/ Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Seventy-seven: Ang Laman Ng Pangitain

공유

Chapter Seventy-seven: Ang Laman Ng Pangitain

last update 최신 업데이트: 2025-11-12 21:20:14

Dahil abala si Hulda sa pagpapakain sa kanilang inang si Linosa ay nagkaroon ng pagkakataon si Hannah na kausapin si Hadassa.

Nagtungo si Hannah sa silid nito upang usisain tungkol sa isang usapin.

"Youngest sister!" nagtatakang reaksyon ni Hadassa nang pumasok siya sa silid nito. "Bakit nagawi ka sa aking silid?"

"May itatanong lamang sana ako sa iyo, big sister." Panimula niya.

"Ano iyon?"

"Hindi ba at nagkaroon kang muli ng pangitain noong nakaraan? Kilala mo na ba kung sino ang nasa iyong pangitain, big sister?" tahasan niyang tanong.

"Oo ngunit paano mo nalaman na muli akong nagkaroon ng pangitain?" usisa nito.

Napakamot siya sa noo. "Ipagpaumanhin mo, big sister, narinig ko kasi ang pag-uusap ninyo ni eldest sister noong mapadaan ako sa silid na ito."

Umiling si Hadassa. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam, youngest sister."

"Big sister, ano kaya kung gamitin ko ang batong Crisante upang makita natin ang mga lugar na nakita mo sa iyong pangitain? Hindi ba at hindi ka pamily
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Chosen Wife   Chapter Ninety: Nagbabadyang Pagpanaw

    Ilang sandali ring naghintay si Prinsipe Jeto sa palasyo ni Haring Yusef. Mahalaga ang usaping ibabahagi niya sa mga hari kaya minabuti niyang manatili kahit hindi niya tiyak ang panahon ng pagdating nina Haring Yusef."Prinsipe Jeto, ang mahal na Haring Yusef at si Haring Chezedek ay dumating na." Narinig niyang sambit ng eunuch na si Jano.Ibinaba niya ang tasa ng iniinom na asul na likido at tumayo.Hindi nagtagal ay nakita na niya ang dalawang hari. Yumuko siya bilang pagbibigay-pugay. "Pagpalain kayo ni Lord Father Adonai, Haring Yusef at Haring Chezedek!" bati niya."Prinsipe Jeto," tuwang sagot ni Haring Yusef, "ako ay nagagalak na napunta ka rito sa Light Kingdom.""Ikinalulungkot naming malaman na may iniindang karamdaman si Jehu," umiiling na sambit naman ni Haring Chezedek."Ikinalulugod kong kayo ay makita kong muli mga minamahal na kapwa-hari ng aking ama. Ako ay pinapunta niya rito upang ipabatid ang kaniyang simpatya sa nangyari sa ating mga kalahi sa Living Water Kingd

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-nine: Ang Tagapaglingkod Na Si Harvan

    Nalaman ni Reyna Milcah na nagtungo ang kaniyang amang hari sa palasyo ni Haring Yusef kaya siya ay nagpahatid doon upang makita ito. Ang second ranked attendant niyang si Harvan ang tanging isinama niya."Mabuti at naririto ang amang hari sa Light Kingdom, Harvan. Nais ko sanang dalawin sila ni mama sa Truth Kingdom." Tuwang pagbabahagi ni Reyna Milcah nang papasok sila ng palasyo."Siya nga, Reyna Milcah," nakangiting pagsang-ayon naman ni Harvan."Sana lamang ay maabutan pa natin siya." Pagbabakasali niya.Nakabukas na ang tarangkahan ng palasyo at sinalubong sila ng isang eunuch. "Pagbati po, mahal na Reyna Milcah!""Eunuch Jano!" pagtataka niya. "Nakabukas na ang tarangkahan ng palasyo, umalis ba ang mahal na hari?""Oo, mahal na reyna," pagsang-ayon nito. "Sa katunayan ay kaaalis lamang nila ng mahal na Haring Chezedek."Nakaramdam siya ng panghihinayang. "Ganoon pala. Nagpunta kasi kami rito sapagkat nagbabakasakali ako na maaabutan namin ang amang hari.""Ipagpaumanhin po niny

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-eight: Si Prinsipe Jeto

    Nabagabag si Datu Nebunizar dahil sa werewolf na napuna ni Deborah na nagmamanman sa Edoma Forest. Inaalala niya na marahil ay marami nang nakalap na impormasyon ang espiya tungkol sa mga miyembro ng kanilang werewolf clan."Armida!" tawag niya sa babaylan nang dumating ito."Ano po iyon, mahal na datu?""May bagong pangitain ka na ba tungkol sa aking apo at sa infected werewolf?""Mahal datu, pigilan man nating mangyari ang mga kapahamakang maaaring sapitin nina Adult Ram Luiz at ni Binibining Deborah ay hindi tayo magtatagumpay.""Kung ganoon pa rin ang iyong nakikita, kailangan ko nang ipaalam sa kanilang dalawa ang totoo."*****"Binibining Deborah," tawag kay Deborah ni Carlos.Napatingin siya rito."Adult Ram Luiz," pagbati pa nito kay Ram Luiz."Ano iyon, Carlos?""Adult, mabuti at naririto pa si Binibining Deborah. Siya at ikaw ay pinatatawag ng mahal na datu."Nagtinginan sila ni Ram Luiz sa isa't isa.Labis ang kaniyang pagtataka sapagkat noon pa man ay hindi siya pinatatawa

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-seven: Espiya sa Edoma

    Dahil gumaling na si Ram Luiz ay nakapagdesisyon na si Deborah. Magtutungo na siya sa Gypto upang tumulong sa kaniyang witch clan at sorcerer clan."Maraming salamat sa pag-aalaga mo, aking binibini. Ikaw ang dahilan ng mabilis na paggaling ko." Pasasalamat sa kaniya ni Ram Luiz habang inihahatid siya.Nagtinginan naman sina Sharina at Loisa na pinipigilang mapangiti dahil sa sinabi ni Ram Luiz."Walang ano man iyon, Ram Luiz. Sayang naman ang mga natutuhan ko sa paggawa ng healing ointment kung hindi ko magagamit." Nakangiting tugon ni Deborah habang naglalakad."Naging napakasaya ko sa iyong pananatili rito sa Edoma Forest. Nakalulungkot lamang na tayo ay maghihiwalay na."Tila nasamid si Loisa nang marinig ang mga katagang sinabi ni Ram Luiz kay Deborah. Si Sharina naman ay nagpipigil ng tawa. Napupuna ng magkapatid na tila nagpapahiwatig na kay Deborah ng kung ano ang binata."Naging mainit ang pagtanggap niyo sa akin kahit hindi naman ako kabilang sa inyong werewolf clan, Ram Lui

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-six: Pag-asa at Kumpyansa

    Nakaupo ang datu na si Xandro sa trono nito nang lumapit dito ang isa sa mga Adono ng kanilang werewolf clan."Mahal na datu," bumulong ito sa datu. "Ang espiyang si Wano ay may iuulat sa inyo."Tumango ang datu at nag-utos, "Palapitin siya sa akin."Nang tumayo si Wano sa harapan nito ay ipinag-utos nitong magsialis muna ang mga werewolf na nasa paligid nito.Ang espiyang si Wano ay nakayuko at nakaluhod bilang pagbibigay-galang kay Xandro."Iangat mo ang iyong ulo. Ikaw raw ay may iuulat, tama ba?" tanong nito sa espiya.Sumang-ayon naman ang espiya. "Opo, aming datu. Ako ay nanggaling na ng Edoma Forest. Sa aking pagmamatyag ay nalaman ko na may hindi purong werewolf na naman ang napadpad sa kanila."Habang nakikipag-usap ito sa espiya ay parating naman ang kapatid nitong si Victoria.Tahimik lamang si Victoria habang humakbang at inoobserbahan ang kanilang pag-uusap."Naririto na naman ang espiya ni Xandro. Ano na naman bang iuulat nito?" pagtatanong niya sa sarili."Isa na naman

  • The Chosen Wife   Chapter Eighty-five: Paglipas ng Panahon

    Labis na nababahala si Datu Nebunizar sa pangitaing ibinahagi ng babaylan patungkol kina Ram Luiz at Deborah.Dahil hindi pa lubos na maunawaan ni Armida ang naging pangitain nito, wala pa siyang desisyon kung pakikiusapan niya si Deborah na manatili sa Edoma Forest o hindi.Malaking tulong si Deborah sa kanilang werewolf clan ngunit nangangamba siya na kapag nalapit ang loob dito ni Ram Luiz ay maaaring matupad ang pangitain ni Armida na parehong mamamat*y ang dalawa.Upang maliwanagan ang kaniyang kaisipan ay muli niyang ipinatawag ang babaylan."Tawagin ninyo si Armida ngayon din!"*****Si Anarah naman ay mag-isang naglalakad sa kalagitnaan ng madilim na daan. Isa ito sa parte ng Gypto na mapanganib para sa mga witch na tulad niya ngunit pinili niyang magdaan sa naturang lugar upang mapag-isa.Napapaisip siya kung paanong tuluyan nang mapatigil ang vampire clan nina Edwardo at Belinda sa pagsalakay sa kanilang bansa."Kung naririto lang sana si eldest sister ay maaring nagtagumpay

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status