NATHAN Pov:
Nakatingin ako sa impormasyon na ipinakalap ko tungkol kay Ellise at nagsasabi doon na ordinaryong mamamayan lamang siya at wala ding nakasaad doon kung paano niya nakilala si Lolo. Walang magandang background ang pamilya niya at ang mama niya ay may taning na ang buhay kung hindi ito maoperahan agad. Hindi ko ugali ang manggipit ng tao. Ngunit naiinis ako kay lolo kaya wala akong mapag pipilian. Kaya bago pa man makagawa ng hakbang si lolo ay inunahan ko na siya. Kung akala ni lolo ay maiisahan niya ako ay nagkakamali ito. Hindi ko hahayaan na patuloy niyang manipulahin ang buhay ko. Nasa kailaliman ako ng pag iisip ng tumunog ang red line ng ibabaw ng lamesa ko. “Anong kalokohan na naman ito, lolo?” hindi ko itinago ang pagkairita sa boses ko ng sagutin ang tawag nito. Ang redline ang tumunog kaya hindi ko na kailangang alamin kung sino ang tumatawag dahil si lolo lang naman ang naka konekta doon. “Pinapili naman kita apo. Pakakasalan mo ang babaeng pinili ko para sayo at makukuha mo ang kalahati ng kayamanan ko o hayaan mo na lang. Hindi ko ipagpipilitan na pakasalan mo siya pero ibibigay ko sa iba mong pinsan ang mga negosyong pinaghirapan mo.” Mahabang sabi ni lolo sa kabilang linya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng telepono at nais ko na naman iyon ihagis sa galit ng marinig ko ang nakasaad sa nabasa kong nakasulat sa will nito. “Damn you, lolo. Alam mong hindi ko bibitawan ang mga negosyong ako mismo ang naghihirap.” “Hahaha.” Malutong ng pagtawa pa nito na mas ikinainis ko. “At alam mong nasa paligid lamang ang mga mata ko apo. Kaya wala kang maitatago. At alam ko kung ano ang mga pinaplano mo.” Hindi ako nakaimik at nakasagot. Alam ko iyon na sa bawat kilos ko ay nalalaman nito. At alam ko na ang kasunduan namin ni Ellise ay umabot na din dito. “Bye, bye apo. At alam mong naghihintay ako sa magiging pasya mo.” At bago pa man ako makasagot ay tunog na ng end tone ang narinig ko. Padabog na ibinalik ko ang telepono sa lamesa. Sa dinami dami ng problema ko kay lolo ay naalala ko ang tungkol sa hospital. At isa na naman iyon sa hindi ko nagustuhan kaya naman kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang isa sa pinsan ko na humahawak doon. “Napatawag ka?” Seryoso ang tono na pagsagot ni Lancer. “Ano ang nangyayari sa hospital na hawak mo? Kailan pa kailangan na magbayad muna ang pasyente bago ito gamutin?” “Anong ibig mong sabihin? Wala akong patakaran na ganyan sa hospital. Kanino mong nakuha ang balita na iyan?” Sa salita nito ay alam ko nang wala itong alam pero hindi pa rin iyon maitatanggi na bamabaluktok ang pagpapatakbo ng hospital. “Wait! Pinahawak ko kay papa ang pamamahala ng hospital. Aalamin ko ngayon din. Ako na ang bahala doon.” “Siguraduhin mo lang na maayos mo iyan. Dahil alam mong hindi ko palalampasin ang papa mo kung malaman kong may anomalya na sa pamamalakad niya.” Hindi ko na hinintay na makasagot ito at binabaan ko na ng tawag. Naikuyom ko na naman ang palad ko ng masulyapan ang kontrata na pinirmahan ni Ellise kanina. “Tsk! Anong gayuma ang ipinainum mo kay lolo at ganun na lang ang kagustuhan nito ikaw ang pakasalan ko.” ….. Matapos ang lunch meeting ay nagtungo ako ng hospital. Hindi lang para alamin ang kalagayan ng mama ni Ellise kundi para pagbalaan ang papa ni Lancer. Pagkarating ko ng hospital ay agad akong nakilala ng halos lahat na nagtatrabaho doon at bumabati kapag nakasalubong ko. Dumeretso ako sa opisina kung nasaan ang papa ni Lancer. Pagkabukas ng pinto ay hindi maitago ang pagkagulat nito ng makita ako. Mabilis na ibinababa ang mga paa na nakapatong pa sa ibabaw ng lamesa. “Nathan… Pamangkin.. Ano ang nagdala sayo at bakit ka nandito?” Nakangiti pa itong tumayo at lumapit sa akin. “Maupo ka? Anong kailangan mo?” Seryoso at mapagbanta ang naging tingin ko dito at hindi na din ako umupo. “Masyado ka yatang nag eenjoy, tito. At paupo-upo ka lang dito.” “Anong ibig mong sabihin?” “Alam mo kung ano ang pakay ko kaya ako nandito, tito. At alam ko na sinabihan ka na ni Lancer tungkol doon.” “G-ganito kasi iyon pamangkin.. Medyo palubog na kasi ang hospital at walang masyadong kita kaya…” “The hell I care, tito. Alam mo kung ano ang patakaran ng hospital na ito pero ang lakas ng loob mong baguhin iyon. Isa itong hospital para sa mahihirap at hindi para magpayaman ka lang.” “Tito mo parin ako kaya ayusin mo ang pananalita mo…” “Tito? Hindi kita kadugo. Ang asawa mo lang ang kinikilala kong kadugo sa inyong dalawa. Kaya ayusin mo ang kilos mo, Tito Damian.” May diin sa salita ko ang pagbanggit ko sa pangalan nito. “Kung hinahayaan ka ni lolo at hindi pinapansin sa mga kalukuhan na pinaggagawa mo sa hospital na ito… ibahin mo ako. Dahil kahit na anong oras ay babawiin ko sa inyo ang pamamalakad dito. Tandaan mo ito tito Damian, mawawala sayo ang karangyaan na tinatamasa mo isang salita ko lang.” Nakatingin lang ito sa akin. Na parang gusto pang magsalita dahil nakabula ang bibig nito saka ititiklop din. “Isa lamang iyan paalala, tito. Rest well. And be good.” Hindi ko na ito hinintay na makasagot. Tumalikod na ako. Ngunit muli akong tumigil sa paglabas ng nasa pinto na ako. Hindi ako lumingon pero nag iwan pa ako ng ilang salita. “Ang lamesa ay patungan ng malilinis na bagay, hindi patungan ng marurumi mong mga paa.” Pagkasabi iyon ay tuluyan na akong lumabas. Sa paglabas ko ay nagpasya na akong puntahan ang ward ng mama ni Ellise para tignan lang ito hindi para kumustahin. Nasa tapat na akong ng ward. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may bumukas nun mula sa loob. Dahil sa nakaangat ang kamay ko na hahawak sana sa door knob ay hindi ko na naiwas at dumapo mismo iyon sa kung sino ang nagbukas ng pinto. Napatingin pa ako mismo sa kung saan dumapo ang kamay ko. Parang may isip pa ang palad ko at bahagya iyon kumilos para damahin ang lambot na nakapa ko. Saka tumaas ang tingin ko. Si Ellise. Na nanlalaki ang mga mata niya na palipat lipat ang tingin sa akin at sa kamay kong nasa dibdib niya. Nang makahuma ako ay mabilis kong binawi ang kamay ko na para bang napaso. “Y-you… sir Nathan.” Iyon ang lumabas sa bibig niya saka pinagsalikop ang kamay sa harap para itago ang dibdib niya kung saan pumatong ang kamay ko. Taas ang nuo ko na hindi sinalubong ang tingin niya. Hindi ko naman sinasadya iyon.. Hindi ko naman alam na bubukas ang pinto mula sa loob. “Gusto ko lang tingnan kung maayos na eschedule para sa operasyon ng iyon mama.” Sabi ko para mawala ang kakaibang tensyon na nabuo sa pagitan namin dahil sa aksidenteng pagkakahawak ko sa kanyang… Naipilig ang ulo ko. Ngunit hindi ko mapigilan na paulit ulit na itiklop ang palad ko na nakalagay sa likod ko. Hindi ko na siya hinintay na muling makapagsalita. Nilagpasan siya at pumasok na ako sa loob. Iniwan ko siyang nakatayo lang sa bungad ng pinto na hindi pa rin makabawi sa kabiglaan. “Sino ka naman, hijo?” Tanong ng mama ni Ellise ng makita ako. Sasagot na sana ako ngunit pumagitna siya at siya na ang sumagot sa tanong ng mama niya. “Siya po ang boss ko, mama. At siya ang tumulong sa akin para sa operasyon niyo.” Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Naisip ko pa kanina kung itatanggi ba niya na ako ang nagbigay sa kanya ng malaking halaga. “Talaga! Naku, maraming salamat naman hijo. Nag aalala kasi ako sa anak ko dahil ang akala ko ay kung saan na lang niya kinuha ang perang pinang bayad sa hospital.” “Sinabi ko naman sa inyo mama. Na hindi ako gagawa ng bagay na makakasama sa akin. At lalong hindi ako gagamit ng pera na galing sa hindi magandang paraan.” Mas lumalim ang naging titig ko sa kanya nang makita ko ang bahagya niyang ngiti habang nagpapaliwanag sa kanyang mama. Ang ngiti iyon ay bumagay na maganda at maamo niyang mukha. “Sir Nathan, kailangan ni mama na magpahinga na. Kaya kung maari…” Kunot ang noo ko ng makuha ang ibig niyang sabihin. Pinapaalis na niya ako wala pa man akong nasasabi. “Aba’t…” “Sir Nathan.” Taas pa ang isang kilay niya na pinigilan pa ako sa sasabihin ko. Kuyom na naman ang mga palad ko na hindi na sumagot pa. Pagtungo na lang ng ulo ko ang ginawa ko ng tumingin sa mama niya bago tumalikod. “Follow me.” Mahina pero may diing utos ko sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang ikinilos niya.THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Hindi ko agad pinaandar ang kotse ng makasakay kami. Tumingin ako sa kanya. Saka walang pag aalinlangan na yumakap ako."I love you. I love you so much my love. This is a blessing for us." Sabi ko sa kanya habang yakap yapak ko parin siya."I love you too." At tinugon niya ang yakap ko. Dumampi ang labi ko sa nuo niya."Hindi ko alam kung saan ko isisilid ang sayang nararamdaman ko my Love. Ang saya ko talaga sa kaalamang nabigyan mo ako ng anak at mabibigyan mo pa ako sa susunod. Thank you so much my Love.""Ehh!" Sabay pahid ng pisngi ko."Tears of joy. I love you. I really do." Tumango siya. Sapo ang pisngi ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko."I love you too. Pero bago pa tayo magdramahan ulit. Umuwi na muna tayo.""My Love naman eh.""Come on. Diba susuyuin mo pa ang anak mo.""Oo nga pala. Pero may dadaanan muna tayo.""Saan?""Bibili ako ng pasalubong sa dalawa. Tiyak magugustuhan nila." Ngumiti na ako.Humalik muna ako sa kanya bago k
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Welcome Dr. Francisco." Nakangiti pang pagbati sa amin ni Doctor Chris ng makapasok kami sa opisina nito.Binitawan ang ballpen na hawak. Tumayo at sinalubong kami."Have a seat. Have a seat." Alok sabay turo ng upuan sa harapan ng lamesa nito."Alejandro told me a while ago na aasahan ko na daw na darating kayo. At hindi nga nagkamali ang lolo mo." Sabi pa nito bago siya binalingan. "Kumusta Mr. Dela Cruz.""Okay lang doc.""Narito ka ba para magpacheck up?""No! Nandito kami para kunin sayo ang record ng ASAWA ko." Ako ang sumagot.Sa totoo lang ayaw ko dito simula ng makilala ko ito. Ito na kasi ang naging doctor ng lolo sa lahat maliban sa akin"Oh! Asawa? You mean?""Kasasabi mo lang na nagkausap kayo ng lolo ko kaya huwag ka ng magtaka.""Hindi ko naman basta maibibiggay ang record nitong si Mr. Dela Cruz sayo Dr. Francisco dahil kailangan ko munang idaan da tamang proseso iyon.""Then do it now. Transfer it to the AA Hospital. Ako na ang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Shhh! S-stop crying now." Saka niya ito niyakap ulit. "I love you baby. Mahal ko kayo ng kapatid. At gagawin ko ang lahat para puunan ang panahong hindi niyo ako kasama.""I-i l-love you too papa. Xaviel loves you." At ang mga katagang nakakapag paantig ng puso ko.Lumipas pa ang ilang sandali at tuluyan ng nagpaalam siya kay Xaviel matapos ang naging usapan nila. Agad naman akong tumalima para hindi niya ako makita.Sinundan ko siya ng tunguhin niya ang silid ni Frances.Nakatayo lang siya sa pintuan. Nakaangat ang kamay na gustong kumatok. Pero hindi niya ginawa. Pinihit na lang ang seradura ng pinto at paunti unti iyong binuksan."What are you doing here? Get out. I don't want to see you." Sigaw na narinig ko mula kay Frances.Gusto ko sanang magpakita para suwayin ito pero.."I know. But.. hayaan mo sana akong magpaliwanag.""Hmmp! Get out."Hindi niya pinansin ang pagsigaw nito. Humakbang pa siya palapit dito at hindi na inalintana ang mat
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."I love you, my Love. Mas minamahal pa kita ngayon. Dahil isang napakagandang regalo ang kambal para sa akin galing sayo. Mahal na mahal kita, my Love." Nasa higpit ng mga yakap niya ang sadyang pangungulila niya sa dalawaAt kahit hindi ko nakikita ngayon. Alam ko na tumutulo na naman ang luha niya. Masuyong humahaplos ang palad ko sa likod niya para gumaan gaan naman ang pakiramdam niya.Hindi ko akalain na iiyak siya ng ganito sa harapan ko kapag nalaman na anak nga niya ang kambal.Akala ko. Hindi siya agad maniniwala at marami pang paliwanag ang kailangan kong sabihin para maniwala siya pero.. higit pa sa sobra ang reaksyon niya at naantig ang puso ko sa nakita kong pangungulila sa dalawa."Don't be sad. Mabibigyan pa naman kita. We can have one." Sabi ko na lamang na biglang nakapagpakalas ng yakap niya sa akin.Mas makislap pa sa ningning ng bituin ang kanyang mata na tumitig sa akin. Seryuso. Walang ngiti sa mga labi pero makikita sa mga
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ....Katahimikan ang namayani sa pagitan namin sa mga lumipas na sandali habang nakatingin lang siya sa akin. Nakahawak sa kamay ko at hindi matapos tapos na hinahalikan ang mga iyon."M-my love.""H-how did you know?"Napansin ko ang paglunok niya."I have a friend. Named Ellise." Panimula niya na sa pagkarinig ko ng pangalang Ellise ay naalala ko na galit pala ako sa kanya. Pero hindi na ako umimik pa at pinatapos ko siyang magsalita. "Asawa ng pinsan kung si Ace si Ellise."Natigilan ako. Asawa? Mean.. maling mali pala ang nasa isip ko kanina. Ako naman ngayon ang napalunok dahil doon."And Ace called me this morning para i check ang kalagayan ni Ellise. At alam mo ba. While I'm checking him. Parehong pareho ang findings ko sayo noon. Na sa isip ko. Posible kayang.. posible ba??? Iyon ang mga nabuo sa utak ko. Dahil hindi iyon kapanipaniwala. And then..si lolo ang una kung naisip.. dahil minsan na kitang pinaimbistigahan pero wala akong magandang
THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Hey! Hey! Ano bang ginagawa mo?"Nakalimutan ko ang galit ko ng bigla niyang halikan ang tattoo ko. Itinulak ko siya. Ano bang binabalak niya. Kung akala niya madadaan niya ako sa ganito ay nagkakamali siya."My Love."At nandoon na naman ang pagpiyok ng boses niya na ngayon ay nakatingala siya sa akin. Ilang sandali pa ay yumakap siya sa baywang ko habang nakaluhod parin. "M-my love."Tuluyan ng nawala ang pagnanais ko sanang sigaw sigawan siya dahil naramdaman ko na parang nanginginig siya."Tumayo ka nga diyan." Sabi ko at kinakalas ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.Nakalas ko naman iyon pero hindi siya tumayo sa pagkakaluhod bagkus muli niyang tinignan ang tattoo ko at pinasadahan pa ng kamay niya iyon."Paano mo naisip ang ganitong bagay?" Narinig kong mahinang sabi niya. "Kung wala ito. Agad ko sanang nalaman."dagdag pa niya."L-Lancer." Doon na ako kinutuban. Hindi kaya..."My love. I'm so sorry." At muli siyang tumingala s