang kung may dala ka bang ointment dyan. Baka pwedeng humingi, papahiran ko lang 'tong ilong ng anak ko kasi sinisipon e." Ani ko sa katabi ko sa may kanan. "Meron po." Pinahiran ko ang dibdib ni Kesleigh ng kaunting ointment para makatulong sa sipon niya. Hindi ko iyon dinamihan dahil mainit iyon sa balat. Maingat ko siyang pinahiran dahil baka magising siya. Mabuti na itong tulog siya sa bisig ko para makapagtrabaho ako ng maayos. Lunchbreak na namin at tulog pa rin si Kesleigh. Hindi ko na siya ginising at saka na lang papakain kapag nagising na. Ugali niyang umiyak kapag naaantala ang kanyang tulog. At habang kumakain ako ng tanghalian, bumalik sa alaala ko 'yong sagutan namin ng CEO. May halong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon lalo na't nakasasalay na rito ang trabaho ko. Unang araw ko pa lamang rito, nakagawa na ako ng gulo. Ang hindi ko lang maintindihan ay iyong patakaran ng boss namin. Understood naman dapat na pwedeng magdala ng bata dito lalo na sa mga single mom na kagaya ko. Hindi ko afford ang maghire ng yaya na magbabantay sa anak ko kaya titiisin ko siyang dalhin na lang sa trabaho. Mabuti pa nga si Maam Wena naiintindihan ako, samantalang 'yong masungit naming amo ay hindi. Para siyang napapaso sa presensya ng anak ko. Kahit na ganoon ang naging desisyon ng boss namin, makikiusap pa rin ako alang-ala kay Kesleigh. Hindi naman malaking bagay ang hinihiling ko, kaligtasan naman ng anak ko ang nakasalalay rito. At kahit na sinong ina ay magiging desperada para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kahit na sinong magulang ay gagawin rin ang gusto kong mangyari. "Nak, dito ka na muna ha, may pupuntahan lang saglit si Mama." Paalam ko sa anak ko, ipinabantay ko siya kay Sarah na katabi ko. Lunch break pa namin at biglang nagising si Kesleigh. Pinakain ko na siya agad dahil mayamaya ay maglalaro na naman siya. Nagtungo ako sa opisina ni Maam Wena upang makiusap ulit sa ikalawang pagkakataon. Siguro naman ay maiintindihan niya ako dahil isa rin siyang ina gaya ko. Walang pagdadalawang-isip akong pumasok roon sa opisina niya at naabutan ko siya na may inaayos na mga papel. Bahagya akong kumatok sa nakabukas niyang pinto dahilan para mapunta sa akin ang tingin niya. Natigilan siya sa kanyang ginagawa at nagulat sa pagdating ko. "Hello po, Maam. Pwede ko po ba kayong makausap kahit saglit lang po?" Magalang na tugon ko. "Sige, maupo ka." Naglakad ako palapit sa pwesto niya at umupo sa harapan niya. "Maam, pasensya na po sa gulo na nangyari kanina, hindi ko po 'yon sinasadya. Hindi ko naman kasi alam na siya 'yong boss natin e." Paghingi ko ng tawad. "Apology accepted, Cattleya, basta ipangako mo sa'kin na hindi na 'yon mauulit pa. Parehas tayong mapapahamak kapag nangyari pa 'yon ulit." Paalala niya sa akin. Tumango ako sapagkat maski ako natatakot sa posibleng mangyari kapag naulit pa iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag naulit pa iyon at madamay ang ibang tao. Nag-ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob bago sinabi ang sadya ko sa kanya. "Maam, alam ko po na nasabi na kanina ni Sir ang tungkol sa rules na bawal magdala ng bata dito sa opisina pero nakikiusap po ako, baka naman po pwede po natin magawan ng paraan 'yon." "Cattleya, kagaya ng sabi ko, mapapahamak tayo kapag pinilit mo pa ang gusto mo. Magagawan ko naman 'yan ng paraan kung 'yong boss natin ay 'yong mga magulang ni Sir pero kung kay Sir Luhan ay hindi. Istrikto siya pagdating sa pagsunod ng mga patakaran kaya kahit gusto kitang tulungan, hindi ko magawa dahil natatakot akong mawalan ng trabaho." Depensa niya, ramdamn ko naman sa boses niyang gustong-gusto niya akong tulungan. "Kakausapin ko po siya kung gusto nyo, Maam." Tumayo ako at akmang aalis ako nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako sa gusto kong gawin. "Hija, huwag, sinasabi ko na sa'yo, mapapahamak ka. Hindi basta-bastang tao ang kinakalaban mo. Kung ako sa'yo, sumunod ka nalang at gawan ng paraan 'yang problema mo." Wala akong napala na bumalik sa trabaho ko. Imbes na maging masaya ang unang araw ko sa trabaho ay hindi. Problema kaagad ang kinaharap ko lalo na at si Kesleigh na ang usapan. Mayroon sa akin na gusto kong kausapin si Sir Lucas pero natatakot ako sa pwede nitong sabihin sa akin. For sure kukulo ang dugo non sa akin dahil sa eskandalong ginawa ko kanina. * * * "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ugaling demonyo pala 'yong boss natin don?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jen sa sinabi ko sa boss namin. Pauwi na kami at hawak-hawak ko si Kesleigh sa kanan kong kamay na naglalakad, tahimik na kumakain ng marshmallow. Naikwento ko kay Jen ang nangyari sa department namin kanina lalong-lalo na 'yong pakikipagtalo ko kay Sir Lucas. "Hindi ka naman kasi nagtanong e." "Psh! Jen, ayoko sa ugali ng isang 'yon, sa paraan pa lang ng pagtrato niya sa anak ko, sobrang kumukulo na ang dugo ko sa kanya e. Kung umasta 'kala mo naman kung sino e baguhan pa lang naman n CEO 'yon." Nanggigil na wika ko dahilan para tawa ng tawa si Jen. "Mag-iingat ka dyan sa mga sinasabi mo, bes, baka mamaya may makarinig sa'yo makarating pa 'yon kay Sir Lucas." Sumagot ulit ako. "E ano naman, totoo naman ang sinasabi ko e." "Kawawa ang papa Luhan ko sa'yo e." Sinimangutan ako ni Jen at itinuloy ang pagsipsip sa binili niyang softdrinks na nakalagay sa icebag gamit ang berde na straw. "Luhan?" "Oo, si Sir Luhan. Ay, oo nga pala hindi mo alam. 'Yon 'yong nickname niya at mas matunog 'yon kaysa sa tunay niyang pangalan. Lucas Hanzen kasi pangalan niya e kaso masyadong mahaba kaya ginawang 'Luhan' para mas maikli." Paliwanag nito sa akin. "Pero huwag ka, maraming babae ang naglalaway don sa boss natin. Dinaig niya pa ang anghel na bumaba mula sa langit sa kagwapuhan niya." Kinikilig na wika ni Jen. Nandiri ako sa sinabi niya't pinagtaasan siya ng kilay. "'Yon gwapo? Yuck niya." Naramdaman kong tinapik ni Jen ang braso ko ng may kalakasan dahil sa sinabi ko. "Bakla ka, mas gwapo pa nga 'yon sa Caloy mo e." "Psh! Sa part pa lang na nagtaas siya ng boses at nagmura sa harapan nitong anak ko, consider na pangit na siya sa paningin ko." Asik ko't naalala na naman 'yong sagutan namin kanina. "At isa sa mga kinaiinisan ko sa lalaking 'yon, 'di marunong umintindi ng sitwasyon. Nakiusap ako na baka pwedeng dalhin ko si Kesleigh don dahil wala akong mapag-iiwan, nagalit ba naman. Pinamukha ba naman sa'kin na hindi daw daycare center o playground 'yong kompanya nya para dalhin ko doon ang anak ko." Sumeryoso na ang mukha ni Jen at saka siya nagsalita. "Bes, ibang-iba talaga kasi ang ugali non kaysa sa mga magulang niya. Kaya nga maraming empleyado ang takot sa kanya e. Palakihan na lang ng pasensya kapag nagbunganga 'yon. Araw-araw, binibisita niya ang bawat department at kapag hindi sumakto sa standards niya 'yong papeles na pinagawa sa'yo, naku, humanda ka na at baka kinabukasan wala ka ng trabaho." Kinabahan ako bigla. Halata naman kasi sa mukha niya na isktrikto siya. Sa paraan niya ng pagsasalita ay matatakot ka talaga. Maski mga titig nito ay gayundin, hindi pa siya nagsasalita, alam mo at mababasa mo na sa mata niyang may compliment siyang nasasabi mula sa'yo. Ngayon pa lang ay natatakot na ako para sa trabaho ko lalo na siguro at tumatak sa utak niya ang gulong ginawa ko. "Kung ako sa'yo, makinig ka na lang kay Maam Wena." Suhestiyon ni Jen. "Hindi, gagawan ko ito ng paraan kahit anong mangyari, Jen." Napasapo siya sa kanyang sentido sa pagpupumilit ko. "Leya, nababaliw ka ba? Trabaho na 'tong pinag-uusapan natin kaya hangga't maaari ay umiwas ka sa gulo. Kung gusto mo hati na tayo sa pagpapasweldo ng kukunin mong yaya para mapanatag na ang loob mo." Napabuntong-hininga ako ng malalim saka siya hinarap. "Bakit ba galit na galit 'yon sa bata gayung wala naman silang ginagawa sa kanya." "Bes, bitter ang isang 'yon kasi nagbreak sila nong fiancee niya." "Pwes, kung bitter siya, huwag siyang mandamay ng iba. Dapat maintidihan niya rin 'yong pangangailangan ng ibang tao hindi 'yong puro na lang sarili niya ang iniisip niya. Hindi naman malaking bagay ang hinihiling ko sa kanya at mas lalong hindi para sa sarili ko kundi para mismo sa anak ko." Depensa ko. Pinakalma ako ng kaibigan ko dahil nagsisimula na naman kumulo ang dugo ko dahil sa lalaking 'yon. "Kumalma ka, bes, boss natin 'yon, wala tayong karapatan na suwayin siya. Tsaka workaholic 'yon at seryoso sa mga bagay-bagay dahil gusto niyang linisin ang kanyang pangalan." Natigilan ako sa ipinaalam ni Jen. Napatingin ako sa kanya at bahagyang kumalma ang sistema ko. Mayroon sa akin ang kuryosidad sa ibig sabihin noon. "Ha? Bakit? Anong meron?" "Nainvolved daw kasi siya sa scandal ata four years ago at pinapalabas na may kinatalik siyang ibang babae. Takenote, fiancee pa niya mismo ang nakahuli sa kanya." Pagbabalita ni Jen. Biglang nalusaw ang galit ko't napalitan iyon ng kuryosidad. Sa likod ng galit at masungit niyang awra ay may mapait pala na alaala. At kung ano man ang trahedya na 'yon sa kanyang buhay, sana makakuha pa ako ng ilan pang mga balita. May isang palaisipan na naman ang gugulo sa utak ko ngayon. Anong totoo sa likod ng trahedyang 'yon, Sir Luhan?"Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan. "Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na
CATTLEYA'S POV"Maam Wena, ayoko po."Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat
LUHAN'S POV"Ano na ang balita?"Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Boss, natakasan kami ni Bella." "Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis. "Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami.""Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saan
"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpu
"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin. Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti.""Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen."Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes.""E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara
"Mama.."Masiglang sumalubong si Kesleigh sa akin nang matanaw niya akong papasok ng bakuran nina Aling Garet. Nakagawian na niyang tumakbo para salubungin ako kapag ganitong susunduin ko na siya. Lumuhod ako at pumantay sa kanya. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka siya binuhat. Hinalikan pa niya ako dahil namiss niya raw ako. At bago kami umuwi ay pumasok kami sa bahay ni Aling Garet. "Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito sa Kesleigh ko, Anti." Wika ko sa sinserong tinig. Sumagot si Aling Garet. "Wala iyon, para ko na rin siyang apo e. Saka, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aalaga sa mga apo ko. Isa pa, mainam na dito mo iniiwan 'yang si Kesleigh para naman may makalaro 'tong mga apo ko kahit papaano." Nginitian ko siya dahil sa totoo lang nakakataba ng puso itong pag-aalaga niya kay Kesleigh. "Ay heto po pala para sa inyo." Iniabot ko sa kanya iyong binili kong prutas. "Sana po magustuhan niyo, 'yan lang kaya kong ipalit sa pag-aalaga niyo rito sa a







