ログインMagtatanong pa sana sya ng biglang tumunog ang Microwave oven. hudyat na maiinit na ang pagkain na pinapainit doon.
Agaran akong umalis ng Cafeteria, ni hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Jack. nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na ako nito naabutan.
Pagkarating ng floor namin, lakad takbo ang ginawa ko. tiniis ko ang mainit na dala-dala kahit pasong paso na ang kamay, tiniis ko mahatid lang ito ng mainit pa.
Marahan akong kumatok sa pintuan ng office ni Percival, kahit wala pa akong natatanggap na sagot dito pumasok na ako.
As usual busy nanaman at tutuk na tutuk sa kanyang laptop.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na malapit na pala ang gaganaping Event para sa mga agricultural dito sa bansa.
Isa kasi sya sa mga nag-insposor ng event kaya ayan todo gawa ng speech nya.
"Ehe-hem!" Tikhim ko dito.
Tinapunan nya lang ako ng walang kagana ganang tingin, pero hindi na kasing sungit nung una.
Nginitian ko ulit sya at nilagay na sa lamesa nito ang pagkaing dala-dala ko.
"Kain na, Lunch na po Sir." Malambing kong sambit dito.
Nagdadalawang isip naman syang kuhain iyon, pero sumenyas ako sa kanya tsaka inusog ang toperwear na laman ay pagkain nito.
"Alam mong bawal yan dito diba?" tanong nito.
"Oo—at lagpas lunch break na hindi ka pa kumakain kaya dinala ko na yan sayo." straight forward ko dito. ganyan kasi sya pag sobrang abala o kung may ginagawa.
Mamaya bumalik nanaman ang ulcer nya. Mahirap na.
"Eh kung sabihin ko sayo na ayoko?" isang taas kilay na tanong nito sa akin. nginisian ko naman sya na ipinagtaka nya agad.
"Imposible." taas noo kong sagot dito. malakas ang loob ko ngayon, alam kong hindi nya hihindian ang dala ko.
"How can you be so sure about it?"
"Buksan mo nalang." sabay taas baba ng kilay dito.
Inismiran nanaman ako ng loko.
Kahit ayaw at wala sa mood, binuksan nya pa rin ang topperwear.
Ganun nalang ang ngiti ko ng makita ang reaksyon nito.
Halos lumuwa ang mga mata nito at sunod sunod ang paglunok sa nakitang laman nito.
"Favorite mo–NATIN, BICOL EXPRESS." sabi ko rito, tsaka tinaas baba ulit ang kilay.
Mabilis syang napatingin sa akin ng marinig iyon. I put my lips in thin line to stop bursting out. pero ang butas ng ilong ko, hindi mapigilan lumaki.
"Lumabas ka na nga! dami mong alam eh!" Iritableng saway nito tsaka tinakpan uli ang topperwear.
My lips twitch, dahil sa sinabi at tono ng pananalita nito.
Pero Tinanguan ko nalang ito tsaka lumabas. Isasara ko na sana ang pintuan pero mabilis akong sumilip ulit dito.
"Ubusin mo ha." Bilin ko dito. muling mabilis na sinara ang pintuan nito.
Wala nanamang humpay ang ngiti sa mga labi ko, at saya sa aking puso.
I guess this is it, to start something new. Sana tuloy tuloy na.
Isang araw nalang at gaganapin na ang Event namin for Agricultural. Kasalukuyan kong tinatawagan pa ang iba naming iimbitahan sa gaganaping event na iyon.
Lahat halos ng tao sa bawat department abala para doon.
Hindi lang kasi basta-basta ang Event yun, may mga ilang Artista at mga taga Gobyerno din ang inimbitahan namin.
Hindi parin talaga ako makapaniwala at humanga pa lalo.
Sobrang layo na ng narating Ni Percival.
Ibang iba sa Percival na nakilala ko noon.
Kagaya ng mga ilang CEO-ng kilala ko, mabait din naman sya sa mabait. wag lang sasagarin. iba din kasing magalit ang isang to.
Hindi ko maiwasang mapangiti, at isipin kung mapagbibigyan man kaming maituloy ang relasyon namin isa na ako sa pinaka-maswerteng tao.
Im not into his money to be honest and in the first place.
Mas gusto ko parin kung ano na sya ngayon.
Hindi parin nya ako pinapansin like before pero alam ko—ramdam ko may progress na ang lahat.
Habng busy ako sa pagta-type ng emails for the said event, Napalingon ako sa table ni Diana ng marinig syang humikbi nalang bigla.
"No.." Impit na bulong nito, Tsaka sinumsub ang ulo sa lamesa nito.
Sana mali ang nasa isip ko.
Kumunot ang kilay ko at nalilito syang dinaluhan sa lamesa nito.
Umupo ako sa harap niya na nakaduko parin sa lamesa.
"Day? what happened—" Mabilis syang lumingon sa gawi ko at yumakap sa akin.
Nahigit ko ang aking hininga sa gulat, naramdaman ko ang matinding panginginig ng katawan nito.
Maingat ko syang niyakap pabalik tsaka ko hinimas ang likod nito.
“Tonie–wala na," Ani nito na patuloy parin sa pag iyak. hindi ko maiwasan malito sa ibig nitong sabihin.
"S-Sino?"
"Si T-Tatay," Muling humagulgul nito.
Natahimik ako sa ibinalita nya. hinigpitan ko rin pagkakayakap dito, I know how it feels to lose someone.
Masakit yun, sobra lalong lalo na kung kapamilya mo pa.
Matagal na kasing nasa hospital ang Totoong tatay niya. nagkaroon ito ng Lukemia, at late na nila ito naagapan.
Sa ugali ni Diana, lahat gagawin nya para sa pamilya mahirapan man sya o anu.
Nakakalungkot, kung kailan ngayon nalang sila nagkasama tsaka pa ito nawala. hindi ko maiwasang malungkot para dito.
"I'm so sorry Diana, Kakausapin ko sa Percy para makapag-file ka na ng leave," untag ko agad dito.
Naramdaman kong Umalog ang ulo nito bilang pagsang-ayon sa suhestyon ko.
Sa itsura nito, hindi na sya makapagisip at makakilos ng maayos.
"Nagkaroon ng Emergency si Diana, gusto daw nya muna mag file ng leave bukas." Deretsa kong sabi kay Percival pagkapasok na pagkapasok ko sa office nito.
Nakayuko lang ako at wala sa sariling pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Nanlalabo na din ang paningin ko, gawa ng mga luhang hindi ko mapigilan lumabas.
Kunot at puno ng pagkalito ang tinging binato sa akin ni Percival.
Hindi ko parin mapigilang maluha, sobrang sakit sa isang anak na ni minsan hindi nakasama ang mga magulang.
"What kind of Emergency?" Walang ganang sagot nito.
Marahan nyang inalis ang eyeglasses, tsaka napahilot sa pagitan ng mga mata nya.
"H-Her father died today…Her Real father." nakayukong sagot ko muli dito.
Alam kong nanginginig ang boses ko habang pinipigilan ang pagiyak.
Kung ako nasa posisyon ni Diana, baka naglupasay na ako.
"Where is she? nakauwi na ba?" Mabilis syang napatayo sa kinauupuan nya at madali nya akong nilapitan at hinawakan sa braso.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko.
Napuno sya ng pagaalala. same like before, sa mga kaibigan namin. Kapag may nalalaman kasi syang mga ganitong balita super emphatic nyang tao.
Iniwas ko ang tingin ko, at Mabilis umiling bago sya sinagot.
"H-Hindi pa. nasa table pa sya." ani ko dito.
Lumakad sya sa malapit na Water Dispencer ng opisina nito at kumuha ng tubig.
Marahan nyang inabot sa akin ang baso, nalilito ko syang sinusundan ng tingin.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa hawak nito at sa kanya.
"Drink–Ubusin mo. then Let me talk to her." malamig na salita nito.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang iniabot nito, matapos nun ay sabay na kaming lumabas ng office nya.
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong falls.At kasabay noon—ang biglang pagbigat ng katawan ni Percival sa akin.“P-Percival—?!”Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang mainit na likido na unti-unting kumalat sa kamay ko nakahawak sa likod nya–Dugo.Huminto ang bigla mundo mundo ko. Pakiramdam ko nabingi ako ng makita ng maayos ang sariwang dugo ni Percival sa kamay ko.Halos mawalan ako ng hininga habang mabilis na sinalo ang katawan nya na pilit pa ring nakayakap sa akin kahit unti-unti na itong nanghihina.“Percy… Percy!”
Mahaba ang daan ngunit wala siyang ibang naririnig kundi ang tunog ng sapatos niya sa lupa at ang mga alaala na pilit bumabalik kahit anong iwas niya.Celestine laughing under the rain, Celestine hugging him from behind habang tumutugtog siya noon ng gitara, Celestine telling him she would never leave him.Napahigpit ang hawak niya sa strap ng gitara.“Bullshit…” mahinang mura niya sa sarili.Dahil lahat pala ng pangakong iyon, kayang-kayang sirain ng babae At iyon ang pinakakinamumuhian niya hanggang ngayon.Hindi yung iniwan siya Kundi yung hanggang ngayon, pagkatapos ng lahat—si Celestine pa rin.
Third Person POVHindi siya sumagot.At mas lalong lumalim ang sakit sa dibdib ni Tonie dahil doon.“Percival…” halos pabulong nalang niyang tanong habang nanginginig ang boses. “Bakit parang ako parin?”Napatigil si Percival.Hindi siya lumingon. Hindi siya gumalaw.Pero kitang-kita sa likod niyang tila biglang bumigat ang buong mundo sa balikat niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Yung klase ng katahimikang kayang durugin ang isang tao.
And God—I almost broke from what I saw there.Galit.Takot.At pagmamahal na pilit niyang nilulunod.“You really don’t know what you do to me, no?” halos pabulong niyang sabi.Huminto ang paghinga ko.Napakuyom siya ng kamao habang pilit na lumalayo ang tingin niya sakin, parang bawat segundo na tumatagal akong nakatayo sa harap niya, mas lalo siyang nawawalan ng kontrol.“I spent years trying to hate you, Tonie.”Mahina.
“Would you just for once–Manahimik ka man lang dito!” matigas na turan nito. kasabay ang pagtaas pa ng kamay nito ng mapansin nyang magsasalita pa sana ako ulit.Umatras sya palayo sa akin, tsaka marahas na ginulo ang buhok.Nang makalapit mahawakan ang door knob sa likod nito binuksan nya iyon. Pero bago sya tuluyan mawala sa paningin ko, nagbilin muli ito.“I fucking hate you so much.” bulong nito.Bulong man yun sa iba, pero sakin sobrang linaw ng katagang iniwan nya sa akin sa loob ng apat na sulok ng kwartong to.Bumagsak ang mga balikat ko. Nanlambot ako sa sinabi nito sa akin.
"Sige po Ma'am. Nga pala, may bagong ginawang lagusan papunta sa bakanteng resort sila Tatay. pwede nyo pong puntahan mamaya pag may time kayo.” Lumiwanag ang mukha ko sa narinig.“Maganda doon, napaka luwag at malapit sa dagat. siguradong mageenjoy kayo ni Bashfull pag pinuntahan nyo iyon." ani nito sa akin.Nakuha nito agad ang buo kong atensyon. ngayon ko lang nalaman na may tagusan pala papuntang dagat dito sa farm."Sige, puntahan namin mamaya. mga alas-kwatro siguro, para hindi gaano maiinit." Ani ko rito. confient naman akong safe sa lugar na yun."Samahan ko na kayo mamaya, Ma'am–""Wag na, dyan lang naman yun. kaya ko
Chapter 14Naguguluhan ko naman syang tinignan, at lihim na inamoy ang sarili. hindi nman ganun karami nainom ko, ano nanaman ba to!Kung about to sa pagtulong sa
Chapter 13"Hey." tawag muli nito sa akin. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanya na, Oo iniiwasan ko sya.Di dahil ayokong mapaginitan sya ni Percival, Kung hindi
Ayokong masira ang party na to dahil sa akin."Bago ka palang sa ganito Bata, Baka nakakalimutan mo kung sino–"Madami nang nakakakuha ng atensyon sa amin. may mga napapahinto at nakiki-isyoso sa amin.
Chapter 11ang ending nilugay ko nalang at nilagyan ng maliit na butterfly clip para hindi naman gaanong plain ang itsura ko.kinulot ko pa ito kaya talagang doon ako natagal.







