Share

CHAPTER 91:

Penulis: Ellise
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 20:34:19

"Good morning, sir." Pagbati sa akin ni Nancy ng makita ako nito na lumabas ng opisina ko. Ganun din si Daniel na tumayo sa kinauupuan nito.

"Good morning, Mr. Francisco."

Casual na bati nito na halata na ayaw yata akong batiin.

But it's none of my business.

"Nasaan ang asawa ko?" Tanong ko kay Nancy.

Halata na nagulat din sa tanong ko na nabahiran ng pag aalala ang mukha.

"Sir, hindi ko po sigurado kung saan sila nagpunta."

"Sila?" Kunot ang noo ko na tanong dito. Sila? At sino naman kasama niya maliban sa Daniel na ito na nandito.

"Kasi dumating po ang mama niyo kani kanina lang at niyayang lumabas ni Madam si ms. Ellise kaya sumama naman ito."

Hindi ko na ako sumagot.

Agad na tinalunton ko ang restaurant sa baba ng kompanya. Marahil ay doon lang siya dinala ni mama. Kailangan kong puntahan sila dahil ayaw ko ng madagdagan pa ang galit ko kay mama na hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa.

Tama nga ako, agad ko silang namataan. Mabilis ang naging hakbang ko para lapitan sila. Napansi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 105:

    Mabilis na lumipas ang mga araw, at ngayon ay mag iisang linggo na kami simula ng makauwi kami dito. At siya na halos ayaw ng mahiwalay kay Nathanr na kung hindi ko pa pipilitin na matulog sa silid ko ay matutulog talaga siya sa tabi nito at siya daw ang magbabantay sa kanya.Nakikita ko sa kanya ang pagkasabik at pangungulila sa anak namin. Walang pagsidlan sa mga araw na halos ayaw na niyang bitawan ang anak namin na gusto niya ay karga na lang niya ito palagi kung hindi lang makakasama talaga para kay Acer.Nakikita ko na mahal na mahal niya ang anak namin at talagang hindi ko nakikita ang dating Nathan na nakilala ko noon. Dahil sa nakikita ko ay bagay na bagay sa kanya ang isang maging tunay na ama. Na maging isang haligi ng pamilya.Masaya akong pinagmamasdan sila. Nakakandong si Acer sa kanya, marahan at masuyong sumu suklay suklay ang mga daliri niya sa buhok nito habang nilalaro ng mga daliri niya ang maliit na kamay din nito.Hindi

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 104:

    Hindi na siya nagsalita ng maisarado ang pintuan ng silid ko. Napasandal siya mismo doon at parang hinihintay na magpaliwanag ako.Tumikhim muna ako bago ako nagkwento. Sinabi ko sa kanya lahat mula sa kaliit liitan na mga detalye ng nangyari sa akin simula ng umalis ako hanggang sa bumalik ako ng Pilipinas."Ang daya mo."Iyon ang unang katagang lumabas sa bibig niya ng matapos ko ng magkwento.Lumapit siya sa akin.Sa bawat hakbang niya ay nandoon na naman ang namumuo niyang luha. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Ibinaon ang mukha sa balikat ko. Narinig ko ang paghikbi niya, naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya."Gusto kong magalit sayo. Pero mas nagagalit ako ngayon kay lolo. Dahil simula pa noong una na naghahanap ako sayo ay hinaharangan niya ang bawat impormasyon na dapat kong malaman. Nagagalit ako sa kanya dahil siya mismo ang nagkait sa akin sa mga sandaling sana ay nasa tabi m

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 103:

    Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko ng tanungin niyang kanya ang baby na kinuha mula sa akin.Napaluha pa ako ng kusang yumakap ang baby namin sa kanya habang siya ay tumutulo na din ang kanyang luha."Dada.""Baby." Naibulong niya at habang karga ang baby namin ay napatingin siya sa akin. "M-mi esposa, tell me. He is mine. Is he?" Muli ay tanong niya sa garalgal na boses.Nakita ko pa na nanginginig ang mga kamay niya na hindi alam kung paano ba hahawakan ang anak namin.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa aking mga lalamunan pero tumango ako bilang sagot ko sa kanya.Sa pagtango ko ay nakita ko ang mas masaganang luha sa kanyang mga mata. Nakita ko ang panginginig ng kanyang labi habang ingat na ingat na dinampian ng halik ang noo nito at mariing napapikit."You are mine, my baby." Sabi niya.Gusto man siguro niyang yakapin ito ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil sa pag aalala na baka m

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 102:

    Binalingan ko na siya, mabilis na tumayo sa pagkakaupo sa kama at lumayo sa akin."Come on, mi esposa." Sabay tapik sa tabi ko."No! Ayusin mo na ang dapat mong ayusin sa pagsama mo sa amin." Kuway sabi niya at hindi na niya ako pinansin.Napailing na lang na ako saka ako na ang tumayo at lumapit sa kanya."Marunong ka na talagang tumanggi, mi esposa. Pero alam mo bang sa pagtatanggi mong iyan ay mas nasasabik ako sayo at kung paano kita mapapa amo, hmmm." Bulong ko ng hawakan ko siya sa baba at kinintalan ng halik sa labi bago pa man siya ulit magreklamo."Kaso mi esposa, hindi ako marunong mag impake ng mga gamit ko." Sabi ko pa ng mailabas ko ang may kalakihang maleta.Hindi ko naman siya kailangan para ayusin ang mga gamit ko. Pero gusto ko lamang na maglambing sa kanya."So, kaya mo ako isinama dito para ako ang mag ayos ng dadalhin mo?"Ngumiti na naman ako.Siya naman ngayon ang napailing sa pag ngiti kong iyon. Kaya naman kumilos na rin siya para tulungan nga niya akong mag ay

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 101:

    "W-walang nagbago."Iyon ang unang lumabas sa bibig niya na makapasok kami ng bahay. Agad na iginala ang paningin sa paligid hanggang sa napatingin siya may bintana."Y-you-.""Hindi ko kailanman pinabayaan ang halamang inaalagaan mo."Pangbibitin ko sa sasabihin niya saka ako lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran."Lahat ng mga bagay na naiwan mo ay nanatili dito sa ating tahanan.""H-hindi mo naman kailangang panatilihin dito ang mga bagay na sa akin. Itinapon mo na lang sana." Kuway sabi niya saka niya ako itinulak para makawala sa pagka kayakap ko sa kanya.Naglakad, nagtungo sa bintana at pinagmasdan ang mga halaman niya na nanatiling maganda pa rin ang mga dahon."Para mo na rin sinabi na kapag tinapon ko ang mga bagay na may kaugnay sayo ay kalimutan na kita at balewalain na lang ang pagmamahal ko sayo, mi esposa."Tumaas ang mga kamay niya at masuyong pinasadahan ng palad niya ang mga iyon."Let's not talk about the past." Kuway sabi niya at humarap sa akin. "Kung g

  • The Chosen Wife Of The Billionaire   CHAPTER 100:

    "Hindi mo na pala ako kailangan dito kung ganun?""Hindi naman sa ganun, pero salamat talaga sa pagsama sa akin. Akala ko kasi talaga ay wala ng bisa ang kasal naming dalawa." muli ay paliwanag ko sa kanya."Atleast hindi mo na kailangan ng maraming proseso sa pag aanalisa ng mga dapat makuha mo sa mamanahin mo. Matutupad pa ang kahilingan ng yumao mong lolo dahil patuloy na magsasanib ang yaman ng dalawang pamilya.""Kaya nga. Kailangan ko na lang patunayan ang mga bagay bagay tungkol sa pag amin niya sa akin.""Iyon naman ang hinihintay mo di’ba? Saka, hindi naman siya magseselos sa akin kung hindi totoo ang nararamdaman niya. Ramdam ko naman na hindi lang basta pride niya yon kaya niya nagawang makipag away sa akin sa pag aakalang ako pa ang aagaw sayo sa kanya.""Yeah! Umaasa ako na sana totoo ang lahat ng iyon."Marami pa kaming napag usapan ni Daniel ng bigla na lang siyang pumasok."Matagal pa ba ang pag uusap niyo?" Kunot ang noo niyang tanong ng makalapit na siya sa amin."Ta

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status