ELLISE Pov:
Napatingin ako mismo sa papel na inilapag niya sa ibabaw ng lamesa sa harap ko. Kay bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang na maayos pa ang lahat ngunit nandito ako ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko na papasok sa isang kasunduan kapalit ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng mama ko. Umangat ang mata ko at tumingin sa kanya. Si Sir Nathan na nakaupo sa kabilang panig ng lamesa na seryosong nakatingin din sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang pinasok mo sa utak ng lolo ko para ikaw ang piliin niya para pakasalan ko.” Malamig ang tono ng boses niyang sabi habang ang daliri ay tumitipa sa ibabaw ng lamesa. Kailangan ko ng malaking halaga ngunit hindi ko akalain na madadamay ako sa will ng lolo niya. Ano ang kinalaman ko sa lolo niya? Dalawang buwan nang magsimula akong maging PA niya at sa dalawang buwan na iyon ay hindi ko pa nakakasalamuha ang lolo niya. Tapos pinagbibintangan niya ako na kung ano na lang ang pinasok ko sa utak ng lolo niya? “Totoong kailangan ko ng malaking pera, sir Nathan. Pero hindi ko kilala ang…” “Huh! Talaga? Sa tingin mo ay maniniwala ako? Paanong hindi mo kilala ang lolo kung nadamay ka sa buong testamento niya?” “Hindi ko pa nakikita ang lolo mo, sir Nathan. At kung pinagbibintangan mo lang ako ay hindi ako lalagta sa kontrata na ito.” May pagkainis na sabi ko na sinabayan ng pagtayo matapos kong itulak ang papel pabalik sa harapan niya. Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita. “Isipin mo ang kalagayan ng mama mo. Sigurado ka ba na hindi ka lalagda sa kasunduang ito?” Natigilan ako. Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Tumikhim pa ako dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. “Well, ikaw ang bahala. Wala din namang magagawa si lolo kung hindi ikaw ang pinakasalan ko. Ang nais lang naman ng lolo ko ay ang mag asawa ako, mabigyan siya ng apo. Marami akong makukuha diyan na gustong gusto na magdala ng apelyido ko.” Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang kanyang pagtayo saka kinuha ang dukomento sa lamesa. Tumalikod na siya. Naglakad. Tumigil nang tumapat siya sa basurahan. “Ipapaalala ko pala sayo.” Muli ko siyang narinig na nagsalita ngunit hindi siya lumingon. “Ayon sa nakalap kong impormasyon tungkol sa mama mo ay hindi na tatagal ang buhay niya kung hindi pa siya maoperahan sa lalong madaling panahon.” Matapos niya iyong sabihin ay itinapon ang dukomento sa basurahan. Doon naman ako natauhan. Anong pinagsasabi niya? Sinabi sa akin ng doktor ni mama na malakas pa ang katawan nito. Hindi! Hindi ako pwedeng makampanti. Nilisan ko ang restaurant, agad na nagtungo ng hospital. Nang marating ko ang hospital ay dumeretso ako mismo sa opisina ng doktor ni mama. “Anong maipaglilingkod ko, Ms. Santillan?” Tanong ng doktor na umangat ang paningin nito mula sa binabasa. “Doktor, sabihin mo sa akin ang totoong kalagayan ng aking mama.” Natigilan ang doktor sa naging tanong ko at hindi na makatingin sa akin ng diretso. “Doktor, sabihin mo sa akin?” Napalakas ang boses kong muling tanong dito. Sa pananahimik ng doktor ay napatunayan ko na hindi lang nagbibiro si sir Nathan sa sinabi niya sa akin kanina. “Miss. Santillan. Hindi sa ayaw kong sabihin sayo ang katotohanan ngunit ang iyong mama mismo ang nakiusap sa akin na huwag ng sabihin sayo ang tunay niyang kalagayan.” Sa sinabi na iyon ng doktor ay nakaramdam ako ng panlulumo. “P-pero sabihin mo sa akin, doktor. Maliligtas ba ang aking mama kung mao-operahan din siya ngayon?” Naglakas akong tanungin iyon sa doktor kahit na may posibilidad na baka nga hindi na kayanin ng mama ko ang operasyon kung ganun na kalala ang kondisyon nito. “Sigurado iyan, miss. Santillan. Nakausap ko din si Mr. Francisco noong nakaraang araw at nasabi ko na din iyon sa kanya.” Napaatras ako ng hakbang sa huli nitong sinabi. Kung gayon ay alam na talaga ni sir Nathan ang kalagayan ni mama kaya malakas ang loob niya ng hindi ako makakatanggi sa inalok na kasunduan sa akin. Naikuyom ko ng mahigpit na halos bumaon ang sarili kong kuko sa palad ko. “K-kung maihahanda ko ba ngayon ang pera ay agad din bang ooperahan ang mama ko?” Muli ay tanong ko. “Kung makabayad din ngayon ay papa - eschedule ko agad ang operasyon sa kahit na anong oras.” “B-bukas. Magbabayad ako bukas. Pwede bang ipa eschedule na siya?” Napatingin sa akin ang doktor at ilang sigundo din na walang naging imik. “Oo naman, miss Santillan.” “Sige. Salamat ulit, doktor.” Nagpaalam agad ako sa doktor. At habang palabas ng opisina nito ay kinuha ang cellphone sa bag ko para tawagan si Sir Frank at sabihing papayag na ako sa kasunduan. Ngunit… Isa… Dalawa… Tatlong beses at higit pa na sinubukan na tawagan si Sir Nathan ay hindi niya sinagot ang mga tawag ko sa kanya. Kaya nakapagpasya na lang akong puntahan mismo ito sa kumpanya. “Miss Santillan, hindi ka pwedeng pumasok.” Papasok na sana ako mismo sa gusali ng kumpanya ni sir Nathan ng pigilan ako ng guwardya. “At bakit hindi ako pwedeng pumasok? Empleyado ako dito.” “Pero may nagsabi sa amin na inaprubahan na daw ni Mr. Francisco ang resignation letter mo.” Halos malaglag ang panga ko, napanganga ako sa narinig ko. Kunot ang noo na may kasamang pag iling. “P-pero kailangan kong makausap si Sir Nathan. Kahit ngayon na lang. May sasabihin lamang ako sa kanya.” “Miss Santillan, makapasok ka man sa loob ay hindi mo din makikita si Mr. Francisco dahil may business trip siya..” “Ano?” Halos bumagsak ang langit sa akin dahil sa narinig ko. Para akong lulubog sa kinatatayuan ko sa bigat ng pakiramdam ko. Ano na ang gagawin ko? Muli kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan ulit si sir Nathan ngunit tulad kanina ay hindi niya sinagot ang tawag ko. Napahikbi ako. Namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung paano ko kokontakin si sir Nathan. At siya na lang talaga ang alam kong makakatulong sa akin kahit na kapalit ay ang pagpapakasal ko sa kanya para pagbigyan naman ang kagustuhan ng lolo niya. Mabigat ang naging paghakbang kong palabas ng gusali ng kumpanya ni sir Nathan. Napatingala pa ako sa kalangitan ng makalabas ako. Parang nakikisama sa akin ang panahon sa bigat ng nararamdaman ko. Makulimlim at biglang kumulog pa. “Mama…Anong gagawin ko. Hindi ko kayang basta ka na lang mawawala ng wala akong ginagawa.” tanong ko na muling naglakad. Sa paghakbang ko ay hindi ko na napansin ang isang malaking bulto ng katawan na nakatayo sa harapan ko at tumama ang nuo ko sa dibdib nito. “Ouch.” Kahit hindi naman masakit ay awtomatikong lumabas iyon sa bibig ko. Umangat ang tingin ko. Doon ko nakilala ang lalaking nabunggo ko. Nagkaroon ng kaunting liwanag ang mundo ko ng makita ito. “Sir Nathan!” Nagkaroon ng liwanag ang pag asa ako. “Sir Nathan.” Halos iyon na lang ang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung paano bubuksan ang paksa tungkol sa kasunduan. Seryoso lang na nakatingin siya sa akin at hindi nagsalita. “Pumapayag na ako sa gusto mo.” Lakas na loob kong deretsong sinabi. Nagsalubong ang kilay niya na nakatingin pa rin sa akin. Hindi umimik saka niya ako tinalikuran. “Sir Nathan, sandali.” Dahil sa kagustuhan kong maoperahan ang mama ko agad ay kakapalan ko na ang mukha ko. Hinawakan ko siya sa kamay at pinigilan. “Nakikiusap ako. P-please, sir Nathan.” “Hindi ba at ang tigas ng paninindigan mo kanina na huwag pumirma sa kasunduang gusto ko?” “Pipirma na ako. Pumapayag na ako. Basta maipaopera lang ang mama ko.” “Oh! Nasa basurahan na ang kontrata. At kilala mo na ang ugali ko. Na kung minsan ko ng itinapon ay hindi ko na pupulutin pa.” Para akong nanigas sa narinig ko. Tama lahat ng sinabi niya. Oo, kilala ko na siya sa loob ng dalawang buwang bilang PA niya. Kung ano ang ugali niya. Kung ano ang gusto at sa mga ayaw niya. At itinapon na nga niya sa basurahan ang ginawa niyang kontrata. “Kukunin ko. Pupulutin ko sa basurahan. Babalik ako.” Natataranta kong sabi saka ko siya binitawan at nagmamadaling tumalikod para bumalik ng restaurant. Nagmamadali ang bawat hakbang ko. Pigil ko na din ang hininga ko habang bagtas ang daan pabalik ng restaurant. Hindi iyon malayo sa kumpanya ni sir Nathan. Kaya hindi na ako nag abalang sumakay ng tricycle. Lakad-takbo ang ginawa ko. Sampung minuto din ang nilakad ko. Nang makapasok ako nang restaurant ay agad kong tinungo ang basurahan kung saan itinapon ni Sir Natan. Ngunit… “Hindi.” Halos mapaupo ako sa sahig ng makita kong napalitan na ang garbage plastic sa basurahan. Nanlulumo akong naupo sa malapit na upuan dahil kung hindi ako uupo ay baka tuluyan ako bumagsak sa sahig. “A-anong gagawin ko?” Tanong na lumabas sa aking bibig na halos ako lang din naman ang nakakarinig. “Mama.” Gusto ko mang pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. At kahit na nakaramdam pa rin ako ng panghihina ay pinilit kong tumayo para puntahan ulit si sir Nathan at makiusap sa kanya. Kung kailangan lumuhod ako sa harapan niya ay luluhod ako. Basta makuha ko lang ang halagang kailangan ko sa operasyon ni mama. Mabigat ang mga paa kong palabas na ng restaurant. Nang malapit na ako sa pintuan ay natigilan ako sa paghakbang. Nasa bungad ng pinto si sir Nathan. Malamig ang mga mata niyong nakatingin sa akin. Pero hindi iyon ang nakatawag sa aking pansin kundi napatingin ako sa papel na hawak niya sa kaliwang kamay. Humakbang siyang papasok at tumigil mismo sa harapan ko. Napatingala ako sa kanya. Ang lalim ng tingin niya sa akin. Hindi ko tuloy makita kung ano ang emosyon na nasa likod ng mga mata niya. “Hindi ko uulitin ang mga sinabi ko sayo. Pirmahan mo ang kontrata na ito.” Sabi niya sabay taas ng papel na hawak niya. Umangat ang kamay ko para sana kunin na iyon ngunit ng hahawakan ko na sana ay itinaas niya ang kamay. Naiwan sa ere ang mga kamay ko. “Isa pa. Alam mo kung saan ka lulugar. Kailangan mo ng pera.. ibibigay ko. At wala dapat makaalam ng kasunduan natin. Lalong lalo na si lolo.” Tumango ako. Hindi na ako nagsalita. “Magtatrabaho ka pa rin sa akin tulad ng dati. At walang magbabago sa mga trabaho mo. Kung ano ang ginagawa mo dati.. iyon pa rin ang gagawin mo.” Muli akong tumango. Ibinaba na niya ang kamay at diretso niyang pinahawak sa akin ang dokumento. Muling nanginig ang kamay ko ng mahawakan ko na ang mga iyon. Nagdadalawang isip pa rin ako pero mas nanaig ang kagustuhan kong maipagamot si mama. Tumalikod ako at humakbang sa malapit na upuan. Naupo ako. Kinuha ang ballpen sa bag ko saka papikit na nilagdaan ang kontrata sa pagpapakasal ko kay sir Nathan kapalit ng malaking halaga na gagamitin ko sa operasyon ni mama.THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Hindi ko agad pinaandar ang kotse ng makasakay kami. Tumingin ako sa kanya. Saka walang pag aalinlangan na yumakap ako."I love you. I love you so much my love. This is a blessing for us." Sabi ko sa kanya habang yakap yapak ko parin siya."I love you too." At tinugon niya ang yakap ko. Dumampi ang labi ko sa nuo niya."Hindi ko alam kung saan ko isisilid ang sayang nararamdaman ko my Love. Ang saya ko talaga sa kaalamang nabigyan mo ako ng anak at mabibigyan mo pa ako sa susunod. Thank you so much my Love.""Ehh!" Sabay pahid ng pisngi ko."Tears of joy. I love you. I really do." Tumango siya. Sapo ang pisngi ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko."I love you too. Pero bago pa tayo magdramahan ulit. Umuwi na muna tayo.""My Love naman eh.""Come on. Diba susuyuin mo pa ang anak mo.""Oo nga pala. Pero may dadaanan muna tayo.""Saan?""Bibili ako ng pasalubong sa dalawa. Tiyak magugustuhan nila." Ngumiti na ako.Humalik muna ako sa kanya bago k
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Welcome Dr. Francisco." Nakangiti pang pagbati sa amin ni Doctor Chris ng makapasok kami sa opisina nito.Binitawan ang ballpen na hawak. Tumayo at sinalubong kami."Have a seat. Have a seat." Alok sabay turo ng upuan sa harapan ng lamesa nito."Alejandro told me a while ago na aasahan ko na daw na darating kayo. At hindi nga nagkamali ang lolo mo." Sabi pa nito bago siya binalingan. "Kumusta Mr. Dela Cruz.""Okay lang doc.""Narito ka ba para magpacheck up?""No! Nandito kami para kunin sayo ang record ng ASAWA ko." Ako ang sumagot.Sa totoo lang ayaw ko dito simula ng makilala ko ito. Ito na kasi ang naging doctor ng lolo sa lahat maliban sa akin"Oh! Asawa? You mean?""Kasasabi mo lang na nagkausap kayo ng lolo ko kaya huwag ka ng magtaka.""Hindi ko naman basta maibibiggay ang record nitong si Mr. Dela Cruz sayo Dr. Francisco dahil kailangan ko munang idaan da tamang proseso iyon.""Then do it now. Transfer it to the AA Hospital. Ako na ang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Shhh! S-stop crying now." Saka niya ito niyakap ulit. "I love you baby. Mahal ko kayo ng kapatid. At gagawin ko ang lahat para puunan ang panahong hindi niyo ako kasama.""I-i l-love you too papa. Xaviel loves you." At ang mga katagang nakakapag paantig ng puso ko.Lumipas pa ang ilang sandali at tuluyan ng nagpaalam siya kay Xaviel matapos ang naging usapan nila. Agad naman akong tumalima para hindi niya ako makita.Sinundan ko siya ng tunguhin niya ang silid ni Frances.Nakatayo lang siya sa pintuan. Nakaangat ang kamay na gustong kumatok. Pero hindi niya ginawa. Pinihit na lang ang seradura ng pinto at paunti unti iyong binuksan."What are you doing here? Get out. I don't want to see you." Sigaw na narinig ko mula kay Frances.Gusto ko sanang magpakita para suwayin ito pero.."I know. But.. hayaan mo sana akong magpaliwanag.""Hmmp! Get out."Hindi niya pinansin ang pagsigaw nito. Humakbang pa siya palapit dito at hindi na inalintana ang mat
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."I love you, my Love. Mas minamahal pa kita ngayon. Dahil isang napakagandang regalo ang kambal para sa akin galing sayo. Mahal na mahal kita, my Love." Nasa higpit ng mga yakap niya ang sadyang pangungulila niya sa dalawaAt kahit hindi ko nakikita ngayon. Alam ko na tumutulo na naman ang luha niya. Masuyong humahaplos ang palad ko sa likod niya para gumaan gaan naman ang pakiramdam niya.Hindi ko akalain na iiyak siya ng ganito sa harapan ko kapag nalaman na anak nga niya ang kambal.Akala ko. Hindi siya agad maniniwala at marami pang paliwanag ang kailangan kong sabihin para maniwala siya pero.. higit pa sa sobra ang reaksyon niya at naantig ang puso ko sa nakita kong pangungulila sa dalawa."Don't be sad. Mabibigyan pa naman kita. We can have one." Sabi ko na lamang na biglang nakapagpakalas ng yakap niya sa akin.Mas makislap pa sa ningning ng bituin ang kanyang mata na tumitig sa akin. Seryuso. Walang ngiti sa mga labi pero makikita sa mga
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Katahimikan ang namayani sa pagitan namin sa mga lumipas na sandali habang nakatingin lang siya sa akin. Nakahawak sa kamay ko at hindi matapos tapos na hinahalikan ang mga iyon."M-my love.""H-how did you know?"Napansin ko ang paglunok niya."I have a friend. Named Ellise." Panimula niya na sa pagkarinig ko ng pangalang Ellise ay naalala ko na galit pala ako sa kanya. Pero hindi na ako umimik pa at pinatapos ko siyang magsalita. "Asawa ng pinsan kung si Ace si Ellise."Natigilan ako. Asawa? Mean.. maling mali pala ang nasa isip ko kanina. Ako naman ngayon ang napalunok dahil doon."And Ace called me this morning para i check ang kalagayan ni Ellise. At alam mo ba. While I'm checking him. Parehong pareho ang findings ko sayo noon. Na sa isip ko. Posible kayang.. posible ba??? Iyon ang mga nabuo sa utak ko. Dahil hindi iyon kapanipaniwala. And then..si lolo ang una kung naisip.. dahil minsan na kitang pinaimbistigahan pero wala akong magandang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Hey! Hey! Ano bang ginagawa mo?"Nakalimutan ko ang galit ko ng bigla niyang halikan ang tattoo ko. Itinulak ko siya. Ano bang binabalak niya. Kung akala niya madadaan niya ako sa ganito ay nagkakamali siya."My Love."At nandoon na naman ang pagpiyok ng boses niya na ngayon ay nakatingala siya sa akin. Ilang sandali pa ay yumakap siya sa baywang ko habang nakaluhod parin. "M-my love."Tuluyan ng nawala ang pagnanais ko sanang sigaw sigawan siya dahil naramdaman ko na parang nanginginig siya."Tumayo ka nga diyan." Sabi ko at kinakalas ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.Nakalas ko naman iyon pero hindi siya tumayo sa pagkakaluhod bagkus muli niyang tinignan ang tattoo ko at pinasadahan pa ng kamay niya iyon."Paano mo naisip ang ganitong bagay?" Narinig kong mahinang sabi niya. "Kung wala ito. Agad ko sanang nalaman."dagdag pa niya."L-Lancer." Doon na ako kinutuban. Hindi kaya..."My love. I'm so sorry." At muli siyang tumingala s