Mag-log inNakarating kami ng 20th Floor ng hindi parin nagiimikan.
Malapit na kami sa kanya kanyang pwesto pero nabalot ako ng gulat ng mapatingin sa gawi namin si Diana kaya agad ko syang nginitan.
Lumapit na ako sa table kung saan ako nakapwesto, niligpit ang mga files na hindi ko kaagad nailigpit bago ako nag-early out kahapon.
Habang abala sa pag-aayos, nahagip ng mga mata ang isang pad ng sticky note at parang may laiit na bumbilyang lumiwanag sa ulo ko ng biglang may isang ideyang pumasok sa aking isip na nakapagpangiti muli sa akin.
Binitbit ko ito tsaka mabilis na nagtungo sa Cafeteria.
Pagkakuha ko ng kailangan ko doon, Inihatid ko kagad iyon sa opisna ni Percival. marahan muna akong kumatok bago tuluyang pumasok.
Kasalukuyan syang may kausap sa telepono, at masamang tingin parin ang binato nya sa akin.
Hindi ko parin iyon pinapansin. Nginitian ko parin iyon tsaka marahang nilapag ang aking bitbit sa lamesa nito.
Naguguluhan at nagpabalik-balik ang tingin nya sa akin, habang nakalapat parin ang telepono sa tenga nito.
Kinindatan ko nalang ito at nginitan.
Nakita ko kung paano sya natigilan sa aking ginawa kaya unti unting namula ang mukha.
Mabilis akong tumalikod dito at tinahak ang daan palabas sa opisina nito.
Habang papaupo ako sa pwesto ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Para akong batang may ginawang kalokohan.
Hindi pa ako ganun kaabala, sinukan kong icheck ang schedule ngayon nila Percival at lahat ng yun ay tinake-notes ko.
Habang nagsusulat, napa-gitlat naman ako sa daliring sumundot sa aking tagiliran. ganun nalang ang taka ko kung sino iyon.
“S-Sir Paolo?”
“Busing-busy ah? wait–schedule ba yan ni–”
Mabilis kong inabot ang bibig nito tsaka tinakpan. Sinenyasan syang wag maingay.
Luminga-linga pa ako, nakita naman kami ni Diana pero tatawa-tawa nalang ito sa amin.
Tumango naman sya kaya dahan dahan kong inalis ang kamay ko.
“Wag kang maingay S-Sir, mamaya marinig tayo ng kapatid mo eh.” sambit ko dito tsaka tinuloy ang ginagawa.
“Bakit mo pa ginagawa yan?” napakamot ito sa batok sa matinding pagtataka.
“Diba secretary ka nya–kayong dalawa?” tinuro pa ang pwesto ni Diana.
Magsasalita sana ako, ng biglang sinagot na sya ni Diana.
“Ganun talaga, lahat gagawin mo para sa tao diba?” ani naman nito. marahan nya akong kinindatan tsaka pinagkross ang mga braso sa dibdib nito.
Nasa tabi ko na pala sya hindi ko namamalayan.
“Wala lang.” pagde-deny ko. pero kahit anong lihim at deny ko halata yata ako.
“Gusto ko lang malaman, para pag may meeting sila di ako makaistorbo.” palusot ko na hindi ko alam kung makakalusot ba.
Nakakalokong nginisi-an lang ako ng dalawang kaharap ko.
"Hmmm…" sambit ni Diana. Nagkibit balikat naman si Sir Paolo, tsaka Tumango-tango.
Narinig kong tumunog ang Intercom ni Dianan, sinagot nya iyon agad. bigla naman syang napatingin sa gawi ko.
May kinuha syang ilang folders sa drawer nito at mabilis na lumapit sa akin.
Nalilito man sa una, pero unti unti kong nagets agad ang balak nito kaya marahan akong ngumiti dito.
"Dalhin mo doon. Kailangan nya daw yan." Utos sa akin ni Diana.
Tumango-tango naman ako tsaka mabilis kinuha ang maliit kong note pad at sumulat muli dito.
Alam kong corney tong gagawin ko, pero kung unti unti naman maging effective to bakit hindi.
Umepekto na ang ginawa ko sa kanya sa elevator kanina, ito pa kayang simpleng notes lang.
Simpleng Qoutes lang iyon, pero alam kong gets nya lahat ng ibig sabihin non.
Pagkapasok ko sa opisina nito hindi nya agad ako tinapunan ng tingin gawa ng mga papeles na binabasa sya maiigi.
"Thank Y–" Gulat na tingin nito sa akin.
kung hindi ko pa nailapag ang mga folder sa lamesa nya hindi nya agad malalaman na nakapasok na pala ako.
Lito syang tumingin sa akin at sa pintuang nasa likod ko. hindi ko iyon pinansin tsaka ngumiti ulit sa kanya.
"Where's Dia–?"
"May ginagawa pa po kasi sya, kaya ako na po nagkusa dalhin dito." Putol ko dito. Lalong kumunot ang noo nito tsaka ako inirapan.
Infairness, cute nya mangirap akala mo bakla!
Marahan akong pumihit at naglakad na palabas ng opisina nito, na may mga ngiti sa labi.
'Ipagpatuloy mo lang Celestine, wag mo nalang pansinin pag uumok nya.'
Tinuloy tuloy ko lang ang pagbibigay sa kanya ng mga small notes. kung hindi man sa mga papeles na pina-forward nita kay Diana, o kaya sa lunch nya.
Marahan akong tumingala ng makitang alas kwatro na pala ng hapon.
Mabilis kong kinuha ang wallet ko tsaka lumakad palabas ngn opisina para bumili ng kape.
Mukhang pinagbibigyan ako ng tadhana ngayon sa kalokohan ko.
Pagkarating ko kasi sa coffee shop malapit sa opisina, wala halos kapila-pila kaya naka-order ako agad ng kape.
Pagkatapos ko doon, bumalik na ako agad. puno ng ngiti ng mga labi ko habang bit-bit ang binili ko sa Coffee shop.
Binigay ko kay Diana ang isa at nilapag ko naman ang akin sa lamesa ko.
Matapos nun ay pinuntahan naman ako sa opisina ni Percival para ibigay ang dala-dala ko.
Nagulat sya ng bigla akong pumasok sa opisina nito.
Napansin kong mabilis nyang binaba ang hawak-hawak. sinubukan ko man tignan hindi ko na nagaw pa, pinakatago na kasi ito ni Percival sa ibaba kaya nag-kibit balikat nalang ako.
"Kumatok ka nga! alam mong busy yung tao eh!" Galit na bungad nito. nginitian ko lang sya tsaka sya nilapitan sa lamesa nito.
as usual naguguluhan nanaman sya. kaya mas lalo akong natawa. Ganyan na ganyan sya pag nahuhuli ko noon na may ginagawang hindi ko alam.
Same as always..
"Ito naman, ang init ng ulo. kain ka muna ng meryenda, favorite mo yan Cinnamon roll and Caramel Machiato." Malambing kong sabi dito, habang isa isang nilapag ang mga bitbit ko.
Pabalik-balik nanaman ang tingin nya sa akin at sa bitbit ko. Tumikhim naman ito tsaka umiwas ng tingin.
"H-How did you know–"
"Kainin mo nalang, sige na," putol ko dito tsaka sya muli kinindatan at iniwang uwang ang labi.
Nasa pintuan na ako ng muli akong pumihit paharap uli sa kanya.
"Pakabusog ka ha." bilin ko dito at ginawaran ng matamis na ngiti. nang hindi na sya nagsalita lumabas na ko ng opisina nito.
Bumalik ako sa upuan ko na may ngiti sa mga labi.
Hindi ko alam na eeffective ang naisip ko na ito, ni hindi rin nagreklamo si Percival sa mga pinaggagawa ko.
Syempre umpisa palang to, gagawin ko yung mga bagay na dapat ginawa ko sa kanya noon.
Habang may chance pa na, lulubos-lubusin ko na. habang hindi pa huli ang lahat.
"Nice one, Tonie." bungad ni Diana habang hinihigop ang kapeng binili ko din sa kanya. Kinindatan ko ito tsaka nginitian ng sobrang tamis.
"Dahan-dahan lang ha, baka umiyak ka nanaman." Bilin naman nito. Mabilis naman akong tumango.
"Oo naman, naguumpisa palang ako—kaw talaga." Sagot ko dito tsaka umiling iling.
Kahit papaano, gumaan gaan ang loob ko.
Unti unti kong nakikita na mababawasan na ang sakit na ginawa ko sa kanya.
Sana lang, wala nang dahilan para muli nanaman kaming masaktan.
Ilang araw kong tinuloy tuloy ang mga maliliit kong effor kay Percival, at sa ilang araw na yun wala kaming narinig sa kanya na pangunguntra sa ginagawa ko.
Kung hindi ko sya binibigyan ng mga Kape kada umaga na may note, binibilhan o binabaunan ko naman sya ng lunch o mamemeryenda nya.
Pinapainit ko ang Baon na ginawa ko para kay Percival sa Cafeteria nang pumasok si Jack na may dala-dala din na baon. Lunch break din siguro nito.
"Hey, long time no see Miss Celestine." Bungad agad nito sa akin tsaka pumwesto sa lamesang bakante sa Cafetiria.
Marahan ko syang nginitian tsaka muling inasikaso ang ginagawa.
Wala sa sariling napapikit ako ng maalala nanaman ang nangyari nung nakaraan.
Muli nanaman kasing nanariwa sa isip ko kung paano nagalit si Percival sa paguusap naming dalawa.
hindi ko tuloy mapigilang maging alerto, baka bigla nalang ulit lumitaw ito ng hindi ko nalalaman. masira nanaman ang mga plano ko.
"Kamusta ka na?" tanong nito. mariin akong huminga ng malalim bago sya sinagot.
"I am all good. thank you for asking." sagot ko lamang dito.
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong falls.At kasabay noon—ang biglang pagbigat ng katawan ni Percival sa akin.“P-Percival—?!”Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang mainit na likido na unti-unting kumalat sa kamay ko nakahawak sa likod nya–Dugo.Huminto ang bigla mundo mundo ko. Pakiramdam ko nabingi ako ng makita ng maayos ang sariwang dugo ni Percival sa kamay ko.Halos mawalan ako ng hininga habang mabilis na sinalo ang katawan nya na pilit pa ring nakayakap sa akin kahit unti-unti na itong nanghihina.“Percy… Percy!”
Mahaba ang daan ngunit wala siyang ibang naririnig kundi ang tunog ng sapatos niya sa lupa at ang mga alaala na pilit bumabalik kahit anong iwas niya.Celestine laughing under the rain, Celestine hugging him from behind habang tumutugtog siya noon ng gitara, Celestine telling him she would never leave him.Napahigpit ang hawak niya sa strap ng gitara.“Bullshit…” mahinang mura niya sa sarili.Dahil lahat pala ng pangakong iyon, kayang-kayang sirain ng babae At iyon ang pinakakinamumuhian niya hanggang ngayon.Hindi yung iniwan siya Kundi yung hanggang ngayon, pagkatapos ng lahat—si Celestine pa rin.
Third Person POVHindi siya sumagot.At mas lalong lumalim ang sakit sa dibdib ni Tonie dahil doon.“Percival…” halos pabulong nalang niyang tanong habang nanginginig ang boses. “Bakit parang ako parin?”Napatigil si Percival.Hindi siya lumingon. Hindi siya gumalaw.Pero kitang-kita sa likod niyang tila biglang bumigat ang buong mundo sa balikat niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Yung klase ng katahimikang kayang durugin ang isang tao.
And God—I almost broke from what I saw there.Galit.Takot.At pagmamahal na pilit niyang nilulunod.“You really don’t know what you do to me, no?” halos pabulong niyang sabi.Huminto ang paghinga ko.Napakuyom siya ng kamao habang pilit na lumalayo ang tingin niya sakin, parang bawat segundo na tumatagal akong nakatayo sa harap niya, mas lalo siyang nawawalan ng kontrol.“I spent years trying to hate you, Tonie.”Mahina.
“Would you just for once–Manahimik ka man lang dito!” matigas na turan nito. kasabay ang pagtaas pa ng kamay nito ng mapansin nyang magsasalita pa sana ako ulit.Umatras sya palayo sa akin, tsaka marahas na ginulo ang buhok.Nang makalapit mahawakan ang door knob sa likod nito binuksan nya iyon. Pero bago sya tuluyan mawala sa paningin ko, nagbilin muli ito.“I fucking hate you so much.” bulong nito.Bulong man yun sa iba, pero sakin sobrang linaw ng katagang iniwan nya sa akin sa loob ng apat na sulok ng kwartong to.Bumagsak ang mga balikat ko. Nanlambot ako sa sinabi nito sa akin.
"Sige po Ma'am. Nga pala, may bagong ginawang lagusan papunta sa bakanteng resort sila Tatay. pwede nyo pong puntahan mamaya pag may time kayo.” Lumiwanag ang mukha ko sa narinig.“Maganda doon, napaka luwag at malapit sa dagat. siguradong mageenjoy kayo ni Bashfull pag pinuntahan nyo iyon." ani nito sa akin.Nakuha nito agad ang buo kong atensyon. ngayon ko lang nalaman na may tagusan pala papuntang dagat dito sa farm."Sige, puntahan namin mamaya. mga alas-kwatro siguro, para hindi gaano maiinit." Ani ko rito. confient naman akong safe sa lugar na yun."Samahan ko na kayo mamaya, Ma'am–""Wag na, dyan lang naman yun. kaya ko
Ala una na ng hapon ako nagising. napahaba ang tulog ko ng hindi ko napapansin. mabilis naman akong naghilamos at nagpalit ng damit bago lumabas.Pagbaba ko galing kwarto ay may ilang trabahador ang
Ala una na ng hapon ako nagising. napahaba ang tulog ko ng hindi ko napapansin. mabilis naman akong naghilamos at nagpalit ng damit bago lumabas.Pagbaba ko galing kwarto ay may ilang trabahador ang
Inaya na nya akong bumaba at tinulungan nya na akong bitbitin ang mga gamit ko. Gusto ko sana magdrive, para ma-experience ko naman na makapag drive ng mahaba-haba.&nb
Chapter 15"Is that the Eye drop?" tanong ni Percival sa dumating."Yes po sir."Naramdaman kong hinawakan ng Nurse ang br







