Home / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Fifty-five: Deklarasyon

Share

Chapter Fifty-five: Deklarasyon

last update Last Updated: 2025-08-02 14:03:22

Batid ni Deborah na may mga nilalang na nagmamasid sa kaniya sa Jealous river. Hindi man niya mawari kung ano ang pakay ng mga ito sa pagmamanman sa kaniya ngunit malakas ang kutob niyang hindi sila mga taga-Guzen.

"Hindi kaya't nagmamanman na naman ang mga werewolf sa bansang ito?" pakiwari niya na napabuntong-hininga nang marating ang harapan ng palasyo ni Prinsesa Nini. "Nasaan ka na ba Arahab? Ikaw lamang ang napagsasabihan ko ng mga ganitong isipin."

Sa pagpasok ni Deborah sa palasyo ni Prinsesa Nini ay abalang-abala ang mga tagapaglingkod dahil sa nakatakdang pagpunta ng ilan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Prinsipe Jeto.

"Natitiyak kong si Prinsesa Nini na ang napupusuan ni Prinsipe Jeto upang mapangasawa, Harvan." Narinig niyang hula ni Lexie.

Nais niya sanang batiin si Lexie at ang ilan sa mga tagapaglingkod ngunit tinawag siya ni Zillah. "Mabuti at dumating ka na, Deborah."

"Paumanhin kong natagalan ako nang bahagya, Zillah. Medyo marami-rami kasi ang pinalabhan sa akin ngayon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Chosen Wife   Chapter Sixty-one: Pagtalikod at Pagluha

    Matapos makipag-usap ni Deborah kay Arahab sa hardin ay pumasok na sila sa pasilyo ng palasyo.Laking gulat niya nang maratnan nila ni Arahab si Prinsesa Nini at si Haring Yusef.Napatitig siya sa hari. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata'y agad niyang binawi ang tingin dito."Naririyan po pala kayo, Prinsesa Nini at mahal na hari," pasimulang bati ni Arahab sa dalawa."Oo, Prinsesa Anarah. Sa katunayan ay naririto kasama namin si Prinsipe Lamech kanina lamang." Nakangiting pag-sang-ayon ng prinsesa."Ganoon ba, mahal na prinsesa?""Siyang tunay, Prinsesa Anarah. Ngunit hinihintay ka na niya ngayon sa inyong karwahe." Sagot nito.Nagtinginan sila ng kaibigan bago ito muling bumaling sa prinsesa. "Kung gayon, ako'y magpapaalam na, mahal na Prinsesa Nini at mahal na Haring Yusef.""Samahan na kita palabas ng palasyo, Prinsesa Anarah. Hindi pa tayo nakakapagkuwentuhan mula kanina." Wika ni Prinsesa Nini."S-samahan ko na po kayo sa paghahatid sa aking kapatid, P-prinsesa Nini," nat

  • The Chosen Wife   Chapter Sixty: Pag-uusap

    Kahit nakatabi ni Prinsesa Nini si Haring Yusef sa pagkain, hindi sila masyadong nakapag-usap nito. Pareho silang naabala ng mga tanong nina Haring Chezedek, Reyna Qinlan, at Inang Reyna Purisima sa kanila. Tila ba ang mga ito ang mag-iisang-dibdib at hindi sila ng hari.Kaya nang matapos ang kanilang sabay-sabay na pagkain ay hinanap niya agad si Haring Yusef. Nais niya itong makausap nang masinsinan tungkol dito at kay Deborah.May nakapagsabi sa kaniya na nakita raw itong kausap si Prinsipe Lamech sa pasilyo malapit sa hardin. Doon niya nga namataan ang mga ito."Mahal na Haring Yusef." pukaw niya sa pansin nito.Lumingon naman ito at ang kapatid nitong prinsipe sa kaniya."Maaari po ba tayong mag-usap?" tanong niya.Nagkatinginan ang dalawa."Mauna na muna ako, Younger Brother. Sa labas ko na lamang hihintayin ang aking asawa." Paalam naman dito ni Prinsipe Lamech."Maraming salamat sa inyong pagpunta ni Prinsesa Anarah, Older Brother." Pagpapasalamat dito ng hari."Paalam, Prins

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-nine: Palihim na Tinatanaw

    Naganap ang salo-salo ng dalawang pamilya sa palasyo ng prinsesa.Gayak na gayak ang mga asawa ng mga kapatid na prinsipe ng hari. Hindi nagpatalo si Arahab sa mga prinsesa pagdating sa kasuotan.Naglagay siya ng mga palamuti na bumagay sa kaniyang wangis. Tiniyak niyang aangat ang kaniyang postura sa lahat."Napakaganda mo, Prinsesa Anarah," puri sa kaniya ng asawang si Prinsipe Lamech.Itinaas niya ang mukha at ngumiti rito. "Salamat, Prinsipe Lamech. Sinisikap ko talaga na maging maganda sa iyong paningin."Napangiti ito sa sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang siya ay alalayan.Habang naglalakad papasok sa palasyo ni Prinsesa Nini ay nakasalubong nila sina Harvan at Lexie."Pagbati, mahal na Prinsipe Lamech at Prinsesa Anarah!" bati sa kanila ng dalawa.Lumapit siya nang bahagya kay Harvan at bumulong, "Harvan, hindi ba't napakaganda ko sa kasuotang ito?"Bumulong din sa kaniya ang dating kasamahan. "Kahit ano pa ang iyong kasuotan ay tunay na ikaw ay maganda, Prinsesa Anarah

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-eight: Bagong Pangalan

    Dahil inihalal na ni Haring Yusef si Prinsesa Nini bilang kabiyak nito, maraming pagbabago ang magaganap sa kaniyang palasyo.Hindi na niya kailangang dumalo sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Kaya naman ang paghahanda ng mga tagapaglingkod sa pagpunta niya ng Way Kingdom ay naudlot. Mas naging abala na ang lahat sa pagbisita ng pamilya ni Haring Yusef sa palasyo niya."Dalian mo riyan, Harvan, kailangang maikabit na ang mga palace curtain bago ang pagsapit ng evening hour." Paalala rito ni Lexie na abala sa pamumuno ng pag-aayos ng mga palamuti."Hindi ba't si Deborah ang nagpapalit ng mga ito? Bakit ako ang iyong nautusan sa ganitong gawain?" pagtataka naman ni Harvan."May ibang gawaing ibinigay si Zillah sa kaniya." Wika ni Lexie.Si Deborah ay kasalukuyang nagsasalita sa pagpupulong ng mga palace guard at royal guards. Kahit isa siyang tagapaglingkod, may posisyon rin siya sa pangangalaga ng kaayusan sa palasyo. Kaagapay iyon ng pagtataas ng kaniyang antas

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-seven: Hindi Inaasahang Panauhin

    Nang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga mata upang damhin ang pagkakayapos nito.Hinagod niya ito sa buhok."Natutuwa akong makita kang muli, Mama." Nakangiti niyang sambit nang bumitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa."Ibang-iba na ang iyong wangis, anak. Kamukhang-kamukha ka na ng papa mo." Namamanghang reaksyon nito na hawak ang mukha niya."Hindi na ako nakakapag-ahit ng balahibo rito, Mama. Kumakain na rin ako ng mga hilaw na nilalang." Kuwento niya.Lumapit sa kanila si Ziporrah. "Labis ang hinagpis ni Tiya sa iyong pag-alis, Ram Luiz."Nilingon niya ito upang pasalamatan, "Salamat sa pagsama sa kaniya rito, Ziporrah."Nagtinginan sina Loisa, Hanri at Severus. Pakiwari nila ay may kung anong damdamin ang mayroon sa pagitan

  • The Chosen Wife   Chapter Fifty-six: Pagkikita at Pagkasabik

    Nakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mga Qanna flower na iyon. Tingnan niyo!" malugod niyang paanyaya.Bahagyang sumilip si Josebeth sa bintana ng karwahe. Napangiti ito at yumuko."Bakit po?" pagtataka niya sapagkat kaniyang napunang natatawa ito."Wala naman, mahal na prinsesa," pagtutuwid nito na muling tumingin sa kaniya. "Labis ang aking katuwaan na hindi ka pa rin nagbabago kahit ikaw ay nasa wastong gulang na.""Paano pong hindi nagbabago? Makulit pa rin po ba ako tulad nang ako'y musmos pa?"Napahagikgik si Josebeth sa tanong niya. "Hindi ganoon, Prinsesa. Nais ko lamang ipabatid na mahilig ka pa rin sa magagandang bagay na nakikita mo sa paligid."Napatango siya na kahit paano ay nauunawaan na ang iwinika nito.Nang magb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status