로그인"Mama.."
Masiglang sumalubong si Kesleigh sa akin nang matanaw niya akong papasok ng bakuran nina Aling Garet. Nakagawian na niyang tumakbo para salubungin ako kapag ganitong susunduin ko na siya. Lumuhod ako at pumantay sa kanya. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka siya binuhat. Hinalikan pa niya ako dahil namiss niya raw ako. At bago kami umuwi ay pumasok kami sa bahay ni Aling Garet. "Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito sa Kesleigh ko, Anti." Wika ko sa sinserong tinig. Sumagot si Aling Garet. "Wala iyon, para ko na rin siyang apo e. Saka, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aalaga sa mga apo ko. Isa pa, mainam na dito mo iniiwan 'yang si Kesleigh para naman may makalaro 'tong mga apo ko kahit papaano." Nginitian ko siya dahil sa totoo lang nakakataba ng puso itong pag-aalaga niya kay Kesleigh. "Ay heto po pala para sa inyo." Iniabot ko sa kanya iyong binili kong prutas. "Sana po magustuhan niyo, 'yan lang kaya kong ipalit sa pag-aalaga niyo rito sa anak ko e." "Hindi naman ako humihingi ng kapalit, Leya. Hindi ka na iba sa akin, para na kitang anak." "Salamat po, Anti." Wika ko at niyakap siya. "Pa'no po, mauna na kami at gumagabi na. Anak, magpaalam ka na kay Lola." Lumapit si Kesleigh kay Aling Garet at nagmano ito't nagpaalam na. Kinawayan pa namin ang matanda bago tuluyang tinahak ang daan pauwi. Habang nasa daan ay panay kwento si Kesleigh sa nangyari sa kanya maghapon. Kahit nabubulol ang anak ko, nakakaya ko pa rin siyang intindihin. Nakakawala ng pagod 'yong simpleng pagkwekwento niya, nakakaya niyang pawiin ang pagod ko sa trabaho. "Tita Ganda.." Tawag ni Kesleigh sa kaibigan kong si Jen na abala sa pagluluto. Kumalas si Kesleigh sa pagkakahawak sa kamay ko at patakbong niyakap pataliko si Jen. Hindi ko naitago ang ngiti sa labi ko kung paano niya lambingin ang kaibigan ko. Kahit papaano, nakakayang pawiin ni Kesleigh ang pagod naming dalawa ni Jen galing trabaho. "Pinuri ka lang ng anak ko, kinarir mo naman." Biro ko kay Jen, tinutulungan ko siyang maghanda ng makakain namin samantalang abala sa paglalaro ng barbie doll si Kesleigh sa may sala malapit sa gawi namin. "Hoy! Maganda naman talaga ako e saka ang mga bata hindi nagsisinungaling." Depensa niya't itinuro sa akin 'yong hawak niyang sandok. Kasalukuyan siyang naggigisa ng repolyo habang ako ay inaasikaso na ang lamesa. "Kung maganda ka talaga, bakit wala ka pang jowa?" "Bakit, saka lang ba matatawag na maganda kapag may jowa? Ang sakit mo naman, bes." Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Pero, Jen, thank you ah. Alam ko naman na kaming dalawa ni Kesleigh ang dahilan kung bakit wala ka pang jowa." Naupo ako sa silya at humarap sa kanya. "Paanong naging kayo, baliw." "Syempre, nakaabang ka palagi para alalayan ako. Kung may balak kang magjowa, sana noon mo pa lang ginawa. Tsaka, Jen, ayaw namin maging pabigat ng anak ko sa'yo. Kung gusto mo ng magkaroon ng pamilya, go lang. Deserve mo naman 'yon e. Sapat na sa amin na tinutulungan mo kami kapag kinakailangan namin ng tulong ni Kesleigh. Tandaan mo, hindi ka bumabata, napag-iiwanan ka na ng panahon oh." Panenermon ko sa kanya. Alam ko na isa kami sa dahilan kung bakit hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon. Nakalimutan niyang magkalovelife kakaalalay sa akin. Mula nong iwan ako ni Caloy, nandyan na sya sa tabi ko para tulungan ako. Alam ko na deserve niyang magkaroon ng pamilya dahil mabait siyang tao at kaya niyang pangalagaan ang bubuuin niyang pamilya kagaya ng pag-aalaga niya sa amin. Pinatayan niya iyong stove saka sumandal sa may lababo't hinarap ako. "Leya, choice ko'ng maging single, okay? Huwag mo ngang isipin na pabigat kayo ni Kesleigh sa akin, para na kitang kapatid 'no. Kung single man ako habambuhay, edi tatanggapin ko. Sa nangyari sa inyo ni Caloy, takot na akong magtiwala sa mga lalaki. Okay na ako sa pagiging instant Magandang Tita ni Kesleigh 'no." Napangiti ako sa sinabi niya. "Oo na, maganda ka na, sa'yo na ho ang korona." Nagtawanan kaming dalawa. Matapos naming magluto ay kumain na rin kami syempre bago kumain ay nagdasal muna kami. Nagprisinta ang anak ko na mamuno sa pagdarasal kaya hinayaan namin. Napangiti na lang ako sa tuwa sa pagiging bibo ng anak ko. Hindi ko na kailangang subuan si Kesleigh dahil marunong naman na siya. Minsan kailangan siyang alalayan kapag ganoon na kinakailangan niyang kumuha ng kanin o kaya ay ulam. "Leya, nga pala, may slots doon sa opisina, baka gusto mo'ng mag-apply." Pagbabalita ni Jen sa akin. "Gagi, may work na ako." "Bes, milyon-milyon ang nangangarap na makapasok sa Guererro Company tapos ikaw idedecline mo lang?" Nakataas-kilay na wika pa nito. "E sa milyon-milyon na 'yon sa tingin mo ba may chance akong makuha? Baka sa requirements pa lang talo na ako." "Grab the opportunity na, bes. Alam mo ba kung magkano na ang sahod namin this coming month?" "Magkano?" "Fifthy thousand a month, bes." "Talaga?" Gulat na gulat na tanong ko at muntik pa akong masamid. "Teka, anong requirement ba ang kailangan?" Tanong ko dahil naantig ako sa laki ng sweldo. Hindi lang naging triple ang kakarampot na sahod ko sa hardware kundi naging times five pa. "Wala naman masyadong requirement e basta may job experience at magaling sa interview." Sagot niya. "Teka, bakit ngayon mo lang sinabi? Matagal ka ng nagwowork doon ngayon mo lang ako inimbitahan na sumali." Nakasimangot na usal ko. "Bes, dumami kasi ang mga investors nila kaya kinakailangan ng maraming tauhan. Iyong new building nila ay patapos na rin kaya kinakailangan ng bagong empleyado na idedestino doon. Leya, huwag mo ng palampasin ang pagkakataon na ito. Sinasabi ko sa'yo, magsisisi ka kapag hindi mo tinanggap ang alok ko sa'yo." Pinag-isipan ko 'yon ng mabuti dahil hindi biro ang sahod doon. Kung tutuusin, malaking tulong na 'yon para matustusan ang pangangailan naming mag-ina. Hindi rin imposible na makaipon ako para sa future ni Kesleigh. At ayokong magsisi sa huli kapag pinalampas ko ang pagkakataon na ito. * * * "Bagay ba 'tong suot ko sa'kin?" Tanong ko habang naglalakad kami ni Jen papunta sa may sakayan ng jeep. Nakiusap ako sa amo ko na umabsent ako ngayon at idinahilan na emergency para payagan ako. Kapag sinabi ko na pupunta ako ng Guererro Company upang mag-apply ay tiyak hindi nila ako papayagan. Samantala, si Kesleigh at iniwan ko ulit kay Aling Garet kagaya ng dati. Nagpumilit pa siyang sumama kanina pero inuto ko ng malala na may nangangain ng bata kaya umatras na. "Bagay man o hindi, atleast may saplot ka." Sagot nito at hinawakan ang palapulsuhan ko't hinila pasakay ng jeep. Naabutan namin ang rush hour kaya traffic at sobrang init sa loob ng jeep. 'Yong light makeup ko nalusaw sa laki ng butil ng pawis sa mukha ko. Pakiramdam ko tuloy ang baho ko na gayung hindi pa ako nakakarating sa kompanya na pinagtratrabahuan ni Jen. Gusto ko'ng maging presentable pero sa byahe pa lang sabog na ako. "Teka, magreretouch lang ako." "Leya, huwag na. Baka dumami na ang tao don kapag babagal-bagal ka pa dyan. Tara na." Pwersahan niyang hinila ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Sakto lamang ang dating namin dahil hindi gaano kadami ang tao. May kinse sigurong tao ang naabutan naming nakapila. Sa sobrang basa ko ng pawis ay pakiramdam ko tinakbo ko mula sa bahay hanggang dito. Pasimple ko'ng inamoy ang sarili ko at mabuti na lang hindi umalingasaw ang kilikili ko kahit basang-basa na 'yon. "Oh, 'yong mga itinuro ko sa'yo, huwag na huwag mong kakalimutan ha? Syempre, magpakahumble ka ng konti at magpakabibo para matuwa sila sa'yo." Paalala ni Jen sa akin. "Teka, 'yong mga dokumento na kailangan, dala mo ba?" Chineck ko ang dala kong folder at nagthumbs-up nang mapansin na wala akong naiwan ni isa. "Huwag mo'ng tarayan 'yong mag-iinterview sa'yo. Ngitian mo lang ng malala para matuwa siya sa'yo." Dagdag pa nito. "Ayusin mo ng konti 'yang buhok mo." Sinunod ko naman ang gusto niya. "Presentable na ba akong tignan?" Tumango siya. "Sakto lang." Tinapik niya ng marahan ang pisngi ko. "Sige na, galingan mo, ha? Tawagan mo'ko pagkatapos ng interview mo. Goodluck." Bineso niya ako saka tinapik sa balikat bago tuluyang umalis. Nagdasal ako bago sumabak sa interview dahil iyon ang tanging weapon ko sa laban na ito. Kung ano man ang maging kaparalan ko dito, tatanggapin ko ng buong puso. Naghintay ako ng ilang oras bago ako tinawag ng isang babae para pumasok sa isang opisina. Hindi ko namalayan ang oras dahil baka segundo ay nakatingin ako sa dami ng tao na pumipila. Tama nga si Jen, maraming naghahangad na makapasok sa kompanya na ito kaya dapat na galingan ko. "Magandang umaga po." Bati ko kaagad sa napakaformal na babae na nakaupo't mukhang hinihintay ako. "Magandang umaga rin, halika, maupo ka." Umupo ako sa harapan niya at inalala talaga lahat ng turo ni Jen sa akin. Sa paraan ng pagtindig at upo ay inaplay ko para talagang kaaya-aya akong tignan. "Dala mo ba ang mga dokumentong kailangan, Miss?" Tanong ng babae sa akin. "Ay, yes po, Maam." Kaagad ko'ng hinaluglog ang dala ko'ng folder at inilabas ng dokumento na kinakailangan katulad ng biodata, birth certificate, ilang mga ID at marami pang iba na kailangan. Iniabot ko ito sa kanya at sinuri niya ito pagkakuha sa akin. Hindi mapalagay ang puso ko sa tindi ng kaba na nararamdaman ko. Wala sa kalahati ng isang daang porsyento kasi na mahire ako dito dahil baka mataas ang standards nila. Para maibsan ang kaba ko, sinubukan ko'ng pakalmahin ang sarili ko. Pinunasan ko ang namamawis kong mga kamay at pati na rin ang mukha. Sinubukan ko'ng huwag ipahalata sa interviewee na kinakabahan ako at bala maturn off ito sa akin. "So, single-mom ka pala." "Opo, four years na po." Tumango-tango ito habang nakatitig sa mga papel na iniabot ko sa kanya. "Nice job experience, huh." Napangiti ako sa sinabi niya at kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asa sa magandang komento na ibinigay nito sa akin. "Wait, hindi mo ba dala ang college diploma mo, Miss?" Napalunok ako sa sinabi niya. Napakagat ako sa pang-ibaba ko'ng labi dahil iyon ang isa sa mga unang rason kung bakit pinanghihinaan ako ng loob na mag-apply sa ganitong klase ng kompanya. Panigurado, mga edukado ang gusto nila para sulit 'yong ipapasweldo nila. "Ah, Maam, wala po e." Nahihiyang wika ko. "Highschool lang po ang natapos ko kasi.. 'yon nga po nabuntis ng maaga. Pero....masipag po 'ko, Maam. Hindi po ako reklamador at okay lang po sa'kin kahit anong iutos niyo kahit buwis buhay pa po 'yan. Okay lang kahit mag-overtime po ako, kahit tambaka nyo ako ng maraming gawain, tatanggapin ko. Hindi man po ako nakapagtapos ng college pero matiyaga po ako'ng magtrabaho. Wala po'ng sabit, Maam, pangako po." Itinaas ko ang kanan kong kamay upang ipakita na nangangako ako sa kanya. Napatitig ito ng ilang segundo sa akin saka muli itong nagsalita. "Hija, hindi kasi basta-basta'ng kompanya itong pinasukan mo. Kilala ang kompanyang ito at kinakailangan ng empleyado na may alam sa ganitong klase ng trabaho. Oo, maganda ang job experience mo pero hindi ka kasi pasok sa standards na kailangan namin e." Napabuntong-hininga ako ng malalim at pilit prinoproseso ang lahat. "Maam, nakikiusap po ako sa inyo." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "May anak po ako, wala po akong katuwang sa pagpapalaki sa kanya kasi iniwan po kami ng tatay niya. Tanging ako lang po ang kumakayod para mabuhay ko siya kaya nagmamakaawa po ako sa inyo, kunin niyo po ako. Hindi ko naman po kayo bibiguin e, pramis 'yan. Please po, kahit para sa anak ko lang." Hindi ko namalayan na napaluha na ako sa pagmamakaawa na ihire nila ako dahil kinakailangan ko ang trabaho na ito para matustusan ang pangangailangan ng anak ko. Napangiti ang babae at hinimas ang kamay ko. "Tatawagan na lang kita kapag may update na, Miss Cattleya." *** "Ay hala, sorry, bes. Hindi ko pala nasabi na nagbago na sila ng requirements na kailangan. Dati kasi wala namang ganon e." Pagbubunganga ni Jen nang pauwi na kami. Para akong lantang gulay na naglalakad dahil papasok na kami sa kanto namin. Hindi mawala sa isip ko kung ano ang magiging resulta ng interview ko kanina. Nilalamon ako ng negatibong vibes at naiiyak ako roon. Konti kasi ang tyansa na makuha ako since college graduate pala ang kailangan nila. "Bahala na, atleast sinubukan ko." Walang ganang usal ko, binuksan ko na 'yong gate saka pumasok, nakasunod si Jen sa akin at sinusubukang pakalmahin ako. "Sus! Huwag ka ngang nega kasi, think positive lang dapat." "Paanong 'di ako magiging nega e college graduate nga daw ang kailangan. May degree ang kailangan nila, bes, hindi 'yong kagaya ko na 'di manlang nakatapos." Alyansa ko. Bago pa man makasagot si Jen ay nagulat kami dahil naabutan namin si Kesleigh na nasa sala kasama si Aling Garet. Nakatulog si Kesleigh sa bisig ni Aling Garet kaya dali-dali ko siyang nilapitan at maingat na kinuha sa kanya ang anak ko. "Naku, Anti, pasensya na kung nalate kami ng uwi, traffic kasi e. Nag-abala pa tuloy kayong ihatid 'tong anak ko." Paghingi ko ng tawad. "Wala 'yon, talagang sinadya ko'ng pumunta rito para makausap ka." Ani ng matanda. "Ah, akin na muna si Kesleigh at dadalhin ko na sa kwarto niyo para makapag-usap kayo ni Anti." Usal ni Jen at maingat na kinuha si Kesleigh sa akin. "Ano po'ng pag-uusapan natin, Anti?" Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba sa mga titig ni Anti sa akin. Seryoso ang mukha niya at hindi maitatanggi na importante ang sasabihin niya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "Leya, alam ko na may isang tao tayong hinihintay at ang taong 'yon ay kapwa mahalaga sa atin." Panimula niya sa seryosong tinig. Nakatitig lamang ako sa kanya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. "Bakit, Anti, alam nyo po ba kung nasan siya?" Tanong ko. Umiling siya. "Hindi." "Anti, anak ko na po ang usapan dito, pakiusap, kung may alam kayo, sabihin niyo na sa akin." Pakiusap ko sa matanda. "Sana nga mayron, Leya, dahil una sa lahat, naaawa ako sa anak mo. Ayoko na habambuhay kayong aasa ng hustisya sa kawalan. Para ko na kayong pamilya, at gusto ko na matuldukan na ang malaking palaisipan sa utak mo." Alam lahat ni Anti Garet ang nakaraan ko. Alam niya kung paano ako magmakaawa sa kanya para ipakita ang anak niyang si Ara para masagot ang mga katanungan sa isip ko. Malakas ang kutob ko na nakapag-usap sila ni Caloy noon bago may mangyari sa amin. Malakas ang kutob ko na alam ni Ara ang dahilan ng pag-iwan ni Caloy sa akin. Oo, galit ako kay Caloy, pero malaking harang sa puso ko ang kawalan ng ideya kung bakit at ano ang dahilan niya kung bakit niya ako iniwan. "Aalis na ako bukas, uuwi ako ng probinsya ayon sa gusto ng mga anak ko. At sana mag-iingat kayo ng Kesleigh. Kung dumating man 'yong araw na malalaman ko kung nasaan si Ara, ipagbibigay alam ko kaagad sa'yo. Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa malaking bangungot na dinala ni Ara sa buhay mo. Sana mapatawad mo siya, Leya." Naiiyak na wika ng ginang kasabay noon ay may iniabot siyang panyo sa akin. "Ang panyo'ng 'yan ang magdadala sa'yo sa katotohanan, Leya." Makahulugang usal niya bago ako niyakap ng sobrang higpit, sapat lamang na maramdaman ko'ng dinadamayan niya ako sa init ng yakap nito sa akin."Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan. "Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na
CATTLEYA'S POV"Maam Wena, ayoko po."Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat
LUHAN'S POV"Ano na ang balita?"Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Boss, natakasan kami ni Bella." "Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis. "Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami.""Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saan
"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpu
"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin. Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti.""Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen."Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes.""E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara
"Mama.."Masiglang sumalubong si Kesleigh sa akin nang matanaw niya akong papasok ng bakuran nina Aling Garet. Nakagawian na niyang tumakbo para salubungin ako kapag ganitong susunduin ko na siya. Lumuhod ako at pumantay sa kanya. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka siya binuhat. Hinalikan pa niya ako dahil namiss niya raw ako. At bago kami umuwi ay pumasok kami sa bahay ni Aling Garet. "Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito sa Kesleigh ko, Anti." Wika ko sa sinserong tinig. Sumagot si Aling Garet. "Wala iyon, para ko na rin siyang apo e. Saka, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aalaga sa mga apo ko. Isa pa, mainam na dito mo iniiwan 'yang si Kesleigh para naman may makalaro 'tong mga apo ko kahit papaano." Nginitian ko siya dahil sa totoo lang nakakataba ng puso itong pag-aalaga niya kay Kesleigh. "Ay heto po pala para sa inyo." Iniabot ko sa kanya iyong binili kong prutas. "Sana po magustuhan niyo, 'yan lang kaya kong ipalit sa pag-aalaga niyo rito sa a







